000

P A T I E N T   0 3 3

DALI-DALI ako sa pagtakbo papasok ng hospital dahil pangalawang beses ko na itong late ang pasok. Unang beses ay dahil may nakasalubong akong aso na mukhang nasagasaan kaya dinala ko muna sa vet para maipagamot. At ngayon naman ay sobrang traffic at nasiraan pa ng gulong yung tricycle na sinakyan ko. Sana naman at maganda ang mood ni Sir Matthew ngayon kundi papagalitan nanaman ako dahil late nanaman ako. Bilin pa naman nila sakin na agahan ang pasok dahil may bago daw na pasyente na ia-aasign sakin. Kagabi pa ako nagtataka kung bakit sila nag-assign ng bagong pasyente sakin samantalang may inaalagaan pa akong isang 30 years old na babae na may bipolar disorder at MDD.

"Lavender late ka nanaman!" bungad sakin ni Sir Matthew pagkapasok ko palang sa office niya. Ningitian ko siya at pinaupo niya ako at may binuklat na documents sa desk table niya.

"Aware ka na diba na maa-assign ka sa ibang pasyente?" tanong nito sakin at tumango ako.

"Bakit po ba ako maaa-assign sa ibang pasyente?" tanong ko pabalik dahil sayang naman at friends na rin kami ni Julia at nag-o-open up na rin siya sa'kin ng mga naging mabibigat niyang problema dati. Huminga ng malalim si Sir Matthew at binigyan ako ng malapad na ngiti at binasa ang nakasulat sa papel na hawak niya.

"Blade Lucius Leones, 28 years old, Owner of Leones Hotels and Casinos with hidden business which is selling drugs and illegal weapons, Half Filipino and Half Italian. According from Dr. Ynalyn Rodriguez Mr. Leones is suffering from Intermittent explosive disorder and further observation will happen to identify if there is other mental sickness." pagkabasa niya sa papel ay sumandal siya sa upuan niya habang nakatingin sakin na para bang nagaantay sa sasabihin ko. So siya pala ang magiging bago kong pasyente? Medyo mahirap dahil wala pa akong naaalagaan na may mga ganong sakit. Pero kakayanin ko ito panigurado namang kakayanin ko siyang pakalmahin? O matulungan siyang magpagaling.

"Pwede ko po ba malaman kung bakit ako po yung gusto niyong mag-alaga sa kanya?" tanong ko dahil 5 years palang ako sa Psychiatric Hospital na ito at marami namang mas matagal na dito pero bakit ako ang pinili ni Sir Matthew... Umiwas ng tingin si Sir at may binigay na susi sa akin.

"It's because... Paula that was his nurse before... Got in an accident kaya kailangan niya muna mag emergency leave." paliwanag niya sa akin. Nakaramdam ako ng pagdududa pero hindi ko na ito pinansin pa dahil wala naman dahilan si Sir Matthew para magsinungaling sa akin tungkol sa pagleave ni Paula. Si Paula ay 6 years na nagtratrabaho dito at kahit kailan hindi niya ako kinausap na hindi pagalit. Hindi ko alam kung bakit ba siya nagagalit sa akin samantalang wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

"Kaya ikaw ang bagong magiging nurse niya dahil maganda ang relationships mo sa mga dati mong pasyente at most of the time bumubuti ang lagay nila dahil saiyo. Papunta na si Tracy para ibigay sayo ang mga listahan ng gamot ni Mr. Leones at ihatid ka sa room niya." sakto namang may kumatok sa pinto at pumasok si Tracy. Nasa middle forties na siya at isa sa mga tumulong sa akin nuong baguhan palang ako dito. Napakabait niya at malumanay kausap. Dati siyang nagtrabaho sa California 10 years ago bago lumipat sa Pilipinas. Tumayo ako nagpaalam na kay Sir Matthew at lalakad na sana ako palabas ng office ng biglang tinawag ni Sir Matthew ang pangalan ko.

"Lavender." Lumingon ako sa kanya at kita ko sa mga mata niya ang excitement? Bakit siya nae-excite saan?

"Be careful." iyon lang ang sinabi niya kaya tumango ako ng may ngiti at tuluyan ng lumabas ng office. Sabay kaming lumakad ni Tracy habang ipinapaliwanag niya sa akin ang mga gamot na dapat ibigay at ipainom sa kay Mr. Leones. Kinuha ko sa kanya ang papel ng listahan at pagkatapos basahin at tandaan ay nilagay ko muna ito sa bulsa ng uniform ko.

"We're almost there and I'm going to say this once, Lavender. He is not like your previous patients, okay? I'm sure Sir Matthew had told you about his 'businesses' and mental disorder so this will be a bit more difficult and.... Dangerous." natahimik ako at napaisip alam ko naman na may mga illegal siyang business pero hindi naman ibig sabihin eh sobrang delikado na niya. Naniniwala kasi ako na kahit gaano pa kasama ang tao may kabutihan pa rin itong nakatago pero mahirap rin lalo na kapag talagang wala sila sa sarili nila at hindi makapag-isip ng tama dahil sa mga sakit nila sa utak na nagpapahirap sa kanila.

Alam kong delikado rin pero may tiwala ako sa sarili ko na kaya ko na magawa ang trabaho ko at kahit papaano ay matulungan ko si Mr. Leones na gumaling. Bumuntong hininga si Tracy ng malalim ng marating namin ang pinto sa pinaka dulo ng hallway sa right wing ng hospital. Ang room dito ay di gaya ng iba dahil dito ay mas silyado at matibay. Simula ng nagtrabaho ako dito wala pa namang nailalagay sa kwarto na ito dahil marami pa namang bakante kaya bakit kailangan dito pa ang room ni Mr. Leones? Ganon ba talaga siya ka delikado para malagay sa most secured room ng hospital na ito... Tumayo kami sa harap ng pintuan ng tahimik.

Ang hallway ay dimmed at sobrang tahimik tanging mga paghinga lang namin ang maririnig. Dahan Dahan na binuksan ni Tracy ang pinto pansin ko rin ang panginginig at pagpawis ng kamay niya. Hindi niya ito tinulak pabukas kundi ay humarap siya saakin ng may pag-aalala sa mukha.

"Lavender, Be extra cautious alright? Next hour pa ang inom niya ng gamot and you're only here to introduce yourself alright?" pabulong niyang sabi.

"I understand. I will be careful. Don't worry, Tracy. I can do this Ako pa ba. Ano nga ba tag number niya?" pabulong ko ring sagot sa kanya kahit hindi ko alam kung bakit ba kami nagbubulungan. Actually lagi rin namin ginagawa ito iyong ipapakila muna namin ang sarili namin sa magiging pasyente namin para makikilala nila kami at hindi magpanic sa tuwing may papasok sa kwarto nila. Yung iba kasi nagkaka anxiety attack or aggressive sa tuwing may biglang papasok sa room nila na hindi nila kilala. Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko.

"Blade Lucius Leones. Patient 033."

Saad ni Tracy at kasabay ng pagtulak ko ng pinto pabukas ay naghahadaling lumakad na paalis si Tracy. Tahimik akong pumasok sa madilim na malaking kwarto at dahan dahan na sinara ang pintuan. Binuksan ko ang ilaw at nakita siya na nakaupo at nakasandal sa pader sa gilid ng higaan habang nakapikit at may espesyal na gapos sa kamay na naka-connect sa gilid ng higaan. Binuka ko ang bibig ko para magsalita at batiin siya pero bago pa man may salitang lumabas sa bibig ko ay bigla siyang dumilat ang mala-dagat na asul niyang mga mata tumingin sa akin ng malamig at walang emosyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top