CHAPTER 19
Chapter 19: Pagtataboy
MABAIT naman talaga si Zavein, nahihiya lang talaga akong i-approach siya. Sinabi na rin niya na huwag akong magdalawang isip na lapitan siya kapag may kailangan na ako.
Siya ang nagdala ng paperbag habang akay-akay ako. Visible na rin ang baby bump ko kasi ilang buwan din naming hinintay ni Zavein ang araw na ito.
Sa visiting area kami naghintay at nakaupo na rin ako. Katabi ko si Zavein. Ang dala naming paperbag ay nakapatong na sa mesa. Kinakabahan ako sa totoo lang.
Kasi ang huli naming pag-uusap ay iyong araw na kasama rin namin si Kalla, kasama ang fiancé niya.
Light green ang suot kong bestida na umabot hanggang tuhod ko ang haba nito. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok at oo, nag-ayos pa talaga ako para lang sa kanya. Kahit kabado rin ako masyado. Gusto ko kasi na makita ako ni Archi na disente.
Bumukas ang pinto at nakita ko na roon ang lalaking mahal ko na hindi ko inakala na magsusuot na siya ng ganyang damit. Ngunit ganoon pa man, hindi pa rin nabawasan ang kagandahan niyang lalaki. Malaki nga lang ang pinayat niya pero alam kong makababawi rin ang katawan niya. Kung hindi lang siguro naawa sa kanya ang Brilliantes clan ay baka aabot siya sa sampung taon sa kulungan pero binabaan din ng mga ito, kasi umamin din siya sa kasalanan niya.
Tumayo si Zavein at sinalubong niya ang pinsan niya nang mahigpit na yakap. Tipid na ngiti lang ang nagawa nito.
"Oh, siya. Gusto kong solohin ninyo ang isa't isa. Kaya iiwan ko na muna kayo rito. Balikan na lang kita, Dalia," sabi ni Zavein at tanging pagtango lang ang nagagawa ko.
Dumapo na nga ang paningin ni Archimedes sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Tatayo ba ako para yakapin din siya katulad nang ginawa ng kanyang pinsan? O uupo na lamang ako at hihintayin siya na may gawin? Kahit imposible yata.
"Kumusta?" Sa wakas ay may nasabi na rin ako. Ilang segundo kasing naghari ang katahimikan sa pagitan namin.
Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang hindi siya nagsalita at walang emosyon niya lamang akong tinitigan. Ang hirap niyang basahin sa totoo lang.
Ngunit nang tumayo ako ay saka siya dahan-dahan na lumapit sa 'kin nang hindi niya pinuputol ang titig sa mga mata ko. Hindi ko na rin sinubukan pa na humakbang, dahil nagkukusa siya. Hanggang sa hapitin niya ako sa baywang at nagdikit ang aming mga katawan. Isa ito sa hinahanap-hanap ko. Ang mainit na yakap niya.
Humawak na ako sa baywang niya para yakapin din siya hanggang sa sumiksik siya sa leeg ko.
"I miss you..." Nag-init ang sulok ng mga mata ko sa mahinang-mahina niyang bulong. Idiniin niya ang ulo ko sa dibdib niya na kalmado lang ang heartbeat niya pero kung puso ko ay nagwawala na.
Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko. Humahaplos ang kamay niya sa baywang ko hanggang sa umabot iyon sa aking tiyan at naramdaman kong natigilan siya.
Bahagya siyang dumistansya at doon lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Unti-unting bumaba ang paningin niya at napaatras pa siya nang makita ang maliit kong umbok na tiyan. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay.
"Feel it, Archi. Lumalaki na ang baby natin sa tummy ko," sabi ko at dinala ko sa tiyan ko ang malaki niyang kamay na muntik pa niyang bawiin pero sa huli ay masuyong hinaplos niya rin iyon.
Hanggang sa lumuhod siya at hinalikan iyon saka parang kinakausap niya. Tumayo rin siya at humalik sa noo ko. Mahigpit na niyakap na naman niya ako. Walang salitang namutawi mula sa kanyang bibig. Tanging pagkilos niya lang na naging sapat na para sa 'kin. Masaya na ako sa simpleng kilos niya. Dahil nararamdaman kong mahalaga ako sa kanya.
"How are you and the baby?" He finally spoke. Magkatabi na kaming nakaupo at nakapulupot ang braso niya sa baywang ko. Inasikaso ko ang pagkain niya.
"Okay lang kami ni baby," sagot ko lang. He kissed my temple again.
"Glad to hear that." Hindi nawala ang paghaplos niya sa aking tiyan na ikinangiti ko pa iyon ng lihim.
"H-Hindi pa nga lang ako nakabisita sa OB na ni-refer sa 'kin ni Kalla," nahihiyang sabi ko at bigla ay binawi niya ang kamay niya.
Nang marinig niya ang pangalan ni Kalla ay nagbago rin ang emosyon na naglalaro sa mga mata, nagiging blangko na naman at tumigas ang kanyang ekspresyon.
Tumayo siya at humarap sa salamin. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang pulis. Nataranta ako nang gusto na niyang bumalik sa selda.
"Maaari na po kayong umalis, Ma'am."
"P-Pero hindi pa po... Archi, hindi ka pa kumakain. Ako ang nagluto nito. Bakit...bakit gusto mo nang bumalik agad?" tanong ko at may mga luha na sa aking pisngi. Hahawakan ko na sana siya nang mabilis niyang itinago ang dalawang kamay niya. "Archi..."
"Leave at huwag ka nang babalik pa rito..." malamig pa sa yelong saad niya. Pinagtatabuyan na naman niya ako.
"Archi... A-Ano ba ang problema mo? N-Nagalit ka ba dahil narinig mo ang pangalan ni Ka-"
"I don't love you. Just leave," putol niya sa sasabihin ko sana. Bakit bigla siyang nagkaganito?
"Y-You're unbelievable... K-Kanina lang tayo okay pero n-ngayon... Huwag mo naman akong paalisin, Archimedes. Ilang buwan ko rin itong hinintay... G-Gusto pa kitang makasama..." umiiyak na sambit ko.
Malamig niya akong binalingan. "Leave, just take care of my child, and when I came back... Ang anak ko lang ang kukunin ko at tatanggapin not you..." Natulala ako sa sinabi niya. Akala ko ay kasama na ako sa pagtanggap niya pero hindi pala.
Kapag nakalaya siya ay kukunin niya raw ang anak niya... Akala ko...akala ko ay magiging masaya na kami pero heto siya. Nagagawa pa rin niya akong pagtabuyan at nasasaktan ako sa mga katagang lumalabas mula sa bibig niya. Sa mga katagang iyon ay nadurog na ang puso ko.
"Archi...mahal kita..." sambit ko bago pa lamang siya makalabas at naiwan akong mag-isa. Sunod-sunod nang bumuhos ang mga luha ko at napahawak na lamang ako sa dibdib ko.
Nalukot ang bestida ko nang hawakan ko ito nang mahigpit dahil sa tindi ng kirot sa aking dibdib. Nahihirapan akong huminga. Napaupo ako nang wala sa oras at nagsisimula nang dumilim ang paligid. Nagiging malabo na ang paningin ko hanggang sa nawalan na nga ako nang malay.
Nagising ako na nasa puting kuwarto na. May dextrose na sa pulso ko. Si Zavein ang unang bumungad sa aking paningin at umiiyak na nga siya nang makitang gising na ako.
"Dalia..." Tulala lang ako noong una dahil naalala ko ang sinabi ni Archimedes. Ang hirap paniwalaan na mas gusto niya ang anak namin at kukunin niya rin kapag nakalaya siya.
Hindi ko alam kung kaya kong mabuhay na wala sila sa piling ko. Parang ikamamatay ko yata. Mahal na mahal ko talaga siya.
"A-Ayaw niya sa 'kin... Ayaw niya... Ayaw niya... K-Kapag nakalaya siya... K-Kukunin niya ang baby namin... Hindi niya ako tanggap... Hindi niya ako matatanggap, Zavein... Hindi niya ako magagawang mahalin..." umiiyak na sumbong ko kay Zavein. Umupo siya sa gilid ng kama at niyakap ako. Umiyak lang ako sa balikat niya.
"B-Baka...hindi pa handa si Kuya... O kaya naman nabigla lang siya... Magbabago rin ang isip no'n," sabi niya.
"M-Maayos naman kami noong una... Niyakap pa niya ako at hinalikan...pero nang... N-Nang sambitin ko ang boses ni Kalla ay bigla siyang nagbago... M-Mahal pa rin niya si Kalla... Zavein... A-Ang sakit sa dibdib..." Pinukpok ko ang dibdib ko kung saan ang puso ko na ramdam na ramdam ko ang kirot. Hinawakan niya ang pulso ko at pinigilan niya ako.
"Please... Maging matatag ka, Dalia... Pagsubok lang ito... Pagsubok lang niyo ni Kuya Archimedes... You can do this... Dalia... I knew you can do this, right?"
"A-Ayokong mawala siya, Zavein... A-Ayoko rin na mawalay ako sa baby namin... N-Natatakot na ako... N-Natatakot na ako baka magising na lamang ako isang umaga na w-wala na ang mag-ama ko... Zavein..." Nang mariin akong pumikit at nagmulat ay wala na akong makita. Dilim na naman ang nakikita ko. Dumagundong ang malakas na tambol sa dibdib ko at binalot na ako ng takot.
"Dalia? Dalia?!" Marahan niya akong niyuyugyog at kahit ilang beses akong pumikit ay sa pagbukas ng mga mata ko ay wala talaga akong nakikita.
Mariin akong humawak sa braso niya. "Z-Zavein... Zavein, b-bakit m-madilim? B-Bakit wala akong makita?" naiiyak na tanong ko at nagawa ko nang kinusot ang aking mata para lang bumalik ang liwanag pero nabigo ako. Nagsimula na ring nawala ang boses niya at doon ulit ako nahimatay.
KASAMA ko si Zavein sa hospital at kung wala lang siya rito ay kanina pa ako na-bored. Salamat na lang at may kausap pa ako rito. Si Randell ay nandito rin naman.
Nang bumukas ang pintuan ay pareho pa kaming napatingin doon pero gayon na lamang ang gulat ko nang makita ko sina Darlene at Ryry.
"Ate Dalia!" tawag nila sa akin at nag-uunahan na sila sa paglapit. Sumampa sila sa hospital bed ko at sinalubong ko naman sila nang mahigpit na yakap.
"A-Ate Dalia! N-Na-miss ka po namin!" umiiyak na sigaw nila. Maski ako ay naiiyak na rin at grabe ang nararamdaman kong saya.
"D-Daryl?" Inangat ko ang baba ni Ryry at tinitigan ko ang mukha niya. Napuno agad ng luha niya ang mga mata niya.
"A-Ako po ito, Ate. . . Si Ryry. . ." umiiyak na sagot niya.
"Ang mga k-kapatid ko. . . M-Miss na miss din kayo ni Ate. . . Oh, my God. . ." Naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko at umuuga na nga ang balikat ko dahil sa paghagulgol ko. Nang mahimasmasan ako ay tiningnan ko si Jean, kasama niya ang fiancé niyang si Engineer Miko.
Sila ang sumundo sa mga kapatid ko na parang hindi sila nahirapan na kunin ito.
"S-Salamat sa inyo pero paano niyo sila nakuha nang hindi kayo nasisigawan ng tiya namin?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Ayaw na ayaw ni tita na kunin ko ang mga ito kung wala kayong pera na maibibigay.
"Nasa trabaho ang tita mo. Ang mga pinsan mo lang ang dumating sa bahay. Tapos iyong nakatatanda ang nagsabi na isama na namin sila," paliwanag ni Jean. Si Rouge. Wala siya roon noong pumunta ako sa bahay nila. Siguro kung nandoon lang siya ay baka nakuha na nga sina Ryry at Darlene.
"Si Rouge. Thank you. Ang saya-saya ko na makita ang mga kapatid ko. . . Dalawang taon din kaming hindi nagkita," naluluhang sabi ko at hinalikan ko pa ang aking mga kapatid.
"Ang sabi ni Zavein ay okay lang daw na tumira na kasama niyo ang mga kapatid mo, Dalia. Right, Zavein?" sabi naman ni Randell dahilan na napatingin ako kay Zavein.
"Kung maaga niyong sinabi na may mga kapatid pala si Dalia ay sana matagal na naming nakuha ang dalawang bubwit na ito," nakangiting sabi pa niya.
"Thank you, Zavein," emosyonal na saad ko.
"Now ang bigyan mo nang pansin ay ang baby niyo ng pinsan ko at sa mga kapatid mo, Dalia. Please, avoid being stress," paalala pa niya at tumango naman ako.
"B-Buntis ka po, Ate?!" sigaw pa nila na halatang nagulat.
"Oo. Tito at tita na rin kayong dalawa. May baby na ang ate niyo," sagot ko at nginitian ko pa sila. Mahaba-habang kuwento ang magaganap. Hindi naman puwedeng wala silang malalaman sa nangyari sa buhay ko, lalo pa at buntis na ako.
"Hala po! Ang saya naman!" sabi pa nila na ikinatawa namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top