Six

Noong una ay nagsisisi talaga ako na gawin ang collaboration video na ito dahil makakasama ko si Athena— ang pinakaayoko sa lahat ng vlogger. Pero heto ako, kinakain lahat nang mga sinabi ko kanina at lagi akong excited sa tuwing gagawa kaming video na dalawa o kahit mag-e-edit man lang.

Malayong-malayo si Athena sa inaakala ko. Mabait siya, natural ang pagiging masayahin, hindi lang siya kalog bagkus ay may seryosong side siya at nakakatuwa pakinggan ang mga seryosong opinyon niya. "Huy, nakatulala ka na lang diyan," naputol ang aking pagmumuni-muni nung iwinagayway ni Athena ang kanyang kamay sa aking mukha.

Nandito kaming dalawa sa isang coffee shop sa Ortigas upang i-edit ang pangatlo naming video. Oo, pangatlo na at next week ay huling video na ang aming gagawin. "May sinabi ka ba?" tanong ko.

"Hindi ka pala nakikinig, kanina pa ako nagsasalita." Kinamot ni Athena ang kanyang ulo at iniharap sa akin ang laptop niya. "Ang sabi ko, okay kung maglagay tayo ng sound effects dito sa part na 'to and magkaroon din tayo ng montage ng waterpark." paliwanag niya.

"That's cool. Maglagay rin tayo ng facts about wakeboarding, kung kailan ito na-discover and ano ang preparation for that water sport. In that way, ma-e-educate din natin ang mga viewers natin." suhestiyon ko at napatango-tango si Athena. "Hindi ka ba nalulungkot?" tanong ko sa kanya.

"Bakit naman ako malulungkot? Una, successful itong ginagawa nating promotional video, sabi nga ni Mars ay dumoble ang pumupuntang tao sa Funslide Waterpark buhat nung nag-imbita sila ng mga vloggers. Pangalawa, there's no reason para malungkot, hindi naman ako nabo-bored kapag kasama kita and I am enjoying what I am doing," mahaba niyang litana sa akin.

I sipped on my dark mocha drink and nag-slice din ako ng cheese cake. "What I mean is matatapos na yung promotional video natin next week. Nasanay na ako na weekly ay may collab tayo."

Hinihiling ko na sana ay kahit papaano ay ma-extend ito. As a vlogger ay marami rin naman akong natutunan kay Athena and sa tingin ko ay ganoon din naman siya sa akin. We're sharing our opinions and inputs in different topics.

"We can do collab after this promotion, ano ba! You have my number, you can also chat me on Facebook or IG. Game din akong makipag-collab." she explained and I nodded.

Havang nasa kalagitnaan kami nang pag-e-edit ni Athena ay nakatanggap siya ng isang text message. "May text si Mars, birthday daw nung may ari nung Funslide waterpark sa friday. Ini-invite nita tayo. Game ka ba?" she asked.

"Of course!" Si Mr. Tan ang may-ari nung waterpark, I met him several days ago. Sobrang bait ni Mr. Tan at isa p, respeto na lang din dahil binigyan niya kmi nang trabaho.

"Ako ita-try ko pumunta. Friday kasi, may mga dapat kaming gawin sa school." paliwanag niya sa akin. Naiintindihan ko naman iyon, our study is our top priority. Okay lang naman maging vlogger as long as you can handle the pressure academically and sa youtube.

Some teens nowadays, see vlogging as the easiest way to gain fame or be popular, may iba naman na ginagawa itong way para kumita ng pera. Wala naman masama doon, pero yung iba kasi ay pinapabayaan na nila ang pag-aaral nila para rito, it's a big no. Iba pa rin sa pakiramdam na maka-graduate ka, temporarily lang ang vlogging, mawawala din naman 'yan.

"I'll expect you there, you're my partner." sabi ko sa kanya and she smiled.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top