Kabanata 1| Pagbukas ng Portal

Pagbukas ng Portal

15th Century...

Sobrang dilim sa aking kinaroroonan, masukal, mabaho, masang-sang at higit sa lahat nakakatakot. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, sadyang nabiktima lang ako ng mga masasamang tao na ito, at dahil daw sa isang misyon.

Nakagapos ang aking mga kamay ng isang lubid na gawa sa kung anong makapal at magaspang na baging, sobrang sakit na ng pulsuhan ko dahil sobrang tagal ng nilakbay namin at sa mga panahong 'yun ay nakatali lamang ang aking mga kamay.

Pagkatapos ay pumasok kami sa isang malaking yungib na tila hindi napapasukan ng sinag ng araw, sobrang daming paniki, ahas, insekto at palaka ang nakita ko papunta rito. Hindi ko rin mapigilang mapanginig dahil sa ginaw at takot.

At saka'y pinaupo nila ako sa isang bato at binigyan ng tinapay, malugod ko naman itong kinain dahil sobrang kumakalam na aking mga kalamnan. Pinainom din nila ako ng tubig upang mapatid ang aking uhaw.

"Ginoo, maaari ba akong magtanong kung ano ang kasalanang nagawa ko?" magalang kong tanong, tinignan niya ako pero wala akong makita ni katiting na emosyon sa kanyang mga mata, parang walang kaluluwa ito.

Nanginig ang aking mga labi at nanlamig ang aking buong katawan. Napatigil ako sa aking kinauupuan at sunod sunod na napakurap. "Binibini, ikaw na lamang ang huling kailangan namin para matupad ang aming hangarin," sagot niya.

"Hangarin, Ginoo? Ngunit sa pagkaka-alala ko ay wala akong sinalihan na kung ano man!" depensa ko. Hindi ko alam ang pinagsasa-sabi niya. Isa lamang akong simpleng dalaga na nakatira sa kapatagan at ang tanging ikinabubuhay ay pagtatanim at pagpapastol ng mga hayop.

"Wala kang sinalihan, ngunit ikaw ang aming pinili. Dahil isang birhen na lang ang kulang sa aming grupo para mapakawalan na namin ang mga masamang elemento at magpalaganap ng kasamaan sa buong nayon!"

Nanlaki ang aking mga mata. Kasamaan? Ginawa nila akong kasangkapan?! Pilit kong inaaninag ang mukha niya ngunit tanging ang mga matutulis na mga mata lang niya ang nakikita ko dahil sa maliit na liwanag mula sa sulo.

Nakabalabal silang lahat at siya lamang ang kumakausap sa akin, dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi ang matulog at kumain sa buong paglalakbay. Ang tamad niyang lalake sa totoo lang, sa tingin ko'y wala siyang alam sa buhay, kawawa naman.

"Ksjdnfnskksicjnrkskcjszkkkd. Kdkskozjndnsjzkskaksgycud. Gshjjdjsnjzjdksncjs. Hsijsndhcjs!" napalingon ako sa isa niyang kasamahan na babae. Bigla siyang magsalita sa harap ng isang parang altar, at hindi ko maintindihan ang kanyang tinuturan.

Nang magkaapoy ang altar kahit walang kahit anong gamit ay napasinghap ako. "P-paano niya nagawa iyon?!" bulalas ko at napalingon sa akin ang babae. Naramdaman ko ang sama ng kanyang mga titig. Kaya napayuko ako.

Nasira ko pa yata ang kanyang konsentrasyon. Nang umapoy ng sobrang laki ang altar na may iba't ibang simbolo ay itinayo ako nung lalake, mahigpit niya akong hinawakan. Sobrang sakit na nang pagkakahawak niya sa'kin, napakislot ako.

Wala naman akong kasalanan sa kanila pero, ginagawa nila ito sa akin? "G-ginoo? A-ano gagawin ninyo sa akin?" nauutal kong tanong, ngunit ni isang tingin ay hindi nito ako binigyan. Nangatog ang tuhod ko at ramdam ko ang masamang elemento na nagmumula sa altar.

Sapilitan niya akong hinila papunta roon at pinaluhod sa harap ng altar. Humapdi ang tuhod ko at naramdaman ko ang sugat na nabuo. Hindi purong lupa ang sahig, may bato bato ito kaya, nakakasakit talaga.

"Panginoon!" sabay sabay nilang sambit, kumunot ang noo ko. Sa pagkaka-alala ko ay, sa simbahan ka dapat nakikipag-usap sa Panginoon, at hindi sa isang yungib hindi ba? Sino ba ang tinatawag nilang panginoon?

Bigla akong napatumba at umatras nang may sobrang itim na usok ang biglang sumulpot sa apoy! Alam ko, may usok talaga ang apoy, pero hindi ganyan na tila, hulma ng isang hayop na may sungay!

"Oh, Panginoong Satanas. Pakinggan niyo ang aming, hiling. Sana ay palabasin ninyo ang mga masasamang elemento sa kabilang mundo, upang maghasik ng lagim sa buong bansa!" napatanga ako, kung ganoon. Siya si Satanas?

Kaya pala, nakakatakot ang itsura niya! Kahit hindi ko ito nakita ng harap-harapan, ay sigurado akong nakakatakot siya! "Bakit niyo, idinadasal sa akin 'yan? Mga mortal," tanong naman ni Satanas.

"Ang akala ko'y, tapat kayo sa inyong Panginoon?" dagdag pa niya. Oo, tapat ako sa aking panginoong si Jesus. At kahit kailan ay hindi ko sasambahin si Satanas! Isa siyang masamang nilalang!

"Simula nang kami'y apihin ng kanyang mga nilikha ay umalis na kami sa kanyang paniniwala. Maraming tao ang umapi sa amin at inabuso dahil sa gusto nilang maging mas malakas kay sa iba. Tinapak-tapakan nila ang aming dignidad, kaya nais naming maghiganti!" may bahid ng poot na sagot nung isa pang lalake.

Tumawa si Satanas na tila'y natuwa sa narinig. Pati ang tawa niya ay nakakatakot! Nakakapanindig balahibo! Bakit ba ako nandito sa sitwasyon na ito? Oh Diyos ko po, tulungan ho ninyo akong—

"Tila may mabait na anghel na nandito! Bakit mo tinatawag ang Panginoong kalaban ko Mortal?!" galit niyang tanong at tila may mga mata ang usok at sobrang talim nang mga titig na iyon! Nanlamig ang mga kamay ko at naghuhurumintado ang tibok ng puso ko.

"D-dahil—"

"DAHIL ANO?!" hindi na ako nakasagot pa, hindi na ako makapagsalita pa ng maayos dahil sa takot na bumalot sa aking sistema. Napapikit na lang ako. "Buweno, dahil hiniling ninyo iyan, ay ibibigay ko ito sa inyo."

"Papakawalan ko ang mga elemento sa kabilang mundo," sabi niya. "Sala—"

"Ngunit! May isang kondisyon!" nakangising saad niya pa, alam kong sobrang itim ng budhi niya at kasamaan lang ang dulot niya kaya. Masama rin ang kondisyon niya. "Ibibigay niyo sa akin ang kaluluwa ninyo!"

"Opo, Panginoon," walang pag-aatubiling sagot ng tatlo. Wala na akong nagawa pa dahil, takot akong sumalungat sa kanila. Gusto kong lumaban ngunit, alam kong wala akong magagawa kung hindi ay tanggapin na lamang ang kapalaran.

Itinaas ng usok ang kanyang kanang kamay at umilaw ng itim ang aming mga dibdib. Ah! Ang sakit! Anong ginagawa niya sa akin at tila kinukutkot ang kaloob-looban ko?! Maiyak-iyak akong napailing-iling. Gusto kong hawakan ang dibdib ko at hagurin ito upang maibsan ang sakit ngunit hindi ko magawa!

"Ahh!" daing ng dalawang lalake.

"Ang s-sakit!" dugtong pa ng babae. Napahiga kaming lahat at kinakapos ng ako ng hangin. Ano ba ang ginagawa niya sa katawan ko? Dahil sa kaonting ilaw ng apoy ay nasinagan ko ang kanilang mga wangis.

Ang mga taong, nagdala sa akin sa ganitong sitwasyon. Ano ba ang nagawa ko? "Ahh!" sigaw ko nang maramdaman ang tila apoy sa gitna ng dibdib ko na parang sinusunog ang aking kalamnan!

Humalakhak naman si Satanas, siyang siya talaga siya sa nangyayari sa amin. Ang sama niya talaga! Kung, may kakayahan lang ako, lulupigin ko ang kasamaan niya! Unti-unting may humihila sa akin.

At nawala na rin sa wakas ang sakit. Napakapkap ako sa aking dibdib. Wala na akong, gapos?! Malaya na ako! Ngunit napalingon ako sa aking likuran, nakita ko ang aking maputlang katawan na tila wala ng buhay!

Sobrang humalakhak na naman si Satanas. "Sa wakas mga mortal! Makakapaghasik na rin ako ng lagim!" masayang sigaw niya at ilang sandali lang ay may sumulpot na itim na bilog sa hangin.

Para itong ulap sa loob, kulay itim na ulap. At walang sinasayang na oras ay lumabas roon ang isang hayop? Katawang kabayo ito ngunit, may katawan ng tao! Ang dami nila! May lumabas na namang panibago.

Isang, nilalang. Dala dala nila ang kanilang pang-ibabang bahagi ng katawan na may lamang loob pa! Bakit hindi nahuhulog 'yun?! May pakpak sila na parang paniki, may mga pangil, hugis baboy na ilong na sobrang nakakunot.

Makakapal na kilay, buhaghag na buhok at matutulis at mahahabang kuko! Sunod naman ay isang sobrang laki na mga tao! May dala itong, parang nirolyo na kulay kayumanggi at umuusok pa ang mga ito pag ginagamit!

Sobrang iitim nila, bilugan ang mga mata at tanging bahag lamang ang kasuotan. Kasunod nila ay maliliit ng mga tao?! Basta, para silang nabalutan ng kalikasan dahil sa kasuotan nila. Ilan sa kanila ay may sombrero na patatsulok ang hugis, ngunit ilan ay wala.

May mahaba silang bigote at sobrang dumi nila na para na silang kasapi ng lupa! May ugat-ugat din ang kanilang mga katawan at tila hindi sila nabiyayaan ng kasiyahan kaya sila ay nakasimangot at tila walang planong sumaya!

Kasunod nito ay grupo ng iba't ibang nilalang, ang isa ay nakaputing damit na mahaba ang buhok, ang iba ay may malalang sugat ngunit tila iisa lamang ang kanilang kakayahan.

Sumunod naman ang tila mga nilalang na hinaluan ng anyo ng mga hayop. Sobrang daming nilalang! Hindi ko sila makilala lahat! Ang alam ko lang ay nakakatakot sila! Tila may yumakap sa akin na malamig na bagay.

Pinapakalma nito ang aking kaibuturan at tila tinanggal ang lahat ng aking takot at pangamba. Napapikit ako at tanging puti lamang ang aking nakikita. "Anak," tawag ng kung sino. "S-sino ka?" mahina kong tanong.

"Anak.. Ako ito.. Ang iyong Panginoon. Dahil sa iyong mabuting hangarin, binibigyan kita ng pagkakataon na makatulong sa mga tao. Bibigyan kita ng basbas, para pumili ng mga taong iyong hahasain at tuturuan, at sa huli ay bibigyan ng mga natatanging kakayahan para supilin ang kasamaan. Tanggapin mo ang basbas ko, at mabubuhay ka ng walang hanggan, hanggang sa matapos mo na ang iyong misyon," sabi niya.

Sobrang lamig ng tinig nito, bukal sa loob ko itong tinanggap at nagpalamon sa dilim..

ΩΨΩ

So welcome to my new story! Salamat sa pag-basa nito! Hehehe, hindi naman po ako nagmamagaling na gumagawa ako ng iba't ibang genre para sabihang flexible, I'm just trying some new things and experience para matuto ako. Okay ba 'yun?

Vote! Comment! Follow!



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top