Pasko na Naman
DISCLAIMER: The views and opinions express by the characters do not necessarily state or reflect those of the Wattpad Community and the creators itself. Furthermore, the views and opinions of the characters do not reflect those of the writer, the story, the readers and the environment.
***
Christmas sucks.
That's what I always say.
Sa isang dekada at walo kong pananatili sa mundong 'to, ni minsan hindi ko masabi kung ano ba ang Pasko para sa'kin. Dati-rati naman, ramdam ko ang pakiramdam na magkaroon ng noche buena, mga regalo sa bahay, at kung minsan ay nagkakaroon ng exchange gift at taguan ng nga ninong at ninang lalo na kapag sumasapit ang ika-25 ng Disyembre.
Pero ngayon na tumatanda na ako, I should say — hindi ko na ramdam ang selebrasyong iyon di tulad ng dati. Ewan ko ba, hindi naman ako ganito?
Pero tama nga sila. Habang tumatanda ka, mararamdaman mo na lang na sine-celebrate mo na lang siya nang normal.
Allow me to share those things: noong bata pa ako, inaabangan ko ang pagdating ng Pasko. I was so excited that time — opening gifts, spend time with my family, and experiencing what christmas looks like. Minsan gumagala kami para kahit papaano ay makapagbonding kami buong pamilya, pero ngayon... iba na.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maramdaman. May nabasa ako, sabi baka dahil sa tumatanda na ako o may mga iniinda akong problema.
Honestly, I would choose both. But most importantly, it's the latter.
I gained and lost something at the same time. I gained friendship, however, I lost some. I experienced love, yet he gave me trauma. And lastly, I'm gaining memories with my loved ones... only to find out na mawawala na sila someday.
Hindi natin alam kung hanggang kailan, hindi ba?
And now, maybe I gained another again. Noong lumipat kami ng tirahan nitong August, parang masasabi ko na lang na roon ako mas kumportable. Nakakahinga ako nang maluwag, tapos nakakalimutan ko ‘yung mga problemang meron ako sa dati kong tinitirhan.
That place became my solace na pakiramdam ko ay gusto kong tumira at mag-celebrate ng Pasko. Kapag nandoon ako, normal na lang sa’kin iyon. Pero this year, same old same old. Same old in a way na wala na talaga akong maramdamang excitement, it’s just that… normalan na talaga. Ni hindi ko nga namamalayang tumatanda na ako, like look, malapit na ako sa adulting stage. Hindi lang school tasks ang iisipin ko, pati na bills.
As I’m writing this down, napapaisip na ako. Siguro, lilipas din ‘to. Maybe, pagdating ng panahon, ma-ignite ‘yung excitement ko every Christmas Day.
Sana…
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top