008
P R O U D
NAKANGITING naglalakad nanaman ako sa hallway at tinatahak ang daan papunta kay Blade. Napailing nalang ako dahil napapansin ko rin na ang saya ko palagi kapag oras na para bisitahin si Blade. Lalo na't bumubuti ang relasyon namin at maayos naman ang lagay niya.
Mabilis kong binuksan ang pinto sa room niya at pumasok. Pero natigilan ako sa nasaksihan. Galit na hinagis ni Blade ang kumot at unan at malakas na itinumba ang kama. Nakaharap siya sa direksyon ko kaya kitang kita ko ang mukha niya at base palang sa mata niya ay alam ko ng wala siya sa sarili. Lumunok ako at nanlaki ang mata sa kaba ng bigla niyang inangat ang ulo niya at nagtama ang paningin namin.
Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin habang may binubulong sa sarili na hindi ko maintindihan. Nanatili akong nakatayo doon habang sobrang bilis ang tibok ng puso ko at sobrang kinakabahan sa kilos niya. Sa mga oras na ito ay dapat ginagawa ko na ang pinag-aralan ko bago ako magtrabaho pero ngayon ay tila ba na-estatwa ako sa pwesto ko at hindi makagalaw palayo. Sinipa niya palayo ang medical trolley na dala ko at nag-talsikan ang mga laman nito at malakas na tumama sa pader sa kabilang side ng kwarto.
Hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa akin at bigla akong sinakal. Nakatingin ang takot kong mga mata sa asul niyang mga mata na nakatingin sa akin na puno ng galit. Nakangisi siya at may binubulong at ang isang salita na naintindihan ko lang ay 'proud'.
Pilit kong hinihila paalis ang kamay niya sa leeg ko pero masyado siyang malakas. Hindi na ako makahinga pero dahil wala si Blade sa sarili ay wala siyang pake doon.
"B-blade.." saad ko habang kinakapos sa hininga at umaasang matatauhan siya at babalik sa sarili. Konti nalang ay hindi ko na kaya at mawawalan na ako ng malay pero sa wakas ay kusang kumilos ang kamay ko at dali daling kinuha ang syringe sa bulsa ng uniform ko at mabilis na tinurok ito sa balikat ni Blade. Hindi kaagad umepekto ang gamot kaya nabitawan niya lang ako ng unti unti ng nawawala ang paningin ko. Bumagsak ako sa sahig at umuubong naghahabol ng hininga habang nanginginig ang katawan. Pinindot ko ang special emergency button na nakatago sa uniform ko para humingi ng tulong.
Tumingin ako kay Blade at nakitang nakahandusay siya sa sahig at tinablan na ng pampatulog na gamot. Pinilit ko tumayo at tuloy tuloy na tumulo ang luha ko dahil sa ginawa niya. Kahit na alam ko na hindi niya ito sinadya ay hindi ko mapigilang maalala ang mga sinapit ko kila Steve na kapareho ng nangyari ngayon.
Sa wakas ay mabilis na bumukas ang pinto at pumasok ang security at dalawang lalaking nurse na matataas ang rank kesa sa ibang mga nurse dito. Pinagtulungan nilang buhatin si Blade at nilagay sa dala dalang stretcher na may pang-gapos. Tumawag ang security ng mga tigalinis para maayos muli ang kwarto na ito.
Nakatayo lang ako habang nakahawak sa dibdib at hinihingal pa rin. Talagang nabigla ako sa mga pangyayari dahil masyado akong nakampante na ayos na ang lagay ni Blade na hindi siya aakto na bayolente gaya kanina.
Lumapit sa akin ang security at inalalayan ako palabas ng kwarto.
"Miss Lavender ayos lang po ba kayo?" Magalang niyang tanong. Siya ang naka-assign sa entrance at tawag namin sa kanya ay Manong Danny.
"A-ayos lang ako Manong..." ngumiti ako at malalim na huminga. Tumango siya at dumating na ang mga maglilinis sa room 33.
"Ah manong alam niyo po ba kung saan muna po ililipat si Patient 033?" tanong ko dito dahil ako pa rin naman ang nurse niya kaya hindi ako pwedeng magpa-apekto sa ginawa niya.
"Sa room 40 muna po siya Miss Lavender. Matagal na po iyon naka-ready para po sa ganitong pangyayari ay may lilipatan po kaagad si Patient 033." saad niya at nagpaalam na dahil may tumawag sa kanya sa radyo niya at pinabalik na sa main entrance. Mabuti nalang pala at hindi ko binanggit ang pangalan ni Blade dahil mukhang hindi rin siya kilala ni Manong Danny. Talagang confidential ang mga tungkol kay Blade at hindi ipinagkakalat sa loob ng hospital. Sikat pa naman sigurado ang mga company ni Blade kaya may reputasyon siya na kailangan protektahan.
Nakatulala akong naglalakad sa hallway habang pilit na pinapagaan ang pakiramdam.
Hindi ka pwedeng magpaapekto Lavender... Alam mong may sakit siya kaya niya nagawa iyon.
Malalim akong huminga at napakamot sa ulo. Tinignan ko ang relo ko at nakitang 8:49 na ng umaga. Kung ano ano pa ang mga pumasok sa isipan ko na hindi rin nakakatulong. Pero isang tanong ang biglang pumasok sa isip ko dahilan para mapahinto agad ako sa paglalakad at nagiisip ng malalim.
Dapat ay ang dahilan kung bakit ako naapektuhan ay dahil sa nakaraan ko... At iyon ang pagsakal sa akin ni Blade na dating gawain nila Steve at mga kaibigan niya.
Iyon ba talaga ang dahilan ko o dahil si Blade ang may gawa noon at nasasaktan ako dahil umaasa ako na bubuti ang lagay niya at maayos na kami pero biglang umatake ang sakit niya...
Umiling ako at bumuntong hininga. Sa tingin ko ay pareho lang ang dahilan ko. Pero nakakalungkot kasi na biglang nagkaganoon si Blade kung kailan nagiging close na kami unti-unti.
Pero sa pagkakatanda ko ay noong tatlong taon palang ako dito sa hospital ay may nasaksihan na akong nakatakas na pasyente at kinalaban ang guard. Napaka-bayolente ng pasyente na iyon at ilang beses nasuntok at inuuntog ang ulo ng guard. Naapektuhan ako noon pero hindi gaya ng sa ngayon. Siguro dahil hindi naman sa akin ginawa.
Malakas akong bumuntong hininga ulit at napahawak sa noo. Kung ano ano nalang ang naiisip ko at pati ako ay litong lito na. Basta ay nakaramdam ako ng sakit at lungkot dahil una si Blade ang gumawa at pangalawa dahil sa past ko. Tumango ako at hindi hinayaan na kung ano ano pang thoughts ang pumasok sa isipan ko na lalo lang magpapagulo sa akin.
"Ahhh bwisit ang laswa niya talaga! Tadyakan ko pa bayag niya eh kala mo naman malaki! Kainis yung lalaking iyon kapal ng mukhang akusahan ako na nilagyan ng gayuma ang pagkain niya! Argh!"
Gulat na napalingon ako sa kanan ko at nasa tapat na pala ako ng hallway na papunta sa isa pang kwarto. Pero tatlo ang available rooms doon at isa lang ang alam kong okupado.
Malakas ang hakbang niya na tila ba nagdadabog at galit ang pagsigaw niya kanina. Sa sahig siya nakatingin habang mabilis ang hakbang. Nang magkalapit na kami ay natigilan siya habang nakatingin lang ako sa kanya.
Napakurap ako ng makita ang mga labi niya na namumula at para bang bagong halik. At napatingin ako sa pinanggalingan niya. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa pinanggalingan niya at sa kanya.
Suminghap siya at hinawakan ang labi. Naka-uniform siya kaya ibig sabihin ay on duty siya. At galing din siya sa isang kwarto. Kung gayon ay nakipaghalikan siya sa isang pasyente?
"Argh! kainis talaga ang River na yon lunurin ko pa sa sapa yon eh!" inis niyang saad at nakasimangot na may binulong bulong pa.
River? Atlas River Greenwood ba tinutukoy niya? Naging pasyente ko siya last year! Alam ko ay discharge na siya last 3 months pa.
"Haha pasensya na miss ah? Narinig mo pa mga sinabi ko inis na inis lang talaga ako sa tukmol na iyon! Napakahangin! Kala mo naman kagwapuhan!" Umirap siya at may iba pang mga sinabi. Kung si Atlas River nga ang tinutukoy niya ay talaga namang gwapo iyon at attractive.
LQ ba sila nitong nurse?
Napaisip ako doon at natawa nalang ako sa isip dahil parang hindi naman talaga galit itong nurse at inis lang. Hindi na naman lingid sa kaalaman ko na minsan yung nurse ay nagiging lover ang pasyente. Ganon ang isa kong kapitbahay na si Loraine.
"Ay by the way nga pala ako si Skye Rina Buenavista, Single and ready to mingle pero hindi naghahanap ng baliw na boyfriend gaya ng River na yon, 26 year old, Virgin and pure except sa mata and tenga at kamay, at unfortunately nurse ako ng baliw at mahangin na lalaki na nagngangalang Atlas River Greenwood."
Mahaba niyang pakilala at nag-flip hair rin. Iniintindi pa ng utak ko kung ano lahat ang sinabi niya. Sa totoo lang ay mukha siyang mataray pero mukha lang naman.
Hanggang baywang ang buhok niya na naka-kulot ang bandang ibaba at may highlights rin ang buhok niya na violet. Maputi siya at medyo chubby. May pagka-singkit rin ang mga mata yung tinatawag nilang fox eyes at kulay brown ito. Matangos rin ng kaunti ang ilong niya at manipis ang labi na may red na lipstick pero hindi rin makapal ang make-up niya.
Nilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko iyon kaya nag-shake hands kami. Malapad siyang ngumiti at sinabi na ako naman ang magpakilala.
"Lavander Jane Salvador, 25 years old, Single not ready to mingle." magiliw kong pakilala sa kanya. Tumaas ang kilay niya at ngumisi.
"Lavender Jane huh? Naks naman beh ikaw ang usap usapan ngayon ng mga nurse eh. Ikaw daw kasi ang bagong nurse nung Patient 033. Grabe ket pangalan bawal ipagsabi hayst. Bali-balita gwapo raw yun." ani niya. Big deal ba na gwapo at attractive ang pasyente ko ngayon? Pero sa bagay hindi maikakaila na gwapo nga naman si Blade.
"Ah oo, confidential kasi identity niya kaya piling tao lang ang nakakaalam."
"Ay ganon ba. Yaman siguro niyan kaya ganyan. Anyway ba-bye na pala may aayusin pa nga pala ako sa office ni Dra. Yna. Kita kits nalang soon tutal magkalapit lang pala kwarto ng mga pasyente natin!" paalam niya at nagpaalam narin ako sakanya at naglakad na siya palayo.
=========
Picture below is an example of the map of rooms near room 33.
P.S: The distances between the rooms are FAR. For example if you walk from Room 40 to Room 33 it will take about 5 minutes walk.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top