PARANOIA
Kasalukuyan akong naglalakad sa loob ng library at naghahanap ng librong babasahin ko. Kanina pa akong palipat-lipat ng bookshelf kasi wala naman akong nagugustuhang libro na naroon. Hanggang sa nakarating ako sa dulo ng pasilyo. Nahagip ng mga mata ko ang isang librong itim na nakabuklat at halatang nahulog sa kinalalagyan nito. Aakmang pupulutin ko sana ito nang may marinig akong boses na tinatawag ang pangalan ko. Palinga-linga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang tao. Kinalabutan ako bigla kaya agad kong pinulot ang libro ngunit natigilan ako nang mabasa ko ang pamagat ng libro.
"Retaliate"
Naging interesado ako sa pamagat ng libro kaya imbes na ibalik ito sa bookshelf, kinuha ko na lang ito. Paalis na sana ako sa bookshelf na iyon nang may maramdaman akong bagay na tumama sa aking ulo. Umangat ako ng tingin ngunit wala naman kung sino ang nandoon.Umiling-iling nalang dahil baka napaparanoid lang ako at tumakbo nalang palayo sa pasilyong iyon.
...
"Retaliate is to do something bad to someone who has hurt you or treated you badly" basa ko sa kahulugan ng pamagat ng libro sa diksiyonaryo. Kinuha ko sa loob ng aking bag ang libro. Isa itong maliit na librong itim na medyo may kalumaan na, kunot-kunot na ang mga pahina nito at inaalikabok pa. Bakit kaya may ganitong libro sa library kunggayon hindi naman ito magagamit sa paaralan.Weird.
Matapos ang ilang minutong pagmamasid ko sa libro bigla akong napatalon sa gulat nang may tumapik sa balikat ko.
"Oh my God, Cassie! Nakakagulat ka!" bulyaw ko sa kanya.
"Hahahaha! sorry na , bakit ka ba kasi nandito? Sa dinami-dami ng lugar na pwedeng tambayan dito pa talaga malapit sa haunted forest?" tanong ni Cassie sa akin na may halo pang tawa.
"Ahh wala lang, gusto ko lang tumambay dito" sagot ko na lamang sa mga tanong niya at tiningan siya ng masama dahil sa ginawa niyang pangugulat kanina.
Dito ko naman naisipang tumambay malapit sa haunted forest daw kuno dahil walang estudyante ang pumupunta sa lugar na ito. Ayaw ko lang talaga sa mga mataong lugar dito sa school lalo na kapag nandoon nanaman iyong mga nambubully sa akin at pagtripan nanaman ako. Kinatatakutan din kasi ng mga studyante ang gubat na ito dahil may mga kwento-kwento na may isang estudyanteng napatay na daw dito.
"Ano naman yang hawak mo?" tanong niya ulit sa akin at tinutukoy iyong librong nakuha ko kahapon sa library. Itinago ko agad sa likuran ko ang librong iyon.
"A-ahh w-ala ito, isang libro lang na binabasa ko" sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Ahh sige, so tara na? bumalik na tayo."aniya
"Tara" pagsang-ayon ko sa kaniya at naglakad na kami patungo sa aming building.
Ilang sandali pa nakarating na kami sa tapat nga aming building. Kanina ko pa napapansing nakasimangot si Cassie kaya hindi ko na maiwasang magtanong.
"Oh anong nangyari sayo? Ba't ka nakasimangot?"
"Ikaw kasi eh nakakainis! Sumama ka na kasi" sambit niya na parang isang batang nagmamakaawa sa magulang.
Heto na naman siya, kukulitin niya nanaman ako para sumama. May gaganapin kasing camp bukas dito sa school at tatlong araw kaming mananatili dito. Ilang beses na niya ako niyayang sumama pero tinatanggihan ko dahil hindi naman ako interesado sa mga ganyan.
"Ayoko." Maikling sagot ko sa kaniya.
Mas lalong sumimangot ang mukha niya at iniwasan ako ng tingin. Nagtatampo na yata.
"Hay, mag bestfriend ba talaga tayo? Please sumama kana Diana! Hindi ako papayagan ni papa kung hindi ka rin sasama." malunkot niyang sabi sa akin. Sabi ko na eh, magdrarama nanaman. Wala na talaga akong magagawa kundi ang pumayag na lamang.
Huminga ako ng malalim at pumayag na sa gusto niya. "Oo na, sasama na ako. Oh happy?"
Biglang lumiwanag ang mukha niya at napatili.
"Yieeee, the best ka talaga! Mag bestfriend talaga tayo!" masayang saad niya at pinisil-pisil pa ang pisngi ko.
"Tss.Baliw." bulong ko sa aking sarili at inirapan siya.
...
Ngayong araw magsisimula ang camping na gaganapin sa aming paaralan. Ang ibang estduyante ay nandoon na sa loob ng gymnasium kung saan gaganapin ang opening program samantalang ako kasalukuyan pa rin nakaupo sa waiting shed habang hinihintay si Cassie na dumating.
Sakto lang para sa kakailanganin ko ang mga dala kong karga at dala-dala ko rin ang librong nakuha ko nung nakaraan.
Mahigit ilang minutong paghihintay ko, dumating na rin si Cassie. Bumaba na siya sa taxi na dala-dala ang mga karga nito at naglakad patungo sa kinaroroonan ko.
"Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong niya nang makalapit na siya sa akin.
"Ay hindi, bago lang" sarkastiko kong sagot sa kanya at inirapan siya.
"Ay sorry na natagalan lang ng kaunti sa pag-impake. Tara na." aniya
Tumango na lamang ako at naglakad na kami papunta sa gymnasium.
...
Alas diyes na ng gabi ngunit nandito pa rin ako sa kung saan ako lagging tumatambay at dala-dala ko rin ang libro. Matapos kasi ang opening program at ang aming hapunan nagpaalam ako kay Cassie na lalabas lang ako kaya dumiretso ako dito upang basahin iyong libro.
Binuklat ko ang libro sa unang pahina at may naka-ukit dito na isang simbolo ata na 'di ko alam kung ano. Sa ibaba non ay nakasulat ang pamagat ngunit wala namang nakalagay kung sino ang sumulat nito.
Binuklat ko ulit ito sa kasunod na pahina. Binasa ko ang mga nakasulat dito. Tungkol ito sa isang babaeng miserable, malungkot at nag-iisa lang sa buhay. Gusto nia lang naman na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya at gantihan ang mga taong gumawa ng masama sa kaniya. Hindi ko na mabasa yung iba dahil nakasulat na ito sa kakaibang lengguwahe.
"Psst, D-Diana..."
Nakarinig ako ng mga kaluskos sa paligid at boses na tinatawag ang pangalan ko. Tumaas ang mga balahibo ko at hindi na lang pinansin iyon.
Unti-unti na akong tumayo sa kinauupuan at naglakad paalis habang bitbit ang libro ngunit patuloy ko pa rin naririnig ang kaluskos at boses na tinatawag ang pangalan ko.
"D-Diana...D-Diana"
Sobrang nanlalamig na ako at kinakabahan, kaya mabilis na akong tumakbo paalis doon. Sa sobrang kaba at bilis ko, hindi ko namalayang nahulog ko na pala ang libro.
"Sh*t!" napamura na lamang ako dahil don. Wala na akong magagawa kundi bumalik na sa dormitoryo at ipagbukas ko na ang paghanap sa librong iyon.
...
"DIANA!" bigla akong napabangon dahil sa sobrang lakas na sigaw.
"CASSIE! Ano ba?!" pabalik kong sigaw sa kaniya.
"Kanina pa kita ginigising! Kakain na raw kasi!"
"Mauna kana, maghihilamos lang ako."
Tumango siya at umalis na sa dormitory. Dumiretso ako sa banyo upang maghilamos. Pagbalik ko may isang papel akong nakita sa higaan ako. Pinulot ko naman iyon at binasa ang naka sulat doon.
"Mamayang gabi pumunta ka sa loob ng gubat. Makikita mo doon ang isang lumang building at sa ikalawang palapag matatagpuan mo ang librong hinahanap mo."
Sino naman kaya ang nagsulat nito. Kami lang naman ni Cassie at ang apat kong kaklase ang nanatili sa kwartong ito, tatanungin ko na lang si Cassie kung siya ang may gawa nito. Umalis nako sa aming dormitory at naglakad papunta sa gymnasium.
Pagkarating ko, nagsimula na silang kumain. Nakita ko naman ka agad si Cassie at nilapitan ito. Hinila ko siya palayo roon at kinausap.
"Cassie ikaw ba ang may sulat nito?" tanong ko sa kaniya at ipinakita ang papel.
"Ano naman 'yan? Hindi naman ako ang nagsulat niyan ah." sambit niya at nagsalubong pa ang kaniyang mga kilay.
"Ahh gano'n ba. Napulot ko lang kasi kanina sa higaan ko" sabi ko at ibinulsa ko na lang iyon.
"Sige baka wala lang ito. Tara na nga, nagugutom na ako." Niyaya ko na siya pabalik dahil gutom na ako.
...
Kasalukuyan kong hinahanap ang libro na nahulog ko kahapon. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa lugar kung saan ko maaring nahulog ang libro at hindi ko pa rin mahanap hanggang ngayon. Naisip ko ulit 'yong papel na napulot ko kanina. Nagdadalawang isip pa rin ako kung susundin ko ito o hindi. Wala na akong magagawa dahil dapat ko talagang mahanap ang libro dahil hindi sa akin yun.
Pumasok na ako sa gubat at naglakad patungo sa building na sinasabi sa papel.
Matataas ang mga puno at ang mga damo sa kagubatang ito. Sumapit na ang gabi kaya dumidilim na rin ang paligid. Nasa kalagitnaan na ako ng gubat at natatanaw ko na rin ang lumang building. Mabilis akong pumunta roon at umakyat sa ikalawang palapag.
Nakasara ang ibang silid at ang huli lang ang nakabukas. Pumasok ako ro'n at hinanap na ang libro. Nakita ko naman ito kaagad na nakapatong sa lamesa. Mabilis kong kinuha yon dahil natatakot na rin ako sa lugar na ito.
Bigla ako natigilan nang may isang babaeng umiiyak sa harapan ko. Sobrang dungis nito, duguan at punit-punit na ang kaniyang kasuotan. Nakatakip ang buhok niya sa mukha niya kaya hindi ko ito masyadong maaninag.
"T-tulungan mo 'ko...tulungan mo 'ko." nagmamakaawang sabi niya sa akin habang umiiyak.
"S-sino ka?" nauutal kong tanong sa kaniya.
"Tulungan mo 'ko...tulungan mo 'ko." Hindi niya sinagot ang mga tanong ko at pauli-ulit lang siya sa pagmamakaawa.
"Sino ka? Anong nangyari sayo?" pilit ko pa ring tanong sa kaniya.
Ngunit paulit-ulit niya pa ring sinasabi na tulungan ko siya hanggang sa palakas ng palakas na ang boses niya at humakbang siya palapit sa akin.
Palapit ng palapit siya sa akin. Takot at kaba ang biglang naramdaman ko ngayon.
Ilang hakbang na lang ang lapit niya sa akin. Hindi ko na natiis, sinugod ko siya at hinampas ng malakas. Natumba siya sa ginawa ko kaya nakahanp ako ng pagkakataon na makatakbo palabas.
Kung saan saan ako tumakbo para lang makalayo doon. Nakarating ako sa dulo ng kagubatan. Wala na akong matatakbuhan pa at isang bangin ang nasa harapan ko ngayon.
Lumingon ako sa likod, nahabol niya ako at nasa harap ko na siya ngayon. Ngumisi ito ng nakakaloko at naglakad sa kinaroroonan ko.
Humakbang ako ng paatras ng malapit na siya sa kinaroroonan ko. Isang hakbang na lang, mahuhulog na ako. Bigla itong tumakbo papunta sa akin. Pumapatak na ang mga luha ko, katapusan ko na ito.
Naramdaman ko na lang na tumama ang ulo ko sa isang malaking bato at biglang nagdilim ang buong paligid.
...
Nagkagulo ang buong tao sa paaralan dahil sa pangyayari. Dumating na rin ang mga pulis at sinuyod ang buong kagubatan. Nakita ko na dala-dala ng mga rescuer ang katawan ng isang babae.
Tumakbo ako palayo doon at humagulgol sa iyak.
"W-wala na... wala na si Diana" sabi ko sa sarili at umiyak ng umiyak. Lumapit sa akin ang isang grupo ng mga estudyante.
"Good job Cassie! You did it. You are now part of our group" sabi ng lider nila na si Wendy na nakangisi at agad silang umalis.
Humagulgol ako ulit sa iyak. Oo kasalanan ko... kasalanan ko ang lahat.
...
10 yrs. Later.
Naririto ako ngayon sa puntod ni Diana. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, lagi ko na siyang binibisita dito.
"Sampung taon na rin ang lumipas... Diana. Sariwa pa rin sa akin ang mga katangahan na ginawa ko sa iyo. P-patawad Diana...." Bulong ko sabay himas sa puntod nito.
Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang mga luha ko.
Ilang taon na nga ang lumilipas pero sariwang-sariwa pa rin sa akin ang mga pangyayaring iyon. Sobrang tanga ko pa noon. Pero pinagsisihan ko naman ang mga nangyari.
"Sana mapatawad mo na ako at matahimik na rin ang kaluluwa mo."
May tumatawag sa cellphone ko kaya kinuha ko ito. Pinahid ko muna ang mga luha ko at sinagot ang tawag.
"Mommy! Sunduin mo na po ako, uwian na naming!" sabi ng anak ko sa kabilang linya.
"Ok baby, wait for me. I'm coming." Sagot ko naman sa kaniya.
"Mommy! By the way. There is a girl who gave me a book, she said I should read it. The title is "Retaliate". I found it interesting so I received it."
Nanginig ang katawan ko sa narinig at humagulgol.
"D-Diana... not my daughter please..."
END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top