32

Halos isang linggo nang walang malay si Alexander, he's in a coma. Isang lingo  na rin ang nakalilipas magmula noong mangyari ang aksidente na dahilan kung bakit naroon siya ngayon sa ospital at nakaratay ang lalaki. Walang araw na hindi nagdarasal si Scarlet na sana ay magkaroon na ng malay ang asawa, ni hindi na ito umuuwi ng kanilang bahay, walang puknat din ang pagbabantay niya Dinadalhan na lang siya ni Almyrah, na kapatid ni Alexander o di kaya naman ni Shaun, na matalik na kaibigan ng kanyang asawa ng mga damit at gamit na kinakailangan niya. 

"Mulat ka pa rin until now, umalis akong dilat ka. Nakabalik na ako at lahat, dilat na dilat ka pa rin. Aba! Masama na 'yan ah," si Shaun na kararating lang. May dala itong dalawang paperbag at isang fruit basket na agad niya na inilagay sa bedside table.  "Yong totoo, security guard ka sa past life mo 'no? Umamin ka." Hirit niya na saglit na ikinatawa ni Scarlet.

"Nakatulog na naman na ako, nakapahinga na kanina." 

"Mga ilang minuto? Mga tatlo siguro," pabirong sambit nito ngunit sa totoo lang ay nag-aalala na ang binata sa asawa ng kanyang matalik na kaibigan. "Pahinga na, ako  na ang bahala dito kay Alexis. Much better kung uuwi ka muna."

"Hindi na, okay naman ako dito. Mas hindi ako mapapanatag kapag malayo ako sa kanya e," wika ni Scarlet habang nakatitig sa mukha ng asawa. Hinaplos-haplos pa niya ito at hinagkan sa noo. 

" Tulog na Mrs. Montecillo, hindi naman mawawala 'yang si Alexander e. Magpahinga ka lang kahit saglit, ako na bahala na magbantay sa best friend ko. Nagseselos na ako e, magmula kasi no'ng dumating ka, hindi ko na siya nakakasama." Pagbibiro nito habang papa-upo sa monoblock, dahilang upang muli na matawa  ni Scarlet, unang beses na narinig ni Shaun ang paghagikgik ng asawa ng kaibigan kung kaya't saglit siya na  napatulala habang nakatitig sa magang mukha nito. 

The way Scarlet laugh gives shiver unto his vine, aminadong nakaramdam ng kung anong sensasyon na tinatawag na kilig, si Shaun sa loob niya dahil sa genuine laugh na narinig niya. Si Scarlet ang unang babae na napatawa niya sa pamamagitan ng binitiwan niya na joke. Those other girls na nakilala niya, they will definitely tell him to shut up. Unlike Scarlet na sa kabila ng bigat na nararamdaman ay napatawa niya.

The first time she saw that girl, alam niya sa sarili niya na humanga siya rito dahil hindi naman maitatanggi na maganda talaga ang dalaga. Ngunit pinigilan niya ang sarili, batid niya na hindi sila puwede dahil nauna na si Alexander dito. Happy crush ang turing niya kay Scarlet up to now, tho hindi 'yon halata dahil nga sa lumalayo siya upang hindi na lumalim pa ang nararamdaman. Naisip niya na alalayan na lang ang kaibigan na si Alexander sa bawat desisyon nito upang hindi masaktan ang babaeng kanyang hinahanggan.

"Bentang-benta sa akin 'yang joke mo," ani Scarlet habang  pinupunasan ang gilid ng mata.

"Kala mo ba nagbibiro ako? Totoo kaya ang sinasabi ko," muli niyang hirit na mas lalong ikinatawa ni Scarlet.

"Ano ba Shaun? Nakaka-inis ka, dapat malungkot ako ngayon pero pinapatawa mo naman ako."

"Ah kasalanan ko pa ngayon?" Impit itong natawa.

"Huy wala akong sinabi," nangingiyak nitong sabi habang natatawa pa rin.

"Anong wala? Sinisisi mo kaya ako," muli niyang hirit. "But I'm glad na nakikita na kitang tumatawa ngayon." Sumeryoso ang kaninang magpagbirong tono nito

"And that's because of your jokes na talagang mabenta," ani Scarlet.

"And I'm willing to crack more jokes para lang mapasaya ang babaeng pinakamamahal ng best friend ko." He then smiles at her, hinaplos niya rin ang buhok nito. "Kumain ka na ba? May dala akong pagkain, niluto ni Mama." Tumayo ito at tumungo sa side table, inilabas niya mula sa paper bag na dala niya ang mga tupperwear na may laman na kanin at ang nilutong chopseu at burgersteak ng ina niya at mga utensils. "I think you should eat muna, ako na muna ang magbabantay kay Alexis."

"Thank you Shaun," pagpapasalamat ni Scarlet sa kaibigan ng asawa.

"Anything for my best friend's wife," he gave her a half smile while opening the lid of the tupperware. "Here, masarap 'to. This is one of Alexander's favourite, vegetarian ang lalaking 'yan pero no'ng pinakain ni Mama ng burgersteak na luto e ayon naging meat lover na rin."

"Totoo?" She asked.

"You didn't know?"

"Hindi naman siya nagkukwento e."

"Oh..." Ito na lang ang nasabi ni Shaun, he knew Alexander from the start. Hindi talaga ito palakwento about his life, siya at si Arriane lang talaga ang pinagkukwentuhan nito. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi man lang nito nasabihan si Scarlet. Batid niya na sobrang babaw ng tungkol sa pagkain ngunit sa kanya ay big deal iyon. Para kay Shaun ay dapat na alam ng partner niya ang small detail na 'yon,  "Ako, meat lover talaga ako." He said, changing the topic. "Kahit anong klase ng meat kinakain ko." Pabirong sambit niya sabay malaman na tumawa.

"Talaga? E'di maganda pala," ani Scarlet. "Kapag may pagkakataon, ipagluluto ko kayo ni Alexander."

"Marunong ka?"

"Ulila ako 'di ba?" Tanong niya, kahit walang ideya ay tumango si Shaun. "'Yon ang dahilan kaya kailangan ko na matuto na tumayo sa sariling mga paa ko. Isa pa, nag-iisa rin akong babae. Talagang walang aasahan kasi 'yong mga kapatid ko puro nagtatrabaho na at mga hindi rin naman sanay sa gawaing bahay." Pagsasanaysay  pa niya.

"So you do household chores din? Like sweeping, doing the laundry, and washing the dishes?"

"Oo naman, lahat ng gawaing bahay."

"Wow!" Manghang sabi niya. "Kaya naman pala ayaw ka na pakawalan ng isang 'to. Ideal wife naman pala ang nakuha, maganda na, mabait pa, masipag pa. Saan ka pa? E mukhang na sa iyo na ang lahat ng hinahanap ko— este ni Alexander sa isang babae."

"Hindi rin," aniya. "I suck in bed." Pag-amin ni Scarlet na talagang ikinagulat ni Shaun, hindi siya agad na nakapagsalita.

Hindi niya akalain na sasabihin ito ng babaeng hinahanap-hanap ng kaibigan. She sucks in bed? Talaga ba? Actually, hindi siya kumbinsido. Hindi naman hahanapin ng kaibigan niya ang babe kung totoo ang sinasabi nito.

"Kumain ka na lang diyan at huwag nang kung anu-ano ang iniisip mo. You better rest you mind baka mamaya, gumaling nga si Alexander ikaw naman ang magkasakit." Pag-iiba niya ng usapan habang iniaabot ang isang tupperware na may laman na kanin chopsue at burgersteak pati na kutsara at tinidor kay Scarlet. "I also brought a dessert, mamaya kainin natin."

"Puwede mo  ba ako na sabayan?  Araw-araw na lang kasi akong kumakain na mag-isa e, nakakalungkot lang." 

Bago sumagot ay ibinaling muna ni Shaun ang tingin sa kaibigan na nakaratay sabay nag-wika. "Bro kakain lang kami ha, sasamahan ko lang ang asawa mo. Huwag kang mag-alala, kahit na sobrang ganda ng babaeng 'to, hindi  ko siya aagawin sa'yo." 

"Hindi mo naman kailangan na magpaalam, masyado ka namang takot sa kanya.  He knew how much I love him, sobrang rupok ko sa kanya Shaun."

"He's lucky, sobra mo siyang mahal e. Isang bagay na talaga namang  nakaka-sana all. Ako kasi, until now. I'm still looking for a right woman." Mapait siyang tumawa habang binubuksan ang isa pang tupperware.

"Hindi naman hinahanap 'yan e, kusang darating 'yan."

"Just like what Alexander did? Tama ba ako?"

"Iba naman 'yong sa amin e, sidechick niya ako remember?"

"Don't say that, I've witness it all. Sobrang genuine ninyo kaya sa isa't-isa, nakaka-sana all nga. Pareho lang naman kami ni Alexander na naghahanap ng babaeng magmamahal sa amin ng buong-buo, just like you pero it turns out na maiiwan ako. Bilis mo kasi dumating e, tas nag-iisa ka pa. Wala ka man lang  isinama na para sa akin."

"Aba malay ko ba na magiging asawa ko ang lalaking minsan kong naka O. N. S."

"O. N. S.? What's that?" Siyang tanong ni Shaun.

"One night stand," mahinang sagot niya.

Natawa naman si Shaun sa ginawa ni Scarlet, " you don't have to minimize it. Marami na akong na-experience na ganyan." Malandi pa ito na kumindat, "tara dito tayo sa table para mas comfortable ka kumain." Imbita pa nito, agad din niya na inalalayan   si Scarlet patungo sa bilog na dining table na matatagpuan sa mini-dining area sa loob ng kwarto.

Kahit na busog pa ay pinilit ni Shaun na sabayan na kumain si Scarlet, ayaw niya na maramdaman nito na mag-isa. Scarlet's need a friend right now, someone who will accompany her. Magaang naman ito na kasama, makwento, at madali niya na napapatawa kung kaya't mabilis sila na nagkapalagayan ng loob.

Hindi niya maiwasan na ikompara si Scarlet sa ex ng kanyang kaibigan na si Arriane. Hindi kasi sila masyadong close ni Ari, mataas ang ere nito at malimit lang na magsalita. 

Batid ni Shaun na nakakaramdam siya ng pagka-inggit sa kaibigan. He also wants a girl who had the same attitude as her, as Scarlet. Someone who's pretty, inside and out. Tahimik niyang hiniling na sana ay mas nauna niya na nakilala ang dalaga. Dahil kung nagkataon ay baka siya pa ang pakasalan nito, hindi sana naranasan ni Scarlet ang lahat ng hirap na naranasan niya noong nag-uumpisa pa lang sila ni Alexander.

"Bakit natahimik ka riyan?" Usisa ni Scarlet sa natulalang si Shaun.

"Wala naman, wala lang 'to. Kumain ka na lang diyan Scarl, damihan mo ha. Baka sakalin ako ni Alexander kapag ginutom kita."

"Sure ka ba na okay ka lang?"

"Oo naman," ngumiti siya at pinisil ang pisngi nito. "Huwag kang masyadong mag-worry sa akin baka ma-inlove ako sa'yo." Seryoso siya sa sinabi niya but Scarlet takes it as a joke, nag-umpisa na naman ito tumawa habang nakatitig sa kanya.

Nakaramdam ng malakas na pagkabog ng dibdib si Shaun, nanghina rin ang mga tuhod niya. Malakas ang aircon ngunit pinagpapaliwisan siya ng malapot.

Pakiwari niya ay mali ang kanyang nararamdaman ngunit hindi niya ito mapigilan. Matagal na ang paghangang nararamdaman niya pata kay Scarlet  ngunit ayaw niya na bigyang pansin ito. Una sa lahat ay kasal na ang babae, pangalawa ay mahal na mahal ni Scarlet ang kanyang kaibigan, at pangatlo— nangako siya sa sarili na kailanman ay hinding-hindi siya makikipagkompetensya kay Alexander at hangga't maari ay pipigilan niya na lumalim ang nararamdaman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top