34
"Siguro naman, sapat na ang pagtulog mo ng ilang araw para makapagpahinga." Si Geron Cicero Montecillo ang nagsalita, ama ni Alexander.
"Daddy, si Scarlet po nasaan?" tanong agad ni Alexander nang sulyapan ang ama. Luminga-linnga pa ito para hanapin ang asawa.
"Bukas na bukas, aalis na kayo ni Arriane patungo sa Amerika. Naiayos ko na ang pasaporte mo at nga papeles ninyo. Ikaw na lang ang kailangan." Walang emosyon nitong sabi.
"Dad, h-hindi ko po kayo maintindihan. A-Ano po ang sinasabi ninyo? Bakit ako aalis?" takang-taka si Alexander sa sinambit ng ama.
"Basta't sundin mo na lang ang gusto ko kung ayaw mong kitlan ko ng buhay ang pinakmamahal mo." Mariin nitong sabi.
"Daddy, ano na naman 'to? Akala ko ba okay na tayo? Akala ko ba tanggap mo na si Scarlet."
"'Yon ang akala mo, uto-uto ka naman. Wala kang pagbabago Alexander, nalilinlang ka pa rin hanggang ngayon. Pareho kayo ni Scarlet, talaga naman na ang tanga ay bagay sa tanga." Impit pa ito na natawa habang umiiling-iling. "Ikaw kasi, matigas ang ulo mo. Hindi sana ako hahantong sa ganitong desisyon kung una pa lang ay sinunod mo na ang utos ko. Ayaw kitang saktan anak pero sinagad mo ang Daddy."
Nangatal ang labi't nanginig ang buong kalamnan niya nang marinig ang tinuran ng ama.Hindi siya makapaniwala na nalinlang pala siya ng ama na nagpanggap na tanggap na nito ang relasyon nila ng asawa. Dahil hindi pa nakaklakad at hirap pang makatayo si Alexander ay wala itong nagawa nang makalipas ang ilang araw ay biglaan siyang i-discharge sa hospital. Paglabas niya sa ospital ay sa airport siya dinala ng ama, animo'y robot siya na sunod-sunoran dito. Natagpuan niya na lang ang sarili na nakasakay sa eroplano katabi ang dating nobyang si Arriane na tila biktima rin ng padalos-dalos na desisyon ng kaniyang mga magulang.
Batid ni Shiela na mangyayari ito kung kaya't inuna na niyang ipakasal at gawing legal ang relasyon ng anak na si Alexander at asawa nitong si Scarlet upang mahirapan si Geron sa nais niyang pagpapakasal ng anak sa apo ni Reymundo Evangelista. Inakala ni Geron na gawa-gawa lang ang kasal na nangyari sa dalawa, lingid sa kaalaman niya ay legal ito kung kaya't mahihirapan siya na ipilit ang nais niya.
Sa hindi malaman na dahilan ay nais pa rin ni Geron na ipakasal ang bunsong anak sa nag-iisang abbaeng apo ng mga Evangelista. Palaisipan ito kay Shiela at maging kay Almyrah kung bakit gano'n na lang kasidhi ang pagnanais ng kanilang haligi ng tahanan na sundin ng nag-iisang lalaking anak niya ang naisin.
Batid ng mag-inang Shiela at Almyrah ang kalagayan ni Scarlet kung kaya't kahit nasa ibang bansa sila ay palihim pa rin nila na tutulungan ang babae. Sila ay magpapadala ng tulong pinansiyal upang suportahan ang pagbubuntis nito sa pamamagitan ni Mikaella na sekretarya ni Alexander.
Naging abala si Shaun sa trabaho niya nitong mga nakaraang araw kung kaya't wala rin siyang ideya sa nangyaring agarang pagka-discharge ng kaibigan niya. Nagulat na lang siya ng malaman na iba na ang nagmamay-ari sa kwartong dating pinag-admitan kay Alexander. Hindi niya alam kung paano ito sasabihin kay Scarlet kung kaya't naisip niya na libangin ito noong mga sumunod na araw upang hindi ito magtaka.
"Wala nang tao sa bahay ng mga Montecillo," pagbabalita ni Mikaella na ka-video call ni Shaun. "Sabi no'ng caretaker ng bahay nila ay umalis na lang daw ng walang paalam ang mga amo natin at may isang linggo na rin ang nakalilipas."
"Umalis sila at iniwanan nilang lahat si Scarlet ng mag-isa, she's fucking pregnant for petesake!" Hindi naiwasan ni Shaun na tumaas ang kaniyang boses.
"Kaya nga e, 'yon din nga ang inaalala ko. I did try to reach their phone pero wala naman sumasagot, nagri-ring lang." ani Mikaella.
Days and weeks have been passed, lihim na nagtataka na si Scarlet ngunit hindi niya ito ipinaaalam. Ayaw niya na magtaka si Shaun, na kasalukuyang nag-aalaga sa kaniya at kasa-kasama niya na nagpapacheck-up imbis na ang asawa. Tinyempo ni Scarlet na wala si Shaun ngayong araw, sinadya niya na puntahan ang ospital kung saan naka-admit ang kaniyang asawa ngunit bigo siya na mahanap ito.
"Nurse, nasaan po 'yong pasyente dito? Nasaan po si Mr. Montecillo?" tanong niya sa nurse na nakatoka sa Nurse Station.
"Ay naku Ma'am, matagal na pong naka-discharge si Mr. Montecillo. May isang linggo na rin po yata." tugon naman ng nurse.
"Na-discharge na po?" Namulog ang mga mata ni Scarlet at napa-awang ang pang-ibabang labi.
"Opo."
Parang pinagsakloban ng langit at lupa ang babae dahil sa nalaman, bagsak ang balikat at tila biglang nahapo ang kaniyang katawan .
"Alexander bakit?" bulong niya sa sarili habanghimas-himas ang tiyan.
She feel betrayed, gusto niya na sumigaw ngunit tila napipi siya at walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Nang maisara niya ang pintuan ng bahay ay napasalampak na lang siya sa sahig habang yakap-yakap ang mga tuhod. Naninikip ang kaniyang dibdib at nanginginig nag buo niyang katawan. Patuloy rin ang pagtulo ng masagang likido mula sa kaniyang mga mata patungo sa pisngi ni Scarlet. Hindi niya malaman kung paano na ang gagawin o kung ano ang gagawin niya ngayong tila ay mag-isa na lamang siyang muli.
Unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin at mas lalong sumikip ang kaniyang dibdib. She's shaking too, ang kaninang panlalabo ng paningin ay unti-unti nang nagdilim. Sina Mikaella at Shaun na kararating lang sa bahay ni Alexander ang nakakita sa nakahandusay na katawan nito, wala silang pagdadalawang isip na dalhin agad ito sa ospital upang patignan at alamin kung ano na ang kalagayan nito.
"Maselan ang pagbubuntis niya," ani Mikaella na nakausap ng doktor. "Hindi siya puwede na mastress kasi baka madamay ang mga babies niya. Kinakailangan natin na alagaan siya Shaun, ang sabi ni Doc Perez bawal na bawal daw siya na magkikilos muna at mag-iisip ng kung anong mga negatibong bagay."
"Hindi niya maiiwasan iyon ngayon dahil sa nangyayari, Alexander and his family left her. Natural lang na masasaktan siya at ganito ang magiging reaksyon," ani Carmen, ang ina ni Shaun. "Nag-iisa rin siya sa bahay, hindi maiiwasan na makaramdam ng kalungkutan si Scarlet."
"Kaya nga po e kung puwede nga lang na iuwi siya sa bahay ay gagawin ko." sambit ni Shaun na nakatitig pa rin sa mukha ng walang malay na si Scarlet.
"Why not? Dadalawa lang naman tayo sa bahay, let's help her. Para may nag-aalaga na rin sa kaniya, delikado para sa kaniya at mga babies niya ang sitwasyon nila." Suhestiyon naman ni Carmen habang papalapit sa anak. "Ipahahanda ko sa kapatid mo ang guest room, Mikaella iimpake mo na rin ang mga mga gamit niya. Pagkadischarge niya dito, doon na natin siya ididiretso sa bahay namin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top