016
D E P R E S S I O N
Matamlay na naupo ako sa bench na nasa garden matapos umalis sa opisina ni Dr. Yna. Habang naglalakad papunta dito ay paulit ulit ang mga salitang sinambit niya sa isipan ko na nagpabigat sa damdamin ko.
"You will be re-assign to Patient 050. Zacharias Zhay Henderson."
Zacharias Zhay Henderson... Hindi pamilyar at hindi na akong interesadong malaman kung sino siya. Sa dinami daming ibang nurse dito bakit ako nanaman ang kailangan i-assign sa ibang pasyente? Hindi ba natutuwa ang mga nakakataas sa performance ko sa trabaho kay Blade? Paano na si Blade pag hindi na ako ang mag-aasikaso sa kanya... Kaya kaya siyang intindihin ng susunod niyang magiging nurse? Paano kung mas lumala lang si Blade pag wala na ako bilang nurse niya?
Madaming katanungan sa isip ko at ko dahil sa pag-aalala ko sa magiging sitwasyon ni Blade dahil sa bagong utos ng mga nakatataas. Binalot ng lungkot ang isipan ko dahil ngayon palang ay nami-miss ko na si Blade.
"Lavender?" agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita na si Tracy pala ito. Ngumiti ako at tumabi siya sa akin habang may seryosong ekspresyon.
"I heard you will be assigned to a new patient huh?" mahina niyang tanong at tumango ako at tumingin sa mga bulaklak na nasa harapan namin. Madami at namumukadkad ngunit sa isang partikular na bulaklak lamang ako nakatitig. Sa marigold na kapareho ng binigay sa akin ni Blade.
"That's great news. You won't have to interact with a Leones anymore." may konting tuwa ang boses niya at bumuntong hininga.
"Lavender I know your sad. But this is for the better and it is for your own good." saad ni Tracy pero umiling ako at binaling ang tingin sa kanya.
"But Tracy I'm worried about him. Nag-aalala ako sa magiging kalagayan niya kapag hindi na ako ang nag-asikaso sa kanya—"
"Don't be. You have nothing to worry about the new nurse will handle Blade as well as Dr. Yna."
"Pero–"
"Shhhh Lavender. Trust me it's for your own safety to not cross paths with a Leones again. Forget your feelings for him it will lead to nothing but pain."
Matapos sabihin ni Tracy ang katagang iyon ay umalis na siya ng walang lingon o iba pang salita. Humugot ako ng malalim na hininga at malungkot na tumingin muli sa mga bulaklak. Dumagdag sa mga iniisip ko ang pagka-disgusto ni Tracy sa mga Leones. Hindi ko na alam kung ano uunahing isipin kung paano gagawin tungkol sa utos ng nakatataas o aalamin kung ano ba talaga ang nakaraan ni Tracy sa mga Leones?
"HERE IS HIS ROOM." magalang na saad ni Ms. Santos matapos niya akong ihatid sa kwarto ni Zacharias o Mr. Henderson. Nagpasalamat ako sa kanya at humarap sa puting pinto na may silver plate na may nakaukit na 'Room 50'
Hinanda ko ang aking masaya na ngiti kahit kabaliktaran ang nararamdaman. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Blade paano kung hanapin niya ako?
Umiling ako at pilit munang kinalimutan ang mga mga bagay at katanungan na iyon dahil sa ngayon ay kailangang kong mag-focus kay Patient 050 dahil ayon sa Data Profile niya ay mayroon siyang depression.
Dahan-Dahan ay binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob. Medyo madilim pero kita ko ang anino niya kaya naman ay pumasok ako ng tuluyan at sinara ang pinto at mas niliwanagan ang ilaw. Lahat ng kwarto ay may adjustable light switch na slide motion lang sa tabi ng mga pinto. Dahil maliwanag na ang buong kwarto mas kita ko na ang bago kong pasyente na nakaupo sa kama at nakatulala sa kawalan.
Tumikhim ako kaya't nakuha ko ang atensyon niya. Tila nagulat siya sa pagdating ko kaya hindi muna ako tuluyang lumapit dahil baka mabigla siya masyado. Mas tinitingnan ko siya mabuti at kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot na pilit nagtatago. Kulay light brown ang mata niya at itim ang buhok na medyo humahaba na marahil ay matagal na ang huling pagupit niya. Matangos ang ilong, manipis na mapupulang labi at ang dating ng mga mata ay malamlam at malungkot.
"Hello!" magiliw kong bati ngumiti siya sa akin ngunit halatang pilit lamang ito.
"Hi..." mahina niyang bati. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya pero hindi sobrang lapit.
"How are you feeling?" mahinahon ang boses ko ng tanungin siya nito. Kahit pa alam ko ang nararamdaman niya at hindi siya okay ay mabuti parin na tanungin sila ng mga ganitong klaseng tanong. Para alam nila na may pakialam ang ibang tao sa nararamdaman nila at hindi nila maramdaman na nag-iisa sila. At para rin maramdaman nila na mayroon sila na masasabihan ng nararamdaman nila.
"I'm fine..." sagot niya at umiwas ng tingin. Ito ang karaniwan nilang sinasagot. Yung sabihin na ayos lang sila it's either ayaw nilang sabihin sa iba na malungkot sila o pinipilit nila ang sarili nila na maging okay.
"Gusto mo bang pag-usapan natin kung ano ang bumabagabag sa damdamin mo?" tanong ko. Sa palagay ko ay nakakaintindi siya ng tagalog di tulad ni Blade na kailangan ay ingles kapag kinausap ko.
"Maybe." sagot niya. Naintindihan niya nga ako at ang sagot niya ay siguro ibig sabihin ay gusto niya pag-usapan ang nararamdaman niya at marahil nagdadalawang isip kaya hindi niya sinabi na 'yes'.
"I'm your new nurse. Ibig sabihin ako ang bagong mag-aalaga sayo at mapagkakatiwalaan mo ako." saad ko at huminga siya ng malalim.
"I don't want a new nurse... I don't want you no offense but..."
Matamlay niyang sagot pero masaya ako na nag-open up agad siya sa kung ano nasa isip niya. Ayaw niya na ako ang nurse niya dahil ayaw niya ng bagong nurse? Ibig sabihin ay mas gusto niya yung dati niyang nurse?
"Mas gusto mo na yung dati mong nurse ang mag-alaga sayo ganon ba?" tanong ko at tumango siya. Kung ganon ay pareho pala kami dahil gusto niya ay yung dati niyang nurse at gusto ko ay dati kong pasyente...
"Pwede ko ba malaman kung sino siya?" tanong ko dahil mas mabuti kung papahabain ko ang usapan namin at open-ended ang questions ko para malibang siya at gumaan kahit papaano ang loob niya.
"Fiona... Fiona Serenity Dela Vega." saad niya. Kahit nakaiwas siya ng tingin ay hindi nakaligtas ang maliit na ngiti na sumilay sa labi niya.
"That's a beautiful name!" ani ko. Base sa nakita kong pagliwanag ng ekspresyon niya ng banggitin ang pangalan na iyon ay alam ko ng tila may pagkagusto siya sakanya.
"It is. She is Serenity... My Serenity."
Ngayon ay may mas malawak ng ngiti sa mukha niya at naisipan ko na ituloy ang usapan sa babae na iyon dahil kita kitang na masaya siya kapag tungkol kay Serenity ang usapan. Mukhang mahalaga ang babae kay Zacharias dahil sabi niya ay Serenity niya ang babae na nangangahulugang pinaparamdam sakanya ng babae ang katahimikan at kapayapaan. Sa sakit ni Zacharias na depression ay katahimikan at kapayapaan ang wala siya sa kanyang isipan. At kung ganoon nga ang pinaparamdam sakanya ng babae ay mas makakabuti na siya ulit ang maging nurse ni Zacharias.
"Can you tell me how is she like?"
"Well... She is sweet, caring, but she can be rude at times. She is kind and she makes me feel at ease. She makes me feel untroubled, she makes my mind calm. She makes me feel alive."
Madaming positibo ang pinaparamdam sakanya ni Serenity kung ganon bakit sakanya pa ako pinalit ni Dr. Yna? Marahil ay hindi siguro alam ni Dr. Yna ang epekto ni Serenity kay Zacharias.
"Gusto mo ba na siya ulit ang mag-alaga sayo? Gagawan ko ito ng paraan." ani ko ng may ngiti. Hindi lang ito para sa sarili ko kundi para rin sakanya.
Biglang nawala ang ngiti niya sa mukha at ang kinang ng mga mata ay naglaho. Mali ba ako ng naging tanong? Tanong ko sa aking sarili at sinusuri ang biglang paglaho ng saya niya. Pero ano kaya ang mali sa nasabi ko?
"I... No... I want her back... I need her. But why would she even come back?" pagak siyang tumawa at pumikit. Bumukas ang bibig ko para magsalita pero napahinto at inisip ko paano ko siya sasagutin.
"Kasi... Kasi mabuti kang tao. You see the good in other people despite their bad..." napalunok ako at umasang sana makinig siya. Dahil totoo naman kasi ayon sa kanya na minsan rude si Serenity pero she's kind. Wala akong ibang naisip agad na isagot sa kanya kaya iyon agad ang nasabi ko pero sana gumana. "You're very nice too! I mean you seem to care for her a lot and you perhaps as well treats her like a gem!" saad ko ng may tuwa upang subukan na tanggalin sa isip niya ang tanong niya kanina. Umiling siya at tumawa ng mahina.
"You're very nice too. Silly girl trying hard to make me feel better when no else can do that except her. I appreciate your effort for me... But she would not come back for someone like me..."
"Huwag mong sabihin yan... Why wouldn't she come back to you?" ani ko. Nakakunot ang kilay niya at pagod na tumingin sa akin ang mga mata niya.
"Isn't it obvious, Lavender? I'm not perfect! I'm not what she wants! I'm mentally ill! I'm crazy and unworthy of her-" tinakpan ko ang bibig niya gamit ang palad ko para mapatigil siya sa mga salita niya. Insecurity niya ang kalagayan niya kaya iniisip niya hindi siya karapat-dapat para kay Serenity.
"Huwag kang mag-isip ng ganyan, Zacharias... You're not perfect? Of course you are not! No one is perfect Zacharias. Everybody have their flaws and imperfections. And just like any other human being you are flawed too.
How can you say your unworthy? You are still breathing... You are still fighting against your nightmares that still haunts you and tries to destroy you yet here you are alive and breathing and surviving the day! You are fighting your way out of depression, Zacharias... It's like your in a deep ocean abyss in darkness. Many drowned and didn't recover and revive themselves. And you... You are still finding your way up to the surface, to the light. You are still not giving up. It's just a proof of how strong you are Zacharias. You deserve so much... You are strong for not letting those voices in your mind to lead your life." saad ko sa mahinahon na boses. Namuo ang mga luha sa mata niya at di nagtagal tumulo ito sa kamay ko na nakatakio sa bibig niya. Tinanggal ko ang kamay ko at ngumiti sakanya.
"Strong... Am I really strong? If I am then I should have been out of depression now. But I'm not. So it means I am weak." agad akong umiling at dapat ay magsasalita na ng inunahan niya ako.
"Let's just... Don't talk about this for now okay?" pakiusap niya at tumango ako. Sa susunod na lamang ko itutuloy ang usapan na ito dahil hindi na siya komportable at halatang iniiwasan na.
"And Lavender... I also just want to know how?" tanong niya kaya tumingin ako sa kanya ng nagtataka kung ano ang tinatanong niya. May malungkot siyang ngiti na mas lalo nagpadagdag sa curiosity ko kung ano ang tinutukoy niya.
"How...?" mabagal kong tanong at bumuntong hininga siya.
"I want to know how you're doing this... Everything. How can you live so normally Lavender?" tila nagmamakaawa niyang tanong. At nang bigkasin niya ang mga salitang iyon alam ko na ang tinutukoy niya. Napalunok ako at napatulala dahil wala akong ideya kung paano ko siya sasagutin ng tama.
"I... I don't know what your talking about..." saad ko. Isa isa nagbalikan ang mga ala-ala ko sa nakaraan at kumurap ako ng ilang beses at itinaboy ang mga ala alang ayaw ko na balikan pa.
"Steven. Ring any bells?" nakatitig ng mariin sa mga mata ko si Zacharias ng tanungin niya ito. Nahinto ako sa paghinga at tila nanigas ang katawan ko sa kinauupuan at nanlalaki ang matang tumingin sa kanya.
Paano niya nalaman...
Naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko ng dahil lang sa pagbanggit niya ng pangalan na iyon.
"Your reaction says it all. Your trauma is there... Yet, your living so... normal." umiwas siya ng tingin at inis na tumayo. Umiling ako at kinalma ang sarili.
"I'm not fully healed yet..." pag amin ko. Dahil hindi ko na natapos ang mga therapy sessions ko sa pag-iisip na magiging okay na naman ako. "But I was able to live like a person who's not suffering from a mental illness because I choose it. I choose this life. I choose to push away those nightmares and continue on the day smiling to trick my brain that I'm happy. I am happy but the constant feeling of heaviness is there but it's bearable that I started to forget it everytime."
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Ngayon ay nakaharap na siya sa akin at may malungkot na emotion sa mga mata.
"If you were able to choose that life. Then, why can't I? I choose to be happy. And I did it! I was happy and able to forget those nightmares but when I totally forget about it, it will come back crashing the happiness gone." umiling siya at hindi sumasang-ayon sa mga sinabi ko. Namumula ang mga mata niya na marahil ay dahil sa pagpigil ng luha.
"That's the point. We kept choosing to forget the nightmares. But we can't that is why it keeps coming back again and again." ani ko. Pilit ko nong binabaon sa isip ko ang mga ala ala tungkol kay... sakanya. Pero lahat ng hirap ko sa paglimot ay biglang napunta sa wala dahil sa nakita ko siyang muli. Pero kung hindi ko siya nakita ng gabing iyon ay tuloy tuloy parin naman ang mga bangungot ko minsan sa isang linggo.
"Zacharias... The point is we can't forcefully forget those things. We can't simply erase it. The reason your here is to heal not to forget. You are given help to try and cope up with the overwhelming feeling of the past. You need to learn how to live with it. You can not forget it if you don't know how to cope up with the intense feeling it brought you." mahaba kong saad.
Magsasalita pa sana siya ng biglang nag-beep ang communication device sa bulsa ko. Personal na bigay ni Dr. Yna para mapatawag ako agad sa opisina niya. Narinig ito ni Zacharias at humingi ako ng pasensya dahil kailangan ko na umalis. Hindi naman magb-beep iyon kung hindi importante ang kailangan ni Dr. Yna kaya sa susunod nalang ulit kami magkikita ni Zacharias.
Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas ng kwarto at tumungo sa opisina ni Dr. Yna. Pagbukas ko ng pinto ng wala ng pagkatok ay bumungad sakin si Dr. Yna na nakatayo sa harap ng monitors na may hawak na ballpen at clipboard habang titig na titig sa screen. Dumako ang mga mata ko sa security screens na ang pinapakita ay kwarto ni Blade. Tila tumigil sa pagtibok ang puso ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita na kung saan si Blade ay mapusok na hinahalikan ang isang nurse sa kama niya.
--------
Hello! It's been so long😅 Nagbakasyon ang utak ko at hindi halos gumagamit ng social medias at basa ng stories at games lang ginagawa ko kaya nawala nanaman sa isip ko yung book na to.
Na writers block ako sa chapter na to kaya natagalan inantay ko ganahan ulit ako at nadagdagan tong chapter paunti unti hanggang sa matapos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top