017

Warning: This chapter (sa bandang hulihan) contains triggering topics like slight violence.

***

MALAKAS ang simoy ng hangin at makulimlim ngayong araw habang naglalakad-lakad ako sa parke. Pinagmamasdan ko ang mga bata sa paligid na tumatakbo at tumatawa habang sinusulit ang buhay na walang alalahanin. Mga ibon sa sanga ng mga puno na humuhuni at mga magkasintahan na nag-uusap sa tabi-tabi.

Malalim akong bumuntong hininga dahil nandito ako para makakita ng bagong paligid at hindi parati sa ospital. Gusto ko naman doon kaso ay naaalala ko si Blade. Miss ko na siya at ang pagiging masungit niya sakin at ang mga tingin niyang walang emosyon dahil pilit niya ito tinatago at binabaon sa malalim na parte ng isipan niya.

Naupo ako sa bakanteng bench na nasa tabi ng puno at likod ng small fountain. Nandito ako para malayo muna sa mga pangyayari sa trabaho ko sa hospital pero pagdating ko dito puro iyon din ang nasa isip ko. Maya-maya lang ay naramdaman kong may tumabi sa akin at bago ko pa tignan ito ay bigla siyang nagsalita.

"A penny for your thoughts?" saad ng malalim na boses at ng matignan ko na kung sino ito ay sa laking gulat ko na si Jason pala ito. Gulat akong nakatingin sa kanya pero malapad akong ngumisi sa kanya.

"Actually, my thoughts are worth a dollar." ani ko. Tumawa siya siya ng mahina at naglabas bigla ng wallet kaya nanlalaki ang mata na umiling ako dahil literal na humugot siya ng 1 dollar bill.

"I'm just kidding!" saad ko. Nang makitang wala akong balak kunin yon ay binalik na niya ito sa wallet at tinago na sa bulsa ng jeans niya.

"So, mind sharing your thoughts Lave– Jane?" tanong niya. Natigilan ako at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Huh? Ano dapat yung pangalan na sasabihin mo?" takang ani ko dahil parang 'Lavender' ang sasabihin niya dahil masyadong malapit ito. Pero sa pagkakatanda ko ay 'Jane' ang pakilala ko sakanya nung nakaraan.

"Oh uhm I was supposed to say Lavender because your smell distracts me. You smell like lavenders." paliwanag niya. Tumango ako at ngumiti sa pagkakaintindi dahil ang gamit kong cologne ay lavender scent na binibili ko sa kapitbahay na taga-batangas na si lola rita. Siya mismo gumagawa ng mga cologne at marami siyang available na ibang scents at gumagawa rin siya ng iba pang mga skin and beauty products.

"Actually, since this is our second time meeting. I'll tell you now na Lavender talaga ang pangalan ko." pag-amin ko pero wala man lang akong nakitang bakas ng gulat sa mukha sa niya at may maliit lang na ngiti.

"Nice meeting you again, lavender." ani niya at marahan na binigkas ang pangalan ko.

Lumakas ang sikat ng araw at uminit ng kaunti kahit pa malakas ang hangin. Napatingin ako sa kabuuan niya. Bakat ang muscles niya sa long black turtle sleeves na suot niya at sa pang-ibaba ay black leather jeans at black boots. At may suot din siyang makapal na black sunglasses. Napansin ko rin na naka-gel na ang buhok niya ngayon di tulad nung una kaming nagkita na bagsak lang ang buhok.

"Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mo?" tanong ko para mabasag ang hindi komportableng katahimikan. May kakaibang kaba akong nararamdaman na hindi ko maintindihan pero siguro ay dahil lang ito sa bagong kilala ko palang siya at nakaka-intimidate ang itsura kapag walang kangiti-ngiti.

"No. I need to– I mean want to wear long sleeves when going out. But it depends on my... mood." saad niya. Tumango ako at binaling ang tingin sa small garden ng pink carnation flowers. Habang nakatitig sa bulaklak ay naalala ko ang pangyayari samin ni Blade sa garden ng hospital.

"So... Care to tell me what's going on in your mind?" saad niya na may pilyong ngiti. Bumuntong hininga ako ng malalim at pinagmasdan ang mga ibon sa puno na nasa di kalayuan.

"Nagkaron kasi ng pagbabago sa trabaho ko..." inumpisahan ko at nakita ko na seryoso siyang nakikinig kaya tinuloy ko. "Mahal ko ang trabaho na iyon at madali akong naa-attach sa mga nagiging pasyente ko. Mayroon akong isang pasyente na naging kaibigan ko. Napaka misteryoso ng mga mata niya na alam kong madaming emotion at salita na tinatago at alam kong nahihirapan siya sa pinagdadaanan niya kaya pinangako ko na tutulungan at sasamahan ko siya na gumaling. Kaso ay bigla akong nalipat sa ibang pasyente. Maayos naman kami ng bago kong pasyente at... nakita ko naman na ganon din ang dati kong pasyente sa bago niyang nurse...." pareho kami natahimik ng ilang segundo at pinagmamasdan lamang ang paligid.

"Oh well that was sad..." mahinang sabi ni Jason. Matapos niyang magsalita ay nag-ring ang phone niya at sinagot niya ito. Hindi nagtagal ang usapan nila at agad siyang tumayo.

"I gotta go Lavender. I will see you when I have another chance." paalam niya at sa hindi ko alam na kadahilanan ay nagtaasan ang balahibo ko sa mga huli niyang kataga.

PALUBOG NA ang araw habang naglalakad ako pauwi. Sarado ang daang dinaanan ko kanina dahil ginagawa ito at pinapalitan ng semento. Kaya sa ibang baryo nalang ako dumaan mas malayo pero hindi naman sobrang nakakapagod. Narating ko ang maliit na eskinita na tahimik at walang katao tao. May dumaan na mga isa o dalawa kada minuto pero bukod don ay sobrang tahimik talaga.

Nakayuko ako habang naglalakad at nakatitig lamang sa daan. Nang liliko na sana ako papuntang kaliwa ay bigla akong napasinghap dahil sa lalaki na bumangga sa akin. Agad na umangat ang ulo ko ngunit masyadong mabilis ang lakad nung lalaki. Nakayuko siya habang mabilis na naglalakad at nakaitim na jacket at pants at itim din na sumbrero. Napansin ko rin kanina na naka black mask siya at mata niya lang kita. Kahit ang bilis niya nawala ay nasilayan ko ng isang segundo ang mga mata niya na tila ba pamilyar.

Umiling ako at dumiretso sa paglalakad. Anim na liko ng eskinita nalang ay makakauwi na ako sa bahay kaya binilisan ko ng kaunti ang lakad ko. Tinulak ko paalis sa isipan ang lalaki kanina dahil sa pagiging pamilyar ng hugis at kulay ng mata nito.

Ilang minuto ang lumipas ay nakailang lingon na ako sa likod ko at sa magkabilang gilid. Isa ito sa mga oras na kung saan ay pakiramdam ko na parang may nagmamasid sa akin. Ngunit sa bawat lingon ko at tingin sa sulok ng mga pagitan ng bahay ay wala namang kakaiba pa. Hindi mapakali ang pakiramdam ko kaya mas lalong bumilis lakad ko hanggang sa tumatakbo na ako. Kaunti na lang at makakauwi na ako sa bahay ko kung saan ligtas ako.

Tunog ng sasakyan bumasag sa katahimikan at nagpalingon sakin sa kanan ko. Itim na kotse ang humaharurot papunta sa direction ko. Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko at napako ang mga paa sa kalsada habang ang takot kong mga mata ay nakatingin sa kotse na walang duda ay hindi hihinto. 

Nang oras na bumalik ako sa huwisyo at sinubukang itulak ang sarili palayo ay tila lumutang ang katawan ko at kumalat sa buong sistema ko ang sakit. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi rin nagtagal pa ay nilamon na ako ng kadiliman.



MADILIM AT tahimik ang paligid at tanging mabilis na tibok ng puso ko ang maririnig. Mabaho na paligid na halo-halong amoy ng ihi, suka, at dugo. Kamay na nakatali, at paa na naka-kadena.

Ang lugar na kinakatakutan ko... Ang impyerno na kung saan nakakulong ako ng ilang taon sa buhay ko.

Steven's basement...

Tila umiikot ang paligid pero malinaw parin sa akin kung ano ang mangyayari. Hindi ko maramdaman kung ito ba ay isang bangungot pero hiling ko na sana isa nga lang ito sa mga bangungot ko at magigising din ako. Ramdam ko kung gaanong makatotohanan ang sitwasyon ko ngayon; bawat paghinga ko, bawat kirot ng katawan ko, at ang takot na nararamdaman ko tulad parin ng dati.

Sa nakakabinging katahimikan ay tunog ng paglakad ang bumasag. Namasa ang pisngi ko dahil sa luhang walang hinto sa pagtulo. Ramdam ko ang nginig ng buong katawan ko habang hindi maalis ang tingin kung nasaan ang pinto.

Halos nakalimutan ko kung paano huminga ng bumukas ay bakal na pinto at sumilip ang kaunting liwanag galing sa labas nito. Isang matangkad na lalaki ang pumasok at binuksan ang ilaw na nagsilbing kakaunting liwanag sa lugar na ito. Ang kulay dilaw at malabong ilaw ay sapat upang makita ko ang mukha niya.

Ang oras na ito ay isa sa mga sandali na kung saan hindi ko na alam kung dapat ba akong matuwa o mas matakot dahil imbis na isang nakakalokong ngiti at matang puno ng kasakiman ay kabaliktaran ang pinapakita niya.

Ang labi niya ay nakasimangot, ang mga mata niya ay may awa na pinapakita. Sa tuwing ganito kakaiba ang ekspresyon niya ay alam kong hindi ito ang oras kung saan sasaktan niya muli ako. At magkahalong tuwa at takot ang nararamdaman ko dahil hindi normal ang ganitong Steven.

Pakiramdam ko ay pinaglalaruan lamang ako ni Steven sa tuwing pupunta siya ng basement para lamang titigan ako ng may awa o di kaya'y bigyan ng pagkain. Isa siyang sakim at mahilig maglaro kaya hindi na ako magugulat na pinaglalaruan niya lamang ako pero hindi ko maiwasan minsan na isipin na tunay ang emotion na nakabakas sa mga mata niya.

Wala saamin ang gumalaw at nakatitig lamang sa isa't isa. Kumirot ang ulo ko at napapikit ako at ng pagdilat ko ay nakita ko ang lalaking... isang lalaking may kaparehong mga mata ni Steven na kanina lamang ay nakatayo sa harapan ko. Nakatakip ang kalahating mukha pero pamilyar ang mata niya.

Mas tumindi ang sakit ng ulo ko at pumikit ako at napasigaw sa sakit. Nang mabawasan ang sakit ay dahan dahan kong minulat ang mga mata ko ngunit malabo ang paningin ko dahil sa mga luha na tuloy sa pag-agos.

Blade...

Nasa harap ko ngayon ay si Blade na nakatitig sa akin. Mga mala-dagat na asul niyang mga mata na walang emosyon. Mga mata niyang mas nagpatibay sa kagustuhan kong tulungan siya.

Nakaupo siya sa kama niya sa kwarto ng mental hospital. Ganitong ganito ang itsura niya sa tuwing oras na na bisitahin ko siya. Hindi ko namalayan na naka-ngiti ako habang nakatitig rin sa kanya. Kung sana lang ay nasa tunay na mundo ako at nasa harap ko talaga ko siya pero hindi. Napuno ng luha ang mga mata ko ngunit isa lamang ang nahulog.

Muling nagdilim ang paligid at bago ko pa masagap ang panibagong sitwasyon ay naramdaman kong malakas na tumama ang likuran ko sa isang pader. At ng luminaw na ang paligid ay kita ko na ang dahilan dahil ngayon ay puno ng galit ang tingin sakin si Blade. Ang tingin niya sa akin ay tila ba handa siya na patayin ako. Nakaramdam ako ng kaba ng itinaas niya ang isa niyang kamay na may hawak na kutsilyo at idinikit ang dulo nito sa noo ko at pababa sa leeg ko. Hindi ko makontrol ang bibig ko at walang boses na lumalabas. Maging katawan ko ay hindi ko na maigalaw at walang ibang magawa kundi panoorin siya sa ginagawa niya.

"I missed you." rinig kong bulong niya. At kasabay niyon ay mas naramdaman kong unti-unti niyang dinidiin ang kutsilyo sa leeg ko.

"But I hate you. Señora Flores was right. You will only be my downfall." madilim niyang saad at naramdam ko ang mainit na likido na tumulo sa leeg ko hanggang sa nilamon muli ako ng kadiliman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top