CHAPTER 16
Chapter 16: Pregnant
"DALIA?" Mabilis ko lang sinulyapan si Archimedes nang tawagin niya ako. Abala ako sa pagluluto at kanina pa siyang nakaupo sa may dining table.
Pinaalis niya ang iba kong kasama kaya ang ending ay ako lang ang nagluluto rito. "Dalia, tinatawag kita," mariin na saad niya.
"Ano ba ang kailangan mo, Sir?" pabalang na tanong ko.
"Kailan ka nakabalik dito? Bakit hindi na kita makita sa Indonesia?" tanong niya para lang din kumunot ang noo ko.
"Hinanap mo ako, Sir?" tanong ko pa rin at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Just answer me," sabi niya.
"Palayain mo muna ang pagkahibang mo kay Ma'am Kalla bago kita sagutin," aniko at hindi na nga talaga siya nakapagsalita pa.
Narinig ko na lamang ang pag-urong ng upuan at nang tiningnan ko siya ay ang papalayong likuran na lamang niya ang naabutan ko. Apektado pa rin talaga siya sa wife niya, kapag si Kalla na ang pinag-uusapan namin ay nawawalan siya nang imik at basta na lamang siyang aalis nang walang paalam.
Sige lang, Archi. I-career mo ang pagiging hibang mo sa maling pag-ibig na pinili mo.
Nagtampo o nagalit yata siya kasi sa mga sumusunod na araw ay hindi na niya ako pinansin pa. Masama na nga ang loob niya. Ayos na iyon para hindi na niya ako guluhin pa. Hindi ko na rin naman siya pinagsabihan pa kasi mas lalo lang siyang nakatatakot na tiningnan. Parang may dark aura na agad siya.
***
Dinner time iyon nang mapansin ko na ang tamlay ni Kalla at pinaglalaruan niya lang ang pagkain niya. Tahimik din siya at parang problemado.
"Ayaw mo ba sa mga luto ko, Kalla? May gusto ka bang kainin na iba?" tanong ko nang hindi ko na napigilan pang magtanong sa kaniya.
"May iba akong gustong kainin. Hindi ang mga ito, Dalia," sagot niya at napabuntong-hininga pa siya.
"But you need to eat that, Kalla. Nasa living room si Archimedes. Hindi puwedeng wala kang kakainin," usal ko. Baka kasi may gawin sa kaniya ang asawa niya kapag nagmatigas siya at hindi siya kumakain.
Wala naman akong idea kung paano magalit si Archi, pero mas mabuting hindi ko na iyon masasaksihan pa. Natatakot din naman ako.
"Wala talaga akong ganang kumain. Gutom ako pero wala akong gana. Masama pa yata ang pakiramdam ko," dahilan pa niya at napahinga ako nang malalim. Mahirap nga hulaan ang gusto mong kainin. Naiintindihan ko siya.
"Ipagluluto na lamang kita ng iba. Sabihin mo na lang kung ano ang gusto mo," aniko pero umiling lamang siya at ang tamlay-tamlay ng mukha niya. "Kalla, naman. Ipapahamak mo yata ang sarili mo, eh," mariin na sambit ko. Ako talaga ang kinakabahan para sa kaniya.
"Gawan mo na lang ako ng sandwich, Dalia. Puwede bang ihatid mo na lang sa kuwarto ko? Gusto kong magpahinga agad, eh." I nodded sa request niya.
"Okay sige. Madali lang ito kaya hintayin mo na lang," sabi ko at ngumiti lamang siya bilang tugon.
Pumanhik na nga lang siya sa kuwarto niya kaya binilisan ko ang kilos ko. Pero halos mabitawan ko ang sandwich nang may lumitaw na naman si Archi. Halos atakehin ako sa puso.
"Para saan iyan?" kaswal niyang tanong.
"Wala," tipid na sagot ko lamang.
"Hindi ba kumain si Kalla?" seryosong tanong niya. Nag-iwas ako nang tingin. Ayokong sagutin ang tanong niya. Basta na lamang siyang umalis kaya mas binilisan ko na nga lang ang kilos ko. Kinakabahan ako dahil tiyak akong sasaktan na naman niya si Kalla.
Iba nga lang ang nadatnan ko. Nagpapalam si Archimedes sa asawa niya. Ewan ko rin kung bakit nakararamdam ako nang kirot sa dibdib ko na pakinggan ang pinag-uusapan ng mag-asawa. Apektado ako masyado dahil ba may nararamdaman na rin ako para kay Archimedes?
"Ginagawa ko ito para sa 'yo, Kalla," narinig kong sabi ni Archi. Ginagawa niya raw ito para sa asawa niya pero ikinukulong naman niya sa bahay na ito. Walang kalayaan si Kallani kapag siya ang kasama.
"Para sa akin? Pero ginagawa mo akong preso mo and the worst you did is sinasaktan mo na ako physically, Archimedes," may hinanakit na sumbat ni Kallani. Humahanga pa rin ako sa kaniya dahil nagagawa niyang sagutin ang asawa niya. Matapang naman talaga siya pero masyado rin naman siyang mahina na kalabanin ang sarili niyang desisyon. Ang piliin na manatili sa poder nito.
Lumabas na rin naman si Archi at hindi siya makatingin sa akin nang diretso. Umiling na lang ako at saka niya ako nilagpasan.
Nasa paanan ng kama si Kalla at umiiyak na naman siya. "Kainin mo na ito, Kalla. Dalawang sandwich ang ginawa ko para sa 'yo at saka kape. Please, help yourself," aniko.
"Sige," tipid na sabi niya lamang at iniwan ko na muna siya roon. Alam kong mas komportable siya kapag mag-isa lang siya.
Kung aalis si Archimedes ng tatlong araw ay puwede akong lumabas. Babalik din naman agad ako kapag nabili ko na ang kakailanganin ko.
Akala ko ay umalis na agad si Archimedes pero nasa sala siya at nang makita ako ay napatayo pa siya.
"Mawawala ako ng tatlong araw, Dalia. Ikaw na muna ang bahala sa asawa ko," habilin niya. Napatango lamang ako. Paano ba naman kasi, nararamdaman ko pa rin ang pagkirot sa dibdib ko.
"Puwede bang. . .aalis muna ako bukas?" Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha niya. Nagulat ako dahil parang nagagalit agad siya. Napasapo ako sa aking noo. "Kailangan kong bumili ng personal things ko. Puwede naman siguro iyon, 'di ba? Hihingi na muna ako nang isang araw para lumabas," dagdag pang sabi ko at kumiling lang ang ulo niya.
"Ilista mo. Ako ang bibili," mabilis na sabi niya at napahawak ako sa batok.
"Personal things iyon. Ako ang dapat na bibili," sambit ko.
"Ako ang bibili," giit niya. I took a deep breath.
"Nakaiirita ka na," sabi ko dahil pakiramdam ko ay tumaas bigla ang dugo ko. Naka-h-highblood naman talaga siya.
"Hindi ka aalis dito, Dalia. Saka kita hahayaan na umalis nang mag-isa kapag nakabalik na ako," mariin na sabi niya para makaramdam naman ako nang kakaibang kaba at takot.
Napatutop ako sa aking dibdib. Ganito pala ang madalas na nararamdaman ni Kallani kapag hinihigpitan siya ng asawa niya. Talagang hindi nakatutuwa. Mas naiinis lang ako.
"Ewan ko sa iyo. Umalis ka na lang at huwag nang babalik pa," supladang sabi ko saka ko siya tinalikuran.
Hindi nga talaga ako nakaalis sa mansion niya dahil kapag sinusubukan kong lumabas ay may mga tauhan siya ang humaharang sa akin.
Doon na rin nagsimula na mag-iba ang timpla ng mood ko. Palagi ng masama ang pakiramdam ko. Lalo na nang mapagtanto ko na hindi pa ako dinadatnan. Regular ang menstruation ko kaya madali lang bilangin pero ngayon. . . Kinakabahan na ako. Hindi ito maaari.
Lumipas pa ang mga araw ay mas lumalala lang ang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko na muna sinabi kay Kallani kasi hindi pa naman ako sigurado.
Mayroon sana akong isang bag pero nakalimutan kong dalhin iyon. Kung bakit ba kasi hindi ako pinagamit ni Randell ng cellphone.
Alam kong sintomas na ng pagbubuntis ang nararanasan ko araw-araw. Aware ako roon dahil nasubaybayan ko rin ang pagbubuntis ng namayapa kong ina sa mga kapatid ko. Hindi ko rin naman inaasahan ang magiging kalagayan ko ngayon. Wala ito sa plano.
Kaya para aware na rin si Kalla ay kailangan ko na ring sabihin sa kaniya ang totoo.
Pinuntahan ko na siya sa kuwarto niya at naiiyak na nga agad ako. Nagulat siya nang makita ang reaksyon ko.
"Ano'ng nangyari, Dalia? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong niya. Tumango ako, ang pagbubuntis ko ay isa ng problema. Dahil kapag hindi kami nakaalis sa bahay na ito ay pareho kaming masasaktan. Madadamay pa pati ang batang dinadala ko.
"Kalla. . . Buntis ako," diretsong sambit ko dahilan na manlaki ang mga mata niya sa gulat.
"P-Paanong?"
"Kalla. . ."
"Paanong nangyari, Dalia? Wala ka bang. . . Wala ka bang iniinom na gamot?" she asked and I sighed.
"Naubusan ako, Kalla. Hindi ko nadala ang isang bag ko na punong-puno ng gamot. Iyong gamot lang para kay Archimedes ang nadala ko. Kalla, sorry. . ." Kung hinayaan din ako ni Archi na lumabas ay wala na ring silbi pa. Nandito na, eh.
"B-Bakit nag-s-sorry ka?" tanong niya sa 'kin.
"Parang natatakot na ako, Kalla. . . Dahil pareho na tayong mapapahamak. . ." sagot ko. Hinawakan niya ang nanginginig kong mga kamay.
"I'm pregnant too, Dalia. . . W-Wala na rin akong choice pa kundi ang sabihin sa kaniya na. . .magkakaanak na kami," sabi niya at alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Sasabihin niya kay Archimedes na ito nga ang ama ng sanggol na dala-dala niya.
"Kalla. . . Isasakripisyo mo na naman ang sarili mo? Ang anak mo?" malungkot na tanong ko. Hindi puwede. Dapat gumawa na kami ng paraan. O kaya naman ay tawagan na niya ulit ang ex-fiancè niya para sunduin siya rito.
"Dalia, ngayon tapos na ang pagtulong mo sa akin kaya sabihin mo kay Randell. Ilabas ka na niya rito. Ayokong madamay pa kayong mag-ama," seryosong saad pa niya.
Kung dati ay okay pa ang magsakripisyo pero kapag may involve ng bata rito ay hindi ko na iyon magugustuhan pa. Pero desidido si Kallani.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top