4


Dinala ni Alexander si Scarlet sa isang mamahaling restaurant na pag-aari ng matalik na kaibigan niyang si Zach, in-order niya ang lahat ng mamahaling pagkain na nasa menu. A gigantic grin  spread across Alexander's face, hindi niya maintindihan ang nararamdaman. "I'm  just happy  because I already found her." Iyon  ang itinatatak ni Alexander sa isipan niya  habang nakatitig sa mukha ng dalaga. 

Napansin naman ni Scarlet ang pagtitig nito kung kaya't napatigil siya sa pagkain at nagtatakang tinitigan ito. "Akala ko ba gutom ka, why aren't you eating?"

"Yeah I'm hungry but ibang putahe ang gusto kong kainin."Pilyo itong ngumiti at kumindat inabot ang kamay ng dalaga na nakapatong sa lamesa. Agad na pinamulahanan ng pisngu ang dalaga kasabay nang malakas na pagkabog ng dibdib niya.

"Alexis," agad na pinandilatan ng mata ni Scarlet ang binata, isang pilyong ngiti ang isinagot nito.

"What? Para namang hindi pa natin nagagawa ang bagay na 'yon," 

Marahan na iniwagwag ni Scarlet ang kamay na hawak ng binata para maalis ito mula sa pagkakahawak ni Alexander, "isang pagkakamali iyon para sa akin. Kasalanan 'yon na maituturing kasi… kasi unang-una may girlfriend ka pala.

"Si Arianne?" Impit na natawa ang binata, "sue me but for her? Wala lang 'yon she doesn't even care kahit maglaplapan pa tayo sa harapan niya."

"Alexis!" Hindi naiwasan ni Scarlet na hampasin ng malakas ang braso ng binata dahil sa sinambit nito. 

"What? I'm just stating the truth, girlfriend ko lang naman siya. Hindi pa asawa," muli ay sumilay ang maloko nitong ngiti. "Pero ikaw? Pwede kitang asawahin kung gugustuhin ko."

"Magseryoso ka nga,"

"I'm fucking serious Scarlet,"

"Alexis, si Arianne ang pinag-uusapan natin dito baka nakakalimutan mo lang."

"What about her?"

"Anong what about her? She is your girlfriend!" Mataas na ang tono ng boses niya, magkahalong inis at pagtitimpi ang mababakas dito. 

"So?"

"Alexander ano ba?"

"I can dump her easily and I think she'll do the same. Matagal niya na 'yong pangarap,"

"Itatapon mo 'yong six years na pinagsamahan ninyo?"

"If it is for you, why not?" Kalmadong-kalmado si Alexander habang sinasabi niya ang bagay na 'yon. Scarlet's jaw almost drop upon hearing it.

"Alexander hindi ko pinangarap na maging third-party at mas lalo ang maging number  two." Mariing sambit ni Scarlet.

"And who says that?" Kunot-noong tanong ni Alexander, ilang segundo rin na natahimik ang dalaga. "Scarlet sa deal pa lang namin ni Vernon ay ikaw na ang priority, now tell me. Sinong may sabi na magiging number 2 ka?"

"Priority? Anong priority?"

"Ikaw ang magiging kapalit ng pagpirma ko sa partnership na inaalok sa akin ni Vernon."

Tuluyan na nalaglag ang panga ng dalaga, hindi siya makapaniwala sa narinig niya. "What?"

Kumapraso muna si Alexander sa steak na nasa pinggan niya saka ito isinubo gamit ang tinidor bago nagsalita. "Starting tomorrow, you will no longer be entering your job because you are no longer an employee of Aquila."

"Gago ka ba? Kailangan ko ng trabaho, may pamilya ako na pinapakain at kapatid na pinag-aaral. Baka akala mo madali ang—"

"Calm down, I'm not done yet," Mula sa wine glass ay uminom muna ng red wine si Alexander bago ito nagpatuloy. "I told Vernon to fire you bago ako pumirma sa kontrata. Pinasibak kita sa Aquila para sa akin ka na magtrabaho, starting tomorrow you'll be working for me exclusively."

Ilang ulit na pilit ipinroseso ng sistema ni Scarlet ang sinabi ni Alexander pero mukhang wala itong epekto at hindi niya pa rin makuha ang nais ipahiwatig ng binata. She was still clueless and naive even though it was obvious that she was the young man's target.

"A-Ano naman ang magiging trabaho ko?"

"You'll be my personal executive assistant,"

"Alalay, pinaganda mo pa." Umirap pa ang dalaga bago uminom ng juice mula sa baso.

"Bahala ka kung ano ang gusto mong itawag, basta you'll work for me exclusively."

"Magkaano ang sahod?" Diretsahang tanong ng dalaga, saglit na natahimik si Alexander dahil sa gulat mula sa narinig.

"Forty thousand pesos, two hours of fucking."

"Ginagago mo ba ako Alexander?"

Impit na natawa ang binata, "I'm damn serious Scarlet. Mukha ba akong nagbibiro?"

"Akala ko ba personal executive assistant ang magiging trabaho ko? E parang hindi e, balak mo yata akong gawing personal pornstar mo."

"Better," pilyong tumawa ang binata bago muling sumimsim ng alak mula sa wineglass. "Bukas ka magsisimula,"

"What? Hindi pa nga ako pumapayag e." Napa-irap pa ang dalaga.

"Madali naman 'yan e, if you don't agree, I won't sign the agreement either."

"Balak mo ba talaga akong gipitin?"

"You left me with no choice, nakasalalay sa sagot mo ang magiging kinabukasan ng Aquila." Seryosong sambit ni Alexander habang kumakapiraso sa steak na nasa pinggan.

Naisip ni Scarlet na kung hindi niya mapapapayag si Alexander ay hindi na niya mababawi ang mga quota na napalampas niya nang dahil sa lalaking 'to. At isa pa, matagal na panahon niya na rin na hinihintay ang pagbabalik niya. Medyo nadismaya lang siya nang malaman na nay girlfriend na ang binata.

"Bukas na ba agad ako magsisimula? K-Kaya lang Sabado bukas e, weekends 'yon. Puwede bang sa Lunes na lang ako magsimula?"

"Are you trying to avoid me?"

"H-Huh?" Nahigit ni Scarlet ang sariling hininga. "H-Hindi, nagkakamali ka. Pumapayag na nga ako, naghahanap lang ako ng buelo kung, k-kung paano ako magsisimula." Pagpapalusot pa niya.

"Sige, you'll start on Monday but you'll be sleeping with me tonight." Ani Alexander pagkatapos punasan ng tissue ang gilid ng labi. 

"Alexis paano si… Paano si Arriane? I'm sure magagalit 'yon kapag nalaman niya na—"

"Don't feel guilty Scarl, wala naman kaming pakielam sa isa't-isa. She'll do her thing and I'll do mine, gano'n lang 'yon." 

"Still, she's your girlfriend."

"Iyon ang alam ng pamilya namin, ng mga nakakakilala sa amin." Muli ay sumimsim ng alak ang binata, "so tell me about yourself. Aside from your name and your work, wala na akong ibang alam pa about sa'yo." 

Saglit na tumitig si Scarlet sa mukha ng binata bago bago siya nagsalita, " Scarlet Jean Pelaez De Villa ang buo kong pangalan, tatlong taon na ako sa Aquila. Wala na akong mga magulang, my mom died when I was a child. 'Yong tatay ko naman naglaho ng parang bula, may tatlo akong kapatid na lalaki." Nang marinig ni Alexander ang mga salitang 'yon ay napalunok siyang bigla.

"Y-You have three brothers?" 

"Yea, si Kuya Soliman ang panganay at nagtatrabaho siya bilang isang family driver sa Qatar. Si Kuya Santiago naman ay bouncer sa club, Pangatlo 'ako sa magkakapatid at only girl, tapos yong bunso namin na si Sancho ay nasa college at tinatapos ang kurso na criminology."

"Are you still living with them?" Pag-usisa pa  ng binata, sumandal pa ito sa 

"Nope, gaya ng sabi ko si Kuya Santiago ay nasa ibang bansa. Si Kuya Sol naman ay may sarili nang pamilya at nakabukod na, tapos si Sancho  naman ay nasa Manila at nagdo-dorm. Tapos ako naman, doon ako nakitira at nakikikain sa bahay ng Tita Sharon ko na bunsong kapatid ni nanay." Mahabang pagpapaliwanang ni Scarlet.

"Wala ba siyang asawa? Anak?"

"Meron, may tatlong anak si Tita Sharon. Dalawa sa kanila nasa abroad na tapos 'yong isa, ayon batugan pa rin. Kababaeng tao, batugan."

"Let's visit them tomorrow and buy them some stuff, ihahatid naman kita bukas sa kanila." 

"Masamang ideya 'yan…" Her voice became shaky, naramdaman agad iyon ni Alexander. Scarlet became unease, iniisip niya pa lang na mami-meet ni Alexander ang gold digger niyang tiyahin ay napapa-iling na siya. Oportunista si Sharon at batid ni Scarlet na kapag pinakitaan ni Alexander ng pera ang tiyahin niya ay hindi na nito titigilan ang binata.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Alexander sa dalaga, isang pekeng ngiti naman ang isinagot nito. "Scarl…"

"I'm fine don't worry," Scarley awkwardly smile dahilan para maging blanko ang ekspresyon ng binata. Nangunot rin ang noo nito at seryosong tumitig sa mukha ng dalaga.

"One of the things I hate the most is the one who  tells lie and is very secretive." Malamig niyang sabi na ikinabahala naman ng dalaga

"H-Huwag natin silang pag-usapan…"

"Why not? Is there any problem?"

"I'm just not comfortable with them,"

"Okay then, I won't be curious about them anymore." Pagsisinungaling ni Alexander but the truth is he really wanted to know what was on Scarlet's mind right now.

"T-Tabi  ba tayo na matutulog?" Pag-iiba ni Scarlet ng topic.

"Yeah," mahiksing sagot ng binata.

"P-Paano pala si Arriane? I'm sure magagalit siya kapag na—"

"Don't mind her, sino ba ang kasama ko ngayon? Ikaw 'di ba?  Don't mention her name, she's not here," malamig na sabi ni Alexander.

"S-Sorry…" mahinang sambit ng dalaga. "M-Magre-rest room lang ako," she said dahil desperado na siya na makaalis sa harapan ni Alexander. The atmosphere became very awkward at hindi 'yon kayang tagalan ni Scarlet.

Bago pa man makalakad si Scarlet papaalis sa pwesto nila ay agad na hinigit ni Alexander ang braso niya at mariin siyang tinitigan.

"Sorry," mahinang sambit nito. "I didn't mean to make you feel bad. Don't think that I'm mad, cause I'm not."

"Hindi, ano ka ba? Okay lang 'yon saka hindi ko  naman iniisip na galit ka," she awkwardly laugh.

"No, it's not okay. I can feel it Scarl, alam komg may iba. You can always tell me naman, h'wag kang mahihiya."

"Saka na kapag comfortable na ako sa—" Napahinto si Scarlet sa pagsasalita nang magsalita ang isang lalaki.

"Alexander!" Ani  lalaking long-hair habang hinuhubad ang shades. Nakasuot ito ng puting polo at maong na ripped pants, lumapit ito kay Alexander at nakipag-apir. Si Alexander naman ay napatayo  para i-bro hug ang naturang lalaki.

"Charlie long time no see bro, kumusta?" Wika ni Alexander nang magkalas silang dalawa mula sa pagkakayakap.

"Ako? Ito gwapo pa rin, I've been living my bachelors life to the fullest." Masayang sabi nito habang hahagikgik. Ang lalaki ay si Charlie Fajardo, isa sa matalik na kaibigan ni Alexander noong highschool. "Ikaw ang kumusta dude, it's been a long time. Ngayon lang tayo ulit nagkita after Zach and Emprezz' wedding," usisa nito. Lumawak ang ngiti ni Charlie nang mahagip ng mga mata niya si Scarlet na nasa likuran ni Alexander. "Who's this pretty lady? Hindi mo man lang ba ako ipakikilala sa kanya?" Sinuri ni Charlie ang kabuuan ng dalaga, mula ulo hanggang paa. 

"Hindi mo siya dapat makilala, she's my property Char," natatawang sabi ni Alexander.

"Ibig bang sabihin nito ay wala na kayo ni Ari? Kasi compare to her, mas maganda  'tong kasama mo. She got the body and the looks, at malaki rin ang—"

"Ari and I were still together," malamig na sambit ni Alexander

"Oh! Wait..." Saglit na huminto si Charlie sa pagsasalita at pinagpatuloy ang pagsuri sa dalaga. "I think she looks famillia, let me guess Alexis. OMG! Don't tell me... she's the girl from the party!"

" It's none of your business anymore, let's go Scarl," saglit na nilingon ng binata si Scarlet sabay higit sa braso nito. Nagmamadali niyang hinila papalabas ng restaurant si Scarlet at walang imik na dinala ito sa lugar kung saan sila nag-park. Puno ng pagtataka ang dalaga ngunit mas pinili niya na huwag na lang magsalita ay baka mas lalong uminit ang ulo ng binata.

Batid ni Scarlet na mainit ang ulo ni Alexander ngunit nagtataka siya kung bakit pinagbuksan pa rin siya ng pintuan nito,  inalalayan pa rin siya  na makapasok sa kotse. Despite of his moodswing, Alexander remains to be gentleman.

"M-May problema ba?"Kinakabahan ngunit paglalakas loob na tanong ni Scarlet, nilingon naman siya ni Alexander at nginitian.

"Yeah, sorry if I interrupted your lunch. Gutom ka pa ba? Magpapaluto na lang ako sa bahay para pagdating natin makakain ka." Lumambot na ang kaninang matigas na tono nito.

"Hindi na, busog na naman ako saka isa pa, ang dami kaya nating nakain kanina." Ani Scarlet.

"Alright then, by the— " Naputom ang dapat sanang sasabihin ni Alexander nang tumunog ang cellphone niya na nasa pocket ng suot niyang polo. "Hold on, I'll just take this call." Paalam niya habang kinukuha ito

"Sure, take your time." 

"Where are you?" Si Almyra ang tumawag, nakatatanda at nag-iisang kapatid ni Alexander. 

"Pauwi na, may ipapabili ka?" Pagbibiro pa niya sa kapatid.

"Damn it Alexander! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Go home right away! Daddy is looking for you, may importante raw siyang sasabihin." Iritableng tugon ni Almyra sa kapatid.

"Chill, pauwi na ako ate. Galit na galit ka kaagad e, I'm going home, don't worry." Hindi na sumagot mula sa kabilang linya si Almyra, ibinaba na rin ni Alexander ang tawag bago bumaling kay Scarlet na nakatanaw ngayon sa bintana. "Bago pala tayo umuwi sa bahay ng parents ko, dumaan muna tayo sa mall to go shopping. Let's buy some stuff for you, mukhang matatagalan kasi  tayo ro'n."

"S-Sa bahay ng parents mo?" Takang tanong ng dalaga habang unti-unting ipinipihit ang ulo paharap sa binata. 

"Yea, my sister called and she told me that Dad wants to talk to me. Hindi ko 'yon pwedeng baliwalain at baka mawalan ng guwapong Moncillo dito sa mundo." Tugon ng binata habang panaka-naka na sumusulyap kay Scarlet.

"Bakit kailangan na kasama pa ako? Baka magtaka sila at hanapin si Arianne." 

"Madali nang gawan ng paraan 'yon. Pwede ko namang sabihin na wala na kami, that Arianne and I have broken up and that's a mutual decision."

"M-Magsisinungaling ka?"

"No, do'n na rin naman kami papunta e."

"Hindi mo na ba siya mahal?"

"Well, I did love her and I still love Arianne up to now pero things are not meant to be." Upon hearing Alexander's story, te corner of Scarlet's mouth turn down, her breathing became slow and her chest became heavy.

Jealous? Maybe, batid ni Scarlet na may nararamdaman siya para sa lalaki. She's just indenial about her feelings pero ang totoo, gusto niya na ito noon pa.  Malinaw ang sinabi niya kanina na h'wag babanggitin ang pangalan ni Arianne dahil siya  ang kasama pero siya naman ito ngayon na banggit ng banggit sa pangalan ng babae niya.

"Si Arianne kasi, she's an independent woman. Matured and very smart, while me? I am her complete opposite. Hindi ko nga alam bakit niya ako sinagot noon e," pagpapatuloy nito aa pagkukwento habang mapait na tumatawa. 

Patuloy lang sa pagkukwento si Alexander tungkol kay Arianne, si Scarlet naman ay kunwaring nakikinig kahit na ang totoo ay wala siyang interes na  pakinggan ang kahit ano tungkol kay Arianne. Ilang beses rin siyang napabuntong-hininga habang nagkukunwari na interasado sa sinasabi ng lalaki, hindi naman ito nakaligtas sa paningin ni Alexander. Naramdaman  ng binata na kailangan na niyang ihinto ang pagbibida sa kasintahan, he can felt Scarlet's jealousy. Halata naman kasi ito mula sa reaksyon ng dalaga.

"What's wrong?" Usisa ni Alexander. 

"H-Huh? W-Wala, wala naman." Pagkukubli nito.

"Are you sure?" Tumango lang si Scarlet at ipinihit ang ulo papaharap sa bintana. 

"O-Oo naman, o-okay lang ako." Pagsisinungaling ng dalaga, Alexander is not convince. Inihinto niya ang kotse sa isang tagong lugar saka niya tinanggal ang seatbelt at hinarap. "Isang pagsisinungaling pa Ms. De Villa, I swear I'll bang you here inside my car." Pagbabanta ng lalaki, "C'mon just tell me what's wrong."

Nagulantang naman si Scarlet sa sinabi ng binata, she was too stunned to speak. Her breathing becomes more heavy, "A-Alexander… w-wala nga 'yon. W-Wala  lang talaga 'yon, p-promise. H'wag mo nang isipin 'yon," 

"Nakalimutan kong sabihin, pag-aari na kita Scarlet. Kaya dapat alam ko ang lahat ng gagawin, sasabihin, pati na iniisip mo, nagkakaintindihan ba tayo?" Mariing sabi ng lalaki. Seryoso ito at wala kang mababakas na kahit ano mula sa mga mata niya.

"O-Oo…" halos pautal na sagot ng dalaga.

NAGING tahimik si Scarlet sa nagdaang mga oras, iimik lang siya kapag may tinatanong o kinakausap siya ni Alexander, she suddenly feels numb from the inside. Pagkatapos mamili ng ilang mga damit at gamit,  na gagamitin niya  at susuotin ay dumiretso na ang dalawa sa mansyon ng mga Montecillo. Bago pa makapasok ay  sinalubong na agad sila ng limang  mga kasambahay na kumuha ng gamit nila at nagpasok nito sa loob. Sa sala ay sinalubong naman si Alexander ng kanyang mga pamangkin na sina Gideon, 15 years old at Gracie, 10 years old na mga anak ni Almyra sa asawang si Gilbert.

"Uncle!" Masayang sigaw ni Gracie habang  patakbo niyang sinasalubong ang  tiyuhin. Yumakap siya agad rito at humalik sa pisngi nito, "how are you tito? It's been a long time since you visit, how's Tita Arianne? Kasama mo po ba siya? Is it true na you two broke up na po?" Sunod-sunod na tanong ng bata. 

"Okay Gracie calm down, chill down." 

"I'm calm naman po Uncle, I was just asking kasi Lolo told me na you and Tita Arianne broken up. Sana naman hindi po totoo 'yon kasi I like Tita Arianne for you,  ayaw ko po ng ibang babae." Malungkot nitong sambit.  

Bago magsalita ay saglit na nilingon ni Alexander si Scarlet na ngayon ay nakakagat sa panga-ibabang labi nito at maluwag na ang pagkakahawak sa kamay niya kaya naman inayos na muna ni Alexander ang kamay niya para higpitana ng pagkakahawak sa kamay ng dalaga bago ibaling ang tingin kay Gracie. "Who told you that again?"

"Lolo," 

"Actually Uncle, Tita Ari called and she told Tito the news nga po. Kaya ka nga po pinapauwi kasi Lolo Geron wants to talk to you about it," pagsabat naman ni Gideon habang hinihila ang kapatid. "They're on the outdoor dining po with Mommy and Mamita, Tito. It's better kung pupuntahan mo po sila para malamn ninyo ang kabuuan."

"Okay Gid, thank you." pagpapasalamat ni Alexander sa pamangkin, muli ay sinulyapan niya si Scarlet. "Scarl?"

"H-Huh? B-Bakit?"

"Let's go? I'll let you meet my parents,"

"B-Bakit kasama pa ako? Hindi ba dapat, kayo lang 'yon? K-Kasi it's a family matter, hindi naman ako family member e. Dito na lang ako,"

"You sure about that?" Hindi kumbinsido si Alexander sa isinagot ng dalaga, he's anxious. 

"Oo naman, hihintayin na lang kita dito."

"Okay then, dito ka lang sa sala. If nagugutom ka, or you feel tired. Tawagin mo lang si Manang Esme," ani binata. Hinala pa niya si Scarlet papunta sa puting couch  at inalalayan ito na maka-upo. "You stay here," humalik pa ito sa noo ng dalaga bago harapin ang pamangkin. "Gideon, this is your Tita Scarlet. She's my sepcial friend, alam mo naman siguro ang ibig sabihin no'n 'di ba?"

"I get it Tito," tugon ni Gideon.

"Saglit lang akong mawawala, sa'yo ko ihahabilin ang Tita Scarlet ninyo. Okay?"

"I'll take care of her Tito," wika pa ni Gideon.

Mabigat ang mga yabag at talagang hindi panatag si Alexander na iwanan ang dalaga, maldita ang pamangkin niyang si Gracie. Iniisiip niya na baka may gawin ito sa dalaga kaya binabagalan niya lang ang pagkilos.

"Are you the new girl?" Mataray na tanong ni Gracie kay Scarlet, ipinagkrus pa nito ang mga braso sa tapat ng dibdib.

"New girl? A-Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Scarlet.

"New girl, bagong babae. Bobo ka ba?" Pilosopong tanong ni Gracie. 

"Gracie shut up!" Pananaway ni Gideon sa kapatid. "Nakakahiya ang ginagawa mo,"

Umirap lang ang dalagita, "ikaw ba ang major reason kung bakit naghiwalay sina Tita Ari at Uncle Alexis?"

"H-Huh? Ano ba ang sinasa—"

"Scarlet is your name right?" Muling tanong ng dalagita.

"O-Oo…"

"I hate you, ayaw kita for my Uncle. How I wish that someday soon, he will drop you like a hot potato." Pilya itong ngumiti at inirapan ang walang-muwang na dalaga.

Hindi naka-imik si Scarlet, bumigat ang pakiramdam niya at bahagyang nanubig ang mga mata but she still manage to smile. Si Alexander naman ay napabalik nang marinig ang sinabi ng pamangkin, hindi kasi ito nakaligtas sa pandinig niya. He cameback to get Scarlet, hindi niya kaya na marinig pa ang mga susunod na sasabihin ni Gracie. Wala siyang imik na hinigit ang kamay ng nagtatakang dalaga at dinala sa  outdoor dining area kung saan naroroon ang mga magulang at kapatid niya. Nang makalapit ay naaninag ni Scarlet ang tatlong tao na naka-upo habang nagta-tsaa. 

"He's here," si Shiela 'yon. Alexander's mom, agad niya na ibinaba ang tasa ng tsaa na hawak at tumayo mula sa silya para salububungin ang anak.

Lumapit ang isang middle-aged woman sa kinaroroonan ng dalawa, posturang-postura ito ay may makikinang na alahas na suot. Singkit ang mga mata na gaya kay Alexander, mestisa, at bagay na bagay sa kanya ang suot na asul na bistida. Maging ang kulay kayumangging buhok ay bumagay at pinagmukha siyang bata.

"Alexander! My baby!" Agad na yinakap ng ina ang anak at humalik sa magkabilang pisngi nito. Alexander is the youngest Montecillo kaya kahit na bente- sais anyos na ay baby pa rin kung ituring ni Shiela. "How are you baby? I've miss you so much."

"Ma, don't call me that. I am a grown up man already," pinandilatan lang siya ng mata ng  kanyang ina. 

"Heh! Whatever your age is, ikaw pa rin ang baby ko." Pagmamatigas ni Shiela, she then shifted her gaze to Scarlet. "And who's the lovely lady?"

"Mother meet Scarlet," umakbay pa ito sa dalaga at bahagyang hinapit ito papalpit. "My special friend," malapad ito na ngumiti. "Scarl, this is my beautiful mother. Shiela Montecillo,"

"G-Good evening po Madame," marahan na inabot ni Scarlet ang kamay nito at nagmano. Napangiti naman ang ina ni Alexander sa ginawang 'yon ng dalaga, she feel delighted and shock dahil ngayon lang may gumalang sa kanya ng gano'n. Even Arianne can't do that.

"Good evening to youu too hija," 

"Talaga palang ipinagpalit mo na si Arianne, ano Alexander?" Isang matangkad na lalaki na middle aged rin ang lumapit, nakasuot ito ng asul na polo at itim na pantalo. May suot rin itong salamin sa mata, matangos ang ilong niya  at kahawig na kahawig ng lalaki si Alexander. "So you did cancel the wedding off because of her?" Si Geron 'yon, Alexander's father. Ang pamgunahing dahilan kung bakit nabangkarote noon ang kumpanya nila na iniligtas ni Alexander.

"Dad stop it, pagpaliwanagin mo muna ako bago mo ako pagalitan." Pagtitimpi ni Alexander sa ama, he doesn't want to lose his temper dahil kaharap niya ang ina at si Scarlet 

"Para saan pa? E nakita ko na naman ang dahilan why Arianne call off the wedding. At dahil diyan sa babaeng kasama mo!" Bulyaw nito habang idinuduro si Scarlet.

"Shut up Dad! H'wag mong idamay si Scarlet dito, wala siyang kasalanan." Nagtitimpi pa rin siya but he cannot contain it anymore.

"Enough," mahinahong sambit ni Mrs. Montecillo. "Tama na 'yan Geron, nakakahiya sa bisita ng anak natin." Agad na nilapitan ng ginang si Scarlet at hinila ito. "Hija, halika muna. Hayaan muna natin ang dalawang 'yan na makapag-usap. Let's go inside, let's have a dinner together." 

Nag-aalangan na sumama ang dalaga sa ginang, bago siya naglakad ay sinulyapan niya muna si Alexander, gano'n rin ang ginawa nito. Ngumiti ito at sumenyas na tila sinasang-ayonan nito ang ina.  Dinala ni Mrs. Montecillo si Scarlet sa dining room, agad niya na inutusan ang mga kasambahay na maghanda  ng makakain para sa dalaga at wine naman para sa kanya.

"Hija," panimula nito. "I apologize for what happened earlier. That's really how that father and son are, you just have to be patient to them. Kahit ako na ina at asawa ay hindi ko sila masupil na dalawa,"

Hindi batid ni Scarlet kung bakit humihingi ng paumanhin ang ginang, abala kasi siya sa pagkukumpara sa ugali ng tatlo. Inisiip niya kung saan ba nagmana si Alexander, may ugali rin kasi ito na  gaya ng ina na mabait ngunit may ugali rin ito na gaya ng amang si Geron na mainitin ang ulo. 

"Hija? Hija nakikinig ka ba?"

"H-Ho? A-Ano po 'yon?" Aniya habang pakurap-kurap pa.

"Hay naku! Mukhang na-trauma ka sa nangyari. Pasensya na talaga hija," muling paghingi nito ng tawad sa dalaga.

"O-Okay lang po, wala pong problema. Hindi ko lang po alam kung bakit nagkakagano'n si Mr. Montecillo, in the first place po ay wala naman po kaming relasyon ni Alexander.

"Wala? Wait, what do you mean? I thought you are Alexander's special friends."

"Hindi ko rin po alam kung bakit niya  rin po 'yon sinabi..."


Nagtataka siyang tinignan ng ginang, pareho silang hindi naka-imik na dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top