CHAPTER 15

Chapter 15: Back home

I DON'T know if paano ako napapayag ni Archimedes na saluhan siya sa breakfast. Siguro ay naawa ako sa kaniya? Tsk.

Tahimik lang akong kumakain at nararamdaman ko pa rin ang panonood niya. Hindi ko talaga siya maintindihan kung minsan. Wala naman siyang ginawang kakaiba kagabi na ipinagpasalamat ko kasi gentleman pa rin siya.

Maybe iniisip niya na masasaktan ang asawa niya kapag may ginawa siyang hindi nito magugustuhan. Kahit na ibang paraan pa niyang naging asawa si Kallani ay mali pa rin ang ginawa niya na nakikipagkita siya sa ibang babae. Pero siguro ay fair na rin naman sila. Kasi si Kalla ay may itinatago rin siya kay Archi.

"Kumain ka na lang diyan. Stop staring at me," sabi ko nang hindi ko siya sinusulyapan.

"Babalik ka pa ba sa Indonesia?" he suddenly asked me. Nagkibit-balikat ako kasi wala akong balak na sagutin siya. Wala na siyang pakialam pa roon. "Dalia. . ." he uttered my name. Sinipat ko pa ang relo ko sa aking bisig at lagpas na pala sa 9AM.

Tumingin pa ako sa kinakain ko kasi hindi pa ito nauubos. Tapos iyong sa kaniya ay halos hindi na niya ginagalaw pa. Busy sa katititig sa mukha ko.

"Bakit mo ba ako dinala rito, ha?" tanong ko naman kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit niya ako dinala rito. Parang nasa hotel kami pero ang sabi niya ay condo niya raw.

"May gusto lang akong patunayan," sagot niya at uminom pa ng tubig sa baso.

"Siguro, takas mental ka, ano?" pabirong tanong ko. Sa tagal naming nagkikita-isama mo pa ang nangyayari sa amin ay parang nasanay na rin ako sa presensiya niya. Kahit mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Kasi alam kong nandiyan siya. Tumaas lang ang kilay niya at umiling. "Ang weird mo, ha," usal ko at nagpatuloy na ako sa pagkain.

Wala namang kakaibang nangyari sa umagang iyon at wala akong idea kung ano ang pinagsasabi niya na may nais lang siyang patunayan. Nagpahatid lang ako sa subdivision namin at bumaba ako sa may guard house. Hinintay ko pa siya na makaalis kasi plano niya rin yata na sundan ako.

Sa huling araw ko ay wala akong ginawang iba kundi ang makipagkuwentuhan din sa mga kapatid ko hanggang sa makabalik na nga ako sa Indonesia.

Ang bago kong trabaho ay isang chambermaid sa isang sikat at malaking hotel sa bansang iyon. Higit na mabigat na ang trabaho ko sa isang ito pero tatlo o limang kuwarto lang naman ang na-assign akong maglinis at mas malaki naman rin ang sahod. Ayos na iyon.

Isang taon pa lang ang nakalipas nang malaman kong lumipat na naman ng bahay ang tiyahin ko. Dahil nagkasakit daw si Zenai at kailangang operahan. Naniwala ako noong una at nagpadala pa ako ng pera pero binenta pa rin nila ang bahay.

Sa ngayon ay wala pa akong alam kung saang lugar na naman sila lumipat. Tuloy pa rin ang secret namin ni Randell pero hindi na rin katulad pa na madalas kong makakasama si Archi.

Ang huli rin naming pagkikita na iyong nag-uusap kami ay roon mismo sa Pilipinas. Hindi naman kasi kami nag-uusap kapag may ginagawa na kami sa kama.

Anim na buwan kong hindi na-contact si Tita Araneta, matapos kong magpadala ng pera sa kaniya. Mabuti na lamang ay si Rouge ang tumawag sa akin. Doon ko na rin nalaman ang dahilan kung bakit binenta ng mama niya ang bahay nila. May tinaya raw si tita sa sugalan at ang pinadala kong pera ay pinangbayad niya sa pakikipag-settle niya. Nanghihinayang ako sa una pero naisip ko pa rin ang mga kapatid ko.

"Umuwi ka na lang dito. Dahil hangga't alam ni mama na nandiyan ka sa abroad ay hindi ka niya titigilan na huthutan ng pera," malamig na sabi pa ni Rouge.

"Nag-iipon pa ako para mabawi ko ang pera na kinuha ng mama mo, Rouge. Magdadalawang taon naman na ako rito," paliwanag ko.

"Bahala ka. Desisyon mo 'yan. Wala akong magagawa. Masyado ka lang mabait kaya inaabuso ka na ni mama. Matuto ka namang maging selfish, wala namang mawawala sa iyo. Pero kasing tigas ng bato ang ulo mo. Congrats na lang," sabi niya at binabaan na ako nang tawag. Hindi rin naman talagang namilit pa ang batang iyon.

Nagpahinga ako nang malalim. May sapat naman akong ipon pero kasi. . . Iyong kay Randell. Lumitaw naman ang pangalan ni Randell sa screen ng cellphone ko at sinagot ko agad ang tawag.

"Randell, napatawag ka?"

"Mag-impake ka na, Dalia. Babalik na tayo sa Pilipinas," sabi niya na parang tumalon ang puso ko sa narinig.

"Talaga? Uuwi na tayo?" masayang tanong ko pa.

"Pasensiya ka na kung ikinulong kita sa sitwasyon natin ngayon, Dalia. Pero hintayin mo na lang na pareho na tayong makawawala sa hawla na ako mismo ang gumawa. Kaunting oras na lang talaga," sambit niya at nasa boses niya ang pagsisisi.

"Randell, ayos lang iyon. Malaki rin naman ang naging ambag mo sa buhay ko," sabi ko para lang pagaanin ang bigat sa dibdib niya. Madalas na kasi niyang sabihin iyan.

HINDI nagtagal ay nakabalik din kami. Gusto ko pa noong una na bisitahin ang mga kapatid ko pero inuna ko na ang misyon namin ni Randell at baka maubos na naman ang perang dala ko. Tiyak kasi ako na makukuha lahat ni Tita Araneta.

Hindi ko na ginamit pa ang cellphone ko kasi malalaman ni tita na nasa bansa na ako. Isang gabi lang yata na may nangyari sa amin ni Archi at naging personal maid na agad ako ni Kalla. Parte pa rin iyon ng plano namin.

Kahit na delikado naman talaga ang gagawin ko kasi kilala ako ni Archi. Kahit halatang nagulat siya ay wala naman siyang sinabi.

Kusang loob na rin ang pagtulong ko. Dinala pa niya sa malayong lugar si Kallani dahil nalaman din nito na nakikipagkita ang asawa niya sa ex-fiancè nito.

Ako ang naaawa kasi ramdam ko na gustong-gusto na niya talagang bumalik sa totoo niyang pamilya at parang katulad ko ay nagsasakripisyo rin siya. Tama si Rouge, walang mawawala sa iyo kapag naging selfish ka. Para din naman iyon sa sarili mo.

Pormal at magalang ang pagtrato ko kay Archimedes. Pero kapag kami ang naiiwan sa isang lugar ay saka ko sinasabi ang saloobin ko. Alam kong hindi ko dapat sabihin iyon at huwag akong makialam sa buhay nila. Ngunit hindi ko lang maiwasan.

"Mahal ko si Kalla. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kaniya," seryosong sabi niya. Madala niyang sabihin ito. Wala akong nakikitang emosyon sa kaniyang guwapong mukha. Ni pagkislap ng mga mata ay wala. Malamig na malamig iyon na tila dilim lang ang makikita mo.

"Ngunit mali ang ginagawa mong pagkulong sa kaniya," walang emosyon na sabi ko.

Nag-iwas siya nang tingin at hindi na siya nagsalita pa. I sighed and stood up. Nasa opisina kasi ako ng mansion niya dahil sinadya ko siyang puntahan dito. Minsan ay siya ang nagpapatawag para lang may makauusap siya.

Nasa pintuan na ako nang tingnan ko siya. "Para sa akin ay walang masama ang magmahal pero huwag mo namang itodo ang pagiging hibang mo sa pag-ibig. Masarap magmahal nang malaya, Archi. Walang kinakatakutan at wala kang alalahanin kundi ang future mo lang kasama siya. Sa ginagawa mo ngayon ay talagang mababaliw ka," mahabang sambit ko saka ko siya tuluyang iniwan doon.

Katulad na lamang nang ginagawa ko ngayon. Patuloy pa rin akong nagmamahal sa isang tao na imposibleng magiging akin. Nakatatawang sitwasyon, sa tagal-tagal kong nabubuhay sa mundong ito ay ngayon ko masasabi na isa rin akong baliw sa pag-ibig. Nagsimula sa maling paraan kaya ako nahulog nang tuluyan sa lalaking iba naman ang iniibig.

***

Napabuntong-hininga na lamang ako at titig na titig ako sa gamot ko na ilan na lamang ang natitira. Wala akong cellphone ngayon at hindi ko matatawagan si Randell.

Napaigtad lang ako nang may humawak sa basong hawak ko at naramdaman ko ang matigas na dibdib na dumikit sa likuran ko.

"Gusto mo yatang magkapaso, Dalia?" Boses iyon ni Archimedes at wala sa sariling napatingin ako sa paligid.

Natatakot ako na baka makita kami ng ibang kasambahay. Sobrang lapit ng katawan niya sa akin.

"A-Ano'ng ginagawa mo, Archi?" Gamit ang likuran ko ay sinubukan ko siyang itulak upang bigyan ng espaso ang aming katawan. Pero mas dumikit lang siya. Napapikit ako sa inis. Humawak pa talaga siya sa baywang ko. "Archi. . ."

"Alam mo, Dalia. . ." Pasimple kong tinanggal ang kamay niya. "I dreamed about you," he said. Umikot lang ang mga mata ko.

"Bakit ako ang napanaginipan mo? Wala namang kainteres-interes sa buhay ko at saka dumistansya ka nga bago pa tayo makita ng ibang tao rito. Feeling close ka?" naiinis kong tanong.

"Sa asawa ko ba ay hindi ka ba takot na makita tayo?" nanghahamon pa niyang tanong. "Sa panaginip ko. . .ikaw ang kasama ko sa kama at umuungol ka sa pangalan kong Archi. Hindi ako tinatawag nang ganoon ni Kalla. So. . ."

"Eh, ano naman ang kinalaman ko sa se-" Tinulak ko na siya nang makita kong papasok ang isa niyang tauhan. Nagsalubong lang ang kilay niya at kinuha ang kapeng tinimpla ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top