37

"IT'S A BOY!!!" Malakas na sigaw ni Janice mula sa mikropono matapos umulan ng mga confetti mula sa helicopter na  sinabayan ng malakas na hiyawan at palakpakan ng ilang mga bisita na nasa tahanan ng mga Clinton ngayon.

 Isang gender reveal party kasi ang nagaganap sa likod-bahay ng mga Clinton ngayong araw, inorganisa ito ni Carmen at Janice at syempre ay sa pangunguna ni Shaun.Nasa ikapitong buwan na ng pagbubuntis si Scarlet sa kaniyang triplets, dalawang buwan na lamang ay masisilayan na niya ang mga anak nila ng lalaking minamahal niya. 

Isang mahigpit at sinserong yakap ang iginawad ni Shaun sa kaniya, kasunod nito ay ang masuyong paghalik sa kaniyang noo. Nagtaka siya sa ginawa ng binata, Shaun is not this clingy. Ngayon lang at talaga namang palaisipan kung bakit, sa pagkakatanda niya ay simula noong malaman nito na hindi rehistrado ang kasal nila ni Alexander a nagsimula na itong lumapit sa kaniya. Noong una ay patago pa ngunit mas lalong tumatagal ay hindi na, kagaya ngayon. Bigla na lamang ito na yumakap sa kaniya at humalik sa kaniyang noo. 

"Scarlet," anito. "You made me the happiest," mahiang usal niya.  "Ipinapangako ko sa'yo na hindi ko gagawin ang ginawa ni Alexander sa'yo. I won't leave you and our babies, I promise to be a good father to our sons."

"Salamat Shaun, sa lahat. Hindi mo naman kailangan na gawin 'to, hindi mo kailangan na salohin ang lahat ng iniwan ni Alexander pero narito ka. Ibinibigay mo ng kusa ang sarili mo."

"Gusto ko ito e, ginusto ko na mahalin ka. Ginusto ko ang magpaka-feeling ama sa mga babies mo kasi alam kong deserve mo 'to. Sa dami ba naman ng struggles mo, iiwaan pa ba kita. Medyo abangers ako kung maituturing pero trust me Scarl, mabuti ang intesyon ko para sa iyo." Sinsero nitong wika.

"Alam ko naman 'yon, mabait kang tao. Hindi kita pag-iisipan ng kung ano," malapad siya na ngumiti at sinapo ang mga pisngi nito. "Malapit ka na pong maging Daddy."

"Don't worry, pinag-aaralan ko na kung paano magpatahan ng baby, magpalit ng lampin, at magtimple ng formula milk. Sisiw na 'yan sa akin, ako  pa ba?"

;ingid sa kanilang kaalama ay kanina pa s minamasdan ni Janice ang best friend niya na nasa bisig ni Shaun, sinundot niya pa ang tagiliran ng katabing si Melai na abala sa pagkain ng salad. Nang makuha ang atensyon nito ay pasimple niya na ininguso ang dalawa/

"Let them, Scarlet needs it para naman mapanatag siya kahit papano." ani Mela

"I know right but that's not what I meant."

"Ano naman 'yon?"

"Si Shaun, ibang-iba 'yong aura niya e. I mean, he had this playboy aura perothere is something about him talaga e." Hindi niya masabi ngunit pinipilit niya, there's an urge of feeling inside Janice that she couldn't explain. 

"Huwag ka mag-overthink, sa palagay ko naman ay mabait siya. Tignan mo nga, nagpresinta siya na maging ama ng anak ni Scarlet  knowing na sa karibal niya 'yon. I think he's a good man naman and malakas ang pakiramdam ko na seseryosohin niya naman si Scarlet." Marahan na tinapik ni Mela ang balikat ng kaibigan. "Hayaan natin na maging masaya sila, na maging masaya si Scarlet."

"Kung sabagay," tatango-tango itong si Janice na nananatiling nakatingin sa  dalawang tao na magkayakap sa hindi kalayuan.

Samantala, nakarating na kina Almyrah, Arriane at Shiela ang gender reveal party ni Scarlet. Naka-post kasi ang video at mga litrato ng kaninang party sa facebook status nina Mikaella, Carmen, at Shaun. Mixed-emotion ang nararamdaman ngayon ni Shiela nang makita ang babaeng minamahal ng kaniyang unico hijo, she really wanted to cry. Miss na miss na niya si Scalet, nasasabik na rin siya na makita at mayakap ang kaniyang mga apo ngunit wala siyang magagawa dahil sa oras na suwayin niya si Geron ay tiyak na mag-aaway silang ulit.

"Those areAlexander's baby," sambit ni Shiela habang nakatingin sa litrato ng babaeng buntis na nakahawak sa kaniyang tiyan at malapad na nakangiti. Katabi siya ni Shaun na kaniyang inaanak sa binyag at naka-akbay dito. 

"Blooming siya ngayon," puna ni Almyrah. "Nagkaroon siya ng laman at mukha siyang masaya unlike before. Mukhang alagang-alaga siya ng pamilya ni Shaun."

"She deserves it tho," pagsabat ni Arriane. "After everything she'd been thru, with us."

"I wonder kung ano ang magiging reaksyon ni Alexander upon seeing this, it's five months since he left Scarlet." wika ni Almyrah kasunod ng isang buntong hininga.

"He didn't left Ate, pinilit lang siya ni Tito. Sinamantala nito ang mga oras na hindi nakakalakad si Alex para gawin ang plano niya. " pagtutol naman ni Arriane. "How I wish, may magawa ako to help them. They love each other at nagi-guilty ako kasi pakiramdam ko ay isa akong malaking hadlang sa kanilang dalawa."

"Wala e, matigas ang ulo ng Daddy. Kahit naman kami ng Mommy ay walang magawa, gusto man namin na itakas si Alexander ay malabong mangyari. Isa pa, ikakasal  na rin kayo bukas 'di ba? Huli na ang lahat para makapag-plano." Si Almyrah na idinaan sa pagtungga ng wine ang pagkadismaya sa ama. 

"Just trust me Ate and you'll see kahit naman, mas matalino ang Kuya Vernon ay madiskarte naman ako.  Tie kami when it comes to that thing," malapad na ngumitit si Arriane habang nagsasalin ng wine sa kaniyang wine glass. 

"You have a plan?" usisa ni Shiela. "Alam ba ito ni Alexander?"

"The latter part pero wala siyang ideya kung paano ko po ieexecute, sana nga lang po ay huwag na itong pumalpak gaya ng nangyari sa kasal nila sa Batanggas. I just need Shaun's cooperation to do this, ang kaso lang po ay hanggang ngayon ay wala pa siyang reply sa e-mail ko. Only to find out na abala pala siya sa pag-oorganize ng party for Scarlet." sabi ni Arriane at pagka ay tumungga ng wine sa kaniyang kopita.

"Naging hands-on si Shaun bigla, feeling ko nagkausap na sila ni Alexander tungkol diyan. I knew Shaun for almost a decade, hindi siya mahilig sa mga paganyan." Tatawa-tawang wika ni Almyrah.

"Yeah right, ni wala ngang balak mag-asawa ang isang 'yon." Pagsang-ayon ni Arriane. "But look at him, dinaig niya pa ang isang masayang ama habang pumapalakpak."

"Lapit din siya ng lapit kay Scarlett at halik ng halik sa tiyan nito." Bumuntong hininga si Almyra.

"It's Alexander's child right?" Si Geron iyon na kakarating lang. "'Yong dinadala  ni Scarlet, anak iyon ng anak natin 'di ba?" Direkta ang tingin niya sa kaniyang asawa.

"Oo," tugon ni Shiela habang papatay. "Ano naman ang pakielam mo?"

"Apo ko 'yon Shiela Mari, apo natin." Mariin niyang sabi. 

"Ano nga ang pakielam mo? Huwag mong sabihin sa akin na may maitim ka na namang binabalak, maawa ka Geron. Puro pasakit na ang ibinibigay natin kay Scarlet."

"She deserves it! She fucking does." Bulalas ni Geron.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Geron, hanggang kailan ka magiging masama?"

"Hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya ng anak natin na si Alyza," malamig na tugon nito.

"Walang alam si Scarlet sa nangyari, hindi niya kasalanan ang ginawa ng ama niya. Labas ang batang 'yon  sa away ninyo ng ama niya. Pabayaan mo na siya Geron, wasak na wasak na ang buhay niya. Tigilan mo na siya, nakikiusap ako sa'yo" Nnagingilid ang mga luha ni Shiela habang hawak ang laylayan ng damit ni Geron. "Pakiusap!"

"Alam na alam mo kung saan ako nangagagaling 'di ba? Namatayan ako ng anak dahil sa pagmamahal sa ama niya, naiintindihan mo ba 'yon?" Bulyaw pa nito.

"Nagpakamatay si Alyza dahil nalaman niya na ipinatorture mo ang lalaking mahal niya." Tumaas na ang tono ng pananalita ni Shiela. 

"Ayaw ko lang na maging kahihiyan ang ginawa niyang pakiki-apid sa may asawa na kaya ko 'yon ginawa. Kasalanan 'yon, ayaw ko na matawag na isang kabit at babaeng walang delikadesa ang panganay ko." Pagdepensa ni Geron sa sarili.

"Nakaganti ka na 'di ba? Bakit kailangang pati kami ni Scarlet ay idamay mo sa paganti mo? Bakit kailangan mo kaming paghiwalayin ng babaeng mahal ko? Sumagot ka Dad! Sumagot ka!" Si Alexander 'yon habang pababa sa hagdan. "Tiniis ko na mangulila ng ilang buwan, tiniis ko na mawalay sa babaeng mahal ko. Palaisipan sa akin kung bakit pilit mo kaming pinglalayo, ito lang pala ang dahilan?"

"Alexander, manahimik ka riyan." ani Geron nang maibaling ang tingin sa anak. "Hindi ka kasali rito, wala kang alam."

"At si Scarlet? Nasa sinapupunan pa lang siya noong mangyari ang lahat ng bagay na 'yon 'di ba? Pero nadadamay siya at patuloy siyang nadadamay at nasasaktan dahil sa atin." Si Shiela na na naging emosyonal na.

"Ang sama mo Daddy, ang sama-sama mo. Naiintindihan ko na galit ka sa tatay niya pero wala kang karapatan na idamay si Scarlet sa lahat ng 'to, nagmamahalan kami Dad at kahit na ipakasal mo ako sa kahit sinong babae diyan. Hindi mo mabubura ang katotohanan na si Scarlet lang ang mahal ko at patuloy ko na mamahalin, hanggang sa mamatay ako." With that, he walks out.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top