014

P A G E   3 3

Lunch time na kaya matapos kong kunin ang mga pagkain sa cafeteria ay papunta na ako sa room 33. Nanginginig ang kamay ko sa kaba kaya pilit kong kinakalma ang sarili. Napabuntong hininga ako sa pag-iisip kung paano ko matutulungan si Blade. Kaya't mas mabuting basahin ko ulit ang notebook ko na pinaglalagyan ko ng notes noong nag-aaral pa ako at mga tips na binigay sa akin ng professor ko dati. Paniguradong may nakasulat doon na makakatulong sa akin para mapabuti si Blade. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip iyon... Dahil narin siguro sa dami kong iniisip ng mga nakaraang linggo kaya nalimot ko ang notebook na iyon.

Hindi na ako kumatok at marahan na binuksan ang pinto at nadatnan si Blade na naglalakad na papunta sa direction ng pinto kung nasaan ako. Walang emosyon ang mukha niya pero sinalubong ko parin siya ng malawak na ngiti.

"Blade!" maligaya kong bati ngunit dahil sa blanko niyang mga mata ay unti unting nawala ang ngiti ko dahil biglang umusbong ang kaba ng malalit na siya sa sa akin. Huminto siya di kalayuan sa pwesto ko at biglang hinampas palayo ang hawak kong tray kaya napatili ako sa gulat dahil sa ginawa niya. 

Hindi agad ako nakapagreact dahil sa pagkabigla ng hinaltak niya ako at sinandal sa pader ng marahas. Napadaing ako sa sakit ng likod at ulo ko na humampas sa pader at hinawakan niya ng madiin ang panga ko habang wala parin kahit anong emosyon ang mukha niya.

"B-blade!" nauutal kong tawag sa kanya na nagbabasakali na magising siya at makilala ako. Pero bigo ako dahil walang pinagbago ang ekspresyon niya.

Pero ng hahawakan ko na sana ang kamay niya na nakahawak sa panga ko ay bigla ako natigilan. Ngumisi siya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko na naging dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko dahil sa paraan ng pagtingin niya.

"I will make you proud."

Napalunok ako matapos niya iyon sabihin sa malalim niyang boses at puno ng determinasyon. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa panga ko at bigla niya akong tinulak palayo sa kanya. Malakas akong tumumba sa sahig palayo sa kanya at paglingon ko sa direksyon niya ay nakahandusay na siya sa sahig at pumasok ang mga high rank nurse para lapitan si Blade.

Hinihingal akong pinanood sila na ilagay si Blade sa kama at igapos. Nangilid ang luha ko sa sakit ng panga ko dahil sa pagkakahawak niya kaya hinimas ko ito para maibsan kahit kaunti ang sakit. Matapos nilang igapos si Blade ay agad na lumapit sa akin mga nurse at itanong kung okay lang ba ako o anong masakit. Kaya sinabi ko nalang sa kanila na bigyan na lamang ako ng ice pack at mananatili muna ako sa kwartong ito.

Dahan dahan akong tumayo at umupo sa upuan na nasa kabilang side ng kwarto at katapat ng higaan ni Blade. Mabilis na dumating ang nurse at binigay sa akin ang ice pack at umalis. Idinampi ko ito sa panga ko na para bang nadurog sa diin ng hawak ni Blade kanina.

Malakas akong napabuntong hininga habang nakakatitig kay Blade na mahimbing na natutulog. Nakakalungkot naman at halos wala pa din nababago sa kalagayan niya. Kailangan ko malaman kung ano ba ang meron sa akin na maaring nakakatrigger sa kanya... Kasi gaya ng sabi ni Dr. Yna iba ang pakikitungo sakin ni Blade kaysa sa mga dati niyang nurse. Parang malabo naman na nagkataon lang iyon? Hindi ako madaling sumuko kaya sisiguraduhin kong gagaling si Blade.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto at mabilis na tumakbo papuntang locker room at kinuha ang notebook ko. At mabilis pa sa alas quatro na tumakbo ako pabalik sa room 33 kaya pinagtitinginan ako ng ibang mga nurse at visitors kung bakit ganun ako makatakbo at muntik pa madulas.

Pero pagdating sa kwarto ay mahinhin na ang kilos ko para hindi magising si Blade. Bumalik ako sa upuan at binuksan ang notebook. Mabagal ang pagbuklat ko dito at naghahanap ng kung ano makakatulong sa akin.

Page 22

How to calm a hyper patient?

Hindi din sa page na ito kanina pa ako nagbubuklat wala parin. Pero okay lang puno naman ng sulat ang notebook na ito kaya maya maya makakahanap rin ako.

Page 30

Difference of Split Personality Disorder and Factitious Disorder

Naalala ko na si Professor Williams ang nagturo sakin ng tungkol dito kaya habang kinukwento niya sa akin ay sinusulat ko sa notebook. Noon pa ito noong bago ako maka-graduate at humingi ako ng pabor kay Professor tungkol sa mga disorders na ito para sa research ko. Pinagpatuloy ko muli ang pagbuklat hanggang sa nakita ko na sa wakas ang page na kailangan ko.

Page 33

Intermittent Explosive Disorder 

Ito na iyon! Kailangan ko ito para matulungan si Blade. Napangiti ako sa tuwa at inumpisahan basahin ito.

What may cause IED?

It can be exposure to violence and aggression during childhood, going through traumatic experiences, or being the victim of abuse and/or neglect are examples of some environmental factors that could bring about intermittent explosive disorder symptoms.

How to make an IED patient open up?

Remain calm, listen to what they are saying, ask open-ended questions.
Reassure them and acknowledge their grievances.
Provide them with an opportunity to explain what has angered them.
Maintain eye contact, but not prolonged.

What if patient won't really open up?

Patience.

Patience.

Patience.

Do not rush them. Have huge patience for the patient because even how much the patient insisted on opening up, everyone has their limit on bottling their feelings.

Listen and Watch.

Listen intently to everything they will say. Making them feel that you are there for them to listen to it will make the patient feel happy knowing they can say their problems to someone. Making them know that you are there to listen to them will make the walls they built around them to slowly disappear.

Watch their eyes. One's eye is the door to their soul. At their vulnerable moment the door will open for you to see. While gently asking them how they feel watch the eyes because once they put a thought on how they really feel the door to the soul will open for you see the emotions hidden within.

But why do you need to watch the eyes when you already acknowledge how they feel?

The answer is you should not only acknowledge but to also FEEL. Seeing the emotions in their eyes yourself will help you get better in listening to the patient because of the empathy that you will learn by seeing the emotions swirl on the patient's eyes.

"Lav."

Napapitlag ako sa gulat ng may biglang sumira sa katahimikan ng buong kwarto. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kama at nakitang naka upo si Blade at nakatingin na sa akin na may kalamadong ekspresyon.

"Blade." masaya kong bati dahil gising na siya at mukhang makakausap ko na ulit dahil nakikita kong kalmado na siya. Agad kong sinira ang notebook at lumapit sa pwesto.

"Lav." tawag niya muli sa akin habang titig na titig kaya nailang ako sa paraan ng titig niya. Para kasing may kakaiba. O sadyang nanibago lang ako dahil madalas na galit na Blade ang nadadatnan ko?

"Hmm? Are you feeling well, Blade?" tanong ko at tumango siya isang beses.

"Let's go to the garden." biglang sabi niya na kaya napakurap ako dahil hindi ko inaasahan iyon. Ngayon lang siya nag-aya na lumabas ng kwarto kaya talagang nakakagulat.

"What are you waiting for? I don't want waiting too long so let's go." Hinawakan niya ang kamay ko ng marahan at umalis siya ng kama at hinila ako palabas ng kwarto. Tahimik ako at hinayaan na magpahila sa kanya dahil pinakikiramdaman ko ang sarili ko... Ang malakas na tibok ng puso ko ng hawakan ni Blade ang kamay ko. Pero bakit ganito? Hindi na ako kabado kay Blade ngayon kaya bakit ganito kalakas at bilis ang tibok ng puso ng dahil sa kanya?

------------

Hello sainyo:) ang saya ko grabe naka pag update na ulit ako kasi ginanahan talaga ako kanina pang 6 pm at ngayon ko lang ito natapos.

Dedicated ito para sa mga readers kong walang sawang nag-aantay sa update kahit tamad itong si author😊

Paalala lang na hindi lahat na nakasulat ditong psychology related ay katotohan o facts. Pero hindi naman siya false info.  Dahil ang ibang nakasulat sa "Page 33" ay ako lamang ang gumawa base sa sarili kong unawa at logical thinking. Pwede naman kasi talagang totoo ito pero hindi siya maia-apply sa lahat ng tao😌

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top