015
M A R I G O L D
"LAVENDER? MR. LEONES?" gulat na sambit ni Sir Matthew. Pagliko namin ni Blade ng coridor ay bigla naming nakasalubong si Sir Matthew at nanlalaki ang mga mata niya habang palitan ang tingin niya sa akin at kay Blade. Tinignan ko ang ekspresyon ni Blade pero blanko lang ito at walang pake kahit nahuli kami na lumabas ng kwarto kahit bawal.
"Sir Matthew!" bati ko ng nakangiti at tumawa. Hindi naman siguro magagalit si Sir Matthew kasi obvious na umpisa palang ay iba treatment nila kay Blade. Saka ngayon lang nag-aya si Blade pumunta sa garden baka malungkot siya kapag hindi pa napagbigyan.
"Where... Where are you two going?" puno ng pagtataka ang mga mata niya ng tanungin niya ito. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Blade kaya tumingin ako rito at kita sa mata nito na naiinis na marahil ay naiinip.
"Ahh Sir Matthew nag-aya po kasi si Blade pumunta ng garden ngayon lang po kasi siya humiling ng ganto at biglaan po kaya hindi po ako agad nakapagpaalam..." tumango si Sir Matthew at tinignan kaming dalawa ng seryoso.
"Okay just be back before—"
Hindi na natapos ang pagsasalita ni Sir Matthew dahil agad akong hinila ni Blade palayo at sinubukan kong sabayan ang mabilis niyang lakad para masilip ulit ang mukha niya. Nakakunot ang kilay niya at tila galit. Siguro ay talagang nainip siya kanina dahil kay Sir Matthew.
"Blade" tawag ko pero hindi niya ako pinansin hanggang sa marating namin ang garden. Tanghali at walang katao tao dito at buti nalang may pwesto na may masisilungan at may bench. Hinila niya ako papunta doon para maupo. Marahan niya ako tinulak para maupo at tumabi siya sa akin. Ilang inch lang ang layo namin sa isa't isa dahil kahit malaki ang bench ay ang lapit ni Blade sa akin.
"Blade?" tawag ko ulit sa kanya at ngayon ay lumingon na siya sa akin na may kalmadong ekspresyon na lubos kong ikinatutuwa ngayon. Dahil ang pagiging kalmado niya ay malaking bagay na sa akin lalo't lagi pa naman siya galit o naiinis.
"Are you feeling fine now? Does your head hurts or do you feel uncomfortable..." maingat kong tanong habang nakapako ang atensyon ko sa mga mata niya. Pareho kami nakatitig sa isa't isa at hindi talaga ako magsasawang titigan ang asul na mga mata niya na para bang kakulay talaga ng dagat.
"I don't know what I'm feeling... But I hate this." kalmado ang pagkakasabi niya ngunit sa huling mga salita ay biglang sumeryoso ang mukha at boses niya na ikinabigla ko. Kumurap ako pero ng pagdilat ko ulit ay balik siya sa kalmado lang na ekspresyon. Guni-guni ko lang ba iyon? Seryosong seryoso siya kanina pero bigla na parang wala lang? Anong ibig niyang sabihin na hindi niya alam kung anong nararamdaman niya at ayaw niya iyon... May masakit kaya sa kanya o kung anupaman. Nakaramdam ako ng pag-aalala pero bago ko siya matanong tungkol sa mga sinabi niya ay bigla niyang binago ang usapan.
"I have something to give you." biglang saad niya kaya na-excite ako kung ano ang ibibigay niya sa akin. Tumayo siya at lumapit sa parte ng hardin kung saan nakatanim ang mga Marigolds. Ibat-ibang mga klase ng bulaklak ang mayroon pero ang pinitas niya ay isang Marigold. Bumalik siya sa inuupuan namin at binigyan ako ng masuyong ngiti.
"For you." mahinang sambit niya at inabot sa akin ang bulaklak. Hindi ko na napigilan ang malawak na ngiti ko at ang mabilis na tibok ng puso sa ginawa ni Blade. Maingat kong hinawakan ang bulaklak na binigay niya at tumingin ako sa kanya at nakitang nakatitig parin siya sa akin ng malalim. Pero sa paraan ng titig niya para bang may gustong ipahiwatig ang mala-dagat na asul niyang mga mata.
"Why did you give me this?..." tanong ko dahil sa sobrang pagtataka sa inaakto ni Blade. Pero hindi ba pwedeng dahil ito sa tinuturing na niya ako kaibigan? O marahil pasasalamat niya dahil dinala ko siya sa garden? Pero kahit ano man doon ang maging sagot gusto ko lang marinig na sabihin niya... Kasi gusto ko pa siyang marinig na magsalita at mag-kwento para masulit ang araw na ito.
"Señora Flores loves flowers. She owns a 500 square meters garden filled with different kinds of flowers." mahina ang boses niya at kalmado lamang. Inalis niya ang tingin niya sa akin at bumaling ang mga mata sa mga naggagandahang mga bulaklak sa harapan namin. May maliit siyang ngiti sa mukha at tila ba malalim ang iniisip habang nakatitig sa mga halaman.
"When she died... All her flowers were burned to die with her too." huminto siya sa pagsasalita at namayani ang katahimikan. Paniguradong ang daming bulaklak ang sinunog non lalo malaki pala ang garden... Pero bakit nga ba sa dinami-daming bulaklak ay Marigold ang binigay sakin ni Blade? Puno ng kuryusidad ang isipan ko kung bakit hindi rose or tulip ang binigay niya... Hindi ito sa nagrereklamo ako, masaya ako dahil binigyan ako ni Blade ng bulaklak sadyang bakit Marigold nga lang?
"Señora Flores have an antique vase in the center of her office. The first time I saw it there was a single Petunia in her vase. Then the second day I saw it, there was bunch of lily of the valley... Then the third time I saw the vase there was a single white chrysanthemum." mahaba niyang kwento at nakikinig lamang ako sa kanya ng mabuti. Hindi ko man maintindihan ang nais niya iparating pero papakinggan ko siya. Ano man ang gusto niyang i-kwento ay makikinig ako dahil alam kong may gusto man siyang iparating o wala ay makakatulong sa kanya ang pagk-kwento sa ibang tao. At sobrang madalang ang ganitong gawain ni Blade dahil pakiramdam ko ay sa mga oras na ito ay magaan ang loob niya at gusto niya ilabas ang mga saloobin niya.
"Señora Flores knows a lot of language. She uses this to send signals and communicate. She uses objects, plants, flowers, actions, and different languages..." saad niya at may lungkot ang tono ng boses niya pero nanatili akong tahimik at nakikinig. "But she chose the language that will train me yet at the same time break me..." isang munting luha ang tumulo sa kanyang mata at kusang umangat ang kamay ko para punasan ito. Nakatingin siya sa kawalan at huminga ng malalim.
"Blade..." bumukas ang aking bibig at binigkas ang pangalan niya ng marahan. Pero matapos kong bigkasin ang pangalan niya ay biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nakita kong tila ba natauhan siya pero biglang nawalan ng emosyon ang mga mata niya at tumayo kaagad.
"Blade" tawag ko ng may pag-aalala dahil sa inakto niya. Tumayo din ako at akmang hahawakan ang kamay niya ng itinulak niya ako palayo. Mabuti nalamang at napahawak ako sa bench kaya hindi ako tuluyang natumba sa sahig.
"Leave!" sigaw niya ng hindi ako nililingon. Galit niyang sinipa ang mga paso at halaman sa paligid kaya mabilis akong umayos ng tatayo at pipigilan na sana siya ng maunahan ako ng dalawang nurse na mataas ang rango. Tulong sila na hinawakan si Blade at tinurukan ito ng pampatulog. Nawala ang atensyon ko sa kanila ng biglang may tumuwag sa akin mula sa likuran at nilingon ko ito at nakita si Sir Matthew.
"Sir Matthew..." bati ko at binigyan nya ako ng ngiti at tuluyan na nakalapit sa harapan ko.
"He didn't let me finished what I was saying earlier. I was saying be back before 10 minutes and the two of you had been here for 15 minutes so I decided to come and check and good thing the high ranked nurses were nearby." paliwanag niya at ngumiti sa akin.
"I'm sure something happened a while ago. Go to Ynalyn and report to her the nurses will handle Mr. Leones." utos niya kaya agad ko itong sinunod at naglakad na palayo. Wala na rin doon nag mga nurse dahil nakaalis na at dinala si Blade sa room 33.
Pinuntahan ko ang opisina ni Dr. Yna at kumatok ng mahina. Ngunit walang sumagot pero andito naman siya sa loob dahil ang nakalagay na sign sa pinto ay "Yna is in". Kaya kumatok ulit ako pero mas malakas na at dumaan ang ilang segundo ay wala pa rin.
Aalis na sana ako ng narinig ko ang click ng lock sa pinto kaya nahinto ako at bumukas ng kaunti ang pinto.
"Come in" rinig kong sambit ni Dr. Yna ng mahina kaya tinulak ko ang pinto at pumasok. Naupo siya sa swivel chair niya at bumuntong hininga ng malalim. Nakita kong may mga documents at folders na nakakalat sa sahig na malapit lang sa table niya kaya yumuko ako at pinulot agad ito.
"Dr. Yna? May nangyari po ba...?" Nagtataka kong tanong habang inaayos ang mga documents. Nararamdam kong may kakaiba sa atmosphere ng opisina na ito at bakit naman nahulog ang mga papel na ito sa sahig? Alam kong may mali saka ang itsura palang ni Dr. Yna ay para bang pagod na pagod na at para bang may masakit sa kanya dahil sa ekspresyon ng mukha niya.
"It's him again..." mahina niyang sambit at humawak sa kanyang ulo at sumandal sa upuan. "I saw him again... The man holding the gun that is pointed to me..." napasabunot siya sa buhok kaya lumapit ako sa kanya ng may pag-aalala dahil sa inaakto niya.
"Dr. Yna? Kumalma lang po kayo hinga ka lang po ng malalim at pwede niyo pong sabihin sa akin ang dinaramdam niyo po ngayon.." marahan kong sabi at mabuti't bumitaw siya sa pagkakasabunot sa buhok niya at huminga ng malalim.
"Lavender... I don't know what do. The man appeared again... With the same scene again and again..." nanginginig ang boses niya at malakas na humugot ng hininga. Lalapit na sana siya ng bigla siyang tumayo at lumakad palayo at papunta sa harap ng computer monitors niya na nasa kabilang sulok ng opisina. Sinundan ko siya at binigyan niya ako ng malungkot na ngiti at sinenyasan akong maupo sa swivel chair na nasa malapit.
"You have something to report Lavender?" Sambit niya sa normal na tono na kadalasan na gamit. Na tila ba wala siyang iniindang sakit wala pang isang minutong lumilipas.
"Yes, tungkol po kay Blade may nangyari po kasi kanina na kailangan niyong malaman..." saad ko at tumango siya at mariin na pumikit.
"Lavender... I have to tell you something. It's urgent and ordered by the higher ups." mahina niyang sabi at nakaramdam ako ng kaba sa sasabihin niya akin.
"You will be re-assign to Patient 050. Zacharias Zhay Henderson."
-----------
Hello people! Actually nakalimutan kong may sinusulat nga pala akong book dahil sa pagka-busy. Then may nag message sa message board asking when is the ud and I suddenly remembered about this chapter na matagal ko na dapat ipu-publish
Nasipagan nanaman akong magsulat kahit andaming activities nakapila na gagawin🙁
Ano sa tingin niyo yung ibig sabihin ni Ynalyn sa "I saw him again"???🤔
Stay tuned sa next chapter because makikilala niyo na si Zach! Ang ating Patient 050!❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top