FINAL GOODBYE

After the sudden confrontation inside their home in New York, Alexander decided to fly back to the Philippines to find his beloved, Scarlet. Hindi niya alam kung saan o paano magsisimula, he didn't even know how will he explain everything to her. Basta't ang alam niya lang ngayon ay kailangan niya na makita ang kaniyang pinakamamahal, that's the most important thing for him. Nang makalapag ang eroplano sa Manila ay agad siyang bumyahe patungo sa sa bahay ng kaniyang kaibigan na si Shaun kung saan napag-alaman niya na naninirahan si Scarlet. Gabi na noong makarating siya sa tahanan ng mga Clinton dahil dumaan pa siya sa mall paboritong fast food chain ni Scarlet para bumili ng pagkain, dumaan rin riya sa flower shop at gift shop para bumili ng bulaklak at human size na teddy bear na balak niyang ibigay sa kaniyang nobya. Excited siya na mayakap at mahagkan ito, excited na rin siya na mahawakan ang maumbok nitong tiyan. Marami ng mga bagay ang naglalaro sa kaniyang isipan, mga bagay at senaryo na kung saan ay ini-imagine niya na makabubuo na siya ng sarili niyang pamilya kasama ang kaniyang minamahal.

Sa Ate Almyra niya nalaman na buntis si Scarlet, tatlong buwan palamang noon ang tiyan niya. Magmula ng malaman niya na magkaka-anak na siya ay sinikap niya na pagbutihin ang pagte-theraphy para makalakad. Natagalan lang dahil sa malaking impact ng aksidente sa ibabang bahagi ng katawan niya lalong lao na ang kaniyang mga binti.

"Sir Alexander kayo ho pala," si Manang Yoli na katiwala ng mga Clinton nag sumalubong sa kaniyang pagdating.

"Manang Yoli, si Shaun po ba nariyan?" tanong nito. "Nasaan daw sila?"

"Hay naku Sir, wala po sila e. Kanina po kasi after no'ng paparte ni Ma'am Iska ay umalis po sila. Hindi po sila nagsabi kung saan po sila pupunta e." sagot ni Manang Yoli. His heart skips a beat, bigla na lang siyang pinagpawisan upon hearing it.

"K-Kailan raw ang balik nila?"

"Ang sabi po ni Madam Carmen ay baka raw po hindi na muna sila makabalik lalo't kailangan daw po ni Ma'am Iska ng bagong environment para sa baby niya. Ito nga pong bahay ay ibebenta na rin po ni Madam. "

Pakiramdam niya ay tila bumalik ang sakit ng kaniyang mga tuhod, his knee weakens and he almost fell from it. Mabuti na lang at nakahawak siya agad sa bars ng gate at iyon ang ginawa niyang sanggalan. "G-Gano'n po ba?"

"Opo Sir, pasensya na po." muli nitong tugon.

"May cellphone number po ba kayo ni Shaun? 'Yon na lang po siguro ang kukuhanin ko." He lost his phone right after the accident, wala siyang kahit anong info at contact kay Scarlet, kay Shaun, at kahit sa Ninang niya na si Carmen.

"Mayroon ho, teka lang po Sir." wika ni Manang Yoli habang kinakapa ng cellphone sa bulsa. Tumipa-tipa ito upang hanapin ang caller i.d ni Shaun saka niya ito ipinakita kay Alexander. Si Alexander naman ay agad na kinopya sa kaniyang bagong telepono at idinial ito.

"Salamat po," he forced himself to smile. "Mauuna na po ako." Tinalikuran na niya ang matanda habang nakapamulsa. His hand we're trembling, ring ang kasi ang naririnig niya mula sa kabilang linya. Shaun isn't answering his phone.

May kung ano na siyang nararamdaman, kaba na hindi niya maipaliwanag. Matagal na panahon na siyang nagtitiis, pagod na siya sa bawat araw na pinaglalayo na siya. He couldn't cry, he's still hopeful to find her kahit na walang kasiguraduhan kung magkikita pa silang dalawa. Scarlet is his everything, hindi niya na kakayanin pa ang mawala ito. Isa lang ang hiling niya, an makita at makasama na ang babaeng mahal niya.

"Shaun, kanina pa yata may tumatawag sa cellphone mo, hindi ko lang nasagot dahil hindi ko alam na dito pala siya nakalagay." Si Scarlet, nakapa niya kasi ang nagbavibrate na cellphone ni Shaun sa loob ng kaniyang shoulder bag. Lulan sila ngayon ng van na patungo sa airport, tumawag kasi ang Lolo ni Shaun na nasa Canads noong isang linggo at ninais nito na makita silang mag-ina. Pinapepetisyon rin sila dahil ma taning na ang buhay nito at kay Shaun niya balak iwanan ang bahay sa New Zealand, kasama si Scarlet at ang kaniyang mga isisilang na sanggol na pinalabas nilang anak ni Shaun.

"Baka si Mamu lang 'yan, sinabi ko na sa kaniya na aalis tayo at hindi ko na kukunin 'yong susunod na project e. Makulit talaga," tatawa-tawang sabi ni Shaun.

"I don't think si Mamu ito, phone number lang kasi e and hindi siya nakasave sa phone mo. Bagong babae mo siguro 'to 'no" Pambubuyo ni Scarlet.

"Hindi ah, wala akong babae. Hindi na ako babaero, 'yon ang dating Shaun. Bukod kay Mommy, ikaw lang ang babae sa buhay ko." Pagtatanggol niya sa sarili. "Right babies?" Dumukwang siya sa tiyan nito at humalik.

"Sagutin mo muna ito, nago mo ako landiin diyan." ani Scarlet habang pilit na iniaabot ang cellphone kay Shaun na agad naman nito na kinuha. Kumindat pa siya bago niya sagutin ang tawag.

Batid ni Scarlet na hindi lang pagkakaibigan ang nais ni Shaun base sa mga ikinikilos nito, he wants more. Deep inside her, ay willing siya na ibigay ang nais ng lalaki ngunit hindi pa sa ngayon. She's still healing, May sugat pa na iniwan ang pamilya ni Alexander, sariwa pa iyon at nagdurugo dahil hindi nalagyan ng paunang lunas. Sa ngayon ay ang mga anak niya ang kaniyang prayoridad, nais niya na magsimulang muli kasama sila. Magsimula muli sa bagong bansa, bagong lugar, at bagong buhay.

"Hello, Shaun? Si Alexis ito, nakabalik na ako ng Pilipinas. Gusto ko sana na makita si Scarlet, kasama mo ba siya?"

"A-Alexis..." ito lang ang nasambit ni Shaun at pagka-ay nagkatinginan sila ni Scarlet na napalingon sa kaniya nang marinig nito ang pangalan ni Alexander.

"Ako nga bro, kumusta kayo? Kumusta ang asawa ko?" He's shaking and about to cry, madali iyon na nabakas sa panginginig ng boses niya.

"O-Okay naman ako, O-Okay kami." He replied, trembling. "Do you want to speak with her? She's beside me." Hindi alam ni Shaun ang sasabihin, he's clueless. Kumabog ang dibdib niya nang marinig ang boses nito, batid niya na anytime soon ay mawawala na sa piling niya si Scarlet

"Nasaan kayo? Puwede ba akong sumunod? Gusto ko lang na makita si Scarlet."

"Manila International Airport," pag-amin ni Shaun.

Namilog ang mga mata ni Scarlet, binabalak niya bang pasunudin si Alexis?

Humawak siya sa kamay nito at umiling-iling, hindi siya nagsasalita ngunit malinaw sa kilos ni Scarlet na ayaw niya ang kung ano man ang nais na gawin ni Shaun, he intertwine his fingers with her as he forces himself to smile. Hindi sila umiimik na gamit ang mga salita, nag-uusap sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

Ang mga mata ni Scarlet ay nangungusap, hindi niya nais na makita si Alexander na bagamat sabik ay kinakailangan niyang iwasan upang makaiwas sa sakit. Ayaw na ni bnya na manariwa ang sugat na hindi pa naghihilom. Samantakaga ang mga mata ni Shaun, bagamat mababakas ang lungkot ay mas naghahari ang pagnanais niya na magkaroon ng closure ang dalawa. Marahil ay tanga siya kung maituturing sa gagawin ngunit 'yon ang alam niya na mas makabubuti

"Shaun..."

"Let him speak, he's my best friend after all. Hindi ko kaya na tiisin siyae kahit pa, kahit pa gusto kita. Alam ko naman na, siya 'yong gusto mo. Hindi namana ko salbaheng tao para paglayuin kayong dalawa." Nahulog ang butil ng luha sa kaniyang mga mata.

"S-Shaun please, don't do this. Huwag mong pahirapan ang sarili mo." Sinapo ni Scarlet ang magkabilang pisngi niya. May butil ng luha rin na pumatak sa mga mata niya, "Please."

"Sa'yo ko dapat sabihin 'yan, don't be hard on yourself. Magiging okay lang naman ako, kayo ng babies mo ang inaalala ko. They need Alexander and I know, you need him too. Mahal mo siya, 'di ba?"

"Shaun..." Her eyes shimmered with tears.

"Alam kong maraming mga tanong diyan sa isip mo na kailangan ng kasagutan, tama ba ako?" Marahan na pagtango lang ang naisagot niya . "Ito na 'yon, puwede mo na siyang tanongin sa kung ano ang nangyari o kung ano na ang estado ng relasyon ninyo kasi in the first place, hindi naman kayo naghiwalay."Pineke niya ang pagngiti. "Gagalang rin 'yan, naniniwala ako na gagaling ang lahat ng sariwang sugat na iniwan ng pamilya nila."

"P-Pero Shaun paano kung... paano kung kapag nakita ko siya, mas lalo lang manariwa?"

"He was enchanted to meet you, and you're enchanted to meet her. Nahanap ninyo ang isa't-isa noong pareho kayong nauuuhaw sa pagmamahal 'di ba? Pero pareho ninyo na napunan ang pagkauhaw ninyong dalawa." Pinunasan niya ang mga luha nito sa pisngi gamit ang panyo na kinuha niya mula sa bulsa ng pantalon. "Huwag ka nang umiyak, I'm still here." Ngumiti si Shaun. "Kailangan maganda ka kapag hinarap mo siya, okay?" Marahan na tinanggal ni Shaun ang mga kamay ni Scarlet sa mga pisngi niya.

"Scarlet..." Isang pamilyar na boses ang nakapagpalingon kay Shaun. He's with Carmen.

"He's here," ngumiti si Shaun at binitiwan muna ang mga kamay ni Scarlet bago siya tumayo at yinakap ang kaibigan. Niyakap naman siya ni Alexander, pabalik "Welcome back dude, iiwanan ko na muna kayo ni Scarlet para makapag-usap kayong dalawa." aniya bago bumitaw sa pagkakayakap dito. "Ma, tara po. Magkape tayo." Pag-aya pa ni Shaun sa ina at hinila ito palayo sa dalawa.

Nakatayo lang siya habang pinagmamasdan ang babaeng n buntis nasa kaniyang harapan, she's still own her iconic ethereal beauty, humaba lang lalo ang kaniyang buhok, nagkaroon ng laman dahil sa pagbubuntis, ngunit nanatiling siya pa rin ang babaeng nag-alay ng buo niyang sarili at pagmamahal sa kaniya.

"Mahal ko," mahina niyang usal. "Bumalik ako, bumalik ako para sa'yo. Pwede bang bumalik ka na rin sa akin?"

Hindi siya kayang tignan ni Scarlet, hindi pa. Tahimik siyang humihikbi habang nakatingin sa isang malaking salamin na binatana. Pinipigilan niya ang nagbabadyang panibagong isang dakot na luha na nagpapalabo sa kaniyang paningin ngayon.

"I-Iniwan mo ako, iniwan mo ako Alexander." Kasabay ng pagbuka ng kaniyang bibig ay ang paglaglag ng mga luha sa kanyang pisngi. "Hindi ka man lang nagpaalam, hindi mo man lang ako sinabihan."

"Scarlet, mahal ko. Hayaan mo sana na magpaliwanag ako, please."

"Huwag sana dito, this is a public place. Sundan mo ako," tumayo siya at naglakad na hindi man lang nililingon si Alexander. Pinatatatag niya ang sarili kahit pa naninikip na nag kankyang dibdib. Nahihirapan rin siya dahil sa pagbigat ng kaniyang mga yabag. Dinala siya ni Scarlet sa labas ng airport kung saan ay madilin at wala masyadong tao.

Mahigpit na yakap ang isinalubong ni Alexander na hindi na nakapagpigil, he badly wants to hug her and feels her skin against him. Dito na mas lalong rumagasa ang nag-uunahang mga luha na pumapatak mula sa mga mata niya, she didn't hug him back but she doesn't want to lose it. Mahal pa niya, at patuloy niya na minamahal ang lalaking ilang beses nang nilalayo ng tadhana sa kaniya. She badly wants to hugs him back but she choose to not too, binibigyang respeto niya ang kaniyang sarili.

Scarlet is trying to compose her whole self. This time ay ayaw niya na munang maging marupok.

"Scarlet, mahal ko." mahina niyang usal kasabay ng kaniyang paghikbi. "Hindi ko ninais na iwanan ka, wala lang akong nagawa dahil paralisado ako noong mga araw na 'yon. I let Dad do eveyrthing he wanted, tinake advantage niya ang pagigig mahina ko but I primise to myself na oras na gumaling ako. Ikaw at ikaw pa rin ang uuwian ko, ikaw lang ang babaeng pinipili ko na maging katuwang habang buhay. You are my wife, and you'll forever be my wife. Ayaw ko ng iba, ikaw lang ang gusto ko Scarlet." Isinubsub niya ang mukha sa dibdib ng dalaga habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

"Hindi rehistrado ang kasal natin, hindi ipinarehistro ng Daddy mo." malamig niyang sabi.

"Magpapakasal tayo ulit, kahit kailan at kahit saan pa. Beach wedding, garden wedding, church wedding. As long as you're going to be my wife, handa ako sa lahat."

"Ayoko."

Agad niya na iniangat ang kaniyang ulo, nagtataka siyang tinignan ito. "Bakit? Pagod ka na ba? Pagod ka na ba na mahalin ako?"

"Hindi, hinding-hindi Alexis."

"Kung gano'n bakit? Hindi mo na ba ako mahal?" Sinapo niya ang kiyang pisngi. "Hindi mo na ba ako mahal?"

"Mahal, mahal na mahal kita." Nangatal ang kaniyang mga labi. "Sobra kitang mahal."

"Yon naman pala e kung gano'n, kung gano'n ay bigyan mo ako ng isa pang chance Scarlet. Isa pang chance para ma-prove ko 'yong pagmamahal ko sa'yo. Ayusin natin ito, magsimula tayo muli. Ikaw at ako, kasama ang baby natin." Pinilit niya na ngumiti kahit pa patuloy sa pagragasa ang mga luha mula sa kaniyang mga mata.

"Matafal na akong nakapagsimula, Alexis. Magmula noong umalis kayo ng pamilya mo, nagpakatatag ako at nagpaktapang para sa mga isisilang kong sanggol. Para sa mga anak ko."

"Anak natin Scarl, anak natin." Ipinagsaklob niya ang mga kamay sa magkabilang pisngi nito.

Marahan siya na umiling, "anak ko lang, Alexander."

"Scarlet please, huwag mo naman sana akong burahin sa buhay mo."

"Hindi naman kita binubura e, kailangan ko lang talaga na magsimula muli na mag-isa. You should do the same thing, give yourself a chance. Correct your past mistake, fix yourself and be ready for your future."

"Future? A future without you?" He asked, as he fell from his knees.

"G-Gano'n na nga."

Umiling-iling siya at nag-angat ng ulo. "Huwag mo akong iwanan please, nagmamaka-awa ako sa'yo." Inabot niya ang mga kamay nito at hinawakan ng napakahigpit.

"Babalik ako kapag okay na ang lahat, kapag naghilom na ang lahat ng sugat."

"Hindi mo naman kailangan na umalis, pwede naman kitang tulungan na gumaling. Huwag mo akong iwanan, hindi ko kaya Scarlet."

"Kailangan mong kayanin, Alexander. Isipin mong... isipin mong hindi tayo nagkakilala. Walang Scarlet De Villa na nage-exist, forget about me."

"No, I can't." Mariin niyang sabi. "Hindi ko kaya and I'm not going to push myself to do it."

"Ganito na lang, hayaan mo akong umalis ngayon. Mag-iisip lang ako, magsisimula ulit. Hihinga lang ako Alexis at pagktapos ay babalik rin kapag umayon na sa atin ang tadhana. " Kumapit siya sa mga kamay nito at yumuko upang pagtagpuin ang kanilang mga paningin. "Handa ka ba na maghintay sa pagbabalik ko?"

Matagal bago siya nakasagot, "kung iyan ang makakabuti. I'm willing to wait kahit... kahit matagal pa and even without assurance. Basta't bumalik ka lang please." This time, he breakdown.

"Babalik ako, pangako ko 'yan. Sa pagbabalik ko, kasama ko na ang mga anak natin. Okay?" Tears flooded her eyes as she look heavenwards.

Unti-unti na siynag bumibitiw mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Alexander sa kaniyang mga kamay. Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi habang isa-isang ibinibitiw ang kaniyang mga daliri.

"Mahal na mahal kita Scarlet at hinding-hindi magbabago 'yon." He utters between sobs as he raises.

"Mahal na mahal din kita Ivonne Alexander Dwayne Montecillo. Huwag kang mag-alala, magkikita pa naman tayo e."

"Don't break your promise please," he puts his hand on her left cheek.

"I won't, okay?"

"I love you so much."

"I love you more than anything, Scarlet."

"Magkikita tayong muli, mahal ko."

"Destiny will lead us to find each other."

Isang maalab na halik at mahigpit na yakap ang pinagsaluhan nilang dalawa. Isang halik na mula sa puso kanilang ipinabaon sa isa't-isa bago sila naghiwalay ng landas. Nag-iwan pa ng habilin si Alexander kay Shaun upang alagaan ang kaniyang mag-ina, at nangako na aayusin ang kaniyang buhay.

Si Alexander ay dito mananatili sa Pilipinas, at si Scarlet na lilipad pa-Finland upang magsimula muli ng bagong buhay at magpapahilom ng sugat na dulot ng nakaraan.

Sumulyap pa si Scarlet sa lugar kung saan niya iniwan ang nakamasid pa rin sa kaniya na si Alexander bago siya tuluyan na sumakay sa eroplano.

"Babalik ako Alexander, babalik ako kasama ang mga anak natin."

It's a different kind of heartache for Scarlet, she know that there's still so much love left inside her heart for Alexander but she fully understand why she needs put an end on their roller-coaster relationship

the end.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top