027

C O M F O R T I N G     T O U C H

TWO DAYS had passed but sadly Blade's condition didn't improved. He has been on edge lately na konting pagkakamali ay matri-trigger agad siya at magkakaroon ng outburst. Almost everything triggers him! The sound of chirping birds, the beeping sound of the microwave, the lights in the living room, and even the sound of my footsteps.

Malalim akong bunmuntong hininga sa huling dahilan. He has been so irritable and I was overthinking whether it's about sa nangyari... Sa sandaling moment na nangyari na iyon...

Agad akong pinamulahan sa ala-ala pero umiling ako at binalik ang atensyon sa plastic organizer box na hawak. Tinitigan ko ito. Transparent ito at kita ang mga small medicine bottles sa loob. Kumuha ako ng apat na pills at dalawang tablets para mainom na ni Blade. Pero hindi ko maalis ang tingin ko dito dahil may tila bumabagabag sa damdamin ko habang nakatitig dito.

It's the same medicines that Blade always take kahit noong nasa hospital pa siya pero bakit hindi maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko?

Noon ko pa naramdaman ito nung unang araw ko dito at natagpuan ko ang container na ito sa kitchen. Pero agad din nawala ang pakiramdaman kong iyon dahil nabaling iyon kay Blade. Pero ngayon na may mas chance na akong suriin ito ay hindi ko magawang ibaliwala pa.

Dalawang red and white pills...

Isang green and yellow pill...

Isang purple and white pill...

At dalawang white circle tablets...

Mas tinapat ko ang tablets sa ilaw at doon ako nab-bother. This used to be yellowish white right? Kahit medyo dim sa room 33 noon ay hindi naman ganoon kalabo ang mata ko sa pagtingin ng colors. It's supposed to be yellowish white but this ones are just... White.

Pero sa kabila ng kakaibang pakiramdaman na bumabagabag sa akin ay binalik ko ang mga ito sa ayos. There's no reason to doubt the legibility of the medicines dahil si Sir Matthew ang nagprovide nito. And hindi naman papalitan ni Sir Matthew ng ibang medicines ang para kay Blade. Naiba lang siguro ang pag-manufacture dito sa medicine na ito marahil ay new batch ito.

Itinuon ko na lamang ang atensyon sa pagluluto. It's lunch time and I want Blade to be always eating in time so he could take his medications on time. This time I'm cooking stir fry vegetables, mashed potatoes, and rice. Sakto ay tapos na akong magluto bago mag-12 kaya marahan kong kinatok ang pinto ng kwarto ni Blade para sabihing handa na ang pagkain.

Tahimik lang kaming kumakain at walang umiimik. Wala rin naman akong naririnig na reklamo ni Blade sa mga niluluto ko at kinakain naman niya ito palagi. And after eating I always make sure to give him his medications. Sa tuwing bibigay ko sa kanya ito ay ramdam ko palagi ang gigil niya at tila napipilitan talagang inumin ito. But he needs to para ito sa ikakagaling niya.

Sa gabi naman ay pagtapos ng dinner ganoon pa din ang gawi namin ni Blade. Magluluto ako, kakatukin ko siya para tawagin, kakain kami ng tahimik, papainumin ko siya, gamot, pagsapit ng oras ng tulog ay ilang oras lang may maririnig na akomg kaguluhan sa kanyang kwarto.

Tulad ngayon nga ay sumilip ako sa kwarto niya. Tapos na kami kumain at nagantay ako isang oras bago siya silipin. Ngayon ay hindi ako nakuntento sa silip lang kaya namalayan ko nalang na nasa loob na pala ako at papalapit sa higaan niya.

Hindi ko mapigilan titigan ang gwapo niyang mukha na napakapayapa. Ang makapal nyang mga kilay, mahahabang pilikmata, diretso at matangos na ilong, ang mapupulang manipis na labi at nagiigting niyang panga. May kaunting balbas na din ang tumutubo sa mukha niya at hindi niya inaalagan ang sarili ng mabuti.

Hindi ko mawari ang kakaibang pakiramdaman na sumiklab sa dibdib ko dahil malaya ko siyang natitigan ngayon. Sa kalagitnaan ng gabi sa kwartong ito habang si Blade ay payapa na natutulog ako ay nakatayo lang... Nagbabantay at nakatitig. Para akong serial killer dito at si Blade ang next target. Sarado ang bintana pero nakabukas ang kurtina kaya ang liwanag galing sa buwan ay abot dito at sakto nakatapat sa mukha ni Blade kaya kitang kita ko ito.

Napansin ko ang unti unting namumuong pawis sa noo niya at bahagyang pagsalubong ng kilay niya. Alam na alam ko na ang sunod na mangyayari dito. It happens every night kung saan nagigising siya dahil sa mga bangungot. And after that he'll throw a fit all over the room to calm his rage.

Dahan dahan akong umupo sa tabi niya at inaangat ang kamay ko. Nagalangan akong hawakan siya pero nanaig ang kagustuhan kong gawin ito. Ang kamay ko na dumapo sa kanyang itim na buhok para haplusin ito. Sobrang lambot at dulas ng makapal niyang buhok ang sarap hawakan. Konti nalang ay mukhang magigising na Blade dahil pati ang ulo niya ay gumalaw na para bang nahihirapan at bumibilis ang paghinga niya. I brushed his hair soothingly in an attempt to lull him back to sleep.

"Go back to sleep Blade.... Shh everything's alright" marahan kong bulong ng mas lalong kumunot ang kilay niya at bumigat ang paghinga. "I'm here Blade dito lang ako. Di kita iiwan calm down..." Patuloy ako sa paghaplos sa kanyang ulo na para bang nagpapaamo ako ng isang mailap na hayop.

It seems to work dahil paunti unti ay humihinahon na kanyang paghinga at nawala ang kunot ng kanyang noo. I continue to lull him back to his sleep at nanatili sa tabi niya gaya ng sabi. Binantayan ko siya. Buong gabi ako nasa tabi niya dahil sa kagustuhan maranasan niya matulog ng hindi hinahabol ng bangungot ng nakaraan niya. Nanatili ako dahil gusto ko siyang pakalmahin sa tuwing hindi niya ulit makontrol ang sariling emosyon.

"Dito lang ako Blade. Hindi kita iiwan." Kusang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ko at hindi na napigilan pa ang antok matapos manatiling gising sa tabi niya buong gabi. Madaling araw pasikat na ang araw pero tuluyan na akong nilamon ng antok habang nanatili akong nakaupo sa kama niya at nakasandal sa headrest.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top