PKL: Walo

---x


Hi Daisy,

This is Raspberry, your bestfriend way back in highschool. If you're wondering why I know your email, my cousin, Ian, your colleague informed me. That twat, he really courted you yet turned down. I guess, we were still on the same page when it comes to commitment. I just want to say hello to you. It's been years since I haven't met you after you chose to say goodbye to us subtly but I understand your sentiments because I am too. We deserved a break in our life and a closure to ourselves. Staying away from others to contemplate more and have peace of mind, nothing to remind us of the days when we felt like we were going nowhere.

How are you now? We parted ways but I do still care for your good and I hope you're fine now, now that I knew from the last time that you're recovering. I just want you to know that I'm planning to visit you. I am all alone and you knew that I also lost contact with our acquaintances before, in case you're still not ready to face them. Expect me to come to your place next week and we will catch up for days!

Much love,

Raspberry L.

Hindi pa rin makapaniwala si Daisy na nicontact siya ng bestfriend niyang si Raspberry at maliit nga ang mundo dahil pinsan pala ito ni Ian. Baka naikuwento siya ni Ian kay Raspberry at napapailing na natatawa na lang siya ng lihim ng ikuwento pa nito ang pambabasted niya kay Ian. Hindi naman dinaramdam ni Ian iyon bagkus ganoon pa rin ang trato ng huli sa kanya. Mukhang di naman ito mababaw para magtampo nang matagal sa kanya.

Inayos niya ang mga test papers ng mga estudyante niya at nag-inat na matapos na i-record ang mga scores ng mga ito. Nakontento naman si Daisy sa resulta ng periodical test ng seniors.

Kanina pa ang uwian pero may mga estudyante pa rin sa labas, nakatambay at kung ano-ano ang pinaggagawa. Pawang galing sa isang payak na pamilya ang nag-aaral sa Singsing National High School kung saan siya nagtuturo sa asignaturang Araling Panlipunan at kung minsan nama'y Filipino.

Presko ang hangin sa probinsiya. Malamig sa mata ang mga berdeng lupain at kagubatan. Ang parteng iyon ng probinsiya ay sasadyain pa talaga at dadaan muna sa hilera ng mga puno't niyog o maliit na mga kagubatan bago makarating roon. Hindi naman gaano kaliblib dahil unti-unti nang nasesemento ang ilang daan roon. Buong buhay ni Daisy, nakatira siya sa siyudad at hindi niya alam kung titira pa ba siya roon. Kaydami na niyang alaala roon kaya't napangiti na lamang siya't naglipit ng mga gamit.

Nang matapos ay nagpaalam na siya sa faculty members at nakangiting umalis roon. Dinaanan niya ang isang punong santol nang may mapagtanto siya sa bungad ng eskuwelahan.

"Oh my god." Natutop niya ang kanyang bibig nang mamukhaan ang babaeng kausap ngayon ni Ian na nakatalikod sa kanya. Ikinurap-kurap ni Daisy ang kanyang mga mata upang makasiguradong hindi lang siya namamalik-mata. Katulad ng dati, maganda pa rin ito ngunit mas lalong tumingkad ang kagandahan nito. She's a full-grown woman now, just like her.

Nang makalapit ay napasinghap si Daisy nang makompirma na talaga niyang ito si Raspberry. She's wearing a floral dress and looked like she's a part of that province. Nakangiting kinawayan siya nito nang makita siya at halata na sabik na sabik sa kanya sa kislap ng mga mata nito.

"Rasps!" Daisy gleefully approached her and hugged her in excitement. Halos magtalunan na sila sa saya nang makita ang isa't-isa. "Grabe! Ang ganda-ganda mo ngayon! Akala ko talaga matatagalan ka pa sa pagpunta rito!"

"Why would I? I am too eager to see you. So, totoo ngang naging teacher ka talaga. I'm so happy for you." Niyakap siya nito pabalik at tinapik siya sa likod. She couldn't help but to chuckle and be proud of herself. Alam kasi nitong gusto niyang maging isang guro noong mga panahong akala niya ay wala siyang magagawang tama at angkop sa kakayahan niya o kung may kakayahan ba siya.

Sa sobrang tuwa ay bahagyang napaluha si Daisy at tatawa-tawang pinalis iyon. Mukhang ganoon din si Raspberry. "Nawala ka na lang bigla. Hindi na kita hinanap kasi alam kong you want space for your recovery," nang-uunawang ngumiti ito sa kanya.

"Thank you for understanding me. Alam mo namang ayokong mag-alala 'yung mga taong malapit sa puso ko. I knew you're still there even if we didn't contact each other." They have been apart for years but they looked they haven't. There are still closeness between. Halos hindi na sila magkahiwalay na dalawa.

"So, that's a sweet and happy reunion!" Nangingiting napalingon silang dalawa kay Ian na malawak na ngayon ang ngiti at mukhang masaya para sa kanilang dalawa. "To celebrate it, I will treat you to Daphne's Grills!"

Namilog ang mga mata ni Raspberry pagkarinig sa pangalan ng kainan. Daisy grinned at her and nodded. "Yes, it's the same person. And their food is great! Hindi ka magsasawa. Sikat na sikat sila dito sa 'min. Ano, sama ka?"

Daisy even held her hand to Raspberry. She happily accepted it and they walked, hand in hand, meeting the sun that was about to wave goodbye to them.

* * *

They were staring endlessly at the blue ocean in front of them and savored the warm salty breeze. Mahinang humahampas ang alon sa babang bahagi. Kapwa silang nakatayo sa ibaba, pinagmamasdan ang kumikislap na dagat.

"Ocean has been my refuge ever since. Kumakalma ako kapag pumupunta ako rito. Ang mga alon, ang asul na tubig, ang simoy ng hangin. Nakakagaan ng pakiramdam lalo na dito. Oo, may mga times na nami-miss ko ang siyudad. Ang city lights, ang ingay ng mga sasakyan, ang usok mula rito at ang mga lugar na dati kong pinupuntahan. The memorable ones." Sumilay ang isang maliit na ngiti sa mga labi ni Daisy, nakamasid pa rin sa payapang dagat. "Kaya nang ma-assign ako rito at nagkataong childhood town ito ni Papa. Lumipat na kami rito."

"The city is changing. May nadagdagan at di ko namamalayan na may pagbabago na pala. I was too preoccupied. I quit the corporate world because it's too hectic and sometimes suffocating. It's good to know that you can breathe freely here." Napabaling si Daisy kay Raspberry. "I was a bum for months. Pinag-iisipan ko ang next move ko."

Alam ni Daisy ang parteng ayaw nito sa kinuha nitong kurso pero nagawa pa rin nitong tapusin kahit may delay. Kapwa silang may delay sa kolehiyo. They spent their gap years to contemplate on their priorities in life.

"It's okay. Minsan talaga tatalikuran natin ang mga bagay na tingin natin wala na tayong growth. Kasi di 'yon ang passion natin in the first place," nang-uunawang sambit ni Daisy. "Iba talaga ano pag di masaya ang puso mo?"

"Tama ka nga. I applied in a non-government organization. A foundation to help underprivileged children in their education and needs. It's not really an orphanage but we help them in different aspects like safety and security and to help them get away from abuses. Hindi sana ako tatanggapin bilang isa sa mga financial staffs nila pero sinabi kong gusto kong makatulong by all means, not just merely a financial staff. They accepted me and now I'm working in them. Masaya sa pakiramdam na may goal ka, na nakikita mo ang fruit of labor mo. Not just merely accepting my pay." May ngiti sa mga labi ni Raspberry nang banggitin ang bago nitong trabaho.

"I know the feeling na ma-fulfill mo 'yung goals mo. Yung mga estudyante kong nahihirapan sa kanila, sinusubukan kong tulungan. May iba pa ngang kapalit niyon ay binibigyan nila ako ng prutas, gulay mula sa sinaka nila. Wala namang kaso sa 'kin na ma-delay yung suweldo dahil nakakaya pa rin naming kumain ng talbos ng kamote araw-araw. Wala akong pinagkakagastusan masyado. Yung suweldo ko e may bahagi niyon na para sa mga estudyante ko. Para ko na silang mga anak e," paglalahad niya rito. "I guess, pareho na tayong tinutulungan ang mga bata. Teenager sa 'kin. Sayo, mga kiddos."

"Wala pa akong day-off nang magsimula ako kaya dalawang araw akong nagpaalam na mawawala," bigay-paalam nito. Mabuti na lamang araw ng Sabado dahil masasamahan niya ito sa pagliwaliw sa probinsiya.

"Gusto mong magliwaliw tayo rito? Marami ka pang matutuklasan dito," yaya niya rito at nagtungo sa may palengke kung saan sila dumaan kanina. "Saan ka nga pala nagst-stay?"

"Sa isang guesthouse malapit lang rito. Gusto mong dumaan muna tayo roon?" Sinabayan siya nito sa paglalakad at nang makapasok sila sa palengke ay may mga taong bumabati kay Daisy. Kilala siya ng mga ito dahil tumutulong siya sa munisipyo pag may outreach program.

"The people know you. Still the sunshine here huh?" nakangiting puna ni Raspberry. Pumara sila ng isang tricycle at sumakay roon.

Noon kasi, binansagan siyang Miss Sunshine dahil lagi siyang nakangiti at masaya pero ang totoo niyon, sa kabila ng lahat ay may nakakubling emosyon na ayaw niyang malaman ng mundo.

* * *

"Ako si Shinoah Sagara. Labing-anim na taong gulang. Galing ako sa Evening class. Nakatira sa Tiyo ko, kapatid ng Mama ko. Ang inaasahan ko sa mga kaklase ko ay sana maging mabuti ang trato nila sa 'kin. 'Yun lang po."

Kulang na lang ay pasukan ng langaw ang bibig ni Daisy sa pagkanganga nang magpakilala si Shinoah sa harap ng mga kaklase nila. Natutop niya ang bibig niya at itinakip ang notebook niya sa kalahati ng mukha niya dahil baka nagtataka na ang mga classmates niya sa inaakto niya. Napabaling siya sa katabi niyang si Raspberry.

May mga subjects sila na sila ang magkatabi. Subukan mo ba naman paghiwalayin ang Luzano at Mako. Alphabetical kasi sila sa subject nilang Aral-Pan. Ang unang subject nila sa first day of class.

Matapos magpakilala ni Shinoah ay naupo na ito katabi ni Lirio na kaagad na tumayo. San Miguel at Sagara ang apelyido ng mga ito kaya bihirang paghiwalayin.

"Ako si Lirio San Miguel. Kaka-fifteen ko lang noong May. Nakatira ako sa mga magulang ko." May ibang natawa sa hirit ni Lirio. Napangiwi na lamang si Daisy. "I am expecting that my classmates would help me in terms of my bad study habits. 'Yun lang po."

'Kahit kailan talaga.' bulong ni Daisy sa sarili. Sa gilid ng mga mata niya ay napansin niyang natigilan si Berry sa upuan nito. Buti na lamang di niya kaklase sina Kei at Jin na malamang ay ibubugaw siya kay Lirio na ngayon ay malapit na kay Eden Sofia.

Oras ng vacant time nila at nasa canteen na naman si Lirio, kumakain.

Abala sa pagbabasa si Raspberry ng libro nito at tinamad magbasa ng araw na 'yon si Daisy kaya naisipan niyang istorbuhin si Lirio.

"Uy," bungad niya rito. Kasalukuyang nginunguya nito ang kinakain nitong camote cue. Malakas talaga kumain ang lalaki at animo'y laging gutom.

In-acknowledge naman nito ang pag-upo niya sa konektadong upuan sa mesa.

Dumukwang siya sa mesa at eksaheradong siningkitan ito ng mga mata. "May tanong ako." Nang hindi ito sumagot at tinaasan lang siya ng kilay habang kumakain ay napangisi siya.

"Maganda ba si Raspberry?" Sa sinabi niyang iyon ay inihit ito ng ubo at kaagad naman niyang iniumang rito ang baso ng tubig na tinanggap naman nito.

"Bakit tinatanong mo 'yan? Parang di mo alam na ang mga mata ko ay na 'kay Eden Sofia na," katwiran nito.

"Maganda ba si Raspberry?" pag-uulit niya. May kung ano talagang kahulugan sa pagkagulat ni Raspberry kung makatingin ito kay Lirio sa 'introduction' kanina. Pumukaw iyon sa kuryusidad ni Daisy dahil sa nalaman niya ay wala namang koneksiyon ang dalawa. Not even friends.

"Oo na. Maganda siya. Di naman sinungaling mga mata ko. Ba't mo tinatanong? Ikaw talaga, balak mo bang bugawin ang kaibigan mo?" Nangunot pa ang noo nito.

"Lirio." Naglaho ang pilyang ngiti ni Daisy nang marinig ang boses na iyon sa likod niya.

Nanlaki pa ang mga mata niya nang lumingon siya ay nakita niyang nakakunot ang noong nakamasid sa kanila si Shinoah. Unti-unti siyang tumayo sa nerbiyos. Sandaling hindi siya mapakali kung anong gagawin.

"Alis na ako, Lir," paalam niya kay Lirio na ikinapagtaka nito. Para siyang nakakita ng multong nagtatakbo patungo sa kinaroroonan ni Raspberry na hindi na nagbabasa. Malamang magtataka ang dalawang lalaki kung bakit ganoon ang inakto niya.

"Anong nangyari? Para kang nakakita ng engkanto," puna nito sa kanya, kalmado pa rin ang ekspresyon sa mukha. Nanghihinang napaupo siya, sa bench katabi nito.

"Para akong nag-marathon. Grabe, di ako makapaniwala. Ang liit talaga ng mundo," sambit niya.

Hindi umimik si Raspberry.

* * *

Dalawang linggo nang nagsimula ang klase nila ngayong third year highschool na sila. Kapwa nasa plant circle nakaupo silang dalawa ni Berry, pinagitnaan nila ang tote bag na may lamang pre-loved books na binili nila noong nakaraang araw. Nagkasundo silang dalawa na salit-salitan na basahin iyon. Mabuti na lamang ay magaan lang ang mga assignments ngayong kakasimula pa lamang ng klase.

"Ikaw na lang magtago ng mga libro, Berry. Mahirap sa bahay namin kapag umuulan. Baka mabasa lang ang mga 'to. Sayang naman. Okay lang sa 'yo?" tanong niya kay Berry.

"Ayos naman sa bahay namin. May mga estante ako doon sa kuwarto," sang-ayon ni Berry.

Nagkukuwentuhan silang dalawa sa mga librong pinili nila na pawang thriller, horror at mystery nang makarinig sila ng kung anong komosyon di-kalayuan.

Nakapaligid sina Lirio at Noah kay Shawn na may kasagutang estudyante na ka-batchmate nila base sa ID lace. Katabi lang ng mga ito ang bench kung saan nakatambay sina Lirio at Noah. Kung bakit biglang nandoon na si Shawn ay hindi alam ni Daisy.

"Napikon na naman ba 'yung SSG treasurer natin? Sino na naman ba 'yan?"

"Baka nga? 'Di natin alam. Katakot magalit ni Guillermo."

"Umiiwas nga ako sa kanya dahil dumidilim yata ang paligid pag andiyan siya."

Nagtawanan ang mga estudyanteng nag-uusap sa kabila ng tensiyon ng tatlo. Napansin ni Daisy na naging mabalasik ang mukha ni Noah na siyang pumutol sa argumento ng dalawa. Nang magsimula na itong magsalita ay umatras at umalis ang naturang estudyante na kasagutan ni Shawn. Seryuso rin ang ekspresyon sa mukha ni Lirio.

"Sino 'yan? Isa pang nakakatakot na nilalang?"

"Si San Miguel lang ata ang napadpad sa kanila."

Usap-usapan ng mga estudyante. Nanatiling nakamasid si Daisy sa pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Noah. Seryuso na naging malamlam ang mga mata na tinapik sa balikat ang nakakunot-noo pa ring si Shawn. Naisip niya na makibalita kay Lirio mamaya, kung makakasabay niya ito sa uwian.

"An unlikely friendship," komento ni Berry na nagkibit-balikat lang at balewalang binuklat ang libro na tinatapos nitong basahin.

"Sila na lang ata ang hindi maghihiwalay, Berry. Second year pa sila na magkasama lagi kahit na evening class 'yang si Sagara." Nahihiya pa si Daisy na gamitin ang first name nito kaya apelyido na lang lagi ang binibigkas niya.

"Nagkakasundo naman sila." Berry's eyes were still on the book's pages.

"Sa tingin mo? Ang ingay-ingay kaya niyang si Lirio. Nataon pa siya sa suplado at tahimik. Buti natitiis nila ang kakulitan ni Lirio," ani Daisy na namili ulit ng mga librong babasahin niya sa tote bag.

"Natitiis mo naman ang kakulitan niya, di ba?"

"Oo. Ikaw?" tanong niya. "Natitiis mo ang mga maiingay na tao?"

"Nakakarindi sila," prangkang pahayag nito.

Natawa tuloy si Daisy dahil tila tumalas ang mga mata ni Berry. Napansin na niya na tuwing maingay ang klase ay nasa sulok ito at nakikinig ng music sa earphone nito na nakasaksak sa walkman. Katwiran pa ni Berry, kung maingay man, ay iyong may coordination at di masakit sa tainga gaya ng musika. Napapansin niya na napapakunot-noo ito tuwing makulit at maingay si Lirio lalo na pag may katakbuhan sa classroom. Mababakas ang iritasyon sa mukha ni Berry kapag nagtagal.

"Masasanay ka rin. Bagay rin naman ipares ang maingay at tahimik. May makikinig at may magsasalita. Sa kaso ko, natutuwa naman ako kay Lir, sadyang istorbo lang siya minsan sa pagbabasa ko."

"Ayokong naiistorbo ako sa pagbabasa," anito, kalmado pa rin.

"Mismo. Teka, ano ba dito ang uunahin ko? Itong horror o mystery?"

"Mamayang gabi ka na magbasa ng horror." Seryuso pa ang mukha nito nang sabihin iyon.

"Horror talaga? Ito?" Itinaas niya ang libro na itim ang cover. "Ayoko nga. Babangungutin pa ako sa tulog ko."

"Ang tanong, makakatulog ka ba?" Nginusuhan niya ito na bahagyang napangiti na lang sa suhestiyon nito. Trip lang ata nitong takutin siya.

"Alam mo, kapag ngumiti ka nang madalas, tiyak na maraming magkaka-crush sa 'yo. Pag seryuso at kalmado mukha mo, lalo na pag nasalubong mga mata mo, daig pa nila ang nadaanan ng malamig na hangin."

"Crush?" Napailing lang si Berry, naniningkit ang mga mata. "I don't entertain those things."

"Those things ka d'yan? Eh, nambasted ka kahapon ng harap-harapan sa library—" Napahawak ito sa braso niya para pigilan siya sa pagsasalita. Umalingawngaw tuloy ang halakhak ni Daisy pagkat natuwa siya sa reaksiyon ni Berry na nandidilat ang mga mata sa pagiging madaldal niya sa sandaling iyon. She even stepped backwards and waved the book in her hand. "Itsura mo oh! Alam mo, awang-awa ako d'on. Parang ano . . . tuta."

"Hindi nakakatuwa, Daisy." Naniningkit ang mga matang wika ni Berry ngunit patuloy pa rin siya sa pagtawa, nakatakip ang kamay sa bibig.

* * *

"Buwisit. Nagtatanong lang ako nang maayos. Sasagutin ako nang pabalang. Magsama sila ng lintik at hinayupak niyang Kuya na napakaduwag," himutok ni Shawn, kumukuyom ang mga kamay. Inakbayan ito ni Lirio at niyugyog nang kaunti.

"Inhale. Exhale. Relax lang tayo. Tayo ang talo kapag nagpadala tayo sa init ng ulo. Yes, it was unfair for Gia but we can't do anything about it. The least we can do is to check her out from time to time," Lirio reminded Shawn which made him calm for a bit.

Maging si Noah ay nabadtrip sa kung paano sila sagutin ng kapatid ng Kuya'ng nanakit kay Gia. Ito pa ang may ganang magalit sa kanila. He threatened that guy to be careful with his words because it could be used against his brother, their family and that his older brother can be sued for neglecting his responsibilities. Sa takot nito sa kanya na masama na ang timpla ng mukha ay lumayo na ito bago pa magdilim ang paningin niya. That's why Shawn almost couldn't control his anger.

"Madali nilang takbuhan ang sitwasyon at sabihing wala silang kinalaman doon pero mahahatak sila mismo ng mga ebidensiya," sabi ni Noah. "Tama si Lirio, sa ngayon, kailangan ni Gia ng suporta."

"It was worse last year because she's the talk of the town in their batch. A scandal for them," ani Shawn.

"Hindi nila alam ang buong istorya." Sukat sa sinabi niya ay nahagip ang mga mata niya sa tumatawang dalaga sa may plant circle. Iignorahin na sana iyon ni Noah kung hindi lang iyon si Daisy. Nakatakip ang kamay nito sa bibig nito sabay turo ng libro sa kaibigan nitong masama na ang tingin rito, na nakaupo lang sa plant circle.

"Nababaliw na naman po siya," Lirio exclaimed and chuckled when he noticed too. "Ganyan lang talaga si Daisy. Mababaw lang kaligayahan."

Nagulat na lamang sila na nasira ang librong hawak nito at natanggal ang cover. Ngunit tatawa-tawa pa rin nitong pinulot ang librong nasira. Ang kaibigan naman nito ay napapabuntong-hininga kay Daisy.

"Pagpasensiyahan n'yo na. Mukhang gutom lang siya. Yayain ko na lang kumain. Dito lang muna kayo." Umalis na sa pagkakaupo si Lirio sa bench at tumakbo palapit kay Daisy na pinagsiklop na ang mga kamay sa harap ng kaibigan nito. Humihingi ng tawad? Sa aktong iyon naabutan ito ni Lirio na mahinang binatukan ng huli. Gumanti naman nang mahinang hampas si Daisy.

"Nakangiti tayo ah." Nakalimutan ni Noah na nasa paligid lang si Shawn kaya naglaho ang di niya namalayang ngiti.

Kung sana'y may lakas na loob siyang lapitan si Daisy. Naupo na lang siya sa tabi ni Shawn na pansin niyang nakamasid sa kaibigan ni Daisy. Dumako ang mga mata roon ni Noah at nakita kung paano napasimangot ang kaibigan nito nang kuyugin ni Lirio sa canteen si Daisy.

"Selos?" Shawn chuckled when he said that.

"Ayaw niya kay Lirio," Noah confirmed.

Tumawa lalo si Shawn.

"So tell me, bakit maganda ang ngiti natin kanina?" pang-asar nito. Parang trip niya itulak ito sa bench ngunit nanatiling kalmado ang mukha niya.

"Gutom lang ako. Tara, canteen. Sa kabila," yaya na lang niya rito bago pa ito mag-usisa pa lalo.

* * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top