Chapter Eight

Samantala, isang article sa social media ang nakaagaw ng pansin ni Amanda.

"Wealthy and philanthropist businessman ,Juan "JC" Crisostomo is getting married and who's the lucky girl? Find out here," basa niya sa headline.

Naiinis siya nang mabasa iyon. Curiosity filled the space of her mind. Mas lalong nag iinit ang ulo niya dahil hindi niya matanggap na magagantihan siya ni JC at magpapakasal na rin ito.

"Damn!" bulalas niya. Tiningnan niya ang mga kuhang litrato ng isang paparazzi sa article na iyon. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya kaya naisip niyang i-zoom ang mga larawan.

"Si Marina?" Kulang na lang ay basagin niya ang monitor ng computer dahil hindi niya lubos maisip na ang dati niyang alalay ang magiging asawa ng ex niya.

"Hindi pwedeng mangyari ito." Nag isip siyang mabuti sa hakbang na dapat gawin niya para hindi matuloy ang kasal ng dating nobyo. Sinubukan niyang tawagan si JC but unfortunately, hindi na niya ma-reach ang number nito.

"Makikita talaga ng Marina na 'yan ang hinahanap niya! All this time, inahas pa niya ang boyfriend ko? Pero paano nangyari 'yon, hindi nga sila nagkita pa ni minsan? Unless pasikreto pala silang nagkikita," hula pa niya. Nasira na naman ang maganda niyang mood. Aminado siyang may mga naka-fling din siyang kapwa modelo at artista pero hindi niya ramdam ang sincerity na katulad sa pinakita sa kanya ni JC. Halos lahat sila, panandaliang aliw lang ang habol. Kung kailan huli na, saka niya lang naramdaman ang pagsisisi.

Samantala...

"You look so gorgeous, dear!" Namangha ang makeup artist sa kinalabasan ng itsura ni Marina matapos itong ayusan para sa rush wedding.

"Ano po bang itsura ko?" tanong naman ni Marina.

"Hay naku girl, kanina mukha kang wicked witch, ngayon, diyosa ka na!" natutuwang sabi ng make up artist sabay abot nito ng salamin.

"Ang galing niyo naman pong mag-make up Madam!" pagpuri ni Marina nang makita niya ang sarili sa salamin.

"Halika sir, ang ganda ng mapapangasawa niyo. Grabe,bagay pala kayo." Nakuha ng makeup artist ang atensiyon ni JC. Ngumiti lang ang binata habang itinuon niya ang paningin kay Maina.

Just a second seems too long like he can't breathe because somebody stole the air. Hindi siya makapaniwalang napakaganda ni Maina sa ayos nito. Napangiti siya kahit nang kusa. Para siyang na-hipnotize at nawala sa realidad. Aminin man niya o hindi, attracted siya sa dalaga.

"Okay na ba ang itsura ko? 'Di ba rush ang kasal? Baka naman maubusan na tayo ng oras."

Kung hindi pa nagsalitang muli si Marina,mananatiling walang imik at nakatitig pa rin sa kanya si JC.

"Bagay lang talaga sa'yo ang make up. Okay, let's go," wika ng binata.

Sa isang simbahan ginanap ang kasal nina Marina at JC. Katulad ng isang totoong nagmamahalan ang naging setup nila. All looks natural for them. Nakisama naman sa trip nila sna Aling Doris, at Lola Zenaida at ang mga binayaran niyang tao na magpanggap na attendees sa kasal. Job well done. Plano rin kasi ni JC na punuin ng wedding photos ang kanyang social media accounts para malaman ni Amanda na naunahan na niya ito na magpakasal sa iba.

"Ngayong kasal na tayo. I'll made rules. Diba ang gusto lang naman natin ay makapaghiganti kay Amanda?" Inilapag ni JC kay Marina ang isang folder na may puting papel sa loob nito.

"Ikaw lang ang may gustong gumanti, huwag mo akong idamay," Paglilinaw naman ni Maina kahit sa loob niya ay may kagustuhan din siyang makaganti dahil sa pang-aaping ginawa ni Amanda sa kanya noon. For sure, nanggagalaiti na ito at aggressive na kung makitungo sa iba nitong katrabaho sa set ng shooting kung sakaling makarating na rito ang balita na ikinasal na sila ni JC. Kilala naman niya si Amanda, laging nadadamay ang ibang tao sa tuwing hindi maganda ang mood nito.

"Pakibasang mabuti, bukas pa naman ang effectivity niyan," panimula ni JC.

"Kailangang um-attend sa family gatherings at mahahalagang event na kasama ako." Iyon ang pang unang nabasa ni Maina.

"Wala kang karapatang manghimasok sa private life ko at huwag na huwag mong hahawakan ang phone ko."

"We will share one room pero walang kahit anong mangyayari."

"You have to cooperate with me para mas lalo nating mainis si Amanda."

"Magiging maid ka para sakin. Ipagluluto mo ako at ipaglalaba, ikaw na rin ang maglilinis ng bahay."

"Madadagdagan ang babayaran ko sayo kapag naging mabait at masunurin ka."

"The last rule, don't fall for me or else maghihiwalay na tayo at wala na akong kahit anong ibibigay sayo para kay Felix."

Napabuntong hininga na lang si Marina matapos basahin ang nakasulat sa papel.

"Okay." Pinirmahan ni Marina ang papel at binigay na iyon kay JC.

"Kung wala na tayong pag-uusapan, matutulog na ako para bantayan ang pamangkin ko sa silid," sagot ni Marina.

"Okay, goodnight," maikling sambit naman ni JC.

At kinaumagahan, humahangos na pinuntahan ni Maina ang pamangkin na si Felix habang umiiyak ito sa kama.

"Baby anong nangyari sa'yo?" Nag-aalala niyang kinarga ang bata. Hinaplos niya ito, mukhang nilalagnat at hindi maganda ang pakiramdam ni baby Felix kaya mas lalo siyang kinakabahan.

"Anong nangyari?" Narinig niyang papalapit na si JC.

"May sakit ang pamangkin ko," nag-aalalang sambit ni Marina.

"Tingnan mo,may lagnat siya." Humugot siya ng hininga at tumingin nang diretso sa binata.

"Come on dalhin na natin siya sa ospital." Siya na ang kumarga sa bata para madala na ito sa ospital kasama si Marina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top