PKL: Sampu

----x

Bukas pa siya uuwi sa Balamban at doon muna siya mananatili sa Berntsen's Residence na tahimik na ngayon. Tahanan niya tuwing bakasyon at gusto niyang mapag-iwanan imbes na sumunod sa probinsya sa Mindanao at sa mga pagkakataong gusto niyang magpalamig muna ng ulo. Naupo siya sa mahabang sofa at niyakap ang isang unan na nakapuwesto roon. Nakahilera sa built-in shelves ang mga librong pagmamay-ari ng kanyang Tita na nanatili na lang doon sa kagustuhan na rin ni Kuya Jerome, ang pinsan niya.

Ang daming alaalang nakapaloob sa bahay at kung afford niya ang hotel sa sa isang lingo ay tiyak na magche-check in siya ngunit hindi niya ginawa. Himbis na maglibot sa village ay nasa loob lang siya ng bahay. Baka kasi may makasalubong siya at hindi pa siya handa roon kung sakali. She didn't know how to handle it especially when her emotions took over.

Mahina siyang napabuntong-hiniga at nilapitan ang built-in shelves sa pader. Nakaangat iyon at madali lang maabot. Naglandas ang mga daliri niya sa spine ng mga libro doon. Halos pareho lag sila ng book choices ng Tita Emerald niya at napangiti na lang siya nang maalalang isa sa mga dahilan niya kung bakit bumibisita siya roon ay dahil may instant library si Tita Emerald.

May nahagip ang mga mata niya. Maliit na libro at nakasingit lang sa pagitan ng dalawang makakapal na libro. Kinuha muna niya ang isang makapal na libro bago kunin ang maliit na libro saka binalik sa estante ang makapal.

"Bakit nandito ito? Hindi ko nasauli?" pagtataka niya na bakas ang sorpresa sa mukha.

Bumalik siyang muli sa sofa at pinakli ang mga pahina ng libro. Natutop niya ang bibig niya nang makitang may nakaipit roon. Isang tinuping papel na manilaw-nilaw na sa luma.

Art of War by Sun Tzu.

Acting with integrity is a rich resource for warriors. Trust is a distinguished reward for warriors. Those who despise violence are warriors fit to work for kings.

Napatitig na lamang siya sa may-ari ng sulat-kamay na iyon.

---x

Alas dose pasado na at hindi na siya nakaabot sa oras ng afternoon session. May biglaang aberya sa bahay nila kanina kaya matagal siyang nakapunta sa eskuwelahan. Nang maalala ang naiwan niyang alalahanin sa bahay ay hindi niya maiwasang mapasimangot.

Oras na ng klase at wala nang estudyanteng nagpakalat-kalat sa labas ng classrooms. Mukhang bukod-tangi lang siyang nakatambay sa karinderya ni Aling Toni. Isang maliit na karinderya sa loob ng campus at nasa gilid lang ng TLE Girls. Ito ang unang beses na hindi siya pumasok sa klase niya at buti na lamang ay wala siyang nakuhang reklamo kay Aling Toni na tahimik lang na nagluluto. Halata ba talaga sa mukha niya ang distress? Ayaw din naman niyang manatili nang matagal sa bahay dahil mas lalo siyang mag-iisip sanhi na lalo pang sasakit ang kanyang ulo.

Kinuha na lang niya ang librong binili niya sa isang mumurahing bookstore mula sa bag niya. Dumako ang mga mata niya sa guhit ng kanyang braso. Namumula iyon at mahapdi. Mula sa kaguluhan kanina.

"Mako?" Napapitlag siya nang may tumawag sa pangalan niya. Kilala niya ang boses. Nang lingunin niya ito ay ganoon na lamang ang gulat niya nang makompirmang si Noah ito. Gaya niya ay mukhang hindi rin pumasok sa afternoon session nila sa RSD. Nagulat rin ito nang makita siya doon.

"Sagara?" maang niya.

"Nag-cut ka?"

"Ikaw rin?"

"Teka, kararating ko lang dito." Bumakas ang kalituhan sa mga mata nito at naupo sa katabing stool. Pinuwesto nito ang bag katabi sa bag niya at iyon ang naghihiwalay sa kanilang dalawa sa naka-extend na kahoy na nagmistulang mesa na nilang kumakain doon.

Pumatlang ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang dalawa at si Daisy ang nakabawi, natatawa sa nadiskubreng sitwasyon nila. Pareho lang silang ngayong hapon na nakarating sa klase at himbis na dumiretso sa RSD ay tumambay lang sa karinderya ni Aling Toni.

"Kayong dalawa. Mga pasaway talaga, nagplano ba kayo na hindi papasok ha at sabay na kakain rito?"

"Ho?" maang nilang dalawa. Mas malakas ang boses ni Daisy na nagulat talaga sa sinabi ng ale kaya natawa na lang tuloy ito sa kanilang dalawa.

"Hindi ho." Si Noah ang unang nakabawi.

"Classmates kayo?"

"Opo, Aling Toni." Siya na ang sumagot at napansin niya ang makahulugang ngiti nito ngunit pahapyaw lang kasi tumalikod na ito at inaasikaso ang niluluto nitong sopas.

"Pabili na lang po ng sopas, Aling Toni. Sa mangkok na lang po ilagay. Ikaw, Mako?" baling nito sa kanya at ewan niya kung bakit hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito.

"Isa rin po, Aling Toni. May patis po?" Um-oo lang ang ale at napangiti na lang si Daisy nang magsabi ito na isa siya sa mga estudyante na ang hilig maglagay ng patis sa sopas.

Nanatili lang silang tahimik ni Noah habang hinahanda pa ni Aling Toni ang sopas. Nagkasya na lang si Daisy sa pagtingin sa mga halaman na nasa paso. Ang mga halaman ay nasa loob lang ng karinderya na mistulang mga dekorasyon doon. Kahit nandoon ang atensiyon niya ay aware siya sa presensiya ni Noah sa tabi niya na hindi na niya nililingon. Marahil nahihiya siya sa kaalamang nahuli siya nitong masasabi na ring nag-cut ng klase pero patas lang naman silang dalawa. Kung ano ang dahilan nito kung bakit hindi ito pumasok ay wala siyang ideya. Sa parte naman niya, wala siyang gana pumasok at baka wala rin ang utak niya sa klase dahil magulo ang estado niyon sa ngayon.

Nang ibaling niya ang tingin kay Noah ay nagkagulatan na naman silang dalawa. Siya, nahuli itong nakatingin sa kanya. Ito na nahuli sa ginawa nito. Ngunit hindi iyon ang pinagtuunan  ng pansin ni Daisy, kungdi ang nakita niyang pasa sa gilid ng panga nito. It was not obvious at first because the shadows from the leaves hid it.

"Anong nangyari d'yan?" Tinamaan siya ng hiya nang mapansin niyang nakalapit na pala ang mukha niya sa mukha nito. Naiyuko tuloy niya ang ulo niya nang bahagya.

"Wala 'to." Sa pagkakataong iyon ay inilapag na ni Aling Toni ang dalawang mangkok na may umuusok na sopas ang mesa. Si Noah ang nag-alis ng bag nito at itinabi sa kaliwa nito maging siya man ay itinabi ang bag sa kanan niya. Ito ang nag-abot ng kutsara nilang dalawa maging ang lagayan ng patis. Nagpasalamat siya matapos tanggapin ang mga inabot nito at nagulat siya nang hawakan nito ang braso niyang may sugat. Nangunot ang noo nito.

"Bakit hindi ito nagamot?"

"May pasa ka rin naman. At saka wala lang ito ano. Alam mo 'yung pagkakataon na hindi mo alam na nasugatan ka na pala? Ito ang nangyari." katwiran pa niya ngunit may katotohanang itinago niya mula rito at tiningnan lang siya nito na parang binabasa ang mukha niya.

Ang sagot niya ay kagaya lang naman sa sagot nito noong una. Duda siyang may nangyari rito ngunit ayaw lang nitong ikuwento at hinayaan na lamang niya sapagkat pareho lang naman silang dalawa. Hindi na umimik si Noah at ibinaling ang atensiyon sa sopas. Ganoon din siya.

Tila ba nagkaroon sila ng mundo na sila lang ang nakakaalam. Ang tahimik na karinderya at pagpapahinga na ngayon ni Aling Toni sa upuan nito, nakapikit. Ang paglilim ng mga dahon sa kanilang dalawa mula sa isang nakatirik na puno di-kalayuan.Ang tahimik nilang pagnamnam sa mainit na sopas. Maaliwalas rin ang panahon, di gaanong mainit, di gaanong malamig. Tama lang.

May ideya man sila sa isa't isa kung bakit sila nandoon ay sinarili na lamang nilang dalawa. Komportable na sa ganoon kasimpleng eksena ang meron sila. Walang balak mag-ungkat kung bakit mas pinili nilang tumambay roon imbes na pumasok sa klase.

"Nakita kita noong isang araw. Namamaga ang mga mata mo. Umiyak ka ba?" Muntik pa siyang masamid nang basagin nito ang katahimikan. Inalala niya ang araw na napaiyak siya at natawa.

"Naku, ang babaw nga e. Dahil lang iyon sa binasa ko ano. Ang lungkot ng ending e. Hindi ko matanggap na ganoon ang nangyari. Malungkot. Masakit lang isipin na sa namuong koneksiyon sa mga characters ay magtatapos na lang. Children's book na nadiskubre ko lang sa library." Ang totoo, hindi naman talaga ang kuwento ang iniyakan niya kung hindi ang realisasyong nakapaloob sa kuwento.

"Nangyayari rin naman 'yan sa totoong buhay." anito at na-curious yata sa lasa ng sopas ni Daisy na may patis kaya nilagyan na rin ng binata ang sopas nito. Lihim na napangiti si Daisy. Ang cute lang kasi tingnan nito.

"Pero kahit na, ang unfair lang na ganoon nga. Wala na rin bang karapatan ang taong sumaya? Ewan, kapag naalala ko ang huling bahagi ng kuwento, nalulungkot ako kahit na ang babaw minsan na magsentimyento sa libro."

Marahan itong natawa sa pagsentimyento niya. "Kaya nga may tag-ulan at tag-araw dahil hindi sa lahat ng oras ay naambunan ang tao ng init. Ang importante, sa likod ng kalungkutan ay nandoon pa rin ang halaga ng samahan nila, di ba?"

"Hindi mo naman binasa iyon e bakit parang alam mo ata?" takang tanong ni Daisy. "Masakit lang kasi isipin na nasasalamin rin sa totoong buhay ang mga nangyari sa librong binasa ko. Naisip ko, kung ako ang nasa posisyon ng character, tiyak na magdadalamhati rin ako sa panahong kasama ko ang tao at mahalaga sa 'kin. Tapos mawawala pala ng habang-buhay."

"It's like crossing fiction to reality. May mga eksena mang malabong mangyari sa totoong buhay ay may makukuha pa rin ang isang reader sa libro. Iba-iba ang perception ng tao doon." wika nito't may kinuha mula sa bag nito. Isang libro at nang makita niya ang title ay nagtaka siya. Napansin ni Noah ang judging expression ni Daisy kaya napangiti na lamang ang binata.

"Art of War. Luma na ang librong ito. Naiwan lang ng isang customer sa hardware. Itinago ko muna hanggang sa hindi na nga binalikan ng may-ari. Sayang naman kung itatapon lang kaya inako ko na lang. Binasa ko. Ipahihiram ko sa 'yo." Inilahad nito sa kanya ang libro. "Masasalamin sa totoong buhay ang mga nakasulat. Hindi lang sa giyera."

Maingat na tinanggap niya ang libro dahil baka mapunit niya ang cover niyon. Sun Tzu ang nakapangalang author ng libro.

"Hindi 'yan novel." dugtong nito. "Pansin kong mahilig sa mga kuwento pero hindi 'yan."

Ang pagkakaiba nilang dalawa. Reader man ito ay mga libro namang pawang non-fiction at informative books. Kaibahan sa mga book choices niya.

"Teka." Binuksan niya ang bag niya at hinanap roon ang isang librong nabili niya at tapos na rin niyang basahin. Librong pinili niya noong naghahanap sila ng libro ni Raspberry sa isang bookstore na maraming pre-loved books. Inilapag niya ang libro sa mahabang mesa sa harap nilang dalawa. "Heto. Children's book ulit. Fairytale at sa tingin ko e alam mo na ang tungkol sa fairytale na 'yan."

Napatingin ito sa libro. "Alice in Wonderland?"

"Pero kapag di mo nagustuhan. Puwede mo namang ibalik sa akin." Saka lang niya napansin na lumalamig na ang sopas na kinakain nila dahil sa pag-uusap nilang ito.

"Okay lang." May maliit na ngiti sa mga labi nito nang tanggapin ang libro at inilagay sa bag nito.

"Uhm, nabanggit mo ang hardware kanina. Anong meron doon?" usisa niya.

Nagkibit-balikat lang ito. "Nagtatrabaho ako roon."

"Bakit kailangan mong magtrabaho?" Bakas ang kuryusidad sa mga mata ni Daisy at tila kumikislap pa ang mga mata nito. O baka dahil lang sa sinag ng araw na tumama sa mukha ni Daisy.

Lihim na napailing-iling na lang si Noah sa kanyang sarili.

---x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top