Entry No. 3
SELAH
"Tiffany, walang nakaupo sa tabi mo?" tanong ko agad hindi pa man ako nakakapasok.
Saktong may upuan na gindi masyadong malapit pero hindi rin gaanong kalayo mula sa whiteboard.
"Wala. Halika. Dito ka."
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na inilapag ang bag ko sa upuan.
"CR muna ako," paalam ko.
Sa wakas sa jeep ko pa pinipigilan itong pantog ko.
Habang nasa daan ako patungo ng CR ay may nakasalubong akong pamilyar na mukha.
"Oh? Hello!" Kaway sa akin ng lalaking malapad ang ngiti at maliit na mga mata.
Ah. Andito na naman 'yung kaibigan ni Jefferson. Pero ayos lang. Dahil nakumpirma ko na hindi nga talaga si Jefferson ang tinutukoy niya. Lalo na't ibang lalaki ang kasama niya ngayon. But he is also familiar lalo na at galing din ito sa parehong high school.
"Hi. Ano nga ulit pangal—"
"Caleb," sabay abot ng kamay niya sa akin, " Ito naman si Mikey. Remember 'yung sabi ko na kaklase natin from the same school."
Pagkatapos kong i-shake ang kamay ni Caleb ay sunod ko naman na kinamayan si Mikey.
"Hi. Nice meeting you— pero, uh, CR muna ako. Uhm, alam niyo ba kung saan 'yung room natin?"
I tried to accommodate them kahi pa naiihi na ako.
"Hindi na. Alam na namin kung saan," tanggi ni Mikey.
"Okay. Sige na. See you."
Hindi ko na hinintay pa ba sumagot silang dalawa. Tuloy-tuloy na akong pumasok sa CR ng mga babae.
Siyempre, nanibago ako agad sa CR ng university namin. Ibang-iba sa CR ng mga public school. Masasabing sulit ang tuition dahil sa mala-mall quality.
"Selah, marami pala tayong mga taga- City High na lumipat ng private school," bulong sa akin ni Tiffany sabay turo niya kina Caleb at Mikey.
Tila ba naramdaman ng dalawa ang titig namin kaya sabay silang lumingon.
"Hello," I abruptly greeted him na lang para hindi awkward. "From same high school, 'di ba?" tanong ko ulit na parang sirang plaka.
Tumango si Caleb sabay sabing, "Oo," he then looked at Tiffany then asked, "Hindi ba't ikaw 'yung kaibigan ni Alex?"
"Oo. Oo. Kilala mo si Alex? Alexie Guyano?" pinitik ni Tiffany ang dalawa niyang daliri nang maalala ang kumpletong pangalan ng pinag-uusapan nila. "Magkaklase kayo?" tanong niya.
"Oo," maikling sagot ni Caleb.
I was waiting for him na dagdagan pa ang sagot niya when Tiffany said, "Boyfriend ka niya, tama ba?"
"Oo." Walang pag-aalinlangan nitong sagot.
Sino ba kasi ang hindi nakakaalam. Maski nga alam ko dahil sa araw-araw ata silang kambal-tukong magkasama sa eskwelahan.
"Ang tagal niyo na 'no?"
Naku. Nakiusyoso pa talaga si Tiffany.
"Hindi naman masyado. Magdadalawang taon pa lang."
"Uy, ang tagal na niyan. Hindi ba, Selah?"
Kita mo ito. Dinamay pa ako.
"Agree." Napilitan akong sumagot bago binago ang paksa ng usapan. "Ikaw Mikey, kaklase mo sila Dustin, 'di ba?"
"Dustin? Baka Darlin? Hahahaha." Hagikgik ni Mikey.
Si Dustin, aka Darlin.
Ang kaklase ko dati sa grade 9 na bakla, na naligwak sa Honors' Class pagdating ng grade 10.
"Madalas nga kitang nakikita sa classroom namin," ani Mikey.
Natawa na rin ako nang maalala ang kulitan naming magbarkada.
"Madalas pala talaga kami roon?"
"Oo. Ang iingay niyo pa nga."
Sunod-sunod na ang mga usapan namin. Pati na rin ang pagbuklod-buklod ng mga storya noong high school. Kilala mo ba si ganito? Alam mo ba ang ganyan? Kumusta si ano? Mga karaniwang tanong na hindi ko inakala na may maisasagot ako.
I had fun chatting with them. Huli ko na nga namalayan na napupuno na pala ang classroom namin. Kung hindi dahil sa lalaking umupo sa harapan ko at pumagitna sa amin nina Caleb at Mikey ay baka lumipat na rin sila ng upuan na mas malapit sa amin.
"Catch up tayo mamaya," saad ni Mikey na para bang marami pa kaming mapag-uusapan.
Just like any other normal first day of class, nag-introduce lang kami sa mga sarili namin. We had a few games sa ilang subject teachers na pumasok tapos ay nagsi-uwian na rin agad.
"Saan kayo sasakay, Selah at Tiff?" tanong sa akin ni Mikey.
"Doon lang banda," sagot ko naman bago tinuro ang bus stop na logo sa kanan.
"Tara sabay na tayo," aya niya.
Tumango kami ni Tiffany. Parehong ruta lang naman kasi ng jeep ang sasakyan namin. Dideretso na sana kami sa tawiran nang nagpaalam si Caleb.
"Mauna na ako, ha," ani nito.
Tumango lang din ako habang nakiusyoso pa si Tiffany.
"Saan 'yun pupunta? Kay Alex?"
"Oo. Susunduin niya ata."
Ngumisi si Tiffany sabay sabing,"Ang taray, ha. Maski ang layo ng school natin."
Si Caleb na talaga ata ang boyfriend of the year. Hanggang senior high school ay napatunayan niya na karapatdapat siya sa titulong 'yan.
***
Lumipas ang ilang buwan ay naging malapit kong kaibigan si Caleb at Mikey. Nadagdagan pa ito ng iba naming mga kaklase. Walo kami sa barkada at lahat ay nagkakasundo naman. Nagtutulungan sa acads at nagkakaintindihan sa kalokohan.
Naging bearable ang mga araw sa grade 11 ko dahil sa kanila. For some reason kasi, dahil sa pagiging bida-bida ko minsan ay ako itong napapasubo na maging leader ng klase. There was no official designation of class officers kaya ako na lang ito palagi ang nagiging lider.
Anyway, grade 11 was fun. After 10 months ay nagkaroon ng recognition day. And let's say it was the last time I saw Caleb. Lumipat kasi siya sa school ng girlfriend niya para maging mas malapit sila. Grabe rin talaga ang dedikasyon ni Caleb sa jowa niya. Nagpa-drawing pa nga 'yan sa akin at sa kaklase namin na si Kira para iregalo niya sa girlfriend niya. Tapos bumili pa siya ng isang malaking set ng canvas painting para sa babae. Mahilig daw kasi 'yun sa art. Mapapa "wow ako rin sana" ka na lang talaga.
Well, wala namang problema kung lilipat siya. Desisyon niya yun sa buhay. Basta ba't natapos ang school year na ito na may honor kami lahat. Tapos simula nun hanggang chat at text ko na lang nakakausap si Caleb. Habang naging kaklase ko ulit sa grade 12 si Mikey.
Masasabi ko na ang grade 12 ang peak ng kabataan ko. It was the year where I enjoyed most of the class and most of the things we did. Kaya naman hindi ko inakala na mabilis din itong matatapos at mag-kokolehiyo na kaming lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top