Entry No. 2
SELAH
I never expected that I will one day love a friend... I mean, I love all my friends but when I say love— it's the love that is exclusive for one specific person.
The love that means I want to see you everyday.
The love that means your presence makes my day.
The love that means I can do everything for you.
The love that means, "Yes, I do!"
Ang corny. But... yeah. Nangyari na ang nangyari. I fell in love with my friend.
It was gradual.
Slowly but surely, ika nga nila.
It might sound assuring. But just like tortures, it is not the best application as it causes distress... at nakakapagpanindig balahibo na cringe. Kasi nakakadulot ito ng extreme hallucinations— delulu.
Well, what can I do? Heart is deceiving. I am only human being na madaling maakit sa tukso.
It all started simple.
We were strangers at first.
* * *
2016
Madalas akong nakatambay sa koridor ng classroom namin. Nakatayo lang ako sa may balkonahe habang malayo ang tingin ko sa field ng eskwelahan. Pinapalibutan kasi ito ng mga gusali. Tanaw ko mula rito ang mga estudyanteng labas-pasok sa mga classroom nila at ang mga estudyanteng naglalaro sa field, pati na rin ang ibang dumadaan lang.
"Oh, yung kaibigan ni Bea." Bulong ko sa sarili ko nang makita ko ang pamilyar na grupo ng mga lalaki at babae na dumaan sa tapat ng building namin. Tumawid sila sa malawak na field hanggang sa marating nila ang katapat na building.
Wala namang espesyal sa grupo na ito... siguro? Basta. Kaibigan kasi ng kaklase ko ang isa sa mga babae sa grupo. She stands out because among the women in the group siya lang itong may taga-payong. Boyfriend niya ata.
I am not saying na sila lang ang mag-jowa sa grupo ng pitong lalaki at apat na babae. Malay natin mag-jowa rin ang iba dyan. But what I am trying to emphasize here is that among the men in their group, mukhang isa lang ata sa kanila ang chivalrous enough to share his umbrella to the girl he likes. Hindi ko tuloy maiwasan na mainggit.
I mean, ang swerte naman niya.
"Selah, tara na. Bili tayo ng lunch."
This will be the last month of my Junior High School. Sa next two months ay nasa ibang grade level na naman ako kasama ang mga bagong kaklase sa bagong eskwelahan.
"Alam mo ba ang tungkol sa break up ni Charm at Dave?"
"Hm?" Out of nowhere, bigla na lang akong tinanong ni Claire. "They broke up?"
"Yup. Noong isang linggo lang."
"Ah. Kaya naman pala matamplay si Charm."
Isa si Charm sa mga kaklase namin. She's also a close friend. Pero sa iba siya nagco-confide when it comes to love kasi wala naman talaga akong maiaambag.
"Marami na atang nagkakahiwalay ngayon na patapos na ang school year?" puna ko.
"Well, marami na kasi ang hindi magkakasama kasi may mga lilipat ng ibang school. May iba napagod na lang sa love story nila. You know, the usual fire fading or falling out of love troupe— ah, manang isang chicken curry po?" sambit ni Claire sabay turo sa naiwan na isang balot ng chicken curry. "Ikaw, Selah?"
"H-Huh? May baon akong ulam."
"Huh? Hindi. Ikaw kako, kumusta naman puso mo? Baka may secret kanang love story doon sa crush mo sa kabilang building, ha. Ayie!"
Napailing ako ng ulo sa mga pinagsasabi ni Claire. Buti na lang at nakita ko nang bumalik sa building nila 'yung taong tinutukoy niya. Kasi kung hindi baka kanina ko pa binusalan ng bitbit niyang chicken curry si Claire sa ingay niya.
"Tara na nga!" pag-aya ko sa kanya.
"Eh? Change topic 'to. Akala mo hindi ko nakita 'yung pagmamasid mo sa kanya kanina habang naglalakad siya kasama mga barkada niya sa field, ha."
Oh, gosh. Nakita niya pala 'yun.
"Tapos? Hindi naman 'yun big deal."
"Aaw." Hindi na natapos sa panunukso si Claire hanggang sa pagdating namin sa classroom namin.
May isa pang rason kung bakit sa kay rami-dami ng mga taong dumadaan sa field ay palaging lumilitaw ang ulo ng grupo ng pitong lalaki kanina ay dahil sa isang tao na kasama nila. Mga kaibigan kasi sila ni Jefferson. Ang kaklase at crush ko noong grade 8 pa ako.
Oh, Lord. Ang tagal na pala nun. Hindi pa ako naka-move on? Alam na ata ng buong klase ko ngayon na may gusto akong taga-ibang klase. Taga-general section pa.
Nasa honors' class ako at nasa 40 plus lang kami. Maliit kung ikumpara sa ibang section. Sa dalawang taon naming pagsasama mula grade 9 hanggang grade 10 kilala na namin ang isa't isa. Pati na rin ang mga crush ng bawat isa sa ibang section.
***
Sa bilis ng takbo ng oras, parang naging bus na napadaan na lang ang naiwang isang buwan ng school year. Sumunod na ang Moving Up Ceremony at ngayon ay enrollment na naman para sa Senior High School.
"Woah! Selah. Ang ganda dito, no?"
"Oo. Tapos ka na?" agad kong tanong.
"Yes. How about you?"
"Hindi pa, eh. Ang daming enrollees sa strand ko."
"Ba't ka nandito?"
"Umihi lang ako saglit. Sige, ha. Balik muna ako doon. Nakisuyo lang kasi ako nabantayan 'yung pila ko. Will chat you sa GC kapag tapos na."
"Okay. No pressure nasa pila pa naman sila Bea."
At mabilis na akong bumalik sa pila ko sa kabilang window. Umihi lang ako pero pakiramdam ko ay may iba pa akong ginawang errands. Dumagsa ang bilang ng enrollees sa eskwelahan na ito. Sikat at napakaganda naman kasi talaga ng facilities. Malaki rin at mura dahil sa subsidy ng gobyerno.
Tapak dito, tapak doon. Yuko rito, yuko roon. Siksikan dito, siksikan doon. Para tuloy akong batang nawawala sa kapal ng tao sa paligid. Lalo na at may mga tapos nang magpa-enroll na palabas na nga building nila.
"Ah. Excuse me. Thank you, ha," sabi ko sa lalaking pinaki-suyoan ko na bantayan ang pila ko.
Magkatabi lang kami at siya lang din ang medyo pamilyar sa akin. I know him because we are from the same school last school year.
He is one of Jefferson's friend at ang boyfriend of the year awardee.
Yup, he is that guy. Ewan ko kung nandito rin ba si Ate Girl. Ayaw ko naman siyang tanungin kasi malamang magtataka siya. Paano ko siya nakilala? Bakit ko sila pinapanood tumawid sa field? Alangan naman na sabihin ko na dahil 'yun lahat kay Jefferson?
No way.
"Excuse me. Anong section binigay nila sa'yo?" tanong niya sa akin mga ilang minuto matapos akong makabalik sa pila.
I don't want to sound ungrateful kaya sinagot ko siya maski pa labag sa loob ko.
"Uh..." I clumsily look on to my envelope, "GE - 013?"
"Oh, ang galing. Same tayo. Tingnan mo." Nagulat ako sa pagtapat niya sa akin ng papel sa mukha ko. Kaya ngumiti na lang ako at kunwaring tumingin sa admission slip niya. "Humanities ka rin?" aniya.
Tumango naman ako habang sarado ang bibig na ngumiti.
"Cool. May kilala na akong bagong classmate. I'm Caleb."
"I'm Selah." Ayaw ko sanang kunin ang kamay niya pero ayaw ko rin naman siyang mapahiya at hayaan na nakalambitin sa ere ang inabot niyang kamay. Kaya labag man sa akin ay nakipagkamay ako sa kanya.
"May isa pa tayong classmate. Barkada ko 'yun. Nasa dulo lang ng pila."
I scoffed.
Naku. Hindi naman siguro si Jefferson 'yun, 'di ba? Nakakahiya kung kaklase namin siya! He's like so aware na crush ko siya dahil sa ingay ng mga kaklase ko.
"T-Talaga? Wow. Nice meeting you. See you sa pasokan."
"Yeah. By the way, medyo familiar k—"
"Sy. Sy!"
"Ah. Tawag na ako ng registrar. Nice meeting you again and thank you."
I grabbed the opportunity para makatakas sa kanya. Medyo madaldal si Kuya niyo.
Habang nasa loob ng office panay ang pagsilip ko sa bintana para suyurin ang buon pila ng Humanities students. Wala naman sa pila si Jefferson kaya baka ibang barkada ang tinutukoy niya. Sana nga talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top