CHAPTER 7
Chapter 7: Kaibigan
ARCHIMEDES B. Valderama, CEO of Valderama Real Estate Company.
Pangalan pa lang ay kakaiba na. Sa mga nabasa ko ngayon ay mayaman nga siya. Pero bakit kaya hindi niya ipagamot ang sarili niya, 'no?
Bakit kailangan pa niya akong i-treat ng dinner? Friends ba kami? Hindi naman siya mukhang feeling close kasi aloof din siya kung titingnan. I shook my head and sighed.
Sunday ang day-off namin kaya lumabas ako at magtutungo ako sa mall. Bibili ako ng mga gamit para kina Darlene at Ryry. Alam ko naman kasi kapag pera ay bihira lang silang bigyan ni tita. Sa pagkain lang iyon. Kaya mas mabuting ako na lamang ang bibili para sa kanila. Hindi baleng gagastos pa ako para sa shipping fee.
Orange off-shoulder dress ang isinuot ko at naka-flat sandal naman ako pababa. Nakatali ang buhok ko upang hindi ito maging sagabal mamaya.
Bibilhan ko rin naman ang mga pinsan ko, si Tita Araneta at ang asawa niya. Mamaya niyan ay magtampo sila kung para sa aking mga kapatid lang ang package at wala sa kanila. Ang tita ko pa naman ang receiver. Sasabihin ko lang ito sa kaniya kapag dumating na roon. Tatawag naman siya.
Tatlong pares na damit ang pinili ko kay Ryry, at dress din para kay Darlene. Sapatos at doll shoes din. May mga laruan na alam kong magugustuhan ng mga bubwit.
Dala-dala iyon ng mga saleslady at nang matapos ako ay nagtungo na ako sa counter para magbayad ng bills. Nang maglalabas na sana ako ng card ko ay may ibang kamay ang nag-abot niyon at salubong ang kilay ko na nilingon ko siya. Napakurap-kurap pa ako dahil si Archimedes iyon. Nandito na naman siya.
"Ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko. Nagkibit-balikat siya. "Bakit mo binabayaran ang bills ko?" tanong ko at tumigas ang ekspresyon ng mukha ko.
"Gusto ko lang," walang emosyon na sabi niya. May mga bodyguard siyang kasama at iyon ang nagdala ng mga pinamili ko na naka-paperbag na rin.
Madalas ba siyang ganito? Magbabayad siya ng bills ng ibang tao dahil gusto niya lang?
Wala akong choice kundi ang sundan siya. Bakit ba nandito ang isang ito? Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?
"Excuse me," sabi ko at nilingon niya ako. Binuksan pa niya ang pintuan sa passenger's seat na parang gusto niyang sumakay ako roon. Isinara ko iyon at napataas ang kilay niya. "Ano ba ang kailangan mo sa akin at saka sinusundan mo ba ako?" tanong ko at naningkit pa ang mga mata ko.
"I am not. 'Saktong nakita lang kita kanina na papasok sa mall," pagdadahilan niya na as if paniniwalaan ko iyon. Ang creepy niya, ha.
"Pareho lang iyon. Sinundan mo pa rin ako," kunot-noong sambit ko. Napapisil siya sa tungki ng ilong niya. "Spill it. Ano ang kailangan mo sa akin at parang isa kang stalker na sunod nang sunod? Akala ko ba ay loyal ka sa asawa mo?" walang emosyon na tanong ko.
"I don't even know. Gusto lang kitang maging kaibigan. That's it," sabi niya lang at namulsa. What? Gusto niya lang akong maging kaibigan? Or don't tell me gagawin niya rin ang ginawa niya kay Kallani? Subukan niya lang talaga.
"You are so unbelievable," naiiling na saad ko. Iyong mga paperbag ay nasa sasakyan niya at magtutungo na sana ako roon para kunin ang mga iyon nang hawakan niya ako sa siko. Nagpumiglas ako pero mas malas siya kaya nagawa niya akong pasakayin.
"Chill. Wala naman akong gagawing hindi maganda sa 'yo. I'm being honest here. I just want you to be my friend. That't it," he said at binuksan ko ang bintana pero bumaba lang iyon ulit. Sinubukan kong buksan pero hindi na gumana dahil sinadya ng taong ito. "Hey, talk to me," sabi niya.
"You don't even know me," I uttered at masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya. Nagmamaneho na siya kaya palipat-lipat ang tingin niya.
"Ikaw si Dalia. I thought hindi ka isang Filipino. I was so shocked," paliwanag pa niya at halos umikot na ang mga mata ko.
"Bakit ako makikipagkaibigan sa 'yo? Hindi naman kita kilala. To be honest ay nagmumukha ka ng stalker o baka sira ang ulo mo," ani ko at inikot ko pa ang daliri ko sa tainga ko. He chuckled softly.
Napatutop ako sa dibdib ko nang bigla na lamang siyang humalakhak. Kilala siyang tahimik na tao, palaging seryoso at walang ekspresyon ang mukha niya. Pero bakit ngayon ay ipinapakilala niya ang ganitong side niya? O kaya naman sinadya niya ito para mahulog ako sa mga patibong niya?
Binalaan na rin naman ako ni Randell na hindi siya basta-bastang tao lang, na hindi isang simpleng tao dahil marami raw itong koneksyon sa Pilipinas at alam kong maging sa bansang ito.
"You're very cute," he commented.
"Excuse me?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Kung makikipagkaibigan ka ay dapat doon sa kapareho ng gender mo. Sa isang lalaki at hindi sa katulad ko na babae. Iba ang iisipin ng mga taong kilala ka na kasal na. Iisipin nila na may babae ka or worst may kabit," naiiling na wika ko. Kung alam niya lang na parang ganoon na nga rin, may kabit na siya. Masakit man sa ego ay tatanggapin ko na rin na isa na akong kabit.
"Isa lang ang kaibigan ko at si Randell lang iyon." Si Randell, na nagawa siyang lokohin. I don't know why kung bakit nakararamdam ako ng guilt sa dibdib.
Pinagkatiwalaan niya ang matalik niyang kaibigan pero heto, nagawa pa rin siyang lokohin alang-alang naman sa isang tao at si Kallani iyon. Biktima ang kinikilala niyang asawa niya at ganoon nga siya sa kasama para ilayo ito sa totoong pamilya nito.
Ngunit may takot lang sa kaniya si Kallani at naging masunurin na lamang ito.
"So, bakit gusto mo pa ring makipagkaibigan sa ibang tao?" tanong ko na punong-puno ng kuryusidad.
"Nagagawa mong pagaanin ang bigat sa dibdib ko but don't get me wrong. I love my wife so dàmn much pero sincere ang pakikipagkaibigan ko sa iyo. If you want, ipapakilala kita sa asawa ko," suhestiyon pa niya at napaismid ako.
"No thanks. Hindi naman ako palakaibigan at saka may friend na rin ako. Wala na akong balak na dagdagan ang mga kaibigan ko. So, no," tanggi ko. He shrugged his shoulders again and nodded.
"I'll treat you a lunch then," he said at bago pa ako makatanggi ay huminto na ang kotse niya sa isang restaurant na sa hitsura pa lang nito ay mamahalin na ang mga pagkain na sini-servd nila. "Masamang tanggihan ang grasya. Mamalasin daw," wika niya at umibis sa kotse niya.
Hindi ko pa nasasabi kay Randell na nagkikita kami ni Archi sa café na pinagtatrabahuhan ko pero kapag sinabi ko nga, na malalaman niya ay may posibilidad pa na ililipat niya ako ng trabaho.
Kapag kasi hinayaan namin na madalas magtagpo ang landas namin ni Archimedes ay mabubuking ang sekreto namin ni Randell.
Siguro kailangan ko pa ring sabihin ito sa kaniya at hindi na bale kung mailipat man ako ng trabaho. Pareho kaming mapapahamak kapag may nakaalam sa aming lihim at panloloko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top