CHAPTER 17
Chapter 17: Rebelasyon at Pagsuko.
HINDI ko lang inaasahan na malalaman agad nang maaga ni Archimedes at doon ko lang din nakita kung paano siya magalit na talagang matatakot ka na lamang at hindi mo na iisipin pa na galitin siya.
Ni minsan din ay hindi ko naisip na mananakit siya ng pisikal. Pero naiintindihan ko naman kung bakit siya nagagalit ngayon sa amin ni Kalla. Niloloko lang namin siya, iyon ang katotohanan na hindi niya matatanggap. Higit na ako ang may malaking kasalanan sa kaniya.
Nagising na lamang ako sa hospital at naka-confine na rin. Nang maalala ko ang nangyari sa akin na kung bakit ako nandito ay napahawak agad ako sa bandang tiyan ko.
Naalala ko kasi na dinugo ako bago ako nawalan nang malay. Maayos lang kaya ang anak ko? Hindi ko kaya siya nasaktan? Masyado akong naging pabaya.
"Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo?" Napalingon ako sa nagsalita at napakurap-kurap pa ako nang bumungad sa 'kin ang guwapong mukha ng pinsan ni Archimedes na si Zavein. Hindi ko inaasahan na nandito siya.
"Ang anak ko? K-Kumusta siya?" balik na tanong ko at tipid siyang ngumiti. Iyon ang una kong inalala, ang batang nasa sinapupunan ko.
"Huwag kang mag-alala. Maayos naman ang anak mo," sagot niya pero hindi ako kumbinsido.
"Pero bakit. . .b-bakit ako dinugo? M-Marami akong. . ." Nang makita ko ang mabilis na pag-iwas niya nang tingin ay bumilis naman ang tibok ng puso ko. Ano ang ibig sabihin ng pagdudugo ko kahapon?
"Stress ka lang. Isa iyon sa dapat mong iwasan. Blood spotting lang naman daw iyon. Normal naman iyon pero ingatan mo rin ang sarili mo. Sa ngayon ay dapat wala kang alalahanin kundi ang pagbubuntis mo," paliwanag niya at pangangaral na rin.
"Si Kalla? N-Nasaan na si Kalla ngayon? Okay lang ba siya?" kinakabahan na tanong ko. Ngumiti ulit siya.
"Huwag mo nang alalahanin pa si Kalla. Under protection na siya ng Brilliantes clan. Kagabi ay nakatakas siya at sinundo ni Engineer Miko. Siya pala talaga ang tinutukoy nitong fiancé. Kaya naman pala napapansin ko na kakaiba ang tingin niya kay Kalla. Ang tatlong bubwit na iyon ay siya ang biological mother. Alam mo, Dalia. You don't need to worry about her. Ang sarili mo at ang batang dinadala mo. Sa ngayon, susubukan kong protektahan ka mula kay Kuya Archimedes kapag may ginawa siya sa iyo na hindi maganda," mahabang saad pa niya para lang makaramdam ako na tila may malambot na bagay ang humahaplos sa dibdib ko.
"S-Salamat. Pero si Archi?" tanong ko naman. Kahit nagawa akong itulak ni Archimedes at muntik ng masaktan ang anak namin ay siya pa talaga ang inaalala ko.
"Si kuya. Hayaan mo na si Kuya Archimedes. Pilit niyang binabawi si Kalla at komplikado ngayon ang sitwasyon nila. Just please, huwag ka nang mag-isip pa ng kung ano-ano," paalala pa niya at mayroon siyang pinindot sa hospital bed ko kaya dahan-dahan na umangat ang nasa bandang likuran ko.
Pinapanood ko lang si Zavein sa pagsalin niya ng tubig sa baso. Naglakad siya palapit sa gawi ko at ibinigay ang hawak niya. Kinuha ko naman iyon at agad kong ininom. Naubos ko nga ang laman niyon at saka niya lang kinuha ulit.
"Hindi ka galit sa akin, Zavein?" tanong ko. Kasi baka mayroon na siyang nalalaman pa tungkol sa ginawa namin.
"What for? Bakit ako magagalit kung malalaman kong pinagbubuntis mo ang pamangkin ko kahit sa maling paraan niyo siyang binuo? Dalia, oras na rin siguro para magising si kuya sa katotohanan na hinding-hindi niya makukuha ang isang tao na pagmamay-ari na ng iba at pamilyado na rin. at ikaw naman. . . Magkakaroon na nga kayo ng anak pero kilala mo na siya. Alam mo na kung ano ang ugali niya. Kaya mo ba siyang pagtiisan?" Walang pag-aalinlangan na tumango ako. Nagulat pa siya sa sinagot ko.
"Naniniwala pa rin naman ako na magbabago siya, Zavein," sambit ko at napabuntong-hininga siya.
"Dalia, mahirap pakisamahan ang pinsan ko. Maaaring saktan ka na niya ng pisikal. Ngayon nga ay nangyari na iyon sa iyo," nababahalang sabi niya at magsasalita pa sana ako nang malakas na bumukas ang pintuan ng kuwarto.
Bumilis agad ang pintig ng puso ko nang pumasok si Archimedes at walang ekspresyon ang mukha niya. Tumayo agad si Zavein at tila hinaharangan niya ako kapag susugod na lang ito bigla.
"Si Randell? Nasaan si Randell?" malamig na tanong nito at naglakad na nga siya sa gawi ko pero bago siya nakalapit nang tuluyan ay hinawakan na siya ni Zavein sa braso niya.
"Kuya, bakit mo naman hinahanap si Randell?" tanong pa ng kaniyang pinsan at pasimple siya nitong tinutulak.
"Nasaan siya? Nasaan na si Randell?" malamig na tanong pa rin niya at hindi ko magawang salubungin ang malamig niyang mga mata. Tila tinutusok ako ng maliliit na kutsilyo sa paraan lang nang pagtitig niya.
"H-Hindi ko alam," nauutal na sagot ko at napamura na lamang siya. Binawi ang kamay niya at basta na lamang siyang umalis.
"Diyan ka lang, Dalia," paalam ni Zavein at nagmamadali na niyang sinundan si Archi.
Hindi naman na siya bumalik pa at na-discharge din ako. Dinala ako ni Zavein sa condo niya. Matapos din akong suriin ng doctor qt binigyan ng advices, siya rin ang bumili ng vitamins namin ng baby ko.
Todo asikaso sa akin si Zavein. Hanggang sa isang araw ay sinabi niyang kikitain namin si Archi.
"You okay, Dalia? I heard what happened," agad na sabi ni Randell nang makita niya ang pagdating namin ni Zavein. Tinitigan ko naman siya at napansin ko na may pasa siya.
"Ikaw ang dapat kong tanungin iyan. Saan mo nakuha iyang pasa mo?" curious kong tanong. Nagkibit-balikat lamang siya at saka siya humarap sa kasama ko.
"Gagó ka talaga, Randell. Dinawit mo pa rito si Dalia. Tingnan mo ang nangyari sa kaniya," seryosong sabi ni Zavein. Hinayaan ko na silang mag-usap na dalawa at nauna na siyang pumasok sa loob. Nandoon na raw si Archimedes. Mayamaya lang ay dumating na rin si Jean.
"Dalia," sambit pa niya sa pangalan ko at natutuwa ako na makitang okay lang siya. Parang ang aliwalas nga nang bukas ng mukha niya.
"Kalla or Jean?" tanong ko naman at napangiwi pa ako.
"Jean na lang," sabat naman ni Randell.
"K-Kumusta kayong dalawa? Ikaw Dalia?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko. "Ang baby mo?" Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
"Maayos ang lagay namin, Jean. Hindi naman ako nakunan nang gabing iyon at salamat na lang din na nagawa mong makatakas sa bahay na iyon," mahinang saad ko.
"Ikaw, Randell? Bakit may pasa ka?" Binalingan naman niya si Randell.
"Hmm, wala ito. Nadulas lang ako at tumama ang mukha ko sa sahig," sagot ni Randell. Ang alam ko ay hindi naman siya clumsy. "Tara na sa loob. Tayong lima ang mag-uusap-usap," pag-aaya pa niya.
"Zavein." Tumayo naman si Zavein para yakapin si Jean.
"K-Kalla. . . I'm so worried about you, Kalla." Mag-best friend nga talaga sila.
"K-Kumusta ka, Zavein?" Jean asked him.
"Ako dapat ang magtanong niyan sa 'yo. Hindi ko alam na ikaw pala iyong. . . God. . . Muntik na akong maniwala kay Kuya Archimedes na dinukot ka talaga ni Engineer Miko. Napapansin ko rin na kakaiba kung makatitig sa 'yo ang isang iyon. Iyon pala. . .ikaw ang tinutukoy niyang fiancé niya at kaya rin pala kamukha mo ang triplets na iyon dahil ikaw pala talaga ang kanilang ina. . . Oh, my God. . . Ang dami mong pasabog, babe. But I'm still happy. . . Dahil nakawala ka na sa poder niya. Alam kong matagal ka na talagang magtitiis sa kanya," narinig kong sabi nito kahit sa mahinang boses pa rin.
"Zavein. . ."
Umupo na rin kami. Sina Zavein ang magkatabing nakaupo at nasa gitna naman namin ni Randell si Jean.
Hindi man lang ako sinulyapan ni Archi. Ang lakas-lakas nang kabog sa dibdib ko. Tahimik lang kami at wala ni isa ang nagtangkang magsalita, lalo na ako na nakararamdam nang kahihiyan. Si Zavein na nga ang bumasag sa katahimikan namin.
"Kuya, magsalita ka naman," untag nito.
"I don't know what to say. Ano nga ba ang dapat kong sabihin? Ano ang gusto mo, Kalla?" Archimedes asked.
"Bagong buhay," seryosong sagot ni Jean at tinawanan lamang iyon ni Archi.
"Bagong buhay na wala ka? Seriously, Kalla? Kaya ko ba iyon kung wala ka na?" sarkastikong tanong pa niya.
"Archimedes, kapag susuko ka sa mga ginawa mo kay Jean four years ago ay bababa ang sentensiya mo. Kung hindi ito dahil kay Jean ay hindi ka palalampasin ng mga Brilliantes. Huwag mong sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa 'yo ni Jean. Gusto niyang mapabuti ka," walang emosyon na sabi naman ni Randell.
"Gusto mong mapabuti ako, Kalla? Paano ko naman gagawin iyon? Iiwan mo ako at mas pinili mo ang lalaking iyon." Ganoon niya talaga kamahal si Jean.
"Pamilyadong tao ako, Archimedes. Alam mo iyan," wika pa ni Jean.
"Mahal kita. . ." Nakaramdam na naman ako nang kirot sa dibdib ko.
"Hindi ako ang babaeng nararapat sa 'yo, Archimedes. Just please, sumuko ka na lang. Isipin mo naman ang sanggol na dala-dala ngayon ni Dalia. Magkakaanak ka na. . . Bakit hindi iyon ang pagtuunan mo nang pansin? Archi. . . Ang gusto mong pamilya ay hindi ko kayang ibigay dahil una sa lahat ay may pamilya na ako at wala sa akin ang hinahanap mo. Na kay Dalia at ng magiging anak niyo," giit pa rin ni Jean.
Hindi kami ang kailangan nito.
"I don't love her," malamig na sabi niya at sumikip lang ang dibdib ko. Halos itago ko na nga rin ang mukha ko sa mesa.
Ngunit kahit imposible ko siyang mapipilit ay nagsalita pa rin ako.
"K-Kahit para na lang sa anak natin, Archimedes. Hahayaan pa rin naman kita. . .na makilala ka niya. Please, huwag na nating pahirapan pa ang sarili natin. . . Sumuko ka na. . . Sumuko ka na alang-alang sa anak mong dinadala ko at kaya ko pa rin namang maghintay. . . Kaya ko pa ring maghintay na kung kailan ka magmamahal ulit. Archi. . . K-Kami ng anak mo ang pamilya mo. Hihintayin ka pa rin namin. . . Sa pagbabalik mo ay sasalubungin ka namin nang m-mahigpit na yakap. . ." Walang humpay sa pagbuhos ang mga luha ko.
Hindi siya sumagot dahil ilang beses lang siyang bumuntong-hininga hanggang sa sumubsob na nga siya sa mesa.
"K-Katulad ka rin ni Kalla. . . K-Kapag nagsawa ka. . . . Kapag napagod ka. . . Kapag nasasàkal na rin kita ay iiwan mo rin ako. . . M-Masama akong tao. . . kaya alam ko. . . A-Alam kong hindi mo kayang panindigan ang mga sinasabi mong iyan, Dalia. . . I-Ipapakilala mo sa akin ang anak ko? Pero sa huli. . . Baka. . .iwan mo rin ako. . . Iiwan niyo rin ako. . ." ikinabigla ko lang ang sinabi niya.
"Hindi. Kaya kong panindigan ang sinasabi ko, Archi. . . N-Nakalimutan mo na rin yata na apat na taon ko nang ginagawa na makasama ka kahit sa maikling oras lang, kahit ibang babae naman ang tinatawag mo... Pleasant, p-pakawalan mo na lang si Jean. . . H-Handa naman akong tanggapin ka. . . Handa akong. . . maghintay kung kailan mo ako. . . matutuhan na mahalin. . . Archi. . . H-Hindi ako nagmamadali. . . H-Hihintayin pa rin kita..." Tumayo ako at nilapitan ko siya para lang yakapin mula sa likod niya.
"W-Why are you so kind to me? H-Hindi ba sinaktan kita? H-Hindi ba muntik ka nang m-makunan? Bakit hihintayin mo pa rin ako?! Bakit kailangan mong sabihin ang mga iyan?!" Ngayon ko lang din nakita ang pag-iyak niya at ramdam na ramdam ko ang hinanakit niya sa dibdib.
"Archi. . M-Mahal kita. . . Hindi lang ang anak natin ang dahilan kung bakit pinipilit kita na sumuko. . . Dahil gusto pa kitang makasama. . . Si Jean. . . Please, let her go. . . She deserve to be happy with her family. . ." Na gumalaw siya ay akala ko itutulak niya ngunit hindi. Niyakap niya ang baywang ko at doon siya mas umiyak.
"I-I'm sorry. . . I'm so sorry. . ." paulit-ulit na sambit niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top