Entry No. 1

SELAH

Year 2018

"Good bye, Sir. Thank you," bati ko sa professor namin sa Electronics.

Although I know na imposibleng marinig niya ito sa gitna ng pagsapaw ng boses nga mga kaklase ko at ng maingay na tunog ng hinilang mga bangko.

"Selah! Saan ka ngayon?" tanong sa akin ni Kuya Raffy. Kaklase ko siya sa subject na ito pero taga-ibang major siya.

"Uh, ipapasa ko lang itong drawing ko kay Sir Edu."
"Sinong kasama mo?"
"Sila Lowell," sagot ko.
"Sige. Sunod na lang kami ng mga kaklase ko. May hindi pa tapos, eh."

Tumango ako sa sinabi niya. Agad din naman akong pumunta sa grupo namin para sabay-sabay na kaming mag-submit ng assignment namin sa Technical Drawing... at malamang sa malamang, sabay-sabay na rin kaming papagalitan.

"Katokin mo niyo na," bulong sa amin ni Rexel sabay tulak sa akin malapit sa pinto.

"Oo na, teka lang. Ako ang kakatok pero kayo unang pumasok, ha." Sinipat ko ang nakangising mukha ni Lowell at ni Rexel na para bang natutuwa na nasa harap ako.

"Lowell," saway ko.
"Hay, nako Selah. Ako na lang ang unang papasok. Go na," pagboboluntaryo ni Erich.

Talaga namang maarte pa sa amin ang dalawang lalaki na kasama namin.

Hindi na ako nagpaligoyligoy pa at agad nang kumatok sa pinto, sinundan naman ito ng pagpihit sa door knob ni Erich.

"Good afternoon, Teachers." Unang bati niya sa mga teacher na nasa malapit sa pinto.

Nilusot ko naman ang ulo ko sabay tanong ng, "Si Sir Edu po?"
"Nasa dulo," maikling sagot ng babaeng teacher.

Agad naman kaming nakita ni Sir Edu. Hindi na rin nakapagtataka dahil para kaming mga butiki na nakasilip ang ulo sa maliit na hati ng pinto.

Tumango lang si Sir Edu, at saka dinampot ang katakot-takot niyang pulang ballpen sa lamesa bago tumungo sa amin.

"Hala, eto na!" kabadong bulong ni Rexel sa amin habang paatras kami sa pintuan.

Nagmistulan kaming mga katulong na naghihintay sa paglabas ng boss namin.

"Shh. Quiet, Rex," mahina kong bulalas bago pa man marating ni Sir Edu ang labas.

"Good afternoon, Sir," sabay naming bati.
Tumango lang si Sir Edu na para bang napaka-importanteng tao niya. You know the type of nod that one will most likely get during a signing event, o sa mga red carpet? Maihahalintulad doon ang pagtango ni Sir.

Isa-isa nang sinuri ni Sir ang mga drawing namin ng 3D na hagdan sa iba't ibang perspective, at iba't ibang klase ng texture sa technical drawing. At dahil less confident ako sa artistic skills ko, huli na akong nagpa-check.

Habang naghihintay sa iba, may napansin akong kumakaway sa baba. Nasa second floor kasi ang faculty office ng college namin.

Agad ko naman na sinagot ng kaway ang lalaki sabay senyas sa kanya na hintayin niya ako. Tumango lang siya pero imbes na maghintay sa baba ay agad siyang umikot at tumungo sa hagdan.

I ignored him dahil ang papel ko na ang hinihingi ni Sir Edu.

"Hm. Kita ko yung guhit na nabura rito, oh," puna niya napakaliit na guhit na nakatago sa ilalim ng border ng drawing ko. "Malinis naman maliban dito, dagdag pa niya," tapos inusisa ulit ang drawing ko.

Napalingon ako saglit nang marinig ko ang yabag ng mga paanv kararating lang sa tuktok ng hagdan.

Ah, nandito na ang kasabay ko sa pauwi

"Ano, ayos na va ito sa'yo o gusto ko pang ulitin?" he asked as if nakasalalay sa desisyon ko ang future ko.

Tinitigan ko ang lahat. Pati na rin ang lalaking nakaupong naghihintay sa baitang ng hagdan.

"Okay na po 'yan," sambit ko.
"Okay, sige," sabi ni Sir Edu bago sinulat ang mapula at preskong-presko na 91 sa papel ko sabay guhit sa pirma niya katabi nito. "93 sana 'yan kaso may guhit."

Ngumiti lang ako tapo sinabi na, "Naku okay na po 'to. Salamat, Sir!"

Nakangiti kaming iniwan ni Sir Edu sa labas ng faculty. Ilang sandali pa narinig ko si Rexel na sinabing, "Yes! Tapos na tayo! Template number 6, here we come"

Ah. Sa wakas. Natapos na rin kami sa template number 6. Apat na lang ang kulang.

Yup. Marami pa kaming gagawin. Pero makapaghihintay pa naman yun bukas. Isa pa, andito na ang isa ko pang kaibigan.

"Selah, andito na si Caleb," anunsyo ni Lowell.
"Oo." Dumiretso na ako kay Caleb at saka mabilis na nag-sorry. "Kanina ka pa, Caleb? Sorry kung natagalan, ha."

"No. It's okay. Hindi naman kayo masyadong matagal... matagal lang ng konti."

Sinapak ko siya ng mahina sa braso sabay abot ng bag ko sa kanya. "Pahawak lang saglit. Kunin ko lang yung clearbook ko."

Ilalagay ko na kasi sa loob ang another assignment unlocked ko sa Technical Drawing na subject.

"Tapos na ba kayo?"
"Sa template na ito? Oo. Pero sa lahat, hindi pa. May apat pa kaming tatapusin."
"Anong oras ka bukas?"
"Hindi ko alam. Magdedepende sa resulta ng drawing ko. Kung pangit, uulit na naman ako. Baka gagabihin kami."
"Ah."
"Yup... Tara na?" ayaw ko kay Caleb sabay kuha ng bag ko sa kanya.

Tumango lang naman siya.
Sabay na kaming lima na bumaba pero paglabas ng gate ay humiwalay na kami kina Erich, Rexel, at Lowell.

Ganito madalas ang routine namin tuwing uwian. Minsan nga ako 'yung naghihintay kay Caleb sa labas ng classroom nila. Minsan naman ay sakto lang ang oras ng uwian naming dalawa.

Kaklase ko si Caleb noong Senior High School pa kami. Magkaiba section namin nung grade 12. But we still talk to each other. Tapos eto ngayon, we are in the same university. Both are freshmen kaya we need someone to lean on in a world undiscovered.

"Nakausap ko yung crush kong senior." Pamamalita niya sa akin.
"Talaga? Tapos. Anong pinag-usapan niyo?"
"Gagawin daw akong governor ng klase namin," Caleb chuckled as if the thought was funny.
"Hm? Ba't naman hindi? Ba't ka natatawa, ug*k?"
"Wala lang. Hindi ko kasi nakikita ang sarili ko as a governor."

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Okay," ani ko.
I was not agreeing to his words nor disagreeing. Pero...  "You have the leadership thou," I uttered.

"Thank you. Pero hindi ko pa alam."

Nagkibit-balikat lang ako sa sagot niya. It will not make any difference naman kung mag-iinsist ako ngayon.

"Tapos, kumusta ka ngayon na nakausap mo crush mo?" pag-iiba ko ng topic.
"Wala naman. Ayos lang..." saglit siyang tumahimik, saka sinabing, "Lesbian pala siya, Selah."

Napahinto naman ako ng wala sa oras sabay kapit sa kanya at takip sa bibig ko.
"Hindi nga?" malakas kong tanong.
"Oo," pabulong naman niyang sagot bago palihim na sinuyod ng tingin ang paligid.

Tumawid na kami ng kalsada. Sakto naman na may jeep na nakaparada kaya sumakay na kami agad. Walang ibang tao kay dumiretso kami sa dulo. Tutal sa huling stop naman kami bababa.

"Aw. I'm so sorry for you, Caleb."
"Huh? Ano ka ba crush lang naman 'yun."
"Kaya nga. Your crush turned out to be lesbian. That's so anticlimactic, bro." Tinapik-tapik ko ang likod niya para kunwari ay icomfort siya.

I know the degree of pain is not that high. Sadyang gusto ko lang siyang kanstawan.

Sinamaan niya ako ng tingin.
"What?" ani ko.
Ilang segundo muna ang lumipas bago niya ako sinagot. 
"Tayo na lang kaya?"
Nahinto ako sa paghimas sa likod ni Caleb. Para bang naging oras ang segundo. Kasabay nito ang mabagal na pag-angat ng labi ni Caleb.
"Ha! Joke lang! Nakita ko kanina crush mo. Kasabay si Daniel."

Automatic naman na kumunot ang mga kilay ko sabay sapak sa balikat niya. Yung pinakamalakas na hampas na pwede kong ibigay sa kanya ngayong araw.

"Sabing huwag mo nang banggitin 'yung crush ko."
"Eh, ang unfair mo naman."
"Shh! Usog ka ng konti."
Pinutol ko na ang usapan namin nang unti-unti nang napuno ang jeep na sinasakyan namin.

'Yun ang naging routine namin mula first semester hanggamg sa kalagitnaan ng second semester namin. Hanggang sa isang araw, biglang nagbago ang ihip ng hangin.

It turns out the "Tayo na lang kaya?" was not a joke. Caleb confessed to me. Kaso... hindi ako sigurado kung tatanggapin ko.

One thing about Caleb is that he just broke up with his almost three-year old relationship. I was there listening to his break up remarks. And I knew he really liked his previous lover. I was a witness. Even before we became classmates and friends. I've seen them many times together.

Caleb and I were also schoolmates. But we don't know each other's existence yet. We had mutual friends. But we really never conversed. Not even acquainted.

Akala ko doon na magtatapos ang lahat. Not until we met again in year 2023.

"Hi."
"Hi."
The noisy duo became awkward.
We met again after five years due to whatever reason that God only knows.

"How are you?"
"I'm great. Hindi ko inaasahan na nandito ka."
"Ah. Ako rin— uh, I had a hunch but dismissed the thought but, yeah. You're here," buong katotohanan kong sagot tapos ay tumawa ng medyo... awkward.
"Sige. Tawag na nila ako roon. Uhm, hope to see you around a lot more, Selah."
"Yeah. Thanks, Caleb."

Para akong robot na naglakad palayo sa kanya. While he seems fine and unaffected. My heart was about to burst, and my hands are frozen out of awkwardness, nervousness, and the cold air conditioning.

Pero... why, oh why?
In that very moment. I wished I have never met Caleb. Never became close to him. Never talked to him. Or even never saw him in the same church.

Then a surge of memories came flashing back.
How did we meet again? When did our friendship started to get awkward? Where did I go wrong? Where did Caleb go wrong? What did I say to him when I rejected him? How did he confessed to me? What were the exact words? What did we do when we had the chance to clear everything up?

How? How exactly we reach this point?
What is wrong with me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top