33

"Where is she? Where's my wife?" Ito ang mga unang salita na nabanggit ni Alexander ilang araw matapos siya na magising at maka-recover mula sa pagkaka-comatose.

Stable na ang lagatyng binata, kailangan niya lang na magpagaling at maging okay pa. Kinakailangan din niya na sumailalim sa ilan pang mga test bago tuluyan na ma-discharge. Ang kaibigang si Shaun ang bantay niya noong magising, wala ang kanyang asawa dahil sumama ang pakiramdam nito. Pina-uwi muna ni Shiela ang manugang at doon sa bahay ay nagpapagaling pa, wala itong ideya na nagising na ang asawa niya.

Pinili ng mag-asawang Geron at Shiela na ilihim muna ang kalagayan ngayon ni Alexander kay Scarlet, oras na malaman ng babae na nagising na ang asawa ay mauunsyami ang pagpapahinga nito at magpupumilit na pumunta sa ospital.  Batid naman ni Alexander ang nangyari sa asawa, sinabi na ito ni Almyrah nang minsan itong dumalawa. Tulad ng inaasahan ay nag-alala ito at pinilit na magpauwi ngunit hindi pumayag ang mga magulang lalong-lalo na ang doktor niya na si Dr. Carlos Montecillo, tiyohin niya at nakababatang kapatid ng kanyang jna.

"I badly wanna see Scarlet, bakit ba ayaw ninyo na makausap ko siya?" bulalas nito.

"Hindi sa ayaw namin, kailangan lang talagang gawin nila Mommy mo ito. Alam mo naman ang kalagayan niya ngayon Alexis, kinakailangan na magpagaling ka muna bago mo siya makita." ani Shaun na nagbabalat ng saging. "You need rest, Scarlet's need rest too. Pareho kayong mamahinga na dalawa para kapag gumaling na kayo pareho e maituloy ninyo na ang love story ninyong dalawa."

"Did she overwork herself? Tell me what happened to her."

Napabuntong hininga na lang si Shaun, sigurado siya na isang serye ito na kung saan isang buong araw niyang ikukwento ang buong nangyari noong comatose ang kaibigan. "She did, mula noong unang araw hanggang sa araw bago ka nagising ay nakabantay si Iska. Ni hindi na nga nautulog 'yon, madalas ay nalilipasan na rin ng gutom kakaantay na magising ka. No'ng nagising ka naman ay siya naman ang nagkasakit, hindi tuloy kayo nakapang-abot."

"I feel bad, kung hindi sana nangyari 'yong accident. Magkasama sana kaming dalawa ngayon."

"Don't feel bad, hindi mo naman ginusto ang nangyari.  Everything happened for a reason," aniya bago kumagat sa saging.

"What do you think is the reason of this situation?"

"Malay ko!" Napakamot siya sa ulo. "Alexis baka nakakalimutan mo, model ho ako at hindi fortune teller."

"Chill! I'm just asking, sabi mo kasi e." He paused for awhile before speaking again, "hindi kaya karma ko ito?"

"Karma?" tanong ni Shaun habang ngumunguya. "What do you mean?"

"Karma sa nagawa ko, sa kanila ni Arriane." Mahina niyang sambit

"Ano do'n? 'Yong pinagsabay mo sila? Natural naman na sa'yo 'yan Alexis e, nature mo na. Ilang beses mo na tintwo-time si Ari, mga lima or anim na beses. Malas mo nga lang kasi sa last try mo, na-fall ka kay Scarlet tas pinakasalan mo. Scarlet herself is your karma hindi 'tong aksidente na 'to." Lumagok siya mula sa juice bago muling nagsalita. "Unexpected 'to dude, nakatulog 'yong driver kaya hindi napansin na kasalubong niya ang kotse mo. Madulas rin ang daan dahil sa bagyo kaya hindi ko masasabi na karma ito kasi kung karma nga ito baka pinaglalamayan ka na ngayon saka ako, enabler mo kaya ako. Tapos madalas tinotolerate ko kagaguhan mo."

"And I don't want that to happened, I don't want Scarlet to be a widowed." He said in a low tone.

"That thing will never happened," tinapik pa ni Shaun ang balikat ng kaibigan. "Masamang damo ka e, para kang tatay ko. Look at him, buhay pa at namumunga." Pagbibiro nito na ikinatawa naman ni Alexander.

"Gago ka talaga Clinton," aniya at huminto sa pagtawa. Sumeryoso ang kanyang mukha pati na boses. "Pero pre, halimbawa nangyari nga ang bagay 'yon. For example, I didn't survive that accident—"

"Tamo 'to parang siraulo, demonyo ka ba?" Pagkontra ni Shaun

"Just an example dude, scenario lang. For example, I died and left this cruel world."

"O tapos?"

"Puwede ba ako na humingi ng pabor?"

"O sige, ano 'yon? Hingin mo na lahat ng pabor, huwag lang 'yong sasama ako sa hukay. Sinasabi ko sa'yo, sisikmuraan talaga kita." Sinusubukan ni Shaun na pagaangin ang ambiance, hindi siya sanay at ayaw niya ng mga ganitong usapan.

"No, this is different. Halimbawa, I died and left Scarlet. Syempre, she'll going to be a widowed, I want you to take care of her or maybe marry Scarlet."

"Uy bro—" He was about to speak but Alexander cut him off

"You are the only person that I trust and you knew it, simula pa noong una."

"Alexander para kang tanga! Umayos ka nga"

"Dude, I'm dead serious. I want you to be with my wife, huwag ka muna mag-asawa. Hintayin mo na lang ako na mamatay."

"Abnormal ka."

Taliwas sa sinasabi ni Shaun ang tunay na nararamdaman. Hindi niya kaya na magsinungaling sa sarili, he could admit on himself that he likes— loves his best friend's wife. Noon pa lang pero inilihim niya ito, ayaw niya na masaktan ang kaibigan.  Wala sa isip niya na agawin ang babae, sapat na sa kanya na nakikita at nakakasalamuha ito.

Nang dumating na si Almyrah ay nagpaalam na si Shaun sa kaibigan, salitan kasi sila nito pagbabantay. Ang sabi niya sa magkapatid ay uuwi na siya at mamahinga ngunit ang totoo ay didiretso siya sa bahay ng kaibigan ay dadalawin ang asawa nito.Bumili siya ng pizza, dalawang galon na chocolate ice cream, mcloat at burger na paborito nito, pati na prutas at isang order ng bucket meal.

Bukas ang tarangkahan no'ng dumating siya, nang makapasok ay siya na rin ang nagsara nito. Naabutan niya rin na nakabukas ang television ngunit walang tao kaya pinatay niya na ito. Walang Scarlet siya na nakita sa pagpasok sa tahanan ng mag-asawa kung kaya ay ipinatong niya muna sa coffee table ang mga dala.

"Scarlet, nasaan ka?" Pagtawag niya sa pangalan nito. Walang sumasagot kaya pinasya niya na akyatin na ito sa ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang kwarto ng mag-asawa ngunit hindi niya pa rin natatagpuan ang babaeng itinatangi. Muli siyang bumaba at dumiretso sa kusina at nagbakasakali na naroon ang hinahanap.

Sa pagkakataon na ito ay hindi na siya nabigo, natagpuan niya na si Scarlet na nakadukwang sa lababo at tila nagsusuka. Kumaripas agad ng takbo si Shaun patungo sa kinaroroonan ni Scarlet, wala siyang ideya sa mga nangyayai kung kaya't hinimas niya na lang ang likod nito. Matapos ay inalalayan niya ang babae para makaupo, pinainom niya rin ito ng tubig.

"Anong nangyari? Bakit nagsusuka ka? May nakain ka ba? Please tell me," sunod-sunod niyang tanong.

"Kalma, okay lang ako. Normal lang itong nangyayari sa babaeng buntis." nakangiting sagot ni Scarlet.

"B-Buntis ka?" Namilog ang mga mata ni Shaun.

"Ten weeks, nagpatingin kami ni Ate Almyrah kahapon at 'yon ang findings ng doctor sa akin."

"Wow... this is a great news. Alexander should know this, magkakaanak na siya. Magkakaroon na ng bagong baby sa pamilya," nakangiting sambit niya.

"We're expecting twins, 'yon ang sabi ng ob ko." pagbabalita pa ni Scarlet. 

"Congratulations to the both of you!" Hindi niya napigilan na yakapin si Scarlet. Shaun is genuinely happy for her and for his best friend pero syempre, the pain is still there. 

"Thank you Shaun, hindi na nga rin ako makapaghintay na sabihin sa kaniya e. Sana nga lang ay magising na siya," ani Scarlet habang hinihimas ang kaniyang tiyan.  "We've been waiting for this, siya na lang talaga ang kulang."

"I'm sure na sobra siyang matutuwa kapag nalaman niya ito, maghintay tayo hanggang sa magising siya. Kaunting tiis pa Scarl," tinapik nito ang balikat ng babae at inakbayan. 

"Gusto ko na makita ang reaksiyon niya Shaun, oras na malaman niya na magkaka-anak kaming dalawa."

"Ineexpect ko na sobra siyang matutuwa, tatalon siya sa sobrang saya." Nakangiti nitong sabi, ngiti rin ang isinukli ni Scarlet sa kaibigan ng asawa. 

"Sure 'yan," ani Shaun habang lumuluhod sa harap ni Scarlet. Hinimas-himas niya ang tiyan ng dalaga at hinalikan ito. "Ako ito, si Daddy Ninong. Kayo ang una kong mga pamangkin, paglabas ninyo itatakas ko kayo agad. Dadalhin ko kayo agad sa toy kingdom, daddy ninong will gonna spoil you with everything." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top