Chapter 1

MAG-ASAWA sina Sven at Kiera Amore for two years already. Meron siyang anak na eight years old na. Sven became a father at the age of 20 years old. That time, 19 years old naman si Kiera Amore.

Dahil bata pa sila, hindi muna pinayagan na magpakasal sila dahil kailangan munang tapusin ang studies. Now, they are living in Switzerland and building a family.

"Lagi mong isipin ang kaligayahan mo, Sven. I will always be here for you no matter what. Tingin ka lang sa langit at kausapin ako," sabi ni Kiera Amore sa kanyang asawa na si Sven.

Nagulat si Sven dahil sa sinabi ng kanyang asawa. They are now here in the hospital dahil may breast cancer si Kiera Amore. They are fighting this battle for almost 6 months.

"A-anong sinasabi mo dyan? Hindi mangyayari iyon, Khae. We will both fight. Iyon ang pinangako mo sa akin hindi ba?" naka-upo si Sven habang hawak-hawak ang kamay ni Kiera Amore.

"Akala ko din, kaya kong labanan Sven. Akala ko, hindi ako kakainin ng breast cancer. Pero, nakikita mo ba ang itsura ng asawa mo ngayon? Anong nakikita mo?" mahina na sagot ni Kiera Amore.

"I can see a fighter. I can see the woman I want to live for the rest of my life," Sven said then smiled.

"We both know na hindi ko na kaya, Sven. Kalbo na ako, mahina, at payat. I've been through a lot," malungkot si Kiera Amore pero ngumiti pa rin siya kay Sven.

"Pero, paano si KC? Paano ang anak natin?"

"I can see that you really love Kira Cyrille. Alam kong kaya mong maging tatay at nanay sa kanya," sagot naman ni Kiera sa asawa.

"We both know na hindi ko kaya, Khae. We both promised Lord God about this. We are building a family, right?" there's hope in Sven's eyes.

"If you can't handle KC, you can marry another woman. Iyong tanggap kayo ng anak ko. I know, someone out there is waiting for you. Hindi ako ang nakalaan para makasama mo habang-buhay, Sven," malungkot niyang sabi.

"What? Pinamimigay mo na ako sa iba? Ikaw ang mahal ko, alam mo 'yan," may inis sa boses ni Sven habang sinasabi niya iyon.

"Oo, alam ko. Mahal mo pa rin ako ngayon at sa oras na mawala ako ay masasaktan kita. Kaya kailangan mo nang kasama sa mga araw na wala na ako sa tabi mo," she said as if it's not that hard to accept.

"Bakit ka ba nabitaw? Bakit mo ba sinasabi sa akin na hindi mo na kaya? Khae, hindi ako nagpunta rito sa ospital para mawala ka sa akin. Pumunta tayo dito sa ospital para gumaling ka," sagot ni Sven.

Mahinang tumawa si Kiera Amore bago sumagot sa kanyang asawa.

"But that is not the goal of the Lord. Ipaubaya mo na ako sa Diyos. Pagod na ako, Sven. I had so much, hindi na cancer ang papatay sa akin kundi ikaw na. Ayaw kong manatili dito para sayo pero ang katawan ko'y parang patay na."

"Can you give me more time, my love? Ihahanda ko lang ang sarili ko sa mangyayari. Ihahanda ko lang ang anak natin sa bagay na iyan," hiling pa ni Sven.

"Makakaya mo pa bang makita ang mga araw na hinang-hina na ako? Makakaya mo pa bang alagaan ang katulad ko? Sven, my days are over. Mukhang hinihintay ko na nga lang na matanggap mo ang katotohanan," naiinis na si Kiera Amore sa asawa.

"Can you blame me? Mahal kita, sino ang asawa na hindi gugustuhin na mabuhay ang kanyang kabiyak?" umiiyak na si Sven ngayon habang hawak ang kamay ng kanyang asawa.

"Kung mahal mo ko, Sven. Palayain mo na ako sa sakit," hiling ni Kiera Amore.

"Hindi na ba pwedeng magbago ang isip mo, mahal ko? Please naman oh, huwag ngayon. Kayanin mo pa, para sa anak natin. Kailangan ka niya, kailangan ka namin," nagmamakaawa pa si Sven.

"Pero alam mo ang kailangan ko? Kailangan ko nang umalis," sabi naman ni Khae.

"No, hindi ako papayag!" galit na si Sven.

"Promise me, uuwi kayo ng Pilipinas ni KC at iiwan niyo ako sa mga magulang ko. Forget me. Bata pa naman si KC, may panahon pa para hindi niya ako maalala," sinasabi ni Kiera Amore ang mga bagay na iyon na parang tinatapon niya lang ang mag-ama niya.

"Do you think I can really do that? Ikaw ang nanay ng anak ko. Ikaw lang ang may karapatan na tawagin niyang ina!" nasigaw na si Sven.

"I really don't know, Sven. Ikaw na ang bahalang gumawa ng paraan para hindi ako maalala ni KC. Please? Ayaw kong maranasan niya ang umiyak dahil nawalan siya ng ina," pagmamakaawa ni Kiera Amore.

"We can be a family nang walang nawawala. You are being so negative," sabi naman ni Sven.

"Talaga ba? Can't you see what I'm in right now? I'm in deep pain, Sven. Do you think matatanggap ko na ganito ang itsura ng ina ni KC? Of course not! I want KC to have a mother. A capable one!" ngayon na iiyak na sa galit si Kiera Amore.

Hindi na nagsalita si Sven, alam niyang wala na siyang laban sa asawa. Buong-buo na nga siguro ang desisyon nito. Lumabas siya saglit para maka-ihip ng hangin. He even lighted a cigarette to ease the tension.

Iniisip niya ang mga bagay na sinabi ng asawa niya sa kanya. Paano na ang buhay nila kapag wala na si Kiera Amore? Makakayanan ba niya ang lahat ng hiling ng asawa niya?

Pabalik na si Sven para tingnan ulit ang asawa nang biglang sinalubong siya ng mga doctor. Agad na pumunta siya sa kwarto ng asawa.

Halos napaluhod siya sa kanyang nakita. Umiiyak ang parents ni Kiera Amore habang hawak-hawak ang kamay nito.

"Ang anak ko, wala na ang anak ko!" sigaw ng mommy ni Kiera Amore.

Ang daddy naman niya ay nasa likod lang ng asawa, pilit itong pinapakalma. Lalapit sana si Sven pero galit nag alit ang mommy ni Kiera Amore.

"Patay na siya, masaya ka na? Hindi mo naman minahal ang anak ko, di ba?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top