12
Ilang beses na muntik na nagasgasan ang kotse ni Alexander dahil sa sikip ng daanan patungo sa lugar nila Scarlet, bukod sa maliit ang mga daanana ay malubak at bahain rin ang lugar na kinagisnan ng dalaga. Matao at punong-puno ng mga tambay ang bawat sides ng kalsada , Alexander felt uncomfortable. Hindi siya sanay sa gano'ng lugar, bata pa lang ay marangyang pamilya na ang nakagisnan niya unlike Scarlet na lumaki sa isang maralitang angkan. Nabuo ang isang desisyon sa isipan ng lalaki, she was planning to bought a luxurious house for the girl. Nakita niya ang hirap sa lugar, sa tingin niya ay hindi deserve ni Scarlet ang gano'ng pamumuhay. Sinulyapan niya ang babae na kanina pa nakatungo sa binatana, wala itong kibo at tila malayo ang iniisip.
Something is bugging inside her, nahihiya siya sa lalaki. Sa laki ng pagkakaiba ng kinagisnan at kinalakihan nilang lugar, imposible talaga na magustuhan siya ni Alexander. Inisiip niya ngayon na mag-quit na, tutal naman ay may sweldo na siya at mukhang wala na rin siyang magagawa pa dahil ikakasal na ang lalaki.Sapat na siguro ang dalawang linggo na pagtatrabaho niya rito, malaki-laki naman ang ibinigay niya sa kanya kaya hindi na siya lugi. Pupwede na siyang magsimula dahil may pera na siya, alam naman niya ang lugar niya sa buhay ng lalaki. She was just his toy at darating ang panahon na iiwanan rin siya nito sa ere.
"Hey, are you okay?" Nag-aalalang tanong ng binata.
"Oo naman," nahihiyang sambit ng dalaga.
"Seems like you're not," malamig nitong sabi.
"Nahihiya lang ako," pagtatapat niya. "Dinala mo ako sa mala palasyong bahay at mala paraisong lugar tapos ako, dito lang kita dinala. Sa masikip at hindi kaaya-ayang lugar na kinagisnan ko."
"So? Masikip ka rin naman ah, nagreklamo ba ako?" Pilyo ito na ngumiti na ikinataas naman ng kilay ng dalaga.
"Alexander I'm serious."
"I'm serious too, wala naman akong pakielam kung saan ka nakatira e. At isa pa, temporary lang naman tayo rito hindi rin tayo magtatagal."
"Tayo? Akala ko ba ihahatid mo lang ako," pagtataka ng dalaga.
"Oo nga, ipagpapaalam lang kita sa Tita mo at sa mga kapatid mo and after that aalis na tayong dalawa. May trabaho ka pa sa akin, kakasimula mo lang at hindi ka puwedeng mag-resign hangga't hindi ko sinasabi."
Napakagat si Scarlet sa pang-ibabang labi, mukha kasing wala na siyang kawala kay Alexander at hawak na siya nito sa leeg.
"Saan mo naman ako balak dalhin?"
"Sa bahay ko."
"Sa bahay mo? You mean makakasama ko 'yong tatay mo? E 'di ba nga ayaw sa akin no'n kasi ang akala niya ay ako ang dahilan kung bakit ayaw magpakasal ni Arriane sa'yo."
"I have my own house, mas malaki kaysa sa tinitirhan ng parents ko. Sa lugar na 'yon, walang makakapigil sa atin. It's just you and me," sumulyap ang binata kay Scarlet ngumiti bago niya ibalik ang mga mata sa kalsada at nagmaneho.
Alas-kwatro na ng hapon nang makarating sila sa tapat ng bahay ni Scarlet bumungad sa kanila ang mga nagkukumpulang tao na nakiki-usyoso sa dumadaang kotse ni Alexander. Yaring sinisilip kung sino ang nasa loob ng kotse kung kaya't ibinaba ni Alexander ang mga binatan para hindi na mahirapan ang mga kapit-bahay ni Scarlet na makita sila.
"Alexis, ano ang ginagawa mo?" Ani Scarlet sana inilubog ang sarili sa sandalan ng upuan.
"Making you a star," anito. "Mukhang curious sila kung sino ang nasa loob e, that's why I open the windows para hindi na sila mahirapan na makita ka."
"Gago ka ba?" Inis na sabi ng dalaga na ikinatawa naman ni Alexander. "Parang tanga naman Alexis e, itaas mo na nga 'yong bintana." Utos nito.
"Makikita ka rin naman nila pag bumaba ka e, what's the point of hiding?" Anito habang inihihinto ang sasakyan. "Stay here," Naunang nagtanggal ng seatbelt si Alexander at bumaba ng sasakyan.. Naglakad naman siya para pumunta sa kabilang side at pagbuksan ng pintuan si Scarlet. Tinanggal niya ang seatbelt at inalalayan na makababa ang dalaga.
"Hoy mare 'di ba pamangkin ni Sharon 'yan?" Kalabit ni Melda ang dakilang chismosa sa lugar nila sa isa pang chismosa na si Atse.
"Oo, anak ni Carlito 'yan na babae." Tugon naman ni Atse.
"Nakabingwit ng mayaman, ang swerte naman." Sabat naman ni Bulay
"Isa na naman pong kababayan natin ang naka-ahon sa hirap." Ani Aling Oya.
"Naku mukhang makakabayad na si Sharon sa utang nila sa akin, mapuntahan nga mamaya." Malapad na ngumiti si Ka Selma ang may-ari ng tindahan na pinagkakautangan ng tiyahin ni Scarlet na si Sharon.
"Sorry," ani Scarlet nang makababa siya sa kotse ng binata.
"Ang guwapo mare, mukhang nadaam sa ganda ah."
"Maganda namam talaga 'yang pamangkin ni Sharon."
"Mautak mare, ginamit ang mukha."
"For?" Ani Alexander habang isinasara ang pintuan.
"Sa mga naririnig mo."
"I don't care about them. Stay here, kukuhanin ko lang ang mga gamit natin" Sambit ni Alexander bago naglakad patungo sa likod na bahagi ng kotse niya.
He wants the best for Scarlet kung kaya't hanggang maari ay kinakalma niya ang sarili, mas lalo lang siya nabigyan ng rason para ialis ang dalaga sa naturang lugar. Para sa lalaki ay hindi healthy kung gano'ng uri ng mga tao ang araw-araw na makakasalamuha ni Scarlet. Mukha lang okay sa kanya but he was planning to take Scarlet away from this place.
"Scarlet!" Bulalas ni Sharon nang makita niya ang pamangkin na si Scarlet na nasa tapat ng bahay niya. Nakaramdam ng panginginig ng tuhod ang dalaga nang makita niya ang salubung na kilay nito, panigurado ay lagot na naman siya. "Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Sakit ka talaga ng ulo na bata ka! Siguro ay naglandi ka na naman ano? Alam mo ba na dalawang linggo kami na puro itlog lang ang inuulam dahil wala ka! Puro na kami utang kay Selma! Nasaan ang sweldo mo?" Galit na galit ito na pinagsisigawan ang dalaga hinaltak niya pa ang buhok nito at iwinagwag. Wala namang nagawa si Scarlet, ni iyak ay hindi niya ginawa. Sanay na kasi siya, sanay na siya na sinasaktan. Sanay na siya sa pagmamalupit nito, dati nga ay itinali pa siya nito sa puno ng apat na oras dahil sa inakala niya na siya ang kumain ng ulam na tinira ni Sharon para sa anak niya but the truth is, ang pusang gala ang kumain ng ulam.
Scarlet is innocent
Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Alexander ang ginagawa ng tiyahin niya sa dalaga, nagmamadali siya na lumapit at sinanggalang ang sarili para mailayo si Scarlet sa tiyahin nitong si Sharon. Wala na siyang pakielam kahit pa siya ang tinatamaan ng mga palo at hampas nito.
"HOLD ON! HOLD ON! Stop hurting her! Stop hurting Scarlet!" Bulalas nito, hindi na napigilan ng lalaki na pagtaasan ng boses ang ginang.
"At sino ka naman? Bakit mo pinapakielaman ang pagdi-disiplina ko sa pamangkin ko?" Mataray nitong tanong kay Alexander at pumameywang pa.
"B-Boss ko po," si Scarlet ang sumagot.
"Boss?"
"O-Opo..."
"I'm her boss," labas sa ilong na sabi ni Alexander. "At hayaan ninyo po akong ipaliwanag kung bakit nawala ng dalawang linggo si Scarlet, ako ho ang kasa-kasama niya. Business matters po ang dahilan kung bakit hindi siya nakaka-uwi, hindi ho siya naglandi gaya ng inaakala ninyo. Disenteng tao po ang pamangkin ninyo," pilit kinalma ni Alexander ang boses kahit na gustong-gusto na niyang sigawan si Sharon.
"G-Gano'n ba? Ibig sabihin ba no'n ay mayaman ka dahil boss ka niya? Sa'yo ba 'yang kotse na 'yan." Sunod-sunod na tanong ni Sharon na biglang nag-iba ang kaninang nagtataray na boses.
"Yeah, I owned that car." Mahiksing sagot ni Alexander.
"Hay naku!" Kamot-ulong sabi ni Sharon. "Pasensya na ho kayo Ser, ako po ay nag-aalala lang sa pamangkin ko kaya't napagalitan ko. Hindi kasi siya nagpaalam sa akin e, syempre parang anak ko na 'yan kaya natural lang sa akin na makaramdam ng ganito, hindi ba?"
"Told you," Scarlet mouthed. Tumango naman si Alexander bilang pagsang-ayon sa sinabi ng dalaga. Nabatid na ni Alexander kung ano talaga ang tunay na dahilan kung bakit ayaw pa na umuwi nhg dalaga rito, it is because of Sharon's mistreatment.
Pinatuloy ni Sharon ang dalawa sa bahay, ang bahay na tinitirhan ng pamilya ni Sharon pati na lupa na kinatitirikan nito ay ang mana ni Scarlet sa namayapang Lolo na si Tirso, ama ng kanyang ina. Ngunit kinamkam ito ni Sharon dahil ganid ito at ayaw niya na nalalamangan siya ng mga anak ni Florderlisa, ina ni Scarlet. Pinaghanda pa ni Sharon ng softdrinks at biscuit ang dalawa at nagkunwari ito na masaya sa pagdating ng pamangkin kahit ang totoo ay peke ang pinakikita niya.
"Sir napakaguwapo po pala ninyo, hindi kasi nagkukwento itong si Scarlet kaya hindi ko alam na ganyan pala ka-guwapo ang boss niya. Batang-bata pa po pala kayo," peke pa ito na tumawa.
"Ano ho pala ang sadya ninyo rito?" Si Julio iyon, tiyuhin ni Scarlet.
"Well, I was actually wants to accompany my Scarlet here for maybe one or two days for a vacation. Magla-lay low lang ako sa stress sa company and I need a new environment. Mukhang masasaya ang tao rito," sarkastikomg sabi ni Alexander.
Parehong nagkatinginan sina Julio at Sharon, iisa ang nasa isip ng dalawa. Pera, pera, at marami pang pera. Kapwa nila iniisip na si Scarlet na ang mag-aahon sa kanila sa hirap.
"Hay naku ser! Kahit magtagal ho kayo rito walang problema. Welcome na welcome po kayo rito sa bahay namin." Malapad ang ngiting sabi ni Sharon.
"Well, I don't have any plans to stay here longer. Aalis rin ako, and I will bring Scarlet with me, marami kaming business trip na pupuntahan. Oh and by the way, h'wag ho kayong mag-alala dahil hindi po ninyo iintindihin ang pag-sstay namin dito, we already brought a lots of grocery. Pa-konsuelo na ho namin sa pag-sstay namin dito, just wait for me for a minute kukuhanin ko lang po." Paalam ni Alexander, nilingon niya ang katabing si Scarlet at hinintay na tumango ito. "I'll be back, just stay here." Malambing na bulong nito.
Hindi naman nakaligtas ang ginawa ni Scarlet sa paningin nina Julio at Sharon at pati na sa anak nilang si Jennifer kung kaya't pagkalabas na pagkalabas ni Alexander ay sumunod na si Julio sa kanya para kunwaring tulongan. Si Sharon naman ay agad na tinabihan si Scarlet at kinausap.
"Mukhang maambunan mo kami ng grasya dahil sa boss mo na 'yan ha." Ani Jennifer. "E mukhang may gusto sa 'yo."
"Scarlet h'wag kang babagal-bagal, magpabuntis ka kaagad para naman mapakinabangan natin ang yaman ng lalaking 'yon." Bulong ni Sharon.
"W-Wala ho akong balak na patulan ang boss ko Tita."
"E bobo ka pala!" Bulalas nito at binatukan pa ang dalaga. "Pagkakataon mo na 'yan para yumaman, h'wag kang tatanga-tanga. Gamitin mo 'yang talino mo." Dinuro pa nito ang noo ng dalaga. "Sayang ka, cum laude ka pa man din."
"E Tita, may girlfriend na po siya."
"O e 'di agawin mo, ang asawa nga naaagaw e. Girlfriend pa kaya, hoy hindi kita pinag-aral ng kolehiyo para maging gaga ha. Mag-isip ka Scarlet, diskartehan mo. Grasya na ang lumalapit sa'yo, h'wag mo nang pakawalan."
Ang lahat ng mga sinabi ni Sharon kay Scarlet ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Alexander, mas lalo siyang nakaramdam ng pagka-inis . Pinasya niya na umalis na rin kinabukasan, ayaw niya na makasama pa ang mga kamag-anakan ni Scarlet. Hindi niya kayang tagalan ang mga taong gaya nila, he really wonder how Scarlet still manage to live with them despite of their mistreatment.
"Bakit wala ka yatang imik?" Siyang usisa ni Scarlet kay Alexander na kanina pa nakatingala sa kisame. Nasa loob sila ngayon ng kwarto ng dalaga at katatapos lang rin nila na mag-hapunan.
"Why didn't you tell me that they were abusing you?" Malamig nitong sambit. "Scarlet kitang-kita ng mga mata ko ang ginawa sa'yo ng Tita mo," mabilis na bumangon si Alexander mula sa pagkakahiga at nilingon ang kakapasok lang na si Scarlet na nagsasara naman ng pinto.
"Wala lang 'yon, don't mind it. Pekeng ngumiti ang dalaga.
Napa-iling naman si Alexander, he wasn't convinced at all. Scarlet is trying to cover up the villainous act of her relative and that's an acceptable for Alexander. "Stop covering their mistakes, bukas na bukas aalis na tayo rito. Hindi ko kayang tagalan ang ugali nila, at hindi ko rin kaya na makita ka na sinasaktan ka ng Tita mo."
Hindi naitago ni Scarlet ang saya nang marinig ang sinabi ni Alexander, napakagat siya sa pang-ibabang labi para pigilin ang kanyang pagngiti. Hearing those things form Alexis really made her heart melt, sino ba ang hindi kikiligin kapag conceen sa'yo ang taong gusto mo?
Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Alexander, matikong napangiti na rin siya nang makita niya na pinipigil ni Scarlet ang kilig na nararamdaman niya.
"Come here, sit on my lap." Aya ng lalaki kay Scarlet, ibinuka pa niya ang dalawang braso at hinintay na makalapit ang dalaga. Walang pag-aalinlangan na lumapit si Scarlet at kumandong papaharap sa kanya at ipinulupot ang mga binti sa beywang ng lalaki, ikinulong naman siya ni Alexander asa mga bisig niya at hinagkan ang mga labi nito. "Aalis na agad tayo ha, ayaw kitang nasasaktan. Iuuwi muna kita sa bahay ko saka na kita ibabalik sa mansyon ng parents ko kapag naayos ko na ang gusot ko kay Arriane. I cannot wait to live inside the same house with you," he said before crashing his lips unto hers.
"Alexis hinay muna, hindi sound proof ang kwarto ko baka marinig tayo nila Tita sa baba. Mamaya kung ano ang isipin ng mga 'yon." Bulong ng dalaga.
"E'di hihinaan natin," hagikgik ni Alexander
"Ikaw? Malabo," impit na natawa si Scarlet. "Mentres kong hinihinaan ang pag-ungol saka mo naman pag-iigihan."
"Nag-eenjoy ka naman e," biro ni Alexander.
"Sino bang may sabi na hindi?" Pilya ito na ngumiti.
Sinapo ni Alexander ang magkabilang pisngi ng dalaga, "h'wag mo akong akitin sweetie. Sinasabi ko sa'yo, hindi ako makakakapag-pigil."
"Kalma ka muna, 'pag umalis tayo dito saka mo ako angkinin. I swear, I will let you bang me over and over again."
"Promise?"
"Cross my heart, hope to die." Gamit ang hintuturo nito ay nagtrace siya ng ekis sa dibdib niya.
Impit naman na natuwa ang lalaki, "ang ganda-ganda mo talaga Scarlet. Hindi ako magsasawa na titigan ang mukha mo araw-araw."
"H'wag mo lang akong titigan, mahalin mo rin ako." Pabirong sambit ni Scarlet.
"Do you want me to love you?"
"Gagawin mo ba?'
"Why not?"
"How about Arriane?"
"She already dumped me and I already dumped her. Hindi mo na siya kailangan na intindihin pa." Humalik ito sa tungki ng ilong ng dalaga. "Let's talk about us, just us."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top