EPILOGUE

EPILOGUE

ARCHIMEDES B. VALDERAMA'S POV

I JUST passed by a café and decided to go inside to buy a coffee and something to eat. Maaga rin akong umalis sa bahay namin kahit nandoon si Kalla. I didn't eat my breakfast.

"Good day and welcome to our de Luna Café," the girl greeted me and her voice tickled my heart. I don't know how that happened.

The woman was a service crew and she was guarding the counter. She's wearing their uniform in the café and she's just a simple girl but her aura is different.

Nakayuko lang siya and I can't see her face clearly but I know she's beautiful. Halatang matangos ang ilong niya.

She lifted her head and our eyes met. Nakikitaan ko man siya nang pagkagulat ay hindi iyon masyadong halata.

She is beautiful, only one girl I know is the most beautiful in my eyes. My wife Kallani but I don't think I'll ever see a woman more beautiful and like Kalla. Ngayon ay mayroon na nga.

"A café latte and banana cake for take out," I said firmly. I heard her sighed. May problema ba siya?

"Thank you, we will serve your order later please wait a minute, Sir," she said politely.

"Is it okay if I sit here?" tanong ko na ikinagulat niya. Kasi sino naman ang gustong umupo malapit sa counter kung puwede naman lumipat sa iba?

"Pardon Sir?" she asked.

"I'll sit here at the counter. I just drink coffee quickly," I told her.

"Oh, okay, Sir," she answered.

Abala na siya sa trabaho niya at sa paggawa ng kape pero hindi ko magawang tanggalin ang tingin ko sa kaniya.

Wala ka talagang makikitang kapintasan sa babae. Parang ang perpekto niya. Maganda rin ang hubog ng katawan niya at mestiza ang kutis niya.

Ayokong masyadong titigan ang babae dahil baka gawin ko lang ang ginawa ko dati kay Kalla. Kumuha ako ng sticky note at doon ako sumulat.

"Isang makasalanan na titigan ang magandang babae dahil may asawa na ako. Kaya bilang peace offering ay tanggapin mo ang order ko."

-Arch

Saka ako tahimik na lumabas at hindi ko na nga kinuha ang order ko. Sinadya kong isulat sa ganoon para hindi niya maintindihan. Siguro naman ay hindi siya isang Pilipina.

Pero hindi naman ako umalis agad dahil nagawa kong sundan ang babae at sumasakay siya ng bus patungo sa isang condominium. Ang alam ko ay mahal ang isang condo roon kapag bumili ka pero afford pala niya iyon.

Halos isang gabi ay hindi ako makatulog dahil mukha ng babaeng iyon ang nakikita ko kahit katabi ko pa ang asawa ko.

***

"Good morning, Sir. What's your order?" the girl asked me. Nang dumating siya ay parang hindi naman niya ako napansin kaya lumapit na ako sa counter.

"Same order," I answered.

"Order ninyo po kahapon?" tanong niya na ikinagulat ko pa.

"You know how to speak in Tagalog?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"I came from the Philippines," she told me and I blinked. Hindi ko alam iyon, ah.

"Sorry, I have to go." Nakaalis tuloy ako nang wala sa oras dahil sa pagkapahiya. Kung ganoon ay naintindihan niya ang nakasulat doon.

SIMULA nang makita ko ang babae ay palagi na lang akong nananaginip na paulit-ulit ko siyang inaangkin. Kaya hindi ko na rin siya tinigilan pa.

"You don't need-" Inabutan ko siya ng calling card. "Para saan ito?" tanong niya.

"Call me, and I'll treat you a dinner, Dalia," walang emosyon na sabi ko.

"I don't have time for that. I'm too busy, Sir. I'm sorry, and besides kasal ka na. Hindi maganda kung yayayain mo pa akong kumain sa labas. Hindi naman natin kilala ang isa't isa," agad na tanggi niya. She has a point pero gusto ko talagang yayain siyang kumain.

"Okay," tipid na sagot ko lamang at umalis din agad. Alam kong nasasabi na niya na weird ako pero wala akong pakialam.

NASUNDAN ko pa nga siya hanggang sa mall. Nang akma na siyang magbabayad ng bills niya ay pinigilan ko siya.

"Ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong niya. Nagkibit-balikat ako. "Bakit mo binabayaran ang bills ko?" malamig na tanong niya.

"Gusto ko lang," walang emosyon na sagot ko rin sa kaniya pabalik.

"Excuse me." Binuksan ko ang pinto ng kotse ko pero isinara niya rin iyon. "Ano ba ang kailangan mo sa akin at saka sinusundan mo ba ako?" Sa tono ng boses niya ay alam kong naiinis na talaga siya.

"I am not. 'Saktong nakita lang kita kanina na papasok sa mall," patay malisyang sabi ko. Ewan ko nga sa sarili ko kung bakit ko ginagawa ito basta ang masasabi ko ay gusto ko ang mga ginagawa ko.

"Pareho lang iyon. Sinundan mo pa rin ako," kunot-noong sambit niya. Napapisil ako sa tungki ng ilong ko. "Spill it. Ano ang kailangan mo sa akin at parang isa kang stalker na sunod nang sunod? Akala ko ba ay loyal ka sa asawa mo?"

Loyal sa asawa. Kung alam niya lang kung paano ko ginawang asawa si Kallani ay baka matakot pa siya.

"I don't even know. Gusto lang kitang maging kaibigan. That's it," sabi ko lang at namulsa.

"You are so unbelievable." Wala tuloy akong choice kundi ang pilitin siyang pasakayin.

"Chill. Wala naman akong gagawing hindi maganda sa 'yo. I'm being honest here. I just want you to be my friend. That's it," depensa ko. Nakita kong binuksan niya ang bintana at mabilis kong pinindot ito para hindi agad bumukas. Sinubukan pa rin niya kaya ni-locked ko na. "Hey, talk to me," sabi ko.

"You don't even know me," she uttered at masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Nagmamaneho na lamang ako at panaka-naka ang pagsulyap ko kay Dalia. Yeah, that's her name.

"Ikaw si Dalia. I thought hindi ka isang Filipino. I was so shocked," sabi ko.

"Bakit ako makikipagkaibigan sa 'yo? Hindi naman kita kilala. To be honest ay nagmumukha ka ng stalker o baka sira ang ulo mo," sabi niya at natawa ako sa daliri niya na inikot niya sa tainga niya. Parang sinasabi niya na nababaliw na rin ako. You can say that. Kakaiba ako kung mabaliw.

"You're very cute," I commented. She was wearing her orange dress at mas lalo siyang gumanda.

"Excuse me?" Ang sungit niya talaga. "Kung makikipagkaibigan ka ay dapat doon sa kapareho ng gender mo. Sa isang lalaki at hindi sa katulad ko na babae. Iba ang iisipin ng mga taong kilala ka na kasal na. Iisipin nila na may babae ka or worst may kabit," naiiling na wika niya. Grabe rin ang mindset niya.

"Isa lang ang kaibigan ko at si Randell lang iyon," I told her.

"So, bakit gusto mo pa ring makipagkaibigan sa ibang tao?" tanong niya na punong-puno ng kuryusidad.

"Nagagawa mong pagaanin ang bigat sa dibdib ko but don't get me wrong. I love my wife so dàmn much pero sincere ang pakikipagkaibigan ko sa iyo. If you want, ipapakilala kita sa asawa ko," sabi ko at umismid lang siya.

"No thanks. Hindi naman ako palakaibigan at saka may friend na rin ako. Wala na akong balak na dagdagan ang mga kaibigan ko. So, no," tanggi pa niya. I just shrugged his shoulders again and nodded.

"I'll treat you a lunch then," I said at nakahinto na sa tapat ng resto ang sasakyan ko. "Masamang tanggihan ang grasya. Mamalasin daw," wika ko at umibis na ako.

Pumayag siyang i-treat ko ng lunch at iyon nga ang ginawa ko, kahit maski ako ay nagtataka pa kung bakit ako nagkakaganito. Malayong-malayo ang ginawa ko noon kay Kalla. Ngayon kasi ay physically nagpapakita ako ng interes sa kaniya.

"Stop looking at me like that," walang emosyon na sabi niya nang mapansin na naman niya ang pagtitig ko sa kaniya. I can't help it.

"Can I ask you something, Dalia?" I asked.

Hindi agad siya sumagot dahil pinasadahan pa niya nang tingin ang buong paligid.

"Nagtatanong ka na," she fired back.

"So, sa de Luna Café ka nagtatrabaho? Why here sa Indonesia? Or you stay here for good? Do you have a family already, Dalia?" I don't care kung naparami na nga ang tanong ko but I'm curious about her life.

"To answer your question, yes. Nagtatrabaho ako sa café, as you can see naman but no. Sa tanong mo naman kung nag-stay ako here for good. Nandito lang ako because of my work. Umuuwi pa rin ako sa Pilipinas dahil nandoon ang pamilya ko," she explained that made me nodded.

She worked for her family then pero sa dami-rami ng bansang pupuntahan niya ay rito pa sa Indonesia. Na kung tutuusin mas maganda kung sa America dahil mataas ang magiging sahod niya roon.

"Family? Your own family?" I asked again. Ewan ko na naman sa sarili ko kung bakit ako kinakabahan na tanungin ang tungkol doon.

May sarili na kaya siyang pamilya? Asawa at anak? Sa hitsura pa lang niya ay mukhang wala naman pero hindi pa rin naman ako sigurado.

"Yeah, family," sagot niya at bahagyang napataas ang kilay ko. "Kumain ka na. May kailangan pa akong asikasuhin," sambit niya.

"What is it? Puwede akong tumulong?" pagboluntaryo ko. Ito ang unang beses na ginawa ko iyon. Madalas naman ay wala akong pakialam sa paligid. Pero pagdating sa babaeng ito ay nagagawa ko ang mga bagay na napakaimposible kong gawin.

"Nope," umiiling na sagot niya. I took a deep breath. Ang hirap niyang pilitin dahil agad siyang tumatanggi.

Nang magbayad ako ng bills namin ay nagpa-take out ako para sa dinner niya mamaya. Bigla ko na lang naisip ito.

Nakita ko ang pagmamadali ng waiter na makalapit sa amin. Dahil nauna na nga kaming lumabas.

"Thank you," sambit ko at kinuha ko ang paperbag. Nag-abot din ako ng tips para sa kaniya.

"Thank you, so much, Sir," he said.

Ibinigay ko naman kay Dalia ang hawak ko pero agad siyang tumanggi.

"Para saan naman 'yan?" nagtatakang tanong niya.

"Take it. This is for your dinner. Initin mo lang mamaya," sabi ko.

"Sa dami ng kinain ko kanina kasama na ang dessert ay parang hindi ko na rin kailangan pang kumain ng dinner. I'm full and thank you for the treat. Pero hindi ko na iyan matatanggap pa," tanggi niya at hindi naman ako kumibo.

Mas lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko siya sa braso. Naramdaman kong nabigla siya.

"Take it, please. Kumain ka sa dinner time. Iba naman ang kinain mo kanina. Dapat wala kang malampasan na kahit na ano'ng meal," seryosong sabi ko. Sa huli ay tinanggap pa rin niya ang paperbag. Pina-take out ko ito para sa kaniya kaya dapat lang na kunin niya.

"Okay. Thanks for this and sana, ito na rin ang panghuli mong treat," she uttered but I remained silent. "Hindi mo na ako kailangan pang ihatid. Puwede akong sumakay ng taxi patungo sa pad ko." Nabigyan lang ako ng idea dahil doon.

"I'll take you home. At least alam ko na safe kang makauuwi." She took a deep breath at ramdam ko na ang inis niya roon kahit wala naman akong ginagawa na ikaiinis niya.

"Bahala ka na nga. Napakakulit mo talaga," naiiling na komento niya at tumaas ang sulok ng mga labi ko.

Ngayon ay pareho na kaming lulan ng sasakyan ko at ang mga bodyguard ko ay nakasunod lang sa likuran namin.

Tumunog naman ang cellphone ko at nang tingnan ko iyon ay si Kallani ang tumatawag pero hindi ako nag-abalang sagutin iyon. Napansin na iyon ni Dalia dahil ilang beses niya akong tinapunan nang tingin.

"Hindi naman importante," sabi ko agad bago pa man siya magtanong.

"Sagutin mo. Baka ang asawa mo iyan," pamililit niya.

"Hayaan mo na," sabi ko lamang. Wala akong balak na sagutin ito hangga't kasama ko siya.

Hinatid ko siya hanggang sa condominium. Tinanong ko pa siya kung saan siya nakatira para hindi siya magtaka kung bakit alam ko ang address niya.

"Thank you, mag-ingat ka," agad na sabi niya nang makarating na nga kami.

Nang nasa kotse na ako ay napansin ko ang pamilyar na sasakyan ni Randell. Hindi ako dapat magkamali. Sasakyan iyon ni Randell. Ano kaya ang ginagawa niya rito?

Matapos ang araw na iyon ay pumunta ako sa Pilipinas dahil may mga inaasikaso ako. Tapos ang nakatatawa lang ay makikita ko roon si Dalia kung hindi ko pinatingin sa iba kung nasa Indonesia pa siya ay baka iisipin ko na hindi siya ang nakikita ko ngayon na kasama ang dalawang bata. Nag-resign na lamang siya bigla.

Malapit sa kaniya ang mga ito. Hindi ko alam kung kapatid ba niya o anak niya. Hinihintay ko na nga lang na kung may lalaki rin ba ang susulpot pero mukhang wala naman. Kaya pinili kong paniwalaan na mga kapatid niya lang ang mga ito.

Balak ko talaga siyang bantayan pa kung hindi lang ako abala nang araw na iyon. Si Randell ang kasama ko at naisipan ko na lamang na yayain siyang mag-bar.

Si Randell ay ang matalik kong kaibigan at siya ang bukod tanging pinagkakatiwalaan ko. Alam niya ang lahat nang ginawa ko para sa asawa ko pero nanatili siyang tahimik at sinuportahan niya lamang ako. Ewan ko kung may hinanakit ba siya sa akin.

Marami siyang nainom at halata na iyon dahil sa paraan nang paglalakad niya. Pumara pa siya kaya inihinto ko ang kotse. Tumaas ang sulok ng mga labi ko nang sumakay naman siya. Sinilip ko pa siya sa backseat saka ko pinaandar ang kotse.

"Hala. . . Sino ka naman?" she asked me in confused. "A-Archi?" gulat na sambit niya sa pangalan ko. Siya lang ang tumatawag niyan.

"Dito lang pala kita makikita ulit. I wonder kung bakit nag-resign ka sa trabaho mo sa Indonesia?" I asked her.

"Ano naman ang pakialam mo sa life ko? At saka. . .ibaba mo na lang ako riyan," aniya na ikinailing ko. Ayoko siyang ibaba. Malalim na ang gabi at delikado na rin sa labas. Baka pagpiyestahan siya ng mga tao. "Archimedes. . ."

"Can I have you for tonight?" tanong ko na alam kong iba ang pagkaintindi niya.

"Excuse me?" masungit na tanong niya.

"I want to release this shít," I just answered.

"Nakalimutan mo na yata na mayroon ka ng asawa," walang emosyon na sabi niya.

"Uh-huh," sambit ko dahil iyon nga ang nangyayari kapag siya ang kasama ko na palagi niyang pinapaalala.

"Ihinto mo na lang diyan ang kotse ko. Kailangan kong umuwi agad," utos pa niya pero hindi ko na siya pinagbigyan pa.

Until she fell into a deep sleep and I don't have any choice, dinala ko na lamang siya sa condo ko. Wala naman akong ginawang kakaiba o hindi ko siya pinagsamantalahan. Kahit mukhang nang-aakit pa siya.

May isang bagay lang kasi ako na gustong patunayan at hindi naman ako nabigo. Siya iyon.

Iyon na rin ang huli ko siyang nakita at kahit pinahanap ko pa siya ay hindi na ako nagkaroon pa ng information. Nadismaya ako sa balitang iyon kaya pinilit kong pagtuunan na lamang nang atensyon ang asawa ko at kalimutan si Dalia.

Apat na taon ang nakalipas ay saka ko ulit siya nakita at inaamin kong hindi nagbago ang pagtingin ko kay Dalia. Kaya noong malaman kong isa siya sa magiging katulong ng mansyon namin ay hindi ko tinanggihan iyon. Dahil mas mapapalapit siya sa akin.

Nagkakaroon lang kami ng argument pero pagdating sa kaniya ay tumitiklop na ako.

"Mahal ko si Kalla. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kaniya," seryosong sabi ko.

"Ngunit mali ang ginagawa mong pagkulong sa kaniya," walang emosyon na sabi niya. Iyon kasi ang ginagawa ko kay Kallani. Lalo na nang malaman ko na nakikipagkita ito sa ex-fiancè nito.

Nag-iwas na lamang ako nang tingin at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Alam kong nagagalit at naiinis na talaga siya.

"Para sa akin ay walang masama ang magmahal pero huwag mo namang itodo ang pagiging hibang mo sa pag-ibig. Masarap magmahal nang malaya, Archi. Walang kinakatakutan at wala kang alalahanin kundi ang future mo lang kasama siya. Sa ginagawa mo ngayon ay talagang mababaliw ka," pangangaral pa niya pero ito talaga ang pinili kong pag-ibig.

Napansin kong nananahimik na rin ang Brilliantes na iyon at nalaman kong involved si Randell. May plano siyang ginagawa at doon ko nalaman ang katotohanan na isa na roon si Dalia.

Madalas niya akong pagsabihan na mali ang ginagawa ko pero ang hindi ko matanggap ay nagawa niya rin akong lokohin kaya nang araw na iyon ay nandilim talaga ang paningin ko at nawala ang respeto ko sa kaniya. Hindi ko na namalayan pa ang mga ginawa ko.

Nasaktan ko siya at alam ko naman sa sarili ko na nagsisi ako sa ginawa ko. Pero nangingibabaw talaga ang galit sa aking dibdib.

Inilaban ko pa rin ang karapatan ko kay Kallani na inakala kong pipiliin pa rin niya ako pero itinakas lang pala siya ng lalaking iyon.

May trauma ako kapag iniiwan ako ng mga taong mahalaga para sa akin pero nang sinabi ni Dalia na kaya niya akong hintayin ay hindi ako naniwala.

"Hindi ako ang babaeng nararapat sa 'yo, Archimedes. Just please, sumuko ka na lang. Isipin mo naman ang sanggol na dala-dala ngayon ni Dalia. Magkakaanak ka na. . . Bakit hindi iyon ang pagtuunan mo nang pansin? Archi. . . Ang gusto mong pamilya ay hindi ko kayang ibigay dahil una sa lahat ay may pamilya na ako at wala sa akin ang hinahanap mo. Na kay Dalia at ng magiging anak niyo," mahabang sabi ni Kallani.

"I don't love her," malamig na sabi ko.

"K-Kahit para na lang sa anak natin, Archimedes. Hahayaan pa rin naman kita. . .na makilala ka niya. Please, huwag na nating pahirapan pa ang sarili natin. . . Sumuko ka na. . . Sumuko ka na alang-alang sa anak mong dinadala ko at kaya ko pa rin namang maghintay. . . Kaya ko pa ring maghintay na kung kailan ka magmamahal ulit. Archi. . . K-Kami ng anak mo ang pamilya mo. Hihintayin ka pa rin namin. . . Sa pagbabalik mo ay sasalubungin ka namin nang m-mahigpit na yakap. . ." sabi naman ni Dalia at kitang-kita ko ang pagbuhos ng mga luha niya. Nasa boses niya ang sinseridad.

Ewan ko ba kung bakit parang gusto ko ring maniwala sa sinabi niya. Pero masyadong mabait si Dalia at alam ko na katulad ni Kallani ay iiwan niya rin ako. Hindi pa rin niya ako kayang panindigan.

"K-Katulad ka rin ni Kalla. . . K-Kapag nagsawa ka. . . . Kapag napagod ka. . . Kapag nasasàkal na rin kita ay iiwan mo rin ako. . . M-Masama akong tao. . . kaya alam ko. . . A-Alam kong hindi mo kayang panindigan ang mga sinasabi mong iyan, Dalia. . . I-Ipapakilala mo sa akin ang anak ko? Pero sa huli. . . Baka. . .iwan mo rin ako. . . Iiwan niyo rin ako. . ." mahinang saad ko. Ayokong maranasan pa ang maiwan. Ayoko na.

"Hindi. Kaya kong panindigan ang sinasabi ko, Archi. . . N-Nakalimutan mo na rin yata na apat na taon ko nang ginagawa na makasama ka kahit sa maikling oras lang, kahit ibang babae naman ang tinatawag mo... Pleasant, p-pakawalan mo na lang si Jean. . . H-Handa naman akong tanggapin ka. . . Handa akong. . . maghintay kung kailan mo ako. . . matutuhan na mahalin. . . Archi. . . H-Hindi ako nagmamadali. . . H-Hihintayin pa rin kita..." She stood up and approached me para lang yakapin ako nang mahigpit.

"W-Why are you so kind to me? H-Hindi ba sinaktan kita? H-Hindi ba muntik ka nang m-makunan? Bakit hihintayin mo pa rin ako?! Bakit kailangan mong sabihin ang mga iyan?!" Hindi ko na rin napigilan pa ang emosyon ko. Dahil iginigiit pa rin niya ang gusto niyang mangyari kahit alam niyang hindi ko siya mahal.

"Archi. . M-Mahal kita. . . Hindi lang ang anak natin ang dahilan kung bakit pinipilit kita na sumuko. . . Dahil gusto pa kitang makasama. . . Si Jean. . . Please, let her go. . . She deserve to be happy with her family. . ." Pero gusto kong subukan iyon. Kahit ngayon lang, kahit ngayon lang ay gusto kong subukan kung kaya ko ba.

"I-I'm sorry. . . I'm so sorry. . ." paulit-ulit na sambit ko.

SUMUKO na ako ayon din sa gusto ni Dalia. May takot man akong nararamdaman dahil baka ako lang ang mabibigo sa huli ay nagtiwala ako sa kaniya. Tiniis ko lang na huwag na siyang makita dahil nagpalipat ako ng kulungan.

Nagawan 'yon ng paraan ni Engineer Markus at ngayon ay iniimbitahan niya akong pumunta para sa gender reveal. Pero tumanggi ako.

"Puwede kitang ipagpaalam para makapunta ka," sabi niya.

"Hindi na kailangan. Mas mabuti pa ang hindi na ako magpapakita pa," sagot ko na ikinabuntong-hininga niya.

Kahit gusto kong makita si Dalia at ang malaking umbok ng tiyan niya ay nagmatigas pa rin ako. Ang importante sa akin ay malaman kong maayos naman ang kalagayan niya.

"Your child is a girl, Valderama," sabi niya nang tumawag siya sa akin para sabihin iyon.

Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko nang malaman ko ang tungkol doon. Babae, babae nga ang anak ko. Ang magiging panganay ko.

"Mira Dazelia O. Valderama," sambit ko sa pangalan na gusto ko para sa anak namin ni Dalia. Sa tingin ko ay babagay iyon sa anak namin.

Habang nakakulong ako ay hindi ko rin maiwasan ang mag-alala. Lalo na nang mabalitaan ko na mahina ang puso ni Dalia. Nag-alala ako na baka hindi niya kayanin ang mag-labor at hindi ko na rin napigilan pa na tawagan siya para ipaalala iyon sa kaniya.

Matagal akong makukulong pero may ginawa na naman ang Brilliantes na 'yon at naging dalawang taon lang ang itinagal ko sa presinto. Sa puntong iyon ay hindi na ako nagtanong pa at sumang-ayon na lamang ako.

"Handa ka na ba?" tanong sa akin ni Engineer Markus nang susunduin na niya ako.

Kanina pa ako hindi mapakali at ang gusto ko agad ay makaalis na kami dahil gustong-gusto ko na ring makita ang anak ko. Gayunpaman, tumango lamang ako at nanatiling walang emosyon ang mukha ko.

"Salamat," tipid na sagot ko lamang nang makarating na rin kami sa malaking gate na nasa tapat ngayon ng kotse niya. Ito ang bahay na pinabili ko sa pinsan kong si Zavein.

"Alam ko ang pakiramdam na mawalay sa pamilya. Huwag mo sanang sayangin ang magandang buhay na naghihintay sa 'yo, Valderama. Ang pamilyang pinangarap mo ay hindi maibibigay ni Jean. Sa kapatid ko lang puwede niyang ibigay iyon pero para sa 'yo, ibang tao naman ang gagawa," mahabang sabi pa niya. Tinanggal ko na ang seatbelt sa katawan ko at sinulyapan ko siya.

"Thank you, but I realized that a long time ago," I uttered and he nodded.

Umibis na ako mula sa kotse niya at naglakad ako palapit sa gate. Nakabukas ito kaya malaya akong nakapasok sa loob.

Sa paglalakad ko ay napansin ko ang dalawang bata na naglalaro sa labas. Maririnig ko ang malakas na pagtawa nila, higit na nangibabaw ang boses ng batang babae na hindi pa gaano makapaglakad nang maayos.

"Mira!" sigaw ng batang lalaki nang dumiretso ito sa paglalakad at nakita ko na lamang ang sarili ko na sinasalubong ang bata.

Huminto rin ako nang makalapit na siya at ganoon din ang kaniyang ginawa. Tiningala niya ako at namimilog ang mga mata niya nang makita ako.

Nang mapagmasdan ko ang maamo niyang mukha niya ay parang may humahaplos sa dibdib ko kaya lumuhod ako. Agad niyang inilahad ang magkabilang braso niya. Napangiti ako at walang pagdadalawang isip na binuhat ko siya. Yumakap ang maliliit niyang braso sa leeg ko.

"Hala, Mimi!" sigaw ng bata at kahit gusto niyang kunin ito ay hindi niya magawang humakbang.

"Hello, how are you?" I asked her sweetly at nang ngumiti siya ay sumabay na bumilis ang pintig ng puso ko.

She's so beautiful just like her mom. Hinalikan ko ang pisngi niya at narinig ko ang mahina niyang pagbungisngis.

"Ate! Ate, may lalaki rito sa baba! Ate Dalia! Si Mimi po buhat ng lalaki!" sigaw pa ng bata at hindi ko na iyon pinansin pa.

Hanggang sa makita na nga ako ni Dalia. Halata sa pamimilog ng mga mata niya ang gulat.

"A-Archimedes..." she uttered my name.

"Hi, long time no see," I told her. Parang gusto ko agad na lapitan siya at yakapin nang mahigpit.

"A-Ano'ng...paanong..."

"She is so beautiful. She looks just like you. What did she get from me? Parang wala, right? Because from what I see you resemble our child more. Don't you even have anything to tell me, Dalia?" tanong ko dahil nanatili pa rin siyang nakatayo at pinagmamasdan lamang ako.

"Bakit. . . Paanong nandito ka? Akala ko ba. . ." tanong niya na halata sa boses ang kuryusidad.

"I only got two years to go to jail. I guess, I'm still lucky because the Brilliantes clan had mercy on me? They know I also have a family to take care of. So. . . Don't you have anything to say? Won't you even hug me? Mahaba pa ang biniyahe ko at wala akong tulog mula pa kagabi dahil sa excitement ko na makauwi rito," sabi ko pa kasi wala siyang balak na lapitan ako para yakapin man lang. "Oh, sige na nga. Ako na lang ang lalapit sa 'yo."

Ako na nga ang gumawa niyon at humakbang ako palapit sa kaniya. Hinapit ko agad siya sa baywang at ginawa ko ang unang bagay na pumasok sa isip ko. To hug her tight like this.

"Archi. . ." I missed her so much. I really do.

"I miss you, love. . ." I uttered.

"Archi. . ." I kissed her cheek.

"I made it, Dalia. I can forget the wrong love that I chose. I was able to love someone even though I'm far away. I managed to open my heart for you. Please speak. Say what you want to say because I want to hear it, love. . ." Matiim ko siyang tinitigan.

She cupped my jaw and uttered these words, "W-Welcome home, Archi. . ."

***

"Kuya! Maayos na po ang lahat. Tara na!" narinig kong sigaw ni Zavein sa baba.

Aalis kami ngayon para pumunta sa pamilya ni Dalia. Kahapon pa namin inayos ang mga dadalhin namin na groceries. Tiningnan ko na muna ang sarili ko sa salamin kung okay na ba ang hitsura ko at saka ako lumabas.

Hinanap ko si Dalia at nasa baba na rin pala siya. She wore her dark blue dress and a pink tank top and shorts for our daughter.

Nakita kong inaayos niya rin ang feeding bottle nito na nasa center table.

"Dada!" tawag sa akin ng anak ko. Ngumiti ako sa kaniya at humalik sa noo niya.

Nilapitan ko ang mommy niya at inagaw ko mula rito ang hawak niyang backpack ni Mira.

"Galing ka sa itaas?" tanong niya na tinanguan ko.

"Nag-aayos pa lamang ako. Aalis na tayo mamaya," sabi ko. Hinanap pa ng mga mata ko ang mga kapatid niya na mukhang nasa labas na rin.

"Sigurado ka ba rito, Archi?" tanong niya. Ilang beses na niya akong tinanong tungkol dito ngunit buo ang desisyon ko na magpakilala sa tita niya upang makuha ko ang basbas nila para pakasalan si Dalia.

"Yes, I told you. Ginagawa ko ito para sa inyo ni Mira," I said. Nag-aalangan siya, alam ko. Siguro hindi pa siya handa na makita ang tita niya dahil hindi naging maganda ang huli nilang pag-uusap. I cupped her face and stared at her beautiful face. "Everything is gonna be alright, love." I planted a kiss on her forehead.

Hindi naman sasama sa amin si Zavein dahil may lakad siya. Nagpatulong lang ako kahapon sa kaniya at si Dalia, kahit gusto niya ring tumulong ay hindi ko siya hinayaan.

Binuksan ko ang pinto para makasakay na sina Ryry at Len. "Thank you po, Kuya Archi," nakangiting pasasalamat ni Len. Habang lumalaki siya ay mas kamukha niya ang ate niya.

"Thank you po," sabi naman ni Ryry.

"No worries."

Kinuha ko na muna si Mira para makasakay na ang mommy niya sa kotse.

"Aalis ka rin agad, Zavein?" tanong ni Dalia sa pinsan ko.

"Oo. Kailangan kong pumunta nang maaga baka hanapin ako ni Jean," sagot naman nito at nagkatinginan pa kami ni Dalia. Ngumiti lang ako sa kaniya saka ko ibinigay ang anak namin. Tinapik ko sa balikat si Zavein. "Goodluck, Kuya. Sana lang ay huwag kayong pagtabuyan," sabi niya.

"Hindi 'yan," umiiling na saad ko saka ako umikot sa driver's seat. Ang dala namin na groceries ay nasa ibang sasakyan na.

Bago ko pinaandar ang kotse ko ay tiningnan ko na muna kung naisuot na nila ang seatbelt. Inayos ko ang headband ng anak ko na tumatakpan na sa mga mata niya.

"Dada," muling tawag niya.

"Naririnig ka ni dada, anak ko," malambing na sabi ko at ngumiti lamang siya.

Alam ko kung kami dapat pupunta. Hindi naman iyon kalayuan. Ilang minuto lang ang biniyahe namin ay nakapasok na kami sa subdivision.

"Ha? Lumipat ba ulit si Tita Araneta?" nagtatakang tanong ni Dalia. Siyempre hindi na niya malalaman pa ito.

"Tatlong buwan na ang nakararaan. Alam kong naaalala mo na minsan na rin kayong lumipat dito, tama?" tanong ko at marahan siyang tumango. "Ginamit ng tita mo ang perang pinaghirapan mo at nalaman kong naibenta niya ito kaya sinubukan kong bilhin. Para na rin maging komportable sila ay pina-renovate ko na," mahabang saad ko.

"Archi, hindi mo na dapat ginawa 'yon. Ayos lang naman."

"Bago kita inayang puntahan ang tuta mo ay nauna na akong nagpakilala bilang boyfriend mo lang. Hindi siya tumanggi sa bahay pero ang pinsan mo."

Sa pagdating namin sa bahay ng tita niya ay nasa pinto pa lang sila ay nag-aabang na nga sila kasama ang panganay nilang anak na lalaki.

Bumaba na rin kaming lahat at ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ng girlfriend ko. Hinalikan ko iyon at pati na ang noo niya.

"Archi."

"Wala kang dapat ikatakot, love. Wala ka namang naging atraso sa pamilya nila dahil ginawa mo rin naman ang lahat para sa kanila. Hangga't kasama mo ako ay ipanatag mo ang kalooban mo, Dalia." Ngumiti lamang siya. Nasa bisig ko na si Mira at lumapit na rin kami. Sumunod din ang mga kapatid niya. "Magandang umaga po," magalang na bati ko.

"Magandang umaga rin. Pasok na muna kayo bago tayo mag-usap," sabi ng tita ni Dalia. Hinaplos ko ang baywang ni Dalia at napatingin pa siya sa akin. Lumapit na siya sa tita niya at nagmano, ganoon din ang mga kapatid niya.

"Ang tagal kitang hinintay, Dalia. Ngayon ka lang talaga nagpakita sa amin kasama ang mga kapatid mo," sabi nito na mukhang hindi naman siya galit.

Noong dumalaw ako ay tinanong nila kung nasa maayos na kalagayan ang magkapatid. Sa tingin ko naman ay nag-alala rin siya para sa mga ito.

"P-Pasensiya na po, Tita. Naging busy lang po ako sa pag-asikaso sa mga kapatid ko at sa anak ko po," nahihiyang sabi niya.

***

Tahimik kami noong una at halos wala nang gustong magsalita. Sina Len at Ryry ay nakayuko lamang. Nakaupo sila katabi ng ate nila at nasa kandungan ko namang nakaupo si Mira na kanina pa naguguluhan sa nangyayari. Nakailang ulit na siya sa paghila sa damit ko.

Tumikhim si Mrs. Magsaya at tumingin sa katabi ko. "Alam mo, Dalia. Wala naman talaga akong hinanakit sa inyong magkapatid. Pero sana ay tumawag ka man lang sa amin para sabihan kami kung okay na ba kayong magkapatid. Alam kong hindi naging maganda ang pagtrato ko sa inyong magkapatid. Masyado kitang inabuso noon dahil sa pera at pinapamukha ko na wala kang utang na loob kapag aalis agad kayo na may magandang bahay tapos kami- Ayoko na talagang manumbat dahil malaki rin naman ang pagkukulang ko sa inyo bilang tiyahin ninyo. Kapatid ko ang tatay ninyo at alam kong inaasahan niya na aalagaan ko kayong tatlo at ituturing na parang tunay na ina. Pero ikaw lang ang gumawa sa mga kapatid mo. Hanga rin naman ako sa pagiging matatag mo. Kaya humihingi ako ng paumanhin sa 'yo. Nitong nakaraang taon ko lang napagtanto ang lahat at labis kong pinagsisisihan 'yon. Isa lang ang gusto ko ngayon, Dalia. Ang mabuhay kayong masaya nina Daryl at Darlene. Panatag na rin ang loob ko dahil alam kong may mag-aalaga sa inyo at mamahalin ka rin."

"Salamat po, Tita. Maraming salamat din po sa pag-aalaga sa mga kapatid ko," mahinang saad ni Dalia.

"Kayo rin. Mag-sorry kayo sa pinsan ninyo. Isa kayo sa mga taong natulungan niya."

I smiled at them dahil isa-isa na silang nagkapatawaran. Napansin ko naman na madilim ang tingin sa 'kin ng pinsan ni Dalia na si Rouge. Ang alam ko ay tapos na ito sa pag-aaral at isa ng engineer. Tumayo ako at mukhang nakuha niya ang gusto kong ipahiwatig sa kaniya.

"Ang pinsan ko. Sobrang selfless niya kaya sana totoo ang mga nakikita kong pagmamahal mo kay Dalia. Marami na siyang pinagdaanan simula pa nang mawala ang mga magulang niya at tumayong ina't ama sa mga kapatid niya. Masunurin siya at masyadong mabait kaya madalas inaabuso siya ng mama ko. Isa lang pakikiusap ko. Sana alagaan at mahalin mo siya, ikaw naman ang gumawa no'n dahil tapos na siya sa parte niya," mahabang saad niya at masyado ring malamig ang boses niya.

Ngunit makikita sa mga mata niya na may malasakit din siya sa mga pinsan niya. Lalo na kay Dalia.

"Maaaring nasaktan ko minsan si Dalia. Pero hindi ko na siya magagawa pang saktan. Mahal ko siya at mas mamahalin ko pa siya dahil siya ang ina ng anak ko," sabi ko naman at naglahad siya ng kamay na walang pagdadalawang isip na tinanggap ko ito.

"Salamat."

Napatingin ako sa mag-ina ko na masaya nang nakikipagkuwentuhan sa pamilya nila. Ginagawa ko ito para kay Dalia. Dahil alam kong deserve naman niya ang lahat ng ito.

Ito ang buhay na pinangarap ko. Sa kabila ng maling ginawa ko noon ay binigyan pa rin ako ng isang pamilyang matatawag kong akin.

Sa pagbabago ko at sa pagtanggap ng mga kasalanan ko ay may pamilyang tatanggap pa rin sa akin.

"I love you, Dalia Ortega," I uttered nang makuha ko siya sa pamilya niya.

"I love you too, Archi," she said.

I, Archimedes B. Valderama, I am now happy in the Passionate Embrace of the girl I love.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top