SPECIAL CHAPTER 1
Special chapter 1: His childhood memories
ARCHIMEDES' POV
"YOUNG master!" I ignored the maid and I went straight to the door, and knocked.
"Mama, Papa? Are you there?" I asked my parents.
Pitong tanong gulang pa lamang ako nang masaksihan ko ang unang beses na nag-away ang mga magulang ko. At first I thought, it was my father's mistake but no.
Dahil iyon sa mama ko, nagkaroon siya ng bagong lalaki at sinaktan niya ang papa ko.
I did everything para lang huwag kaming iwan ni mama. I begged for her and cried in front of her but she never listened.
"I am sorry, Arch. I-I can't stay with this family anymore. Wala na talaga," her last word.
I blame my father for that. Because he didn't stop my mom from leaving us and in the end kaming dalawa na lamang ang natira.
My father said, never beg for someone. Never chase her, kung gusto niyang umalis ay sige hahayaan namin dahil wala naman kaming magagawa pa. Hindi ko nakalimutan ang mga habilin sa akin ni papa hanggang sa pagtanda ko.
I promised myself, walang babae ang puwedeng mang-iwan sa akin. Kung kaya ko siyang itali para lang hindi siya umalis ay gagawin ko.
Mama cheated on my father. So, I told to myself also na ako ang pipili ng babaeng makasasama ko and I saw Donna Jean. May pamilya na siya pero nagawa ko pa rin siyang agawin mula sa engineer na 'yon.
Ang gusto ko lang ay isang pamilya na matatawag kong akin pero katulad ni Kallani ay iniwan niya rin ako and now. . .
Isang babae na marami na ring pinagdaanan sa buhay at kahit walang kasiguraduhan ay hinintay pa rin niya ako.
"Ano na? Bakit huminto ka na agad sa pagkukuwento?" tanong niya dahil matiim na nakatitig lamang ako sa maamo niyang mukha.
Nasa pool area kami ngayon at nagkukuwento ako tungkol sa nangyari sa pamilya ko. Tahimik lang siyang nakikinig.
"Wala na. Iyon na 'yon," nakangiting sagot ko at hinawi ko ang buhok niya na nagiging sagabal sa mukha niya.
"Akala ko noon ay may saltik ka lang sa ulo." Napanguso ako dahil iyon agad ang first impression niya.
"Ang sakit mo namang magsalita, love," tunog nagtatampo na sambit ko at kunwaring yumuko pa ako. Natatawang hinawakan niya ang panga ko kaya pagkakataon ko iyon para mailipat ko siya sa hita ko.
Pumulupot ang isa kong braso ko sa baywang niya at isa ay masuyong humahaplos sa pisngi niya.
Isang oras na ang nakalipas simula nang makauwi kami sa bahay. Kanina lang namin binisita ang pamilya niya at naging maayos na rin ang relasyon nila. Tulog na ang mga bata kaya kaming dalawa lang ang nasa labas.
"Pasensiya ka na. 'Yon talaga ang first impression ko sa 'yo. Imagine, may asawa ka. Tapos binibigyan mo pa ako ng bulaklak. Talagang iisipin ko ang bagay na 'yon," sabi niya at masyado rin siyang totoo sa sarili niya. Hindi siya ang tipong babae na kayang-kayang ka niyang bilugin sa matatamis niyang salita.
"Fine, isipin mo ang gusto mong isipin. Bahala ka," sabi ko lang na tinawanan niya.
"Matulog na tayo, Archi. Kanina pa tayo rito. Kukunin mo pa si Mira sa kuwarto ng tita niya," aniya at napaisip naman ako.
"Tama. Pumasok na tayo sa kuwarto natin at hayaan na roon ang anak natin dahil magsosolo tayo ngayon-buong magdamag," bulong ko sa kaniya pero kinurot niya lang ang tagiliran ko.
"Alam mong naggagatas pa ang anak mo, Archi. Hindi pa 'yon puwedeng humiwalay sa akin," paalala niya.
"Puwede naman siyang timplahan ng gatas," suhestiyon ko ngunit umiling siya.
"Mang-aabala ka pa talaga. Tara na, matulog na tayo," pag-aaya pa niya na ikinasimangot ko pa nang bumaba na rin siya. Iba ang gusto kong gawin namin ngayon at hindi lang matulog.
"Hindi mo man lang ba ako pagbibigyan, Dalia? Ilang taon akong nagtiis na magsarili," pag-amin ko at namilog ang mga mata niya sa gulat. Kasabay na namula ang magkabilang pisngi niya. Cute.
I stood up at hinuli ko siya sa baywang. "Seryoso ka riyan?" gulat pa niyang tanong.
"Nagbibiro lamang ako," sagot ko sabay halik sa pisngi niya at iginiya ko na siya papasok sa loob.
Dumiretso kami sa kuwarto ni Darlene. Mahimbing na nga ang tulog ng unica hija namin.
"Mahimbing na nga ang tulog niya," sambit ng girlfriend ko or my fiancé rather. Dahil suot na niya ang singsing na ibinigay ko sa kaniya. Engaged na rin kami.
I sat down on the bed at marahan kong pinisil ang tungki ng ilong ng anak ko. Gumalaw siya kaya roon ko lang siya binuhat. Hindi naman nagising si Len. Inayos ng ate niya ang kumot niya.
Naalimpungatan si Mira at paiyak na rin sana nang makita niya kung sino ang nagbubuhat sa kaniya.
"Ah. . . Dada?" I kissed her forehead.
"Yeah, it's dada, anak," sabi ko at sabay na kaming lumabas na tatlo.
Nang nasa kuwarto na kami at ibababa ko na rin siya sa kama ay ayaw na rin niya yatang humiwalay sa 'kin. Nakita iyon ni Dalia kaya napailing siya.
"Mira, hindi naman aalis 'yang dada mo, anak." Saka ko lang ito naihiga sa kama at agad na akong tumabi sa kaniya. "Let's sleep, love." Tinapik ko ang espaso sa tabi ng anak namin.
Agad naman siyang sumunod at hinapit ko siya palapit sa akin. Hinalikan ko ang noo niya.
"Good night," she uttered.
"Good night, I love you," I whispered. Hinintay ko pa ang isasagot niya pero nanatili na siyang nakapikit. "Love. . ."
"Ayaw mo talagang matulog kapag hindi ko pa nasasabi 'yon sa 'yo. Sige na, matulog ka na." See? Gising naman siya pero ayaw niya akong sagutin.
"Where is my 'I love you too', love?" tanong ko.
"I love you, sige na. Matulog ka na." Napangiti na ako dahil narinig ko na ang magic words niya.
"I love you more, Dalia," I fired back.
"Yeah, yeah. Sleep ka na," she said and I closed my eyes. "Mahal kita, higit kanino man." Nakatulog na ako na may ngiti sa labi. I love her more than anyone.
Paggising ko kinabukasan ay ang anak ko na lamang ang kasama ko sa kama. Nakaupo siya at mukhang hinihintay niya rin ako. Kaya nang makitang gising na ako ay agad siyang lumapit.
"Gising na dada ko?" mahinang tanong niya. Tumango ako at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Opo, gising na ang dada ni Mimi. Nasaan ang mommy mo, Mira?" I asked her. Itinuro niya ang pinto.
"Out po, dada," sagot niya.
"Ang galing naman ng anak ko," namamanghang sagot ko. Binuhat ko siya at nagtungo kami sa banyo. Ginaya niya ang panghilamos ko.
Lumabas na agad kami at pumunta sa kusina dahil tiyak na nagluluto na siya ng agahan namin. Siya na nga nagluluto at nandoon na rin ang mga kapatid niya.
"Good morning," I greeted them. Lumingon naman sila sanamin at kumaway lang si Dalia.
"Tamang-tama ang pagdating niyong dalawa. Maupo na kayo, Archi at nakahanda na ang breakfast natin," sabi niya.
Ito ang isa sa pinangarap ko pero kakaiba ang pag-aalaga ni Dalia. Parang isa pa rin akong bata kung alagaan niya at gustong-gusto ko iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top