007
S E Ñ O R A F L O R E S
LUMIPAS ANG isang linggo at nakabalik na ako ngayon sa trabaho. Kahit pagod sa byahe kahapon ay pinilit ko parin ang pumasok sa trabaho dahil sa daming missed calls ni Sir Matthew. May 56 missed calls siya pero walang texts.
Nakita ko lang ito ng makabalik na ako sa bahay ko dahil nakapatay ang phone ko habang nasa hospital ako dahil wala rin namang signal doon.
Mabuti nalang at umayos na ang pakiramdam ni lola kaya pinaalis na niya ako doon dahil daw ay may trabaho pa ako. Bago umalis ay pinaalala ko muna sa kanya ang mga bawal dahil nagka high blood pressure siya kaya naospital.
Nagpalit ako ng uniform at naglog-in at pagkatapos ay pumunta ako sa office ni Sir Matthew. Kumatok ako tatlong beses at ilang saglit ay sumigaw si Sir Matthew at pinapasok ako.
Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang problemadong Sir Matthew habang pabalik balik na naglalakad sa office niya.
Nagtatakang tinignan ko siya dahil mukhang may malaking problema na siguro ngang dahilan kung bakit ilang beses niya akong tinawagan.
"Ano pong problema Sir Matthew?" takhang tanong ko ay mukhang nakahinga siya ng maluwag ng makita ako. Agad siyang lumapit sa akin at binuksan ang pinto at pinapalabas ako.
"Lavender thank god you're back! Get back to work quick. Give this to Mr. Leones in room 33 now!" tinulak niya ako palabas kaya naman ay sumunod na lamang ako kahit nagtataka sa inaakto niya.
Naglakad na ako papunta sa kwarto ni Blade at iba't ibang ideya ang pumapasok sa isip ko kung bakit naghahadali si Sir Matthew na papuntahin ako sa room 33.
Galit kaya si Blade? Natrigger ba yung sakit niya? Tinignan ko ang binigay sa akin ni Sir Matthew at isang bote ito ng mood stabilizers.
Kumurap ako habang napapaisip na baka nga ay natrigger ang sakit ni Blade kaya kailangan ko siyang painumin nito. Pero bakit ako? Tanong ko sarili pero sa bagay ay nurse niya ako at trabaho ko ito kaso para bang inaantay talaga ako ni Sir Matthew kanina. Sino kaya ang substitute nurse ko habang wala ako.
Narating ko na ang pinakadulo ng hallway at nag-iisang kwarto sa parte ng hospital na ito. Napansin ko na sa limang lock ng pinto ay isa lang ang naka-lock. Binuksan ko ito at agad na pumasok sa loob.
Hinanap kaagad ng mga mata ko si Blade. Awtomatikong ngumiti ako ng makita ko siyang nasa sulok ng kwarto nakatayo at nakatalikod sa direksyon ko.
"Blade!" masigla kong tawag sa kanya at naglakad papalapit. Ilang hakbang ang layo ko sa kanya ng humarap siya sa akin. Nawala ang ngiti ko ng makita ang nagdudugo niyang mga daliri kaya napatingin ako sa pader at nakitang may mga bakas ito ng pagsuntok.
Nabitiwan ko ang bote ng gamot at agad na lumapit sa kanya pero humakbang lang siya paatras. Natigilan ako doon kaya lumipat sa mga asul niyang mata ang paningin ko at nakatingin ito sa akin ng walang emosyon.
Natigilan ako dahil doon at bumalot ang pag-aalala sa akin. Sa mga oras na ito ay nawala sa isip ko kung ano ang dapat gawin kahit pa naituro na ito sa akin noon pero ngayon ay tila ba lahat yon ay nakalimutan ko. Pareho kaming walang imik na nakatingin sa isa't isa. Pero siya ang unang nag-iwas ng tingin at lumakad siya papunta sa kanya kama at naupo doon na parang walang nangyari. Nang maalala ang kamay niya na nagdudugo ay agad akong kumilos para tingnan ito kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya pero tinabig niya ito palayo.
Napalunok ako at binuksan ang bibig para magsalita pero hindi ko din natuloy ang sasabihin ko dahil tumingin siya sa akin ng galit. Bumagsak ang balikat ko at binalikan ang nahulog na mood stabilizers. Nag-abot ako sa kanya ng walang imikan para hindi siya lalo magalit. Natuwa ako dahil tinanggap niya ito at nilagay sa bibig ng bigla kong naalala na walang tubig. Pero bago ko pa masabi sa kanya na kukuha ako ay nakita kong lumunok siya at iyon nga yung gamot.
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya pero nahiga nalang siya at pumikit na parang walang iniindang masakit na kamay. Lumabas ako ng kwarto at hindi na nagpaalam sa kanya at pumuntang medical room para kumuha ng first aid kit. Pagbalik ko sa kwarto ay ganon pa rin ang pwesto niya kaya dahan dahan akong lumapit at naupo sa kama katabi niya. Hindi siya dumilat kaya binuhat ko ang kamay niya at nilagay sa harapan ko at hindi parin siya dumilat pero alam kong gising siya.
Ginamot ko na ang kamay niya at nilinis. Habang patapos na ko sa paglagay ng benda ay nakaramdam ako ng parang may nakatitig sa akin kaya tumingin ako sakanya at nahuli ko siyang nakatitig sa akin ng seryoso. Ngumiti ako sa kanya pero wala siyang reaksyon kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa.
Nang matapos ako ay niligpit ko na ang mga gamit at akmang tatayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ang pulso ko ng mahigpit. Bigla siyang umupo at sumandal sa headboard at binitiwan ako ng umupo ulit ako sa kama.
"Don't leave."
Utos niya na masaya kong gagawin. Napangiti ako dahil doon dahil akala ko ay palalayasin niya ulit ako.
Ilang minutong walang nagsalita at tahimik lang kami na nakatingin sa kung saan. Tumingin ako kay Blade at nakitang kalmado naman ang mukha niya maya naisipan kong subukan na magtanong at sana ay pumayag siya.
"Blade?" tawag ko para makuha muna ang atensyon niya. Lumingon siya sa'kin at hindi naman mukhang galit kaya nagpatuloy ako.
"Do you want to play 10-10 questions?" tanong ko dito. Alam ko ay 20-20 questions yon pero 10 nalang para unti unti lang dahil alam kong hindi niya gusto ang sobrang nago-open up. Kumunot ang noo niya ng tanungin ko iyon.
"What?" tanong niya pero kalmado ang boses hindi gaya ng parati niyang galit na tono.
"We will take turns in asking questions. 10 questions for the both of us. Any questions and we can answer it or pass it." paliwanag ko. Tumango siya isang beses at naupo paharap sa akin habang naka-cross ang leg. Sa itsura niya ngayon ay hindi talaga siya mukhang pasyente dahil sa suot niyang plain white shirt at black skinny jeans. Hindi daw kasi siya pumayag na suotin ang damit pang pasyente kaya pinagbigyan siya. Kaya talagang isa siyang VIP na pasyente dito.
"Okay. Do you want to start first?" tanong ko dahil baka kapag ako ang nauna ay magalit pa siya mabuti na ang sigurado at tinatantya ang mood niya.
"No." maikli niyang sagot. Ngumiti ako at nag-isip ng unang isasagot.
"What is your favorite color?" umpisa kong tanong. Ginawa ko muna itong simple para hindi siya mabigla at magalit kapag ginawa ko agad na personal.
"Dark Blue. Do you have any suitors?" tanong niya. Kumurap ako at naalala na tinanong niya sa akin noon kung may boyfriend ako.
"I don't. What do you call your grandma?" I asked randomly. Naikwento niya sa akin noon na lagi siyang pinagba-bake ng grandma niya and I wonder ano tawag niya sa lola niya. Granny? Nana? Grandma? Lola? It would be good to know dahil mukha rin close sila ng lola niya the way his eyes soften when sinabi niya sa akin ang pagbake para sa kanya ng lola niya.
Matagal bago diya sumagot at tila ba may malalim na iniisip. Tahimik akong nag-antay kahit nagtataka kung bakit matagal siya bago sumagot.
"Señora Flores." maikli niyang sagot. Tinignan ko siya ng may sobrang pagkagulo sa sagot niya. Yun yung tawag niya sa lola niya o hindi niya lang gaano naintindihan ang tanong ko? Pero hindi na niya binawi ang sinasabi niya at talagang seryoso siya. Akala ko ay close sila kung pinagba-bake siya ng lola niya pero bakit naman 'Señora Flores' ang tawag niya.
Pareho kaming walang imik habang ako ay naguguluhan. Pero pilit ko ito isinantabi muna dahil kita ko na may hindi maganda epekto ang pagtanong ko non kay Blade lalo na't natahimik siya.
"Uhm it's your turn now Blade. Ask a question." saad ko. Ngumiti ako sa kanya at nagsalita na siya at nagtuloy tuloy ang usapan namin na umabot ng mga isang oras bago niya ako paalisin sa kwarto niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top