CHAPTER 1

Chapter 1: Trahedya sa buhay ni Dalia

DALIA's POV

KANINA pa ako naghihintay sa labas ng paaralan na pinapasukan ng anak ng aking amo. Nakalimutan niya kasi ang assignment niya na ako pa ang gumawa nito. Masyado siyang tamad para gumawa ng activities at homework niya.

Wala namang kaso iyon sa akin dahil binabayaran ako ng kaniyang ina. Ako rin kasi ang naging tutor ni Romenda. Isang pribado ang eskuwelahan niya dahil kaya naman siyang pag-aralin ng mga magulang niya. May hacienda sila at doon ako namamasukan bilang isa rin nilang katulong. Pero madalas akong umuwi sa aming bahay dahil may sakit ang aking ina at si tatay naman ay wala namang ginawa iyon kundi ang magpakalasing sa alak.

Hindi naman siya iresponsableng ama dati pero simula ng magkasakit si nanay ay roon na siya nawalan ng ganang magtrabaho dahil palaging nauubos sa mga gamot nito ang pera niya. Na kahit ang ipon niya ay wala na ring natitira pa.

Mahal ko ang mga magulang ko kaya bilang isa ring panganay nilang anak ay ako na ang naging breadwinner ng aming pamilya. Ako na lamang din kasi ang pag-asa nila.

Dalawang taon na akong nahinto sa pag-aaral at kolehiyo na sana ako pero wala. Kailangan kong tulungan ang pamilya ko kaya pinili ko na lang ang magtrabaho.

GUSTO ko sanang sumilong sa waiting area pero baka hanapin ako ni Romenda. Masakit sa balat ang sikat nang araw at kapag nagbabad pa ako rito nang ilang minuto ay baka sunog na ang balat ko.

May mga estudyante pa rin ang labas-masok sa paaralan na ito. Naiinggit ako sa totoo lang. Ngunit sa tuwing naalala ko ang mga mahal ko sa buhay ay nakalilimutan ko rin ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral. Para naman maihaon ko sa kahirapan ang mga kapatid ko at mabigyan ko sila ng magandang buhay. Dahil kung ang mga magulang namin ay hindi na sila mabibigyan pa.

Pero kahit doble kayod pa ang ginagawa ko ay wala pa ring nangyayari sa buhay namin. Nandito pa rin kami at hirap na hirap sa buhay. Dito mo mararanasan na hindi madaling mabuhay sa mundong ito kung salat ka sa pera na halos mamulubi ka na rin.

“Ate Dalia!” Napahinga ako nang malalim nang makita ko na si Romenda na patakbong lumapit sa akin at agad kong inabot sa kaniya ang folder.

“Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay rito. Kailangan ko na rin kasing umuwi sa bahay namin. Hindi ako nakapag-iwan ng pera para pambili nila ng ulam,” agad na reklamo ko na ikinangiti niya lamang.

Mabait na bata si Romenda at pabor ako roon kaysa sa ibang mga batang naging estudyante ko. Ubod ng kasungitan at kayabangan.

“Pasensiya ka na po, ate. Matagal kasi kaming pinalabas ng teacher namin,” paghingi niya nang paumanhin at tumango lamang ako. “Oo nga po pala. May kinolekta ako na homework ng mga kapatid ng kaklase ko para sa thesis nila. Nandiyan na rin po ang mga bayad nila.”

Nawala ang inis ko sa paghihintay ko sa kaniya sa labas ng gate dahil sa sinabi niya. Pabor din sa ’kin ang ginagawa niya. Mahal kasi ang bayad ng mga estudyante kapag may pinapagawa sila at alam kong illegal iyon pero kapag sinabi kong tuturuan ko sila para sa gagawin nila ay willing naman silang makipagkita sa ’kin. Para naman may isasagot sila kapag may nagtanong na sa kanila. Kinuha ko na ang folder na naka-plastic pa.

“Salamat, Romenda. Malaking bagay na ’to. Sige na. Pumasok ka na at uuwi na rin ako,” paalam ko sa bata at tinapik ko pa siya sa balikat niya.

"Sige po! Ingat ka!" Tumango lamang ako.

Dumaan na muna ako sa paninderya upang bumili ng ulam. Bago ako umaalis para magtrabaho ay nagsasaing pa ako ng kanin.

Binibigyan ko na lamang ang kapatid kong si Darlene ng pera para pambili nila ng ulam. Pitong taong gulang na iyon at maalam na siya sa gagawin niya sa bahay namin. Si Ryry naman ay apat na taong gulang pa lamang siya. Tanging paglalaro lang naman ang nagagawa niya.

Nasa edad 24 na rin ako at ilang taon din ako bago nasundan kasi nakunan si nanay bago niya ipinanganak si Darlene. Kaya malaki ang agwat ng aming edad. Bumili ako ng pansit at paksiw na isda dahil paborito ito ng aking ina.

Kapag nasa bahay ako at walang trabaho ay ako mismo ang nagluluto ng makakain namin.

Sumakay lang ako ng dyep at pagbaba ko ay binaybay ko ang daan pauwi sa amin. Subalit nang makarating ako ay halos mawalan ako nang malay sa nakita kong sunog. Patakbong lumapit ako sa mga kakilala kong kapitbahay na nagkukumpulan na rin.

"S-Saan po galing ang sunog?!" natatarantang tanong ko.

Maingay sa buong paligid. Nandoon ang sigawan ng mga tao at pilit nilang inaapula ang apoy. Nandoon na rin ang mga bumbero pero nahihirapan sila dahil sa laki ng sunog na kulay itim na rin ang usok nito. Sa hitsura pa lamang. . .

"Sa bahay ninyo, Dalia!" sigaw nito at nanlaki ang mga mata ko.

"Ang mga kapatid ko!" Nabitawan ko ang dala kong supot at patakbong lalapit na sana ako sa pinanggalingan ng sunog nang pinagtulungan nila akong pigilan. "Bitiwan ninyo ako! Nasa loob pa ang mga kapatid ko! Ang mga magulang ko!" naiiyak na sigaw ko.

"Mamamatay ka lang, Dalia! Ang laki na ng sunog! Hindi lang ang pamilya mo ang nasa loob niyan! Marami tayong kapit-bahay na naiwan din sa kanilang mga tahanan!" sigaw nila pero napahagulgol lang ako dahil ayaw nila akong bitawan at paano pa makaliligtas ang pamilya ko kung wala nang sumubok na pumasok sa loob ng bahay namin?

Nanghihina na agad ang mga tuhod ko at parang may patalim ang bumaon sa dibdib ko dahil sa nakikita kong apoy na nasa harapan ko. Nag-ulap na ang paningin ko dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.

Bata pa ang mga kapatid ko at katulad ko ay may pangarap din sila. Maski ako ay may pangarap rin ako para sa kanila. Ang nana't tatay ko.

"Wala na tayong magagawa pa, Dalia." Napahawak na lamang ako sa aking dibdib dahil sa kirot na nararamdaman ko.

Kaya ako huminto sa pag-aaral ay para sa kanila. Para matulungan ko sila pero ngayon. . . Mawawala pa ba sila gayong sila na lamang ang pinagkukunan ko nang lakas ng loob?

Kung mawawala na rin naman sila ay mas mabuting sumunod na lamang ako. Paano pa ako mabubuhay kung mawawala na agad sila? Ano pa ang silbi nang paghihirap ko maihaon ko kamay sila kahirapan kung maiiwan naman ako nang mag-isa?

Walang tigil sa pagpatak ng mga luha ko at bawat minutong lumilipas ay sumasakit lang ang puso ko at naninikip ang aking dibdib.

Mahigit isang oras nilang inapula ang apoy at saka lang tuluyan na namatay. May rescue team na rin ang pumasok sa bahay at natatakot ako na kung makikita nila ang bangkay ng pamilyang ko na kung buo pa rin ba ang mga katawan nila.

Nangangatal na ang mga kamay ko at hindi ako tumigil sa paghikbi. Mahigpit na nakakuyom ang mga kamao ko.

Napatayo na lamang ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig nang makita ko na may dala na silang dalawang bangkay.

Hindi ko magawang humakbang dahil sa nararamdaman kong takot. Ayokong makita. . . Dahil ko kayang tanggapin kung sila na iyon. Na kung tuluyan na silang binawi sa akin.

Pero nang makita ko ang pag-iling ni Kapitana ay nanghina na agad ang katawan ko. May yumakap sa 'kin nang napahagulgol na lamang ako.

"Dalia, wala silang nahanap na bangkay ng mga kapatid ko kaya may posibilidad daw na hindi kasama sa sunog sina Darlene at Daryl." Parang nabuhayan ako nang loob sa narinig.

God, kahit sila na lang. . . Kahit sila na lang ang maiwan sa 'kin ay ayos na ayos na. Kahit sila na lamang.

Nang maalala ko naman ang isang lugar na maaari nilang puntahan ay agad akong tumakbo. Tinawag pa nila ako at may mga sumunod din.

Sa bilis nang pagtakbo ko ay narating ko ang isang bukid na pagmamay-ari ito ni Kapitana. Minsan ko nang naabutan ang mga kapatid ko na tumutulong sa pag-ani ng mga gulay at binibigyan sila ng barya sapat na upang makabili sila ng ulam na kahit tatlong araw pa.

Napatutop na lamang ako sa dibdib ko nang naglalakad na ako ay naririnig ko na ang tawanan ng mga kapatid ko at may kinakain sila.

Kasama nila ang iilan na magsasaka at nang mapansin nila ang paglalakad ko tapos luhaan pa ay itinuro nila kaya napalingon sa direksyon ko ang mga kapatid ko.

"Ate Dalia?!" nasusurpresang tawag nila at nag-uunahan na sila sa paglapit.

Bumagsak na ang tuhod ko sa lupa kasabay nang pagsalubong nila nang mahigpit na yakap.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Ate?" Napahawak ako sa pisngi ni Darlene. Kinalong ko naman si Daryl at hinalikan sa tuktok ng ulo ko.

"Ate, iyak ka?" tanong ni Daryl.

"A-Akala ko ay nawala na kayo. . . T-Takot na takot si ate. . ." Sabay ko silang niyakap habang umiiyak ako. Halo-halo ang emosyon ko. Kahit may sakit, hinagis at lungkot ay naroon pa rin ang kasiyahan dahil kasama ko pa ang mga kapatid ko. Mahal na mahal ko sila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top