CHAPTER 20
Chapter 20: New beginning
SA KABILA nang pasakit na ibinigay sa 'kin ng lalaking mahal ko, sa sinabi niyang hindi niya ako mahal at hindi niya ako matatanggap sa buhay niya ay naging masaya pa rin ako.
Dahil nakasama ko na ulit ang nakababata kong mga kapatid na sina Darlene at Daryl. Matagal ko na dapat silang kinuha mula sa tiyahin ko pero nahihiya lang ako na ipatuloy sila sa bahay ni Archimedes.
Sinundo pa nina Kalla at Engineer Miko ang mga kapatid ko. Ayos na rin daw kay Zavein na tumuloy ang mga ito kasama namin. Ginawa nila ito para sa akin kasi alam nilang nasaktan ako sa ginawa ni Archimedes at hindi raw ako titigil sa pag-iyak kapag wala akong ibang bagay na pagkakaabalahan.
Ngunit naniniwala pa rin ako na magbabago pa rin ang isip niya at magagawa niya rin akong tanggapin kahit na hindi ko na makuha pa ang puso niya. Basta iyong kasama ko lang siya ay sapat na iyon. Hindi naman ako naghahangad pa na masuklian niya ang pagmamahal ko. Basta buo ang pamilya namin.
"Thank you, Kalla. Miss na miss ko na talaga sila. Dalawang taon din kaming hindi nagkita," sambit ko at may mga luha pang tumulo sa aking pisngi. Ramdam na ramdam ko ang pananabik ko sa kanila.
"No worries, Dalia. Kung alam lang namin na may mga kapatid ka pa pala ay sana maaga pa lang ay nasundo na namin sila. Hindi yata maganda ang trato nila sa mga kapatid mo at ang pinsan mong lalaki. Kakaiba ang ugali niyon," ani ni Jean. Nagsalubong pa ang manipis niyang kilay.
Napatango ako dahil totoo iyon. Masyadong seryoso si Rough at tahimik lang talaga iyon. Pero matino naman ang isip ng lalaking iyon at masyadong strict sa mga kapatid niya. Hindi na ako magtataka pa na kung ganoon din siya sa nakababata niyang mga pinsan.
"Nahihiya lang ako sa kanila," sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil iyon.
"Sa ngayon ay huwag mo na munang alalahanin si Archimedes. Hayaan mo muna siya, Dalia. Focus ka muna sa baby mo. Dinala namin ang mga kapatid mo para makalimutan mo pansamantala ang problema niyo ni Archi. Alam kong na-miss mo rin ang mga kapatid mo at maging sila ay ganoon din. Dalia, hindi niya makukuha ang baby niyo. Hindi namin siya hahayaan. Just trust me, okay?" I just nodded.
Hindi ko magawang magalit kay Kalla o Jean, kahit selos ay wala akong nararamdaman. Kahit na siya pa rin ang tinitibok ng puso ni Archi. Nagpapasalamat pa nga ako dahil kay Jean ay may baby na ako kahit wala sa plano ko ang pagbubuntis. Oo, muntik na naman niyang isakripisyo ang sarili niya alang-alang sa amin ng magiging anak ko.
Maski siya ay nahirapan din sa poder ni Archi. Mabuting tao siya pero nagawa siyang ilayo nito sa pamilya niyang nagmamahal din sa kanya. Jean deserve to be happy.
Ilang beses pa akong nagpasalamat sa kanila saka sila nagpaalam na uuwi na rin. Inasikaso na ni Randell ang bills ko sa hospital at ang discharge ko. Hindi naman daw ako magtatagal dito ngunit may paalala ang doctor ko. Iwasan ko raw ang mag-overthink dahil isa iyon sa nag-cause sa 'kin ng stress.
Sabay-sabay na rin kaming umuwi sa aming mansion. Siyempre hindi naman dito nakatira si Randell kaya pagkatapos niya kaming ihatid ay nagpaalam na rin siya.
Namamangha pa ang mga kapatid ko nang makita nila ang malaking bahay. Nangingilid na agad ang mga luha ko. Dahil ito ang unang beses na makakita sila ng mansion.
"Simula ngayon ay titira na kayong dalawa sa bahay na ito. Hindi ito house ko, okay? Bahay ito sana ng daddy ng baby ng ate niyo at sa kanya rin. May three spare room. Ang kailangan lang natin ay kayo ang pipili tapos saka natin ayusin ang interior ng room ninyo. O, let's go?" Naglahad ng kamay si Zavein sa bunso kong kapatid at hindi naman ito nag-alinlangan. Humawak sa kamay niya at nauna na silang naglakad.
Bumaba ang tingin ko kay Darlene. Nagniningning ang mga mata niya. Hinaplos ko ang buhok niya at hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang kamay.
"Ate, ang ganda po ng bahay niyo," sabi niya na may lambing sa boses niya. Malaki ang pinayat niya kumpara sa huling beses naming pagkikita.
"Hindi mo ba narinig si Kuya Zavein mo? Dito na kayo titira ni Daryl at hindi na tayo maghihiwalay pa. Kaya bahay ninyo na rin ito," nakangiting sambit ko. Inaya ko na siyang pumasok sa loob.
"Dalia, magpahinga ka na sa kuwarto mo. Ako na ang bahala sa mga bubwit na ito," sabi ni Zavein.
"Thanks, Zavein. Mababait 'yan sila. Makulit lang ang bunso namin," ani ko.
"Come on, ihahatid ka namin sa room mo. Tandaan mo ang sinabi ni Kalla. Kalimutan mo muna si Kuya Archimedes." Tipid lang akong ngumiti. Pati sa kama ay inalalayan pa ako ni Zavein at inayos ang kumot ko.
Humalik sa pisngi ko sina Darlene at Daryl. Ayaw pa ngang humiwalay ang aking bunsong kapatid. Nangangamba siya na baka raw mawala na naman ako.
Naiwan din ako sa aking silid at kahit ilang beses pa nilang sinabi sa 'kin na kalimutan ko na muna si Archi ay ang hirap pa ring pigilan ang sarili ko na huwag siyang alalahanin.
Mahal ko si Archimedes at nasasaktan talaga ako sa mga katagang lumabas mula sa bibig niya.
"Archi. . . A-Ano ba ang problema mo? N-Nagalit ka ba dahil narinig mo ang pangalan ni Ka-"
"I don't love you. Just leave."
"Y-You're unbelievable... K-Kanina lang tayo okay pero n-ngayon... Huwag mo naman akong paalisin, Archimedes. Ilang buwan ko rin itong hinintay... G-Gusto pa kitang makasama..."
"Leave, just take care of my child, and when I came back... Ang anak ko lang ang kukunin ko at tatanggapin not you..."
"Archi. . . mahal kita. . ."
Napabuntong-hininga na lamang ako at hinawakan ko ang baby bump ko. Tama naman sila, dapat pagtuunan ko na lang ng pansin ang pagbubuntis ko at malaking tulong nga ang aking mga kapatid. Sila na muna ang aalagaan ko sa ngayon.
Sa lalim nang iniisip ko ay nakatulugan ko na rin. Nagising na lamang ako na may humahalik sa pisngi ko at sinabayan pa nang paghaplos sa aking buhok.
Nang magmulat ako ng mata ay ang mga mahal ko sa buhay ang unang bumungad sa akin.
Katabi kong nakahiga si Daryl at nakayakap pala siya sa baywang ko. Si Darlene naman ay nakaupo lang at nakasandal sa headboard ng kama.
"Hi," bati ko sa kanilang dalawa.
Hinalikan ko ang kamay ni Darlene na nasa pisngi ko at bumaling naman ako kay Daryl. Humalik ako sa noo niya.
"Ate, parang nananaginip pa po ako. Sana po ay hindi na ako magising, 'no?" Napangiti ako sa sinabi ng aming bunso. Kinurot ko ang matambok niyang pisngi at napadaing siya.
"Hindi ito panaginip, Ryry. Totoong nangyayari ito," ani ko. Dahan-dahan naman akong bumangon at pinaunan ko sa hita ko si Ryry. Humilig sa balikat ko si Darlene. "Hindi ka ba kumakain sa tamang oras, Darlene?" tanong ko.
"Po? Kumakain naman po ako sa tamang oras, Ate," sagot niya.
"Pero bakit mas malaki ang pinayat mo ngayon?" nagtatakang tanong ko at hinawakan ko pa ang pulso niya. Parang buto na niya ang nahawakan ko sa tigas nito.
"Diet po kasi ako, Ate," pagdadahilan nito ngunit alam kong hindi iyon totoo.
"Darlene, pinakaayaw ni ate ang nagsisinungaling, 'di ba? Minamaltrato kayo nina tiya at ang mga pinsan natin, tama?" kalmadong tanong ko. Naglumikot pa ang mga mata niya at pinipigilan niya lang ang magsalita ng totoo.
"Dahil po 'yan sa 'kin, Ate," sabat naman ni Daryl at itinaas pa niya ang kanang kamay niya. Matiim ko siyang tinitigan. "Ibinibigay po kasi ni Ate Len ang pagkain niya, kasi raw po busog na siya." Umiling ako sa sinabi ni Daryl.
"Ibinibigay kasi ng Ate Len mo dahil gusto mo pa. Kaya ka pala mas tumaba dahil ibinibigay ni Darlene ang pagkain niya." Napanguso siya sa sinabi ko. "Huwag kayong mag-alala. Dito hindi kayo magugutom."
"Si Kuya Zavein po, pinagluto pa niya kami kanina," sambit niya.
"Ate, nasaan po ba ang daddy ng baby mo?" curious na tanong ni Darlene sabay hawak sa aking tiyan.
"Boyfriend mo ba, Ate?" tanong naman ni Daryl. Umiling ako.
"Wala pa siya rito. Matagal pa bago siya uuwi," sagot ko lamang.
Kinabukasan ay dumaan ang mag-asawang sina Engineer Miko at Jean. Sasabay ako sa kanila para sa check-up namin ng baby ko. Si Zavein naman ay binalak niyang ipasyal ang mga bata. Malaki naman ang tiwala ko sa kanya at alam kong hindi niya pababayaan ang mga ito.
DALIA'S POV
NAKANGITING pinagmamasdan ko ang pagtulog ng mga kapatid ko. Mahimbing na rin ang kanilang tulo. May kuwarto na sila ngunit pinili nila ang tumabi sa akin. Hindi naman ako tumanggi pa dahil gusto ko rin silang makatabi sa pagtulog.
Isang masakit na katotohanan ang nalaman ko ngayon. Nawala ang isa kong baby at wala akong kamalay-malay. Dahil ito sa pag-overthink ko, sa pag-iyak ko at palagi na akong stress. Kapag ipagpapatuloy ko ang ganitong buhay ko ay baka iwan na naman ako ng magiging anak ko.
Hindi ko na kakayanin kapag siya na naman ang mawawala sa 'kin. Kailangan ko lang lakasan ang loob ko.
"I'm sorry, baby..." Napatingin ako sa bintanang nakabukas at may hangin ang pumasok doon. Sinasayaw ng hangin ang puting kurtina.
"Sleep ka na, Dalia." Nagulat naman ako nang bigla na lang nagsalita si Zavein.
Nagtungo siya sa bintana at isinara niya iyon. Ngumiti siya sa akin at sumimangot ako nang itinuro niya ang kama. Sumunod naman ako. Tumayo pa siya sa gilid ng kama at nakakrus ang mga braso niya.
"Zavein, wala ka bang balak na magkapamilya?" tanong ko at alam kong personal matters iyon but I want to ask him that.
"Oh, bakit bigla mong naitanong 'yan?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Sayang kasi ang lahi niyo kapag hindi ka magkakaroon ng sarili mong pamilya. Iyong anak mo?" He rolled his eyes.
"Tsk. Wala."
"Alam kong may pangangailangan ka rin bilang lalaki. Ni minsan ba ay hindi mo sinubukan na makipag-ano sa isang babae?" Bigla na lamang niyang tinakpan ang tainga niya kaya mahinang humalakhak ako.
"Bakit ba ganyan ang topic mo? Tsk," masungit na sambit niya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Sana kapag may anak ka na ay ako ang kunin mong ninang, ha?"
"Talaga naman."
"Alam ko naman kung ano ka, Zavein. Hmm, wala ka bang nagustuhan na babae? Imposible na hindi 'yan tatayo kapag wala kang nakikitang magandang babae." Nabawi niya bigla ang kamay niya at nagsalubong ang kilay.
"You're so blunt, Dalia but fine. Mayroon na nga akong nagustuhan pero hindi na puwede."
"Sino?" tanong ko.
"Kung pagbibigyan lang ako ng pagkakataon o kung nakilala ko lang siya bago sila ay baka... papatulan ko siya." Nakuha ko na ang ibig niyang sabihin.
"Si Jean ba?" He shrugged his shoulders.
"Mabait si Jean, lahat ng katangian ng isang babae ay nasa kanya. She almost perfect, Dalia. Siguro nabuhay niya ang kung ano man ang nasa loob ko-but hey, hindi iyon in a way of-ano basta, ha?" I nodded. Mas lumapit pa siya at ang kumot ko ay umabot na sa leeg ko. "I'm still lucky and happy na naging kaibigan ko siya. Come on, go to sleep."
"Magpahinga ka na rin. Thank you sa mga pinamili mo sa mga kapatid ko."
"Wala iyon. Nag-enjoy ako na kasama sila. Grabe iyong mga ngiti nila nang sabihin ko na babayaran ko ang mga damit at laruan na mapipili nila. Noong una ay isa lang ang kinuha nila pero ako na rin mismo ang nagtanong. Tama ka na mababait mga sila. Kaya ikaw, sila na lang muna ang pagkaabalahan mo. Sorry rin kung itinago ko sa iyo ang totoo. Natatakot lang ako sa magiging reaction mo," mahabang sambit pa niya. Naiintindihan ko siya.
"Wala iyon. Malaki pa rin ang pasasalamat ko sa iyo dahil hindi mo rin ako iniwan at hinayaan mo ang mga kapatid ko na manatili rito sa bahay," ani ko.
"Dalia, hindi naman ito bahay ko. Sa iyo na ito. Ang gusto ko lang ay alagaan mo ang sarili mo at mabuhay kayo ng masaya kasama ang mga kapatid mo. Wala kang dapat ikabahala kapag pera na ang pag-uusapan. May mga properties si Kuya Archimedes na inilipat sa pangalan mo. Kapag nakapanganak ka na at naka-recover saka ko i-d-discuss iyon pero ibibigay ko na sa 'yo ang mga papeles and please, huwag ka na munang maging mapusok. Hayaan mo siya na maghabol sa 'yo, like Engineer Miko."
"Hindi naman ako nagpapahabol, Zavein at imposible ang bagay na 'yan. Sinabi niya mismo na hindi niya ako mahal at hindi niya ako matatanggap. Ang anak lang namin ang mahal niya," malungkot na sabi ko. Ang sakit sa puso na malaman iyon. Na wala akong halaga sa kanya at ang pinagbubuntis ko lang naman ang gusto niya. Ang gusto niyang makasama at hindi ako kasama. Hindi ako kasama sa plano niya.
"Ah, basta. Huwag na muna natin siyang pag-usapan. Matulog ka na. Bawal sa buntis ang magpuyat," paalala pa niya.
I just closed my eyes at pinakiramdaman siya. Ilang minuto pa siyang nag-stay at lumabas na rin kalaunan. Pagmulat ko ay ang lampshade na lang ang nakabukas. Huminga ako nang malalim saka ko ipinikit ulit ang mga mata ko.
Magiging maayos din ang lahat. Paniniwalaan ko na muna iyon sa ngayon.
Tatanggapin ko rin ang pagkawala ng isa kong anak. Basta ang importante ay munting prinsesa pa ako na nasa sinapupunan ko. Tama ang lahat nang sinabi ng doctor. Lumalaban pa rin ang baby ko at ayokong matalo ako ng sakit at lungkot. Kakayanin ko ang lahat ng ito. Kakayanin ko ang pagsubok na kinakaharap ko ngayon.
Marami na akong kasama, may baby na ako at nandiyan pa ang mga kapatid ko. Si Zavein, si Jean din. Kahit na hindi na si Archi ang susuporta sa 'kin. Masuwerte pa rin ako na may mga mabubuting tao pa rin ang tumutulong sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top