Four

"Dude, tignan mo nga naman! Nakasama mo sa iisang video ang nag-iisang vlogger na kinakaayawan mo!" panay tawa itong si Caleb habang kinukwento ko sa kanya ang nangyari sa unang sunday na magkasama kami ni Athena. "E'di umusok ang ilong mo sa inis? You hated her so much for copying your content, right?"

Ibinaba ko ang textbook na binabasa ko. "I also thought that it will turn out so bad, pero ang cool lang. I had fun, honestly." pag-amin ko sa kaibigan.

"Wow, e'di hindi mo na ayaw kay Athena? Sabi ko naman sa'yo, she's a funny vlogger! Ibang-iba ang content ninyong dalawa. Yung sa'yo super informative tapos yung sa kanya ay sobrang nakakatawa." kwenti ni Caleb. Lowkey crush niya kasi si Athena kaya niya nasasabi 'yan.

"I still hate her. Nothing will change, she just earned a little bit respect." kwento ko sa kanya. "Hindi nga pala ako makakasabay sa'yo pauwi. Magkikita kami ni Athena sa isang coffee shop para mag-edit ng video. We need to upload this on friday. "

"Wow, kahit hindi sunday ay magkikita kayong dalawa. For a whole month, makakasama mo si Athena, dude. Ayaw mo no'n? Chance mo na 'to para mas makilala siya at malaman kung totoo yung mga akusasyon mong ginagaya niya yung mga video content mo." Caleb have a point. This is my chance to know her... not in a romantic way.

* * *

After class ay tumungo ako sa isang coffee shop around here in Ortigas. It's already 4:15pm at wala pa rin si Athena, alas-cuatro ang usapan naming dalawa. She just wasted my fifteen minutes.

Tumunog ulit ang chime dito sa coffee shop at nagmamadaling pumasok si Athena sa coffee shop. Naka-uniform pa siya at gaya ko ay galing din siya sa school niya. "I am so sorry that I am late, Samuel. Napaka-traffic sa EDSA dahil sa mga daan na ginagawa, sorry talaga. Ako na sasagot nung drinks bilang kabayaran sa pagiging late ko."

"Um-order na ako ng sa akin," itinuro ko ang doughnut and dark mocha na nakalapag sa lamesa. "It's okay. I scanned our videos while waiting, hindi naman ako na-bored." Lies. Isa sa mga ayoko ay ang pagiging late-comer, siya 'tong nagsabi na four sharp ay dapat nandito pero siya pa ang late.

Before we start our editing ay um-order muna siya. She just ordered a mint chocolate drink and chocolate dipped doughnut. "Alam mo we can add some facts about Funslide Waterpark, eh, kagaya nung mga ginagawa mo sa video. In that way, our video will become interesting and makakapaghikayat talaga tayo ng mga tao para pumunta sa waterpark na iyon right! It's really awesome kaya when you put some facts and prices in your videos, super informative." Did she just praised my editing skill? Akala ko ay iki-criticize niya iyon dahil hindi naman ako ganoon ka-funny kagaya niya pero hindi, she voiced out her thoughts without stepping on my ego.

"Sa simula, pwede tayong mag-add ng mga videos sa waterpark, montage." suhestiyon ko.

She sipped at her drink and thumbs up. "That's a good idea! Mag-montage muna tayo before starting our video. We also need to highlight the waterpark since bayad tayo."

Hindi naging mahirap katrabaho si Athena, I thought she will become so loud and ipaglalaban niya lahat ng ideas niya, but no, nakikinig din siya sa mga ideas ko and kapag may idea ako na medyo sakto lang ay dinadagdagan niya para mas maging interesting. "Hey can we add a background music sa mga hugot and pickup lines natin?" tanong niya sa akin. "It will add some interest to the viewers pero kung hindi mo naman trip yung mga love team-love team sa youtube ay huwag na lang."

"Wow it's really nice for you that you considered my feelings pero okay lang naman," I assured her. I just realized na hindi ganoon kasama katrabaho si Athena. Oo, ang funny niya sa mga videos pero she's really nice off cam. Hindi siya ganoon ka-loud and she's a good listener. "Mas magiging interesado ang mga viewers kapag ganoon tsaka panalo yung mga banat mo, let's add some funny sounds to that." I suggested.

Bandang alas-otso na nang gabi dito sa coffee shop nung natapos naming i-edit ang video ni Athena. Mabilis naming itong natapos dahil nagsasabihan kami ng input and ideas kung kaya't walang naging problema sa editing.

Pagkalabas namin ng coffee shop ay may mga nakakilala sa amin habang nag-iikot kami sa mall and game na game naman kaming nakipag-picture sa kanila. Mayroon pa ngang pa-showbiz na ini-issue kami kung bakit kami magkasama. As a public figure, sanay na rin ako, hindi talaga maiiwasang masangkot ka sa mga issue.

"Thank you for the day, Samuel. Pasensya na rin kung na-late ako, ha, promise next time on time na talaga ako. Bwisit lang talaga yung traffic sa EDSA." komento niya.

"It's okay. Not a big problem at all. So see you next sunday?" I asked to her.

"Yes, see you! Q and A ang gagawin nating content for next week habang kumakain tayo ng foods nila sa Waterpark. Be prepared sa mga questions, ha!" she reminded me bago siya umalis.

Slowly, nagbabago na ang tingin ko kay Athena, she's not that bad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top