CHAPTER 18

Chapter 18: Argument

INIWAN na kami ng kasamahan namin at kaming dalawa na lamang ni Archi ang naiwan sa loob. Matagal bago siya nahimasmasan at pinunasan pa niya ang mga luha niya.

Hinila pa niya ako para paupuin at matiim niyang tinitigan. Nag-iwas ako nang tingin dahil sa pagbilis ng heartbeat ko pero hinawakan niya ang chin ko at pinisil.

"Paano mo nagawa sa akin iyon, Dalia? Sa apat na taon na iyon ay wala talaga akong kamalay-malay. Kaya naman pala mayroon akong mga alaala, na hindi raw si Kalla ang kasama ko sa kama dahil ikaw ang nakikita ko. Pero iniisip ko na panaginip lang iyon, na masyado lang akong nababaliw para makuha at maangkin ka," seryosong sambit pa niya. Na-g-guilty ako at wala akong masabi.

Ayokong mag-sorry dahil mas lalo lang siyang magagalit kapag sinabi ko pa iyon. Naramdaman ko lang ang paghapit niya sa baywang ko at bago pa ako makapagprotesta ay mariin na niya akong hinalikan. Natigilan ako at parang nanigas mula sa kinauupuan ko. Ngayon niya lang ako hinalikan.

Bumitaw rin siya at tumitig sa mukha ko. Namumungay na ang mga mata niya at muli niya akong hinalikan. Bumaba pa iyon sa leeg ko at napahawak na ako sa balikat niya. Tumigil din siya at isinandal niya ang ulo niya roon.

"Ikaw nga iyon. . ." sabi niya at muli niya lang akong niyakap.

Isang oras lang ang itinagal ko roon at inuwi rin ako nina Randell at Zavein. Ayoko mang iwan si Archi ay kailangan iyon. Sumuko na siya at iyon na ang mahalaga para sa amin.

"Kumusta ang pinag-usapan ninyo ni kuya, Dalia?" tanong sa akin ni Zavein pagkauwi namin.

"Maayos naman. Nakikita ko na sumuko na rin talaga siya sa kahibangan niya kay Jean," sabi ko na ikinatawa niya.

"Dapat lang, hindi masaya sa kaniya si Kalla. Nakikita ko iyon. Nakikita kong nahihirapan siya," wika niya na tinanguan ko. "Tale your rest, Dalia. Huwag kang magpuyat." I just smiled at him.

KINABUKASAN ay naisipan ko na lang na puntahan ang mga kapatid ko at balak ko na rin sanang kunin. Hindi ko naman sila dadalhin doon sa condo. May mga pera pa akong naitatabi na sinadya ko namang pag-ipunan.

Malayo-layo ang lugar na pinaglipatan nila at nang marating ko ang 'saktong bahay ay natulala na lamang ako. Dahil maliit ito at masyado nang luma. Mas okay pa yata ang dati nilang bahay kaysa sa isang ito.

Kakatok pa lamang sana ako nang bumukas na ito at si Zenai agad ang bumungad sa akin.

"Ate Dalia?!" gulat na bulalas nito.

"Hi. Nandiyan ba si Tita Araneta, ang mama mo, Zenai?" tanong ko sa kaniya.

"Mama! Si Ate Dalia po ay nandito na!" sigaw pa niya at sumilip pa ako sa loob na umaasang makikita ko sina Ryry at Darlene.

"Sino?" narinig kong tanong ni Tita Araneta. Nang makita na ako ni tita ay tumaas pa ang isa niyang kilay. "Ano naman ang ginagawa mo rito, Dalia?" Sa tono ng boses ng tiyahin ko ay mukhang hindi niya nagustuhan ang pumunta ako rito.

"A-Ano po kasi, tita. . . Gusto ko pong kunin na ang mga kapatid ko," sabi ko at napataas ang kilay niya.

"May mga kapatid ka pa ba rito, Dalia? Aba, isang taon ka rin naman nawala at pinutol ang komunikasyon namin sa iyo! Ano pa ang kailangan mo rito? Susunduin mo na ang mga kapatid mo? Hindi mo sila makukuha dahil hindi pa tapos ang obligasyon mo sa amin, Dalia! Umalis ka na!" pagtataboy nito sa akin na agad ko naman siyang hinawakan sa kamay.

"Pasensiya na po, tita. N-Nagkaproblema lamang po ako. Please, tita. . . Ibigay mo na po sa akin sina Ryry at Darlene. Ako na po ang bahala sa kanila," nagsusumamong sambit ko. Tinabig niya ang kamay ko at nanlilisik ang mga matang tiningnan ako.

"Hinding-hindi mo makukuha ang mga kapatid mo hangga't wala kang naibibigay sa akin! Sinabihan na kita noon na bayaran mo na lang ako para makuha sila!" Tinulak pa ako ni tita at muntik na rin akong ma-out balance.

Sumikip ang dibdib ko at nag-init na ang sulok ng mga mata ko. Gustong-gusto ko na silang makita.

"T-Tita naman. . ."

"Wala kang mapapala, Dalia!" asik pa niya sa akin at marahas na pinagsarhan nila ako ng pintuan. Kinatok ko ang pinto para sana pagbuksan nila ako pero hindi nila ako pinagbuksan pa.

Naiiyak na lamang ako. May pera ako pero natuto akong maging madamot. Kapag sinabi ko iyon sa kaniya ay makukuha na naman niya ang pera para sana sa mga kapatid ko at iyon ang hindi ko hahayaan. Pinaghirapan ko iyon para sa kanila at hindi sa pamilya ni tita.

"T-Tita! Tita, akin na po ang mga kapatid ko! A-Ako na po ang mag-aalaga sa kanila! Tita! T-Tita nasaan po sina Ryry at Darlene?! Isasama ko na po sila!" sigaw ko na may kasama pang pag-iyak.

"T-Tita. . . S-Si Ate Dalia po ba 'yan?" Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni Darlene.

"Si. . .Ate ko po 'yan, tita!" sigaw naman ni Ryry.

"Hindi, ah! Wala na kayong ate dahil tuluyan na niya kayong iniwan! Hinding-hindi na babalik pa rito ang magaling niyong ate!"

Naiyak na lamang ako dahil hinding-hindi ko makukuha ang mga kapatid ko kung walang kapalit na pera. Ayokong gawin iyon, ayokong makuha sila dahil lang sa pagbibigay ko ng pera. Makukuha ko sila sa magandang paraan na hindi lang madadala sa pera.

Umuwi ako na mabigat ang dibdib ko at hilam na ng mga luha ang aking pisngi. Iyon nga lang ay nasermunan ako ni Zavein. Dahil bigla na lamang daw ako umalis nang walang paalam.

Wala naman talaga akong sasabihin kung saan ako nagpunta. Ayokong malaman ni Zavein dahil baka ayaw rin niya sa mga bata.

MAAGA pa lang ay naghanda na ako para sa pagdalaw ko mamaya kay Archimedes. Limang taon pa ang itatagal niya sa selda pero kaya kong tiisin iyon. Kaya kong maghintay para sa kanya dahil iyon ang pangako ko.

Ang binitawan kong pangako na maghihintay ako sa kanya, kami ng anak namin. Alam kong may pinagdadaanan talaga siya kaya nagawa niya ang bagay na iyon.

Takot siyang maiwanan ng taong mahal niya. That's why hindi ko siya hahayaan na maramdaman pa iyon. Genuine ang pagmamahal ko kay Archimedes kahit na parang imposible, 'di ba? Pero iyon talaga ang totoo. Mahal na mahal ko siya.

"OMG!" Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng pinsan ni Archi. Si Zavein. Kasalukuyan na kasi akong nasa kusina at nagluluto na rin. Isasabay ko na rin sana ang breakfast namin.

Siya ngayon ang kasama ko rito sa bagong bahay na binili niya gamit ang pera ni Archi. Marami nga kaming kasambahay rito at hindi ako sanay na pinagsisilbihan nila. Nang makita nga nila ako kanina ay pinigilan pa nila ako pero wala silang nagawa nang sabihin kong ako na lang ang magluluto.

Mahirap lang kasi ang pamilya ko at wala ring kaya sa buhay. Kaya kumapit na ako sa patalim para lang maihaon ko naman sa kahirapan ang pamilya ko. Iyon nga lang hindi naging madali para sa akin ang lahat.

Namatay ang mga magulang ko dahil sa aksidenteng sunog sa bahay namin. Mabuti na lamang ay wala sa bahay ang dalawang nakababata kong kapatid sa mga oras na iyon. Dahil na rin kailangan kong lumuwas sa Manila at iniwan ko na muna sila pansamantala sa bahay ng tiyahin ko. Oo, may tiya pa ako pero ubod naman ng kasungitan at alam kong mahihirapan ang mga kapatid ko. Pahihirapan din sila roon. Hindi ko pa nga lang sila kayang sunduin ngayon dahil nahihiya ako.

Nahihiya ako kay Zavein at mas lalo na kay Archimedes. Baka isipin nila na ginagamit ko ang batang nasa sinapupunan ko para lang sa kayamanan ni Archi. Hindi ako ganoong klaseng tao kahit na...isa na akong maruming babae pero malinis ang hangarin ko at may busilak akong puso. Kahit ang bagay lang naman iyon na kaya kong ipagmalaki sa lalaking mahal ko.

"P-Pasensiya na, Zavein. N-Nagluto lang kasi ako," nauutal na sambit ko.

"Exactly!" Halos magtubig ang mga mata ko sa sigaw niya. Buntis ako kaya emosyunal ako at natatakot na agad kapag may sumisigaw sa akin. "Oh, dear! Don't cry. H-Hindi naman kita inaaway," pag-aalo niya bigla at hinawakan ang kamay ko para paupuin ako sa highchair. "You don't need to do this, Dalia. You're pregnant for Pete's sake. Marami tayong servant here at sila ang utusan mo na magluto o kaya naman ako. Dear, gusto mo yata akong ipapatay sa pinsan ko?" Mabilis naman akong umiling.

"H-Hindi. Para rin ito kay Archimedes. Dahil ngayon na siya puwedeng bisitahin, 'di ba?" Tumango naman siya.

"So, para kay kuya ito?" Itinuro pa niya ang mga pagkain na niluto ko.

"Oo."

"Right, tulungan na lang kita. Tandaan mo ang sinabi ng doctor mo, Dalia. Bawal kang magtrabaho, magdala ng mga mabibigat na bagay at mas lalo na ang ma-stress. Tandaan mo na muntik ka nang makunan. Meaning, sensitive ang pagbubuntis mo at mahina lang ang kapit ng baby mo. Alagaan mo ang sarili mo, please. Para pagbalik ni Kuya Archimedes... I-Isang pamilya ang sasalubong sa kanya... Ang mag-ina niya." Sunod-sunod akong napatango sa sinabi niya. Kasi gusto ko ang idea na iyon.

"Tatandaan ko," sabi ko at saka siya ngumiti.

"Kuya chose to give up for Kalla, and Kalla or Jean deserve to be happy with her family and ganoon din si Kuya. Ikaw mismo ang magbibigay sa kanya ng masayang pamilya, Dalia. So, please. Stop working, okay? Best friend kami ni Kalla and puwede mo rin akong maging kaibigan. Since pamangkin ko rin ang baby na dala-dala mo ngayon."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top