1

"I didn't want to wake up. I was having a much better time asleep. And that's really sad. It was almost like a reverse nightmare, like when you wake up from a nightmare, you're so relieved. I woke up into a nightmare."

- Ned Vizzini, It's Kind of a Funny Story

2019. Present

Minsan, ayoko nang magising.

Kapag tulog kasi ako, nakakatakas ako sa masalimuot kong realidad. May mga taong kapag binabangungot, nakakahinga nang maluwag kapag nagising. Kabaligtaran yung sa 'kin. Araw-araw akong gumigising sa isang bangungot.

Nakaupo ako sa lanai ng bahay namin. Sa panahon na inaatake ako ng kalungkutan, dito ako tumatambay. Alas-onse y media na ng gabi. Akala ko tulog na si mommy pero nasa sala pa rin siya. Hindi man lang niya 'ko pinansin nung dumaan ako sa harap niya kanina. My mom is busy dealing with paperworks.

Naring kong tumunog ang chimes hudyat na may pumasok sa loob ng bahay. Lumingon ako sa pinto at nakita ko si Daddy.

"Buti naman at naisipan mo pang umuwi, Arman," singhal ni Mommy kay Daddy na kakapasok pa lang sa loob ng bahay. I saw dad loosening up his tie without throwing any glance on my mom. Ibinato niya lang ang coat niya sa sofa. She didn't even flinch nang tumama sa braso niya ang coat ni Daddy. Kanina pa siya subsob sa trabaho and they didn't even notice my presence.

"Mag-uumpisa na naman ba tayo?" Ramdam ko ang inis sa tono ni Daddy. Inalis niya ang sapatos at medyas niya bago isinuot ang slippers. Lumapit siya sa ref para kumuha ng tubig.

Here they go again. Fighting for the nth time.

"Buong araw kang wala kahapon. Tapos ngayon, uuwi ka na amoy alak. Ano bang problema mo?" Tumaas na ang tono ni Mommy. I can sense her rage this time. Ibinagsak niya ang mga hawak niyang papel sa coffee table. Tumayo siya at saka humarap kay Daddy na ngayon ay nagtitimpla naman ng kape.

"Rita, pwede ba! Pagod ako," mahinahon pero ma-awtoridad na sabi ni Daddy.

"Pagod? Ako rin naman, Arman. Pero utang na loob lang, kausapin mo 'ko nang maayos! Ano bang problema mo? Lagi ka na lang wala. At kada umuuwi ka, lagi ka na lang nakainom!" Sigaw ni Mommy. They looked daggers at each other.

"Ano bang pakialam mo? At kailan ka pa nagkaroon ng paki sa akin? Ha?" Pabatong ibinagsak ni Daddy ang kutsarita sa dining table.

"Asawa mo ko!"

"But you never acted like a wife!"

Hindi ko kayang tiisin ang mga nakikita ko. Bago pa may magliparang mga muwebles at kubyertos, kailangan ko nang umalis. Bumalik ako sa kwarto ko. Bahala na silang mag-away. Nakakasawa na silang panoorin.

Umupo ako sa swivel chair at humarap sa bintana. Tumingin ako sa langit. Ang daming bituin. Buti pa sila, kahit iwan man nila ko pagsapit ng umaga, alam kong pagsapit ng gabi ay babalik at babalik pa rin sila. Hindi kagaya ng mga magulang ko. Bata pa lang ako, iniwan na nila ako. Kasama ko nga sila pero parang hangin lang ako. Nandiyan nga pero hindi naman nila makita.

Napatingin ako sa hourglass na nasa bedside table ko. Iyon ang bagay na ibinigay sa akin ng babaeng nakita ko sa labas ng school noong grade 5 pa lang ako. Kinuha ko 'yon at pinagmasdan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit binigay niya sa akin 'to.

"Isipin mo lamang kung ano ang nais ng puso mo at iyong mararating ang landas na nais tahakin."

Naalala kong sabi niya nang ibigay niya sa akin 'tong regalo raw niya. Dahil sobrang desperada na ako na makamtan ang kaligayahan ng puso't isipan ko, humiling ako. Ipinikit ko ang mga mata ko bago ko sinambit ang matagal ko nang hiling.

Sana, may magbago na sa buhay ko. Sawang sawa na 'ko na puro lungkot na lang. Gusto ko namang sumaya.

Alam kong isang suntok sa buwan ang hiling kong 'yon. Mukha kasing hindi para sa 'kin ang kaligayahang inaasam ko. Pero nagbaka-sakali pa rin ako. Mukhang magic na nga yata talaga ang kailangan ko eh. Himala na lang kaya ang hilingin ko?

I wish... for change.

***

"Anya, gising!"

I woke up feeling groggy dahil sobrang late na kong natulog. Kinusot ko ang mga mata ko at pinilit kong idilat. Narinig kong tumunog ang alarm clock kong nasa bedside table. Dinampot ko iyon.

Shit! Alas-otso na! Male-late ako nito sa klase!

Tuluyan na 'kong napabangon. Pero may mas nakakasindak pa pala kaysa sa malamang late na 'ko. May tao sa kwarto ko maliban sa 'kin! May nakaupong lalaki sa may dulo ng higaan ko!

"Sino ka? Anong kailangan mo?" I've never seen him before! Agad kong kinuha ang cellphone ko para i-dial ang numero ng security. Agad naman niya akong pinigilan. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.

"You shouldn't do that." Sabi nito. Brusko ang boses. Nanlamig ako.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" Ulit ko.
Nagpupumiglas ako pero malakas siya. Takot na takot na 'ko. Gusto kong sumigaw pero ba't hindi ko magawa? Shet! Nakaka-panic!

"Ako si Kairo." He said in a calm, baritone voice.

"So? And? What do you need?"

Is he a magnanakaw? A rapist? Mag-aalok ng insurance? He's wearing a three-piece crisp black suit at kamukha niya yung prof ko sa Anthropology. Pormal na pormal. Mukhang attorney. Wala sa hitsura niyang gagawa ng masama.

"Basically, ikaw ang may kailangan sa akin."

"What?"

Ako? May kailangan sa kaniya? 'Di ko nga siya kilala! Akmang ida-dial ko na ang numero ng security sa cellphone ko pero na-shock ako nang mag-slip iyon sa kamay ko at lumutang sa ere. Lumilipad ang cellphone ko! Nananaginip ba 'ko?

"You're not dreaming, Anya. You're wide awake."

Literal na napanganga ako sa nakikita ko. Nakaturo siya sa cellphone ko na parang minamanipula niya iyon. Parang magic. No. It is definitely magic!

Nawalan ako ng malay.

***

"An-an? Gago ka, 'pag 'di ka gumising, ishe-shave ko yung kilay mo! Hoy! Aritha España Respaldiza! Anong nangyayari sa'yo? Gising na, Anya! Huy!"

Pinilit kong buksan ang mata ko dahil may yumuyugyog sa balikat ko. Nang makadilat ako, mukha ni Trebs ang bumungad sa akin. Tinulungan niya akong makaupo.

"Kanina pa 'ko nagdo-doorbell, walang lumalabas."

Pagkaupo ko, inihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko.

Nagsalita ulit si Trebs. "Iniwan ka na yata nina Tita Rita saka ni Tito Arman. Pumasok na lang ako, buti na lang binigyan mo 'ko ng spare key. Okay ka lang ba?"

I am lost for words.

Nagsalita siya ulit. "Bakit ayaw mong gumising? Kinabahan ako dun ah! Hayop ka talaga! Pinulsuhan pa kaya kita! Ano bang nangyari sa 'yo? Ayos ka lang ba?" Nag-alalang sabi niya. Trebs could be gago sometimes, but he's my sweetest best friend.

Pilit kong inalala ang nangyari kanina.

Then all of a sudden, I remembered! Oh! That shit! I've seen a freaking scene a while ago!

"May nakapasok na lalaki dito kanina. May powers siya, Trebs! Pinalutang niya yung cellphone ko. Kilala niya ko pero hindi ko siya kilala!"

"Anong pinagsasasabi mo? Nananaginip ka pa yata eh." Napakamot sa ulo si Trebs.

Bigla na lang sumulpot sa likuran ni Trebs yung lalaki. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Hindi ako nanaginip, ayan siya!" Tinuro ko yung lalaki na ang lawak lawak ng ngiti sa akin. Ano ngang pangalan niya?

"Kairo." Sabi nung lalaki. Mukhang hindi siya narinig ni Trebs.

Lumingon si Trebs sa likuran niya. "An-an, nasaan? Wala naman ah." Kairo's smile turned into a smirk.

"Trebs can't see me. No one can see me, but you." Sabi ni Kairo. Kinilabutan ako.

"Bakit hindi mo siya nakikita, Trebs? Nasa likuran mo lang siya."

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo ngayon, An-an. Alam kong marami kang problema at stressed ka lately pero alam ko namang hindi ka pa nasisiraan ng bait. 'Di ba? Mabuti pa, bumangon ka na diyan at ayoko um-absent. Baka hindi ako bigyan ng allowance ni Mama!"

"Bakit hindi mo siya nakikita? Ayan siya!" Gigil na gigil kong itinuturo si Kairo kay Trebs pero mukha ngang wala siyang nakikita.

Tumingin si Trebs sa relo niya. "Shit! An, ayoko ma-late ngayon! 'Pag na-late pa ko kay Sir Lumaban, baka magka-singko na 'ko!"

Pangit ang attendance record ni Trebs sa prof namin sa Philippine History. Lagi kasi siyang tardy. Except kapag sasabay siya sa'kin pumasok. Ngayon lang ako na-late!

"Sorry, Aning. Kitakits mamaya!" He smiled at me saka ginulo ang buhok ko. Isinukbit niya ang backpack sa balikat bago tuluyang umalis. Mukhang I'll have to face this creepy boy, alone.

"Sino ka nga ulit?" Produkto lang ba siya ng imahinasyon ko? Fairy ba siya? Death angel? Wizard? Alien?

"You're funny." At tumawa nga ang loko.

"Anong funny? Walang nakakatawa. Bakit hindi ka nakikita ni Trebs? Akala niya siguro nababaliw na 'ko. Ano ba kasing kailangan mo sa 'kin?"

"As I've told you, ikaw ang may kailangan sa akin."

"Ako? Anong kailangan ko sa 'yo?"

"Ang sungit mo pala. Ang layo ng nilakbay ko para lang tuparin ang hiling mo. Ganiyan ka ba mag-express ng gratitude? You shouldn't be rude to me."

Ha? Ano daw? "Ano bang ibig mong sabihin?"

"You wished for change."

"Yes. I did."

Wait,

WHAAAT?!

"Paano mo nalaman?" Gulat na tanong ko.

Umupo siya sa swivel chair ko saka humarap sa akin. He crossed his arms before he started speaking.

"I wandered lonely as a cloud, that floats on high o'er vales and hills," he said poetically. Kumunot ang noo ko. "When all at once I saw a crowd... A host, of golden daffodils. Beside the lake, beneath the trees, fluttering and danci—"

"Gago ka ba?" Pagputol ko sa sinasabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Ire-recite niya ba yung tula ni William Wordsworth?

Tumawa siya. "Seryoso ako," sabi niya in between laughters. Tangina this!

"Alam mo, nag-aaksaya lang ako ng panahon sa'yo. Aalis na lang ako." Tumayo ako.

"Anya, wait!" Hinawakan niya ang braso ko at pilit akong pinaupo. "Why so serious? Chill ka lang. 'Di pa ko tapos."

Hindi ako umupo. Hinarap ko siya. "Wala akong panahon sa mga kalokohan mo, boy. Takas ka ba sa mental, ha?"

"Ang sakit mo naman magsalita. You're hurting my feelings." Umakto pa siyang nasasaktan ang puso niya.

"And you're wasting my time."

"Why would I?" Tumayo rin siya. Maya-maya, biglang nag-iba ang ekspresyon niya. A smirk plastered on her face. "You know, I can help you get away from your family problems for the time being."

"Ano?!"

How did he know? Does he really know?

"Alam kong may problema ka sa parents mo, Anya. Gusto mong makalimot pansamantala. Gusto mong may magbago sa buhay mo." He showed his smug little smile as if siguradong sigurado siya sa mga sinabi niya. He's creepy.

"Sino ka ba talaga?"

"Ako nga si Kairo."

"Yeah, right. Nasabi mo na kanina. Ang ibig kong sabihin, bakit mo 'ko kilala?"

"Sabihin na lang natin na, I know everyone in the neighborhood," a mischievous smile plastered on his face.

"Ows?" That's impossible!

"Uh-huh."

"Wala kang maloloko dito!" Inis na sabi ko.

"I'm not lying, though."

"Will you please cut the crap?"

Umupo siya ulit at pinagkrus ang mga braso. His smile vanished. "Okay. Fine. Sasabihin ko na kung paano kita nakilala."

Pinagkrus ko rin ang mga braso ko habang naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"You summoned me. You cannot summon me unless you're the 'chosen one'." Taimtim akong nakikinig kasi walang nagsi-sink in sa utak ko. "And since you're the 'chosen one', I must be helping you to make your wish come true!" He really sounded sincere and formal. Yung tipong kahit alam mong parang kalokohan lang yung sinasabi niya, mapapaniwala ka niya.

"Oh! One more thing, Anya! As I grant your wish, I hope you could grant mine, too."

Umupo ako ulit. I know I should get going pero mukhang kailangan ng atensiyon ng lalaking 'to. This is one of the rare times that I talk with an utter stranger at sana hindi ko pagsisihan.

Hinayaan ko lang siyang magsalita.

"I'm really glad you summoned me. We could help each other, then. You know what, Anya? I've always felt restrained. Pakiramdam ko, I'm always devoid of freedom. I have so many responsibilities to attend to." His mischievous aura is suddenly gone. Seryoso pa rin ang tono niya. Pero hindi pa rin ako dapat magtiwala.

"Paano mo naman nasabi?"

"Ang dami kong misyon. Pakiramdam ko, hindi na 'ko magkakaroon ng time para sa sarili ko. Who never wanted to go on trips? Sino ang hindi maiinggit sa mga taong nagsha-shopping, nagfu-food trip, pumupunta sa beach, nagmu-movie marathon, at nagre-relax?"

"Ang dami mong gusto. May pera ka ba?"

"Money is not the problem here, Anya. How could I spend a day off kung ang dami kong trabaho?"

"What do you want?"

"I know you can help me. Kaya, please, tulungan mo 'ko. I'll give the 'change' that you want in exchange for a 'little help'."

"Anong klaseng tulong naman ang kailangan mo?"

Tumingin siya nang derecho sa mga mata ko. His deep black eyes are staring straight into mine. Seryoso ang tingin niya sa akin.

I waited for him to speak pero nagulat ako ng biglang kumislap ang mga mata niya.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako. Pero sigurado akong nakita ko 'yon!

"Hey! What are you doing?!" Scared is an understatement. I am really terrified! Nakatingin pa rin ang mga mata niya sa akin. He doesn't say any word pero parang nangungusap ang mga mata niya. Nababasa ko ang mga nasa isip niya!

I'm Kairo. The God of opportunities.

"What?!" Bulalas ko. It was as if he's using his eyes to tell it to me. Is this some sort of mental telepathy?

May kakambal ako. Si Chron. Siya naman ang Diyos ng oras.

"This is crazy!" Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

I am not!

"Shet, so ako yung nababaliw?" Omg help!

The fact that you can read my mind despite not saying anything proves that I am not crazy. You are not, too! Nagsasabi ako ng totoo so you better hear me out.

Hindi na 'ko nagsalita ulit at hinayaan ko siyang magpatuloy.

May mga misyon ako sa panahong ito, Anya. And that is to locate all the time travelers here at pabalikin sila sa mga totoong panahon nila. I need to make them give up time traveling para maibalik ang balanse sa mundo. Or else...

Magsasalita sana ako pero pinigilan niya ko.

Or else, magagalit sa akin si Chron.

"Nabuang na."

Maniwala ka sa 'kin, Anya. Kailangan ko ng tulong mo. Sabi ko nga kanina, gusto ko namang mag-relax. I'm so stressed, you know? Lagi rin nagagalit sa akin si Chron kasi hindi ko maubos-ubos ang mga misyon ko. Ang daming misyon at iisa lang ako! Ikaw na siguro ang itinakdang makasama ko sa mga misyon ko. Hindi naman tayo magkikita ngayon kung hindi mo ako tinawag!

"Hindi kita tinawag! Ikaw ang pumunta rito!"

He rolled his eyes. Then, he continued.

Help me finish my missions. Kung tutulungan mo 'ko, tutulungan din kita sa problema mo.

Paano ko naman gagawin 'yon?

Lumapit pa lalo siya. Kung akala ko ay shocking na ang mga pinagsasasabi niya, may mas shocking pa pala siyang gagawin.

I'll share my magic with you, Anya.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Napakaliit na lang ng pagitan naming dalawa.

Then all of a sudden...

He kissed my forehead!

He fucking kissed my forehead!!!

Initiation, done! Wala ka nang kawala, Anya!

Nakangiti siya nang malapad at bigla na lang siyang humalakhak. Tumayo siya at naglakad palayo.

Nakatalikod na siya pero naririnig ko pa rin ang boses niya sa utak ko. Ang lakas ng halakhak niya.

See you around, Anya!

#EndofChapterOne

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top