8
"Alexis, tara na matulog na tayo." Aya ni Scarlet sa binatang kanina pa tulala. Naka-upo ito sa itim na red stool sa island counter habang abala sa pagtitipa sa cellphone niya. "Alex? Alexis? Alexander? Ivonne Alexander Dwayne Montecillo?"
"If you want to sleep, just sleep. Hwag mo na akong hintayin pa," sambit ng lalaki at saglit siya na sinulyapan "Alam kong pagod ka, don't worry about me." dagdag pa niya bago ibalik ang kaniyang mga mata sa hawak na cellphone. He was busy texting his girlfriend, Arriane. Topic pa rin nila ang kasal na pareho nilang ayaw na matuloy.
"Hindi pa ako inaantok, sabay na tayo." Bumaba mula sa kama si Scarlet at nagsuot ng tsinelas saka tinungo ang kinaroroonan ng binata. "May bumabagabag ba sa'yo?" Lumapit siya kay Alexander at hinawakan ang magkabilang balikat nito. She was really trying her best to get Alexander's attention, magmula kasi kanina ay hindi na ito mapuknat sa pagtipa sa cellphone.
"It's Arriane," pagtatapat nito. "Hindi pa rin kasi siya tinitigilan ng Lolo niya even my Dad. Mga siraulo talaha ang mga 'yon." Aniya habang umiiling-iling pa. "Napipilitin tuloy ako..."
"Napipilitan na ano?" Usisa ni Scarlet
"Na ituloy ang kasal."
Saglit na napugto ang paghinga ni Scarlet dahil sa narinig, her mouth went dry, pakiramdam niya ay naapakan ang pagktao niya. Mukhang maling-mali na nagtanong pa siya sa binata. SHe was hurt, ngunit mas pinili ng dalaga na h'wag pansinin ang nararamdaman. "A-Alexis... P-Paano 'yong trabaho ko?" Pag-iiba niya ng usapan "Kapag kinasal na kayo? Paano ako? D-Di ba kaya mo ako kinuha kasi n-nangako ka na bibigyan mo ako ng trabaho. P-Paano 'yon?"Halos mautal-utal siya sa pagsasalita.
"It will continue, hindi naman kita pababayaan e."
"S-Sa opisina mo na ba?"
"Opisina?" Nag-angat ng ulo ang binata at nagtataka niyang tinignan ang dalaga. "Who told you that? Scarl, this is you work. Trabaho mo na pasayahin ako, na paligayahin ako, na romansahin ako. This is your work.'
Romansahin? Paligayahin? In short, personal pornstar. Gano'n ba 'yon Alexander? Scarlet really wants to asked but she stop herself. Magulo na nga sila e, ayaw niya na muna na madagdagan pa. Bahala na si Alexander sa kung anong gusto niya, as long as mababayaran niya ako.
"But.. B-But I didn't sign up for this."
"Napag-usapan na natin 'to 'di ba?" Nnagunot ang noo ng lalaki at ibinaba ang cellphone sa coffee table na nasa tapat na niya. "I owned you."
"Pero ikakasal ka na."
"So?"
"Lalabas na number two mo lang ako, kabit, kerida, mistress."
"Scarlet," inabot ng binata ang kamay ng dalaga na nasa balikat niya, "Come here," aniya na agad namang sinunod ng dalaga. In-upo siya ni Alexander sa kandungan na paharap sa kanya. "We already talked about this right?" Hinaplos niya ang buhok ng dalaga, "you will never be my number two. Ikakasal lang naman kami for formality, nothing more."
"K-Kahit pa, marriage 'yon. Haharap kayo sa mga tao, sa pamilya ninyo, a-at sa Diyos." Nabasag ang boses ng dalaga. Hindi niya napigilan ang mga nagkakarerang luha sa pisngi niya, "wala na rin naman akong babalikan sa Aquila. Hindi na ako tatanggapin ni Sir Vernon roon. Alexander kailangan ko ng pera, kailangan ko ng trabaho. Hindi trabaho ang pagiging kabet at ayokong maging kabet."
Paano ako Alexander?
Pinagsiklob ni Alexander ang mga kamay sa magkabilang pisngi ng dalaga, pinunasan niya rin ang mga luha nito gamit ang mga hinlalaki niya. "Shush! Don't cry, hindi naman mangyayari 'yon e. Hindi kita pababayaan, I promise. Hindi kita iiwan, okay? Tahan na, tahan na. H'wag ka nang umiyak," pang-aalo ng binata, yinakap pa niya ang dalaga at ikinulong sa mga bisig niya.
Nang mga oras na kayakap niya ang dalaga ay napa-isip si Alexander, naramdaman niya ang pagiging genuine ng dalaga sa totoong nararamdaman para sa kanya. Batid ni Alexander na hindi trabaho ang talagang iniisip nito kung'di ang nararamdaman ng dalaga para sa kanya. Nagkaroon ng agam-agam ang binata, he could say that he feel the same way but how? He is confuse, mahal niya pa ang girlfriend na si Arriane pero nakakaramdam na rin siya ng pagkagusto kay Scarlet. He couldn't tell if the feeling he had for Scarlet is real or just an infatuation or more like attraction. Everyone will fall for her, she's gorgeous, humble, very charming. Alexander find her sexy and intelligent, everything about her turns him on.
Matagal-tagal sila na magkayakap, sa sobrang pag-iyak ay nakatulog na si Scarlet, Alexander carried her in a bridal way and then put her gently on bed. Kinumutan at hinagkan niya pa ang tungki ng ilong pati na labi ng dalaga. Mariin niyang tinitigan ang mukha ng dalaga, she badly wants to bang her pero pinigilan nkiya ang sarili. For Alexander, this is not the right time for him to dominate the lady. He might be a cassnova, he used to fuck girls and pay the, but Scarlet is different. Natutunan niya na magtimpi at pigilan ang tawag ng laman. Masyadong mabigat ang pangyayaring ito for him. Ayaw niya na i-take advantage ang pagkakataon para sa sa pansariling kaligayahan at tawag ng laman
"Scarlet..." bulong niya at bumuntong hininga. "Noong una kitang nakita, inaamin ko na na-attract ako sa'yo. You're so gorgeous, you are so kind, so precious. Hindi mo ako deserve... Hindi mo deserve ang isang katulad ko dahil—"
Napahinto si Alexander nang marinig niya ang tatlong beses na pagtunog ng kanyang cellphone na nasa coffee table. Dumukwang siya upang hagkan ang labi ng dalaga bago siya tumungo sa island counter at kinuha ang cellphone niya.
Incoming call... Arriane
"Arriane..." sambit niya sa caller I.D ng taong tumatawag. Agad niya na pinindot ang answer button at itinapat ang cellphone sa tainga niya. "Hello?"
"Alexis..." sambit ng dalaga mula sa kabilang linya.
"Patulog ka na ba?"
"Nope, why?" Sagot ng lalaki at muling sumulyap sa dalagang nakahiga sa kama at nahihimbing. Napangiti siya ng otomatiko nang saglit ako na gumalaw at umayos ng higa.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Sure thing, nasaan ka ba?" Tugon niya, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Scarlet."
"Nasa labas ako ng beach house, pwede mo ba akong papasukin?"
Sumulyap muna si Alexander sa dalagang nahihimbing sa kama bago siya sumagot, "for a while." Pinatay na niya ang cellphone at ibinulsa ito, muli siyang sumulyap sa kinaroroonan ni Scarlet bago niya tinungo ang pintuan at lumabas mula rito.
—
"Have a seat," ani Alexander nang makapasok si Arriane sa loob ng beach house. Umupo naman ang dalaga sa single na sofa. "What do you want? Coffee, tea, milk, juice?"
"I'm fine, h'wag ka nang mag-abala pa.Siya nga pala... Si Scarlet, nasaan?" Usia ni Arriane at luminga-linga pa. "Dito rin ba siya natutulog?"
"Yeah, we share the same bed. She's upstair, tulog na. Mukhang napagod siya kakalangoy kanina." Sagot naman ng binata nang maka-upo siya sa mahabang sofa.
"Ayos lang ba siya?" Arriane asked, she was worried and she badly wants to talk to her.
"Hopefully," muling humugot ng buntong hininga ang binata. "I'm worried about her, alam kong hindi siya okay hindi lang siya nagsasabi."
"Is it because of us?"
"Probably..."
"Naiipit siya sa atin Alexis."
"Yeah and I feel guilty because of it. Hindi ko naman alam na ganito pala ang mangyayari ngayon, I was careless."
"We are, we are so careless. Akala kasi natin, porke't mahal natin ang isa't-isa tayo na hanggang dulo but I think, some people aren't meant to be talaga."
"Do you think, we are not really for each other?"
"I think so..."
"How come?"
"May Scarlet ka na 'di ba? Nalaman ko kay Kuya na kapalit ng pagpirma mo sa business contract ay ang siya pag-fire ni Kuya kay Scarlet. Sa mga susunod na araw, lalo na kapag busy na ako sa pag-pursue ng acting career ko, hindi mo na ako maaalala and hindi na rin kita maaasikaso. I'm sure... I'm sure kay Scarlet na mapupunta ang lahat ng atensyon mo. And I think, she'll do the same thing." She fake her own smile.
She was hurting inside but she choose not to feel it, naniniwala kasi siya na sa buhay natin, darating talaga ang ilang pagkakataon na kakailanganin natin na mamili. Arriane chooses her sprouting career rather than being married to her long time boyfriend. It hurts pero hindi niya pwedeng indahin, that's her consequences on choosing her career over her lovelife
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Alexander, buntong-hininga na indikasyon na sumasang-ayon siya sa sinambit ni Arriane. Pero hindi nya naman pwedeng gawing rebound si Scarlet, masyado niyang pinapahalagahan ang babae. Alexander doesn't want to heard her cry again, unang beses niya pa lang narinig ang pahikbi nito, pakiramdam niya ay parang pinipiga na ang puso niya.
"Anong plano mo?"
"Wala akong maisip pero we can try Kuya's plan."
"Ari no."
"Pero wala na tayong ibang choice, ayaw naman natin matuloy 'yong kasal 'di ba?"
"Well we are going to continue the wedding pero hindi na tayo, si Scarlet. Si Scarlet ang magiging bride mo."
"No." Mariin niyang pagtutol. "Ariane that's absurd. Hindi ko hahayaan na ma-involved si Scarlet sa kalokohan na ito."
"But we doesn't have any choice!" Mataas na ang tono ni Arianne, desperada na kasi siya. "Doon na rin naman kayo pupuntang dalawa 'di ba? You did prioritize her over you own business."
"Hind pwede, hindi ko pakakasalan si Scarlet. Arriane mahal pa rin kita, hindi ako pwedeng magpakasal sa isang inosenteng tao hangga't hindi pa kita tapos mahalin. I might be a playboy, a fucking cassanova but I have my own perspective on how I view marriage. Kaya nga ayaw ko pa na makasal sa'yo e sila Daddy lang ang makulit. I might have my own stable business, a wealthy life, lots of money pero hindi pa sapat 'yon. I need to learn my own lesson, careless pa ako, I'm still carefree and immature. Hindi ko pakakasalan si Scarlet, and that's final." He pause for a while as he stand from the sofa. "Kailangan ko munang maging tamang tao for her bago ko siya pakasalan. Ikaw na rin ang nagsabi 'di ba? I need to grow up and make my own decision."
Naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, kapwa sila hindi naka-imik. Pareho silang nag-iisip ng iba pang paraan kung paano malalampasan ang gusot na sinimulan nilang dalawa. Wala silang opisyal na break-up pero para kay Arriane ay tapos na ang relasyon nila kahit pa mahal niya pa rin ang binata. Alexander might think the same way as Ari pero minsan ay sumasagi pa rin sa isipan nila ang anim na taong pinagsamahan nila bilang magkarelasyon.
Hindi ko pakakasalan si Scarlet, and that's final
Hindi ko pakakasalan si Scarlet, and that's final
Hindi ko pakakasalan si Scarlet, and that's final
Hindi ko pakakasalan si Scarlet, and that's final
Hindi ko pakakasalan si Scarlet, and that's final
Hindi ko pakakasalan si Scarlet, and that's final
Those words that came from Alexander's mouth keeps on bugging Scarlet's mind, hirap na hirap na siya na makabalik pa sa pagtulog dahil paulit-ulit ito na nagpa-flash sa isipan niya. Nagsisisi ngayon si Scarlet, sana pala ay hindi na lang pala siya bumaba hindi sana siya nasasaktan ngayon. Kung bakit ba kasi kinailangan niyang mauhaw sa kalagitnaan ng gabi, hindi na lang kanina o pagkagising na lang niya. Bumaba siya kanina para uminom ng tubig at hanapin na rin si Alexander, hindi naman niya in-expect na maabutan niya pala sina Alexander at ang kasintaha ntong si Arriane na magkausap. Aksidente rin niyang narinig ang usapan ng dalawa, at sa kasamaang palad ay tumatak pa sa kanya ang mga huling kataga na mula sa binata.
Hindi na naka-inom ng tubig pa ang dalaga, mabilis kasi siya na kumaripas ng takbo pabalik sa kwartong tinutulugan niya. Agad siya na pumanhik sa kama at ibinaon ang mukha sa unan, doon siya tahimik na umiyak. The pain she felt is like a fire burning her legs. It blew up in her head with a terrifying blankness. It was nauseating. The feeling is odd, hindi niya ito maipaliwanag. Unang beses niya itong naramdaman sa buong buhay niya, pakiramdam niya ay may sumugat sa dibdib niya. Kahit pa sinusubukan niya na tumahan ay hindi niya magawa, patuloy lang sa pagbagsak ang mga luha niya na yaring mga preso na nakaranas ng kalayaan. She really wants to scream ngunit sa tuwing sinusubukan niya ay wala ni jsang salita ang lumalabas sa bibig niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top