Patawad, Paalam
"J-JASPER... pakiusap, 'wag mong gawin sa 'kin to!"
Mahigpit kong naikuyom ang mga palad. Marahas ang pagbuhos ng ulan. Dumadagundong ang kulog at nagngangalit ang pagguhit ng kidlat sa madilim na kalangitan. But despite the horrifying noise around me, I could still clearly hear her voice. Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga sinabi niya at tila ba hanggang ngayon nasa harap ko pa rin siya.
Nagtuloy-tuloy ako sa walang direksyong paglalakad kahit halos mabingi na ako dahil sa pagkabog ng puso ko. Hindi na rin humapa ang panginginig ng kalamnan ko—na siguradong hindi epekto ng malamig na ulang bumabasa sa buong katawan ko
Gustong-gusto kong tumigil at bumalik. I wanted to run towards Aena and hug her tight. I wanted to console her. I wanted to tell her that I was wrong. That I shouldn't have said those hurtful words. Pero pinipigil ako ng parte ng pagkatao kong naging manhid na sa kahit anong emosyon.
I just broke up with her. Ngayong gabi tuluyan kong tinapos ang lahat sa pagitan namin. I left her.
And I regretted it...
Kaya naman bago pa ako tuluyang talunin ng nararamdaman ko, mabilis na akong naglakad palayo. Muli, kahit parang napakaimposibleng mangyari dahil sa magkakahalong ingay sa paligid, I heard her call my name...
●∘◦❀◦∘●
I WOULD be leaving the country in the next few hours, but I choose to spend my remaining time to see her for the last time. It was five in the afternoon. Papalubog na ang araw at punong-puno na ng pauwing estudyante ang labas ng university gate, ilang metro ang layo sa kinapaparadahan ng sasakyan ko.
My life changed since I broke up with Aena months back. Every single day, I felt empty and dying inside. Pakiramdam ko may parte ng pagkatao kong nawala mula nang iwan ko siya. Pero alam kong wala nang silbi ang pagsisising nararamdaman ko. I already did it at huli na para itama pa.
I hurt her in the most painful way—I cheated on her with my best friend. Hinayaan ko siyang makitang may namamagitan sa 'min ni Zoey sa loob ng hotel room na iyon. I let her witness that horrible scene with the aim that she would detest and leave me.
But she didn't...
Aena begged me to be rational still and explain everything to her. Kasi kahit gaano pa kasakit ang nagawa ko, pipilitiin pa rin niya akong patawarin dahil hindi siya naniniwalang kaya kong gawin iyon sa kaniya.
At gusto kong saktan ang sarili ko nang sobra. What have I done to deserve Aena in my life? I've committed a terrible sin. Walang kapalit na kapatawaran ang kasalanang nagawa ko sa kaniya. Hinayaan ko lang siyang masaktan dahil naging mahina ako.
I grew up pleasing my parents. Ever since I was young, I was never a disappointment to them—I was always the perfect son. Kaya naman nang ipakilala ko sa kanila si Aena tila ba isang napakalaking pagkakamali ang nagawa ko. They've told me to break up with her which I refused. Nagmatigas ako at nangakong hindi ko bibitiwan si Aena kahit ano'ng mangyari. I started a war and decided to choose the girl I love over them. My parents disowned me in the process and threatened to ruin Aena's life. Akala ko kaya kong panindigan ang pagmamatigas ko pero nagkamali ako.
As I started to see my life crumbling down, I surrendered. Then, painful realization hit me—I was a fucking coward! In the end I wasn't able to fulfill my promise. Hindi ko nagawang ipaglaban si Aena...
●∘◦❀◦∘●
I SPENT the next few minutes patiently waiting for her from afar. And when I finally saw her exit the gate, surge of unfathomable emotions enveloped my whole-being. Lumipas ang segundo na tila ba hindi ko na nagawang mag-isip. Natagpuan ko na lang kasi ang sariling lumalabas ng sasakyan—bagay na hindi ko dapat ginawa.
Nasa kabilang panig ng kalsada si Aena and was just a few meters away from me. I desperately wanted to run towards her. Kahit saglit lang gusto ko ulit siyang yakapin. Kahit saglit lang gusto kong sabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. And just when I had the courage to do that, I witnessed that painful scene.
Nahigit ko ang hininga nang tumakbo si Aena palapit sa direksyon ko. For a moment bumangon ang pag-asa sa puso ko. Pero mali pala ako lalo nang sambitin niya ang pangalang iyon...
"Chase!"
Para akong tinadyakan sa sikmura nang malawak na ngumiti si Aena—this time ay hindi na para sa 'kin. Halos hindi ko magawang huminga nang tumakbo siya para yakapin ang pamilyar na lalaking iyon ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko.
For once, I pictured myself doing the same thing with Aena. Us, smiling lovingly with each other. Us, not minding anyone around. Back then we were so in love. Ngayon, sino'ng mag-aakalang sa iglap ay mababago pala iyon?
Paulit-ulit akong nagbuga ng hangin habang malungkot na nakatitig sa kanila. Mayamaya mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang paghapdi ng mga mata. But no matter how hard I tried to suppress it; tears came rushing.
For the last time, I bravely watched them walk away.
Patawad, mahal ko... at paalam.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top