2
"Hello?" Bati ko sa caller. It's Trebs over the phone.
"Hello! Nasaan ka na ba?" Iritableng sigaw niya.
"OTW. Lapit na 'ko." I told him honestly and calmly. Kaya lang, mukhang hindi siya naniwala sa sagot ko.
"OTW? On the water?!" Nai-imagine ko yung magkasalubong niyang kilay habang nakapamaywang sa sobrang gigil niya sa 'kin. They're waiting for me for almost an hour already.
"Sira-ulo! On the way! 'Wag ka ngang sumigaw! Nasa Rotonda na 'ko."
"Ang tagal mo naman! O sige sige! Text ka na lang 'pag nakababa ka na ng taxi. Nandito na kaming lahat. Ikaw na lang wala! Nakakagigil ka na, Anya! Lagi na lang kaming naghihintay. Try mo kayang maging punctual tapos kami yung male-late? Tingnan natin kung hindi ka ugatan. Nanggigigil ako sa'yo e!!! Pa-kurot pagdating mo ha? Gigil mo 'ko!"
Ingay! Kahit kailan talaga... Tsk!
Kasalanan ko bang laging trapik sa Pinas? "Lagi naman akong late. 'Di pa ba kayo sanay?" Pero syempre, joke lang 'yun. Pangalawang beses ko pa lang na na-late.
"Hay na'ko, ineng! Magbago ka na! Uugatan na talaga kami dito kakahintay sa'yo! Pumunta ka sa Plaza Mayor!"
"Oo na! Hindi ako bingi! Ba't ka ba sumisigaw!" Kapal talaga ng apog nitong taong 'to!
"Ah basta! Bilisan mo na!"
"Ay. Wow! Ngayon ka lang naman naging maaga!"
"Ewan! Ingat!" Luh. Lakas ng topak.
He abruptly ended the call. G na g?
Sandali ko pang tinignan yung screen ng cellphone habang nakakunot ang noo ko bago ko ipasok sa bag.
Tatlong araw ang lumipas. Hindi ko na ulit nakita ang abnormal na lalaki na nagngangalang Kairo. Bukod sa weirdo at mukhang may sira sa ulo, may kung anong kakaiba pa akong nararamdaman sa kaniya. Hindi siya pangkaraniwan. Sigurado akong may kaya siyang gawin na hindi kayang gawin ng isang normal na tao. If he's a supernatural being, an alien, or a wild creature, I'm not sure.
Sa sobrang trapik sa Espanya, naisipan kong pumara na lang at bumaba nung nasa Lacson na'ko. Mas mabilis pa kasi yung lakad ko sa usad ng trapiko.
Nang makarating ako sa meeting place, nawawala sila kaya tinawagan ko agad si Trebs.
"Hoy Trebs! Nasa'n kayo? Nandito na 'ko!" Bungad ko nang may sumagot na sa kabilang linya.
"Diyan ka lang. Puntahan ka namin." Kalmado na siya.
"Ha? Wait! Nasa'n ba kayo? Akala ko sa Plaza Mayor tayo magkikita?"
"Nagutom kami eh. Ang tagal mo kasi. Dito kami sa carpark. D'yan ka lang. Hintayin mo kami."
***
Tanghaling tapat. Sobrang init sa Plaza Mayor. Sa kamalas-malasan, naiwan ko pa yung payong ko sa bahay. Hindi naman sana ako male-late kung hindi ako iniwan ni Trebs.
Pareho kaming pumapasok ni Trebs dito sa University of Santo Tomas. Pareho kaming kumukuha ng kursong AB History. Being the prompt and punctual student 'kuno', iniwan lang naman ako ng magaling kong best friend dahil ang kupad ko raw kumilos. Pinag-commute ako!
Umupo ako sa isang bench at t-in-ext ko si Trebs na nandito na 'ko, hoping na isabay niya ako pauwi mamaya. Bukod sa tipid sa pamasahe, ayoko rin mag-commute. Hassle ang trapik.
"An-An! Aning! Anya na Antukin!" Lumingon ako sa gunggong na sumigaw. It's Trebs.
Napakaingay talaga!
Kasama niya sina Tina, Milo, at isa pang hindi pamilyar na babae na sinasabi nilang ipapakilala daw nila sa akin.
"Ang tagal niyo naman! Ten minutes na 'ko dito oh!" Reklamo ko nang makalapit sila sa akin.
"Mej gaga ka rin, you know? You're like so matagal kaya!" Si Tina ang sumagot.
"Ako nga, isang oras na nandito eh." Banat ni Milo. Lumapit siya sa pwesto ko at umupo rin siya sa bench. "Late rin naman kayo e! Ako kaya unang dumating!" Tinuro niya sina Tina at Trebs.
"Dami niyo namang satsat!" Sumiksik naman si Trebs sa pagitan namin ni Milo. Muntik na 'kong malaglag kaya hinampas ko siya sa braso.
Trebs, Tina, and Milo are here. They're my best friends since God knows when. We're from different colleges. Si Tina, taga-CFAD. Si Milo naman, senior high school pa lang, 3rd degree cousin ni Trebs. Pero dahil mas mature siya mag-isip kaysa sa mga kaedaran niya, sa amin siya sumasama. Mas matured pa nga siya madalas kaysa kay Trebs.
Nagsalita siya. "Anyway, siya nga pala yung gusto kong ipakilala sa inyo. Kaklase ko siya. Siya si Joy."
Tiningnan ko ang babae. Magkasingtangkad sila ni Tina. Mga 5' din siguro. Morena ang babae. Lagpas balikat ang medyo wavy na itim na buhok. Halatang purong Pilipina. When I met her gaze, I noticed how her black-colored eye suddenly changed into green!
What the fudge!
Kinusot ko ang mata ko. Sa pagdilat ko, biglang bumalik sa dati ang kulay ng mata niya. Namalikmata lang ba ako?
"Joy, ito naman sina Ate Tina, Ate Anya, at Kuya Trebs. Sila yung sinasabi ko sa'yong mga tropa ko."
Ngumiti lang siya ng tipid. Hindi siya nagsalita. Mukhang nahihiya pa siya.
I was about to shake her hand to loosen up the awkward atmosphere nang mapansin kong may marka sa pulso ko. Nakipag-shake hands muna ako kay Joy bago ko pinagmasdan nang mabuti ang markang 'yon sa balat ko. Ngayon ko lang ito napansin.
May isang maliit na tattoo sa pulsuhan ko. Isang hourglass ang nakita ko.
Hindi ako nagpa-tattoo. Ni wala nga akong balak na magpa-tattoo eh. Saan 'to galing?
May idea ako kung sino ang may kinalaman dito.
Si Kairo.
Kailangan kong makita ang lalaking 'yon. Anong ginawa niya sa'kin? Bakit ako may tattoo? Sinubukan kong alisin. Pero hindi ko matanggal.
Lumingon ako kay Joy. Nanonood lang siya kina Trebs, Tina, ay Milo na nagbabardagulan at nagtatawanan. Hindi siya umiimik. Nang dumako ang tingin niya sa akin, nakita ko ulit!
Her eyes turned green! Nakatitig siya sa akin. Hindi na 'ko namamalikmata this time!
***
Uwian. Nasa kwarto ako at pinagmamasdan ko yung hourglass na nasa balat ko.
.
.
.
I'll share my magic with you, Anya.
Biglang naalala ko ang sinabi ni Kairo sa akin. I know I shouldn't care about his crazy antics pero may part sa akin na posibleng totoo ang mga sinabi niya.
Yung babaeng kaklase ni Milo. Siguradong hindi ako namalikmata! Nakita ko kung paano nagpalit ang kulay ng mata niya. At yung hourglass sa pulso ko. Siguradong ngayon ko lang 'to nakita.
"You're looking for me?" May narinig akong boses sa likuran ko. Maya-maya, lumipat ang may-ari ng boses na 'yon sa harap ko. "Missed me?"
It's the freak named Kairo. Naka-itim na three-piece suit pa rin siya.
"What did you do to me?" Bungad ko. Nakaupo ako sa kama habang siya, umupo siya sa swivel chair at humarap sa akin.
"Why?"
"Anong why? Pwede ba sagutin mo na lang? Anong ginawa mo sa 'kin?"
"Hindi mo 'ko hahanapin kung walang nangyari. So bakit? Bakit mo 'ko hinahanap?"
"Ito." Ipinakita ko sa kaniya ang hourglass na nasa balat ko. "At yung babaeng nakita ko kanina, nag-iba yung kulay ng mata niya. How could that happen?"
Mukhang nakuha ko naman ang atensiyon niya. Humarap siya sa akin.
"Nakita mo na pala ang unang misyon natin."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Misyon?"
"I told you, ginawa kitang kagaya ko, Anya. You've just met our first mission!" Masayang sabi niya.
"What?"
"Pinakinggan mo ba talaga yung mga sinabi ko the last time we met?" Naalala ko pa. Pero parang hindi totoo. "May mga misyon ako, Anya. Hiningi ko ang tulong mo. We are going to hunt down all the time travelers here at papabalikin natin sila sa mga totoong panahon nila. Yung nakita mo, kung sino man 'yon, that's our first mission. Kailangan natin siyang puntahan."
"Are you for real?" Gulat kong tanong. Parang ayaw mag-sink in sa akin ng mga sinasabi niya.
"Look, Anya. That hourglass on your wrist is an indicator that a target is within the area. At yung nakita mong nagpalit ng kulay ng mata, that means na yun yung target. Gets mo?"
"Pwede bang iba na lang ang hingian mo ng tulong? Ayoko ng dagdag stress. malinaw naman siguro yung wish ko 'di ba? I want change, not stress!"
"Hindi naman 'to stress! Masaya 'to!" Itinapat niya ang hintuturo niya sa nakalamukos na papel sa desk ko saka iyon pinalutang. Iginiya niya 'yon sa trash bin. Na-shoot. "Three points!" Sigaw niya na animo'y nag-shoot ng bola sa ring.
"You're crazy." Naiiling na sabi ko.
Hindi niya pinansin ang huli kong sinabi. "Alam mo, Anya, may point ka naman e. Stress talaga 'to lalo na kapag medyo mahirap yung misyon pero alam ko namang masaya 'to ngayon kasi siyempre, hindi na 'ko mag-isa. I've always been doing these missions alone. Siguro naman alam mo ang pakiramdam nang mag-isa at walang karamay."
Sa pamilyang meron ako, oo. Alam ko kung paano yung pakiramdam na parang walang may pakialam.
"Anya, please. Help me. Kung gagawin mo 'to, hindi lang ako ang matutulungan mo. Pati yung mga target natin, matutulungan mo rin sila. Bawat isa sa kanila, may kwento. And their stories needed to be heard. Alam kong magtatagumpay lang ang isang misyon if the targets can be at peace with their lives. Alam kong matutulungan mo 'ko, Anya."
"Bakit ako?"
"Kasi, hindi tayo magkakakilala kung walang rason. Isa pa, I know that your heart is pure."
"That's not true. Pwedeng pwede kitang ipadala sa mental kung gusto ko. At kapag hindi mo 'ko tinigilan, pwedeng pwede kitang saktan. I'm not a black belter for nothing."
"And I know that you can't just do that."
"At bakit naman?"
"Dahil somehow, naniniwala ka sa 'kin. If you weren't, you could've done that the last time we met."
Should I trust this man?
"You should!" Biglang sabi niya.
"Nababasa mong naiisip ko?"
"You can also do that to me. After all, pareho na tayong may powers!"
"Ugh! Changgalang buhay!" I heaved out a sigh of frustration.
"Promise, Anya. Kapag tinulungan mo 'ko, I'll be the best buddy you'll ever have. I'll take care of you no matter what happens." Itinaas pa niya ang kanang kamay na parang nanunumpa.
"I already have Tina."
"I can also be conyo like her if gusto mo. Want mo ng sample? Like right now pa, kaya kong mag-talk like her." I rolled my eyes at him.
"There's Milo, too!"
"I'm way cuter than him!"
"And Trebs."
"I can be better than him. Mas gwapo pa!"
"Ah ewan ko sa'yo!" Tumayo ako at lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig dahil gusto kong mahimasmasan. This is too much! Sumunod siya sa akin. Pagkainom ko ng tubig, nagsalita ako ulit. "Come what may, Mr. Kairo. You better stay true to your words or else, ihahagis kita papuntang Jupiter!"
Ngumiti naman ang loko. "So pumapayag ka na?"
"Pupuntahan natin bukas yung babaeng may matang green."
#EndofChapterTwo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top