Nine

Labing-anim. Labing-anim na beses ko na siyang tinatawagan pero wala along sagot na nakukuha, hindi niya naman ako bina-block sa phone niya dahil nag-ri-ring pa naman pero mukhang ayaw niya na ako makausap. That's it. Kasabay nang pagtatapos nung promotion namin sa Funslide waterpark ay ang pagkakaibigan at pagkikita naming dalawa.

Kahit yung huling video na ginawa ko for promotion ay ako lang ang nag-isang nag-edit. "Ano na-contact mo na siya?" tanong ni Caleb sa akin at umupo sa aking tabi.

"Hindi pa nga rin sumasagot, eh. Halos isang linggo na rin ang nakakalipas nung huling pagkikita nakin." And yung huling beses na iyon ay sobrang pangit pa nang pagkikitang iyon dahil sinaktan ko ang damdamin niya.

"Sabi ko naman sa'yo, Samuel, kakausapin ko na siya. Hindi yung napapraning ka na riyan. Kasalanan ko rin naman ang lahat ng 'to kung bakit hindi na kayo okay ngayon." Isa si Caleb sa gusto kaming magkaayos ni Athena dahil feeling niya ay siya talaga ang may kasalanan. Pero para sa akin ay walang kasalanan si Caleb dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat, totoo naman na sinabi ko ang masasakit na salita na iyon tungkol kay Athena. Ang pangit nga lang na kay Caleb nanggaling ang katotohanan at hindi mismo sa akin.

"Mukhang ayaw niya nga talaga na ako makita. Well, that's it, hihintayin ko na lang yung sunod pang pagkakataon na makapag-sorry ako sa kanya." Ngayon kasi ay kailangan kong paghandaan ang magiging performance ko sa youtube fanfest sahil isa ako sa mga vlogger na naimbitahan para mag-perform dito.

"Alam mo, may naisip ako," Caleb said at napatingin naman ako sa kanya. "Bakit kaya hindi ka na lang gumawa ng video para kay Athena, apology video. Kung iniiwasan niya ang text and calls mo. Atleast, sa youtube walang imposible at mapapanuod niya iyon." He smiled like it's the most wonderful idea na naisip niya.

"Oo nga 'no!" Binatukan ko siya at nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Bakit ko naman gagawin iyon? E'di malalaman ng buong mundo na galit siya sa akin. It's a private matter that's need to be resolve privately, hindi yung pati mga fans namin ay makikialam."

"She deserve a public apology. Iyon na lang naman kasi ang nakikita kong paraan para makausap mo siya indirectly. Ano naman kung makialam yung mga fans ninyo? Just spill the tea, maiintindihan ng lahat 'yan." he explained and I got his point pero para sa akin ay hindi tamang gawin iyon.

* * *

Hindi ko na namalayan na nakaupo na ako sa harap ng camera upang i-shoot ang apology video ko. Actually balak kong palitan yung clip niya sa 'Pass or Colab' na ginawa ko, hindi ko pa iyon natatapos ma-edit dahil na rin naging busy ako sa promotional video na ginawa namin.

Balak ko nga ay gumawa ng script para sa aking sasabihin pero naisip ko ang sinabi ni Athena, that most sincere words just come out unexpectedly, hindi mo kailangan ng script, i-voice out mo lang ang nararamdaman mo.

I clicked the record button of my camera and start to speak in front of camera.

"JustAthena... pass." I answered. "Iyan siguro ang isasagot ko nung mga panahong hindi ko pa tuluyang kilala si Athena. People will hate me with this lame kind of explanation pero feeling ko kasi ay ginagaya lang ni Athena ang mga content ng ibang vlogger. I thought na pinipilit niya lang magpatawa para masabing kalog siya, and akala ko ay peke lang ang pagiging mabait niya,"

"Pero lahat iyon ay kinain ko after the promotional video. Athena is really a nice person, pinakisamahan niya ako and she help me to get out of my comfort zone, hindi ko nga in-expect na kaya kong maging funny dahil nasasabayan ko siya, eh," I chuckled.

Mas sumeryoso ang tingin ko sa harap ng camera.

"Minsan, nagiging judgmental tayong mga tao without knowing the personality of the specific person... which is wrong. Very wrong. Nakakasakit tayo ng damdamin ng iba dahil lang ayaw natin sa kanila. It's a lesson learned for me and sana pati rin sa ibang tao. Hindi masama magkaroon ng first impression sa ibang tao pero ang masama... sinisiraan natin ito without knowing his or her personality. Sa tingin ko naman ay universal mistake na ito at nagagawa ng lahat pero sana ay maging lesson sa atin ito. Totoo nga yung kasabihan na Don't judge the book by it's cover... let's open the book and discover." I smiled.

"Kaya para kay JustAthena. Collab. I'll definitely want to have a collaboration video with Athena. And for Athena Santos, I am sorry. I really mean it. Alam kong nasaktan kita ng masasakit na salita na ibinato ko sa'yo noon and sorry for that. Sana naman pansinin mo na ako and let's have a talk. I will be happy if I can talk to you personally at makapag-sorry." I explained.

I off the record video of my camera and heavily sighed. Okay lang sa akin kung hindi niya na ako tuluyang pansinin pero sana ay makarating sa kanya ang lghingi ko nang tawad na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top