PKL: Lima
----x
"Sinong may sabing tutuloy 'yan sa pag-aaral? Sa dami ng gulong napasok niyan sa eskuwelahan, Antonio. magiging highschool na sa susunod na pasukan ang panganay natin. Mahihirapan tayong itaguyod ang dalawa."
"Hindi ka ba naaawa sa bata, Martha? Patitigilin mo sa pag-aaral? Paano ang buhay ng anak ko kapag hindi siya nakapagtapos? Magiging kagaya natin siyang hirap maghanap ng trabaho."
"Nasaan ba ang nanay niyan? Siya na magpaaral sa bastardo mo!"
"Martha! Sumusobra ka na!"
Napakislot si Shinoah nang maalala ang pag-aaway ng tatay niya at ang kanyang madrasta. Noon pa man ay ayaw sa kanya ng asawa ng tatay niya bagkus pinapakisamahan niya pa rin dahil doon siya nakatira sa pamamahay ng tatay, ngunit paglipas ng mga araw ay tila mas lalong naging mainit ang ulo nito sa kanya.
Paminsan-minsan, hindi siya umuuwi ng bahay at sa labas na lang matutulog dahil masakit na para sa kanya na marinig mula sa mga ito na wala siyang kuwenta at produkto lang siya ng pagkakamali. Kung minsa'y tumutuloy siya sa ina niya na malayo ang bahay mula sa siyudad, ngunit maging ito man ay tila wala ng pakialam sa kanya dahil may sarili na itong pamilya.
Kaya lang naman siya napapasok sa gulo ay pinagtr-tripan siya ng mga kaklase niya sa klase at pinaparatangan ng mga bagay na hindi niya ginawa. Nasuspinde siya dahil nahuli siyang may dalang maliit na kutsilyo na sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang dala at sa sobrang galit niya dahil na-set-up lang siya ay nakipagsuntukan siya sa labas ng eskuwelahan noong uwian. Ikinaiinis ng mga ito ang hilatsa ng mukha niyang maangas raw at tila ba naghahanap ng away.
Idagdag na isa siya sa mga kaklase ng mga itong hindi mahilig makisabay sa gimik ng mga ito. May isang beses pa ngang nakita niyang may pinagpapasahan ang mga itong bawal na gamot.
Sa katunayan, hindi pa gumagaling ang sugat at pasang natamo niya mula sa mga ito. Wala siyang matuluyan noong gabing 'yun kaya nagmensahe siya sa pager ng kaklase niya na makikituloy siya sa bahay nito ngunit itinaboy lang siya ng mga magulang nito. Ayaw ng mga itong may palamunin at nagkataong hindi maganda ang sitwasyong nadatnan niya. Nag-aaway ang mga magulang ng kaklase niya.
Ikinurap-kurap ni Noah ang mga mata niya't mariin iyong ipinikit, sandali iyong humapdi ngunit pinigilan niya ang sarili. May mga ilang tao pa namang dumadaan sa gilid ng kalsada kung saan siya nananatili muna. Ayaw niyang kaawaan siya ng mga ito kapag nakaramdam ng mga itong bibigay na ang mga emosyon niya anumang sandali.
Malalim na ang gabi at hindi alam ni Noah kung saan siya pupunta. Panay lang ang lakad niya papalayo sa bahay nila at wala siyang eksaktong destinasyon. Dala-dala niya ang gamit niya sa eskuwelahan maging ang mga gamit niya sa bahay.
Sa murang edad, sanay na sa ganoong estado si Noah at sinisikap niyang buhayin ang sarili sa paraang alam niya. Rumaraket siya, nagpapautos at nagpapabayad sa mga kapit-bahay nila upang may pantustos siya sa pag-aaral niya. Nagdadabog ang madrasta niya kapag ibinibigay nito ang baon niya. Minabuti na lamang niyang hindi manghingi.
May tumulong tubig sa pisngi ni Noah. Naitaas niya ang mga kamay niya upang di mabasa sa biglaang pagbuhos ng ulan. Para siyang daga na hindi alam kung saan susuling, naghahanap ng masisilungan. Basang-basa na siya ng ulan nang makasilong na siya sa isang waiting shed at maupo sa sementadong upuan roon. Pangalawang araw na niya bukas sa suspension niya at kulang ang natitirang barya niya para makapunta sa bahay ng kanyang ina. Piniga niya ang dulo ng suot niyang sando at napahawak sa kanyang tiyan na biglang kumalam. Hindi pa kasi siya nakapag-hapunan.
Napabuntong-hininga na lamang si Noah habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan, ang pagdaloy ng mga tubig sa kanal at ang patak nito galing sa bubong ng waiting shed. Umihip ang malamig na hangin at bago pa siya lamigin lalo ay pinalitan na niya ng t-shirt ang basa niyang sando. Ipinuwesto niya ang dalawa niyang bag sa bandang ulunan niya at humiga roon. Naglakbay ang isip niya kung doon pa rin siya bukas at ipinikit na lamang ang mga mata. Bukas na lang niya aalalahanin iyon.
Iminulat ni Noah ang mga mata niya nang gisingin siya ng isang security guard na bantay ng isang grocery store di-kalayuan sa waiting shed. Pinapauwi na siya nito sa bahay nila o sa bokabularyo ni Noah, tinataboy siya nito dahil di kaaya-ayang tingnan na may isang batang tumatambay sa waiting shed. Sa sitwasyong iyon siya naabutan ng naging katunggali niya sa Intrams. Bumaba ito sa isang sasakyang nakatigil sa gilid ng kalsada at nakauniporme ito, halatang patungo na sa eskuwelahan nila.
"Kilala ko po siya, Sir." seryusong sabi nito sa security guard na tumango lang at iniwan na silang dalawa. Yumuko siya at dinampot ang mga bag niya. Isinabit niya ang mga iyon sa magkabila niyang balikat.
"Kagabi pa kita nakitang natutulog rito. Naglayas ka sa inyo?" usisa nito sa kanya. Hindi umimik si Noah at nanatili lamang nakipagtagisan ng tingin kay Lirio na napapakunot na ang noo. Pagkatapos ng Intrams, nagyaya itong mag one-on-one sila para mapatunayan kung sino ang mas magaling sa kanila at nanalo siya rito. Lumapit ito sa nakatigil ng sasakyan na binubusinahan na ng ibang sasakyan para makaraan. Sinenyasan ni Lirio si Noah na pumasok ng sasakyan at saka iyon binuksan. "Pasok ka," yaya nito sa kanya.
Nagtataka man, atubiling pumasok ng kotse si Noah dahil ayaw niyang masita ang sasakyan nitong humarang na sa ibang sasakyan sa kalsada. Magkatabi silang dalawa sa passenger seat at yakap-yakap niya ang isang bag niya samantalang nasa gitna naman nila ang isa pa niyang bag.
"Dumiretso na tayo sa bahay, Manong," kausap nito sa driver ng sasakyan.
"Pero may klase ka pa, Lirio," sabi ng driver. Umiling lang ang binatilyo.
"Papasok po ako sa tanghali na. Sige po, sa bahay na," giit nito. "Kaibigan ko po siya. Si Shinoah," dagdag pa nito na parang sigurado ito sa sinasabi nito gayong bagong magkakilala lamang sila at hindi pa maganda ang impresyon noong una dahil magkaaway sila sa laro.
Sa gilid ng mga mata ni Noah, alam niyang matiim itong nakamasid sa kanya, naghihintay na magsalita siya. Napabuntong-hininga na lamang siya. "Saka ko na sasabihin," usal niya rito at napatango-tango na lamang ito hanggang sa umani ang mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Pigil ang mangha ni Noah nang tumigil ang sasakyan sa isang malaki at magarang bahay at hindi siya nagkakamaling may-kaya ito base sa obserbasyon niya rito noong Intrams.
Tinanong pa siya nito kung kilala niya si Daisy, ang babaeng nasubsob sa paanan ng korte nang magkagulo ang mga manonood. Hindi kasi niya napigilan ang sariling lapitan ang naturang dalaga at bitiwan ang bola para tulungan ito ngunit tinakbuhan lamang siya ng huli sa gulat niya. Sinabi niya kay Lirio na hindi at gusto lang niyang tulungang makatayo ito, ngunit sa isang bahagi ng utak niya, sumigla siya lalo sa paglalaro dahil muli niyang nasilayan ang maamong mukha ni Daisy. Daisy pala ang pangalan nito. Bagay rito.
Tinapik siya ni Lirio bagay na nagpabalik sa kanya sa reyalidad at niyaya siyang pumasok sa bahay nito. Walang tao sa bahay maliban lamang sa isang katulong nito at si Manong Albert. Nagtataka tuloy siya kung bakit sa Abellana National School ito nag-aaral gayong kaya naman nitong mag-aral sa pribadong eskuwelahan at isa pa, politiko ang ibang kamag-anak nito. Matunog ang San Miguel sa siyudad nila.
Inilapag nito ang pitsel at isang baso saka ito nagsalin ng tubig roon. Inalok siya nitong uminom at agad naman niyang tinanggap ang baso. Napabuntong-hininga na naman siya at nanlulumong sumandal sa sofa. Mukhang hindi ito ang tipong ipinipilit ang gustong malaman nito ngunit naghihintay lamang itong magsalita siya.
Wala sa oras na napakamot siya sa likod ng tainga niya.
"Tama ka. Naglayas nga ako sa 'min. Ang totoo, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naabutan kong nagtatalo sila tungkol sa pag-aaral ko at gusto ng madrasta kung titigil muna ako. Hindi na kasi nila kayang pag-aralin ako kasabay ng kapatid ko sa susunod na pasukan. Nagalit ako kaya umalis ako. Hindi ito ang unang beses na naglayas ako sa sama ng loob." Itinuro niya ang mukha niyang may pasa sa pisngi at putok na labi. "Na-suspend ako ng tatlong araw dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa at nagalit sila doon. Ngayon, pinag-iisipan na nilang tumigil ako."
Umayos ng upo si Lirio sa narinig, umawang ang singkit nitong mga mata, hindi makapaniwala. "Te-teka, nasaan pala ang nanay mo? 'Yung biological mother mo?" tanong nito.
"Nasa Conso. May ibang pamilya na siya. Ayokong makaistorbo at isa pa, wala akong sapat na pamasahe para makapunta doon." Napasapo siya sa gilid ng labi niya nang humapdi iyon ng konti.
"That's unfair," komento nito at sumimangot. "Hindi ka nila bastang patigilin ng pag-aaral. Pagtra-trabahuin ka nila? Responsibilidad ka pa rin ng tatay mo kahit nahihirapan siyang itaguyod ka."
"Ayaw ko rin namang pumayag sa gustong mangyari ng madrasta ko. 'Yun na nga lang ang natatangi kong pag-asa para umahon tapos pagkakaitan pa ako," mariin niyang sambit, tumitiim ang bagang at naikuyom ang kamao.
May pagkakataong nilalamon ng mga hinanakit si Noah ngunit nagpakatatag pa rin siya at hindi nagpapatangay sa mga iyon dahil ayaw niyang maging mahina. "Gagawa ako ng paraan para hindi matigil sa pag-aaral. Ayoko nang umasa at maramdamang utang na loob ko sa kanila ang lahat at kailangan kong gantihan iyon."
"Puwede kitang tulungan," seryusong pahayag ni Lirio. Determinado ang mga mata nito sa sinabi nito ngunit napailing lamang si Noah.
"Hindi," mariin niyang tutol. Kung nagulat man si Lirio sa deklarasyon niya ay wala na siyang pakialam bagkus ay tinapatan niya ang seryuso nitong ekspresyon. "Sinabi ko ng ayaw kong magka-utang na loob sa iba. Kaya kung kumilos at dumiskarte."
Bumuntong-hininga lamang ito at diretsong napatayo saka pinagkrus ang mga kamay sa ibaba ng dibdib. "Paminsan-minsan, kailangan mo rin ng tulong sa ibang tao lalo na't mga bata pa tayo. Thirteen pa lang tayo."
"Fifteen na ako," pagtatama niya rito. Umawang na naman ang mga mata nito.
"Ano? So matanda ka ng dalawang taon?" Pinasadahan siya nito ng tingin. "Kaya pala, mas develop na ang katawan mo. Ngayon, di na ako magtataka kung bakit natalo pa rin ako sa basketball." Pumalatak pa ito at napailing-iling na lang sa isip si Noah. Kung may bagay na pagkakapareho man sila ni Lirio ay ang pride nilang dalawa.
"Kaya ayaw mong matigil sa pag-aaral dahil tumigil ka na noon." Ipinitik pa nito ang mga daliri nito, tuwang-tuwa sa hula nito.
Marahang tumango si Noah bilang sagot. "Ako ang nagbabantay ng bunso nila, ang kapatid ko at nag-aasikaso sa iba ko pang mga kapatid kapag—" Hindi na niya tinapos ang sinabi niya bagkus napatikhim na lamang siya. "Nagpapalamig lang ako ng ulo ngayon. Baka hindi ako makapagpigil sa bahay."
"Dumito ka muna sa bahay," pinal na sabi nito. "At 'wag mo 'kong sabihing ayaw mong magka-utang na loob. Wag kang mag-alala, hindi kita sisingilin."
"May pabor akong hihingin sa 'yo," pagkasabi niyon ay napatayo siya't dinampot ang bag niya. Napatigil ito sa paroo't parito na paglalakad nito na tila malalim ang iniisip. Nakipagsukatan sila ng tingin at saka niya sinabi rito ang balak niya sa susunod na pasukan.
* * *
Kailangan niyang makahagap ng hangin kaya tinulak niya pataas ang salaming bintana at ninamnam ang malamig na hangin. Naramdaman niya ang pagtabi ng kung sinong bagong dating na pasahero. Nakamasid lang siya sa tanawin nang tumikhim ang katabi at napaawang na lamang ang bibig niya nang makilala ito. Si Ian.
Sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito. "Hi, Mako. Akalain mo naman sabay pa tayong babiyahe patungo sa siyudad. Tama ba ako?"
Marahan siyang tumango at umayos ng upo. "Oo. May bibisitahin lang. Ikaw?"
Sa gulat niya pumalatak ito. "Sabi na nga ba, may boyfriend ka talaga e. Ayaw mo lang sabihin sa 'kin." Akala niya kung ano na kaya marahan niya itong hinampas sa braso.
"Sira! Hindi. Bibisitahin ko lang ang kaibigan ko," dahilan niya rito ngunit isang bahagi lamang niyon ang inamin niya. Wala pa ring nakakaalam sa faculty kung ano ang pinagdadaraanan niya noon. She's not an open book type of a person when it comes to her private concerns.
Ipinikit niya lang mga mata niya at sinamyo ang amoy ng mga puno na nabasa ng ulan kanina. Pinagsawa na ang mga mata niya sa mga lupain at kagubatan na nadadaanan ng bus maging ang kalangitan na natatakpan ng mga ulap.
"Uuwi ako sa Cagayan De Oro sa holidays. Ipapaalam ko lang sa mailap kong pinsan na kailangan niyang dumalo sa reunion ngayong December. It's an emergency reunion and I know why," pagsasalita ni Ian na nasa harap ang atensiyon. Hindi siya umimik bagkus ay nanatili siyang nakamasid sa bintana nang mahimigan ang lungkot sa boses nito.
"Kalauna'y hindi mo maproseso. Hindi madaling tanggapin ngunit kailangan dahil hindi naman permanente ang buhay ng tao sa mundong ito. May mga umaalis kahit gaano mo kagustong manatili sila sa buhay mo," makahulugang sabi nito matapos ang isang mahabang katahimikan. Kagat-labing napatitig siya sa pulang upuan sa harap niya. Walang pasaherong nakaupo roon.
"May mga taong wala silang choice. May mga tao ring may choice naman sila pero pinili pa ring umalis. May kanya-kanya silang dahilan kung bakit," wika niya at sinadyang kunin ang maliit niya tote bag kung saan doon nakalagay ang biscuit niya na baon na niya sa biyahe.
Ramdam ni Daisy ang mga mata nitong pilit inaalisa ang sagot niya. Inignora na lang niya iyon at kinain ang biscuit. Ilang minuto ang nagdaan ay namalayan niya na lang na nakatulog na si Ian sa tabi niya. Bahagyang nakanganga ang bibig nito at hindi niya alam kung bakit iniisip niya na baka magising ito kapag nadapuan ng langaw ang bibig nito.
Napailing-iling na lang siya sa naisip at napangiti nang tipid nang makita ang asul na dagat na dinadaan ng bus. Naghiwalay na sila ng landas ni Ian pagkarating sa siyudad. Kinakawayan niya ito nang sumakay ito sa isang pamilyar na ruta ng jeep saka siya nagpara ng taxi patungo sa ospital.
Patuloy pa rin ang follow-up check ups ni Daisy sa mga nakalipas ng taon at naging therapy na niya iyon kahit pa may mga pagkakataong hindi siya umiinom ng gamot. Ngayon, mas lalo siyang naging komportable sa doktor na magc-conduct ng check-up niya. Napangiti si Daisy nang madaanan ng taxi ang eskuwelahan niya noong highschool at makita ang ilang estudyante na nakatambay sa center building.
Nakatingin lang siya sa gilid ng kalsada na kung minsa'y nilalakad niya pauwi ng bahay kapag madami siya iniisip. Dinadaan niya sa paglagalag kapag gusto niyang makahinga nang maluwag. May mga establishment na napalitan ng mga bago at may mga lote na may nakatirik ng shops. Kaybilis magdaan ng panahon.
Gustuhin man niyang maglakad patungo sa ospital at alalahanin ang mga naging alaala niya sa pagdaan roon ay nagmamadali siya makaabot sa check-up niya ngayon at alam niya na naghihintay ito doon. Lihim siyang napangiti nang pumasok sa isang maliit na daan ang taxi at tumigil sa harap ng isang gate. May signage sa gilid nito, palatandaan ng department ng hospital na kokonsulta sa kanya.
Nagbayad na siya sa taxi driver at hindi na humingi ng sukli. Bitbit ang backpack niya ay tumungo na siya roon at natagpuan na mangilan-ngilan na sng mga pasyenteng naghintay. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi siya maabutan ng cut-off. Bahagyang nanlumo si Daisy nang mapansin niya ang ilang mga pasyente na malala na ang lagay. It reminds her of herself the first time she visited there.
Huminga siya nang malalim at napaupo sa isang bakanteng steel chair, hindi mapigilan ang ngiti nang mahagip ng mga mata niya ang isa sa mga psychiatrist doon. Umidlip muna sandali si Daisy at nang tawagin ang apelyido niya ay saka siya lumapit sa nurse na ni-check ang blood pressure niya. Regular patient na siya doon kaya madali lang nailista ng nurse ang updates ng mental health niya ngunit may ilang bagay siyang itinago na ang doktor lang ang dapat makakarinig.
Sa isiping iyon ay biglang na-excite si Daisy. Hindi kasi siya nag-text dito na luluwas siya sa siyudad.
"Daisy Mako." A nurse called her name and pointed the door of the doctors' office. Ngumiti siya rito at pumasok roon at hindi nga siya nagkamali nang makita itong nakakrus ang mga kamay sa dibdib, nakangiti nang maluwang. Nakasuot ito ng light yellow shirt na pinaibabawan ng white lab gown.
"Hi, Doc!" masigla niyang bati dito at mahinang humagikgik.
Dr. Calvin John F. Generoso
Plano talaga niyang sorpresahin ito. Umalis ito sa table nito at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halos buhatin na siya sa panggigigil. Natawa na lamang siya nang bitawan siya nito.
"Dumiretso ka rito?" tanong nito sa kanya at inalis ang pagkakasukbit ng bag niya sa balikat niya saka niya iyon niyakap."Nastre-stress ka ba sa mga estudyante mo?" Bumalik na ito sa table nito at umupo sa silya, sinilip ang clipboard kung saan nandoon ang record niya.
"Oo pero hindi naman lagi, Doc," sagot niya rito sabay tikhim at umupo sa silya, kaharap ng table nito. Ginamitan na siya ng professional tone nito. Isa na siya sa mga pasyente nito. "Sa propesyon ko, kinakailangan talaga ang mahabang pasensiya, kagaya nang sa 'yo."
"Any episodes?" he asked seriously. She was a bit dumbfounded and chuckled. His tone seems dangerous. Overprotective talaga ito pagdating sa kanya.
"Hindi na. May mga pagkakataon lang na bigla akong nalulungkot na hindi ko malaman kung ano ang dahilan. Natri-trigger bigla ang memorya ko." She gave her an assurance smile. "Sinunod ko ang breathing exercises na tinuro mo sa 'kin kapag may panic attacks ako."
He released a small sigh and Daisy bit her lip when she sense that he didn't like what he heard from her. Sinamaan pa siya nito ng tingin nang makitang napapangiti na siya. "Natutulog ka ba sa sapat na oras? Mukha kang nangangayayat ngayon. Kumakain ka ba ng tama? Ano-ano ang naging triggers mo these days?"
Marahan niyang sinagot ang sunod-sunod nitong tanong at napapailing na lang ito nang magsulat ng gamot na iinumin niya. Lihim siyang napangiti nang tanggapin ang prescription.
"I prefer natural medication," giit niya pagkatapos kaya mahina siya nitong binatukan.
"May gig ako mamayang 8. Dating gawi, same restobar I did my first gig before. Gusto mong panoorin ako?" saad nito sa kanya. "Sabay na tayong mag-dinner. Out na ako sa 5. Text kita maya, sa Robinsons Galleria lang tayo. Okay lang sa 'yo?" Walking distance lang ang naturang mall sa public hospital.
"Oo naman!" Magaan ang ngiting kinawayan niya ito bago lumabas ng opisina at lumisan sa ospital.
Pumasok ang sumunod na pasyente sa kanya at napangiti na lamang si Daisy para sa kanyang kaibigan. Parang kailan lang noong kasangga nila ang isa't isa sa tuwing tingin nila alikabok lang sila sa mundo at walang purpose sa buhay.
Tumambay muna sa skywalk si Daisy at pinagsawa ang mga mata niya sa pamilyar na tanawin. Tumungo siya sa NBS kalaunan at inabot ng halos dalawang oras sa pagpili ng libro saka bumili ng school supplies na kakailanganin niya. Nauna na siya sa Robinsons Galleria at tumambay sa isang Chinese restaurant.
Nag-text siya sa Kuya Jerome niya, anak ni Tita Emerald na sa bahay na muna siya ni Tita Emerald na ngayo'y namayapa na sa sakit nito sa baga. Noong nakaraang apat na taon itong lumisan sa mundong ibabaw.
The house reminds her of many things as well as to Kuya Jerome so he opted to left the house after he got married years ago. Her cousin with his family were staying in the North. Hindi nito ibinenta ang bahay bagkus ay binigyan lang siya nito ng susi upang kahit papaano ay may matutuluyan siya kapag napabisita siya sa siyudad. Wala na ang bahay nila noon nang lumipat na sila sa Balamban.
"Cali!" Dahil malapit lang ang resto sa entrance ng mall ay nakita niya kaagad ang pagpasok doon ni Calvin. Mukhang katatapos lang nito sa duty nito sa ospital. Awtomatikong napangiti nito nang matagpuan siya sa gilid ng floor to ceiling na pader ng restau saka pumasok roon. Pabirong tinaasan niya ito ng kilay at ngumuso. "Yellow huh?"
Napatingin ito sa suot nitong yellow three-fourths. He chuckled and slightly shook his head. "Still your favorite color. Um-order na tayo. Ginutom ako sa mga pasyente ko," pagbibiro nito at tinawag ang waiter.
Panay lang ang kuwentuhan nilang dalawa habang kumakain. Cali has been his bestfriend ever since they met in a training class until they made a pact to chase their dreams. It was quite worth it when you have someone who's there on your ups and downs and thankful for it.
After they ate their early dinner, they hed to the restobar where Cali did some short gigs. Ang motorsiklo nito ang nagsilbing transportation vehicle nila. She was in a corner of the restobar beside the busy street, listening and smiling to Cali's music. Kumakanta ito sa sariling rendition nito ng 'With a Smile' ng Eraserheads.
Natagpuan niya ang sarili niyang tumambay sa cottage na gawa sa nipa at tinabihan siya roon ni Cali nang matapos na ito sa gig nito. Nakipagkuwentuhan pa kasi ito sa mga parokyano ng restau bar.
"Hey, are you okay here?" he asked and leaned on the wooden chair.
"Ayos lang." She stared at the lights coming from the cars and the buildings. "Nakakamiss langhapin ang polluted na hangin sa gabi at ang city lights. Ang tagal rin nating tumira dito," she murmured.
"You want a joyride after this?" alok nito bagay na ikinangiti niya. Pabiro niyang tinapik ang ulo nito na parang aso lang. She chuckled and her smile widen.
"Of course." Kapwa sila natawa sa inakto nilang dalawa. "Good old times," usal niya sa hangin.
* * *
Napahilamos si Lirio sa mukha niya nang ungusan siya ng isang Pajero. Napahigpit ang kapit niya sa manibela at marahas na napabuntong-hininga. The stoplight turned red so he stepped on the car's break. Nakakawala talaga ng pasensiya ang magmaneho minsan. Kagagaling lang niya sa opisina niya at natagalan pa siya sa dami ng mga dapat aasikasuhin.
Nanigas siya nang may mahagip ang mga mata niya. Napakurap-kurap siya at naipilig ang ulo. Baka naghahalusinasyon siya dahil bugnot na bugnot siya sa trabaho. He turned his head on the side of the street and found her smiling face amidst the lights from the establishments and posts around the area. Kabisadong-kabisado niya ang ngiting iyon maging ang kung paano ito manamit. She's wearing a yellow coat, white shirt and denim jeans.
Mahinang napamura si Lirio nang makitang inabutan ito ng lalaki ng isang helmet. Ngumuso lang ang naturang dalaga at natawa sa sinabi ng lalaki na kilala na ni Lirio dahil nakausap na niya ito noon.
"Holy mother— She's here," he confirmed to himself. Nang mapansin niyang gumala ang mga ito sa kalsada ay naitabon niya ang mukha niya sa gilid upang hindi siya nito makita. Nang maging berde na ang ilaw ay saka siya nakahinga nang maluwag.
He smirked when he thought of Noah who seems to be lurking with his paperworks and such. Lirio decided to drop by the supermarket. Ang supermarket na nandoon pa rin kung saan doon sila bumibili ng kung ano-ano ni Daisy. Nang maghiwalay ng landas ang dalawa, isa siya sa mga naapektuhan dahil ibig sabihin niyon ay ang paglayo nito sa mga taong malapit kay Noah.
Ilang taon na silang walang balita o mas tamang sabihing sila lang sapagkat may natitip pa naman siyang mga impormasyon mula sa ibang tao. Gawa na rin ng impluwensiya niya. Ngunit ito ang unang beses niyang makita ito ulit. Naiintindihan naman ni Lirio ang desisyon ni Daisy na lumayo pagsamantala ngunit may bahaging nagtampo siya pero wala rin naman siyang magagawa sa huli. Para naman iyon sa ikabubuti ng kanyang kaibigan.
Kung ano-anong bote ng alak ang pinagdadampot niya sa grocery store at bumili ng iilang chips at junk food na maaaring pulutan nila ni Noah. Balak niyang magpakalasing ngayon nang maalala niyang malapit na ang anniversary nila ni Eden Sofia. Nang makontento na siya sa mga binili niya ay tumungo na siya sa counter at nagbayad.
Bitbit ang dalawang supot ng mga alak at kung ano-ano pa ay dumiretso na siya sa sasakyan niya. Akmang bubuksan niya ang pinto ng sasakyan niya nang may mapansin siya sa kabilang panig ng kalsada.
Saktong tinanggal ni Daisy ang helmet nito saka siya dali-dali siyang pumasok sa kanyang sasakyan. Nakita niyang may binili lang itong tinapay sa isang bakeshop at tila may hinahanap ang mga mata sa paligid. Na-paranoid tuloy siya bigla na baka nakita siya nito at yumuko pa siya lalo. Sinuot ulit nito ang helmet at umangkas sa motorsiklo ng kaibigan nitong nakalimutan na niya ang pangalan.
Pinasibad na ng kaibigan nito ang motorsiklo at tinungo ang isang pamilyar na daan na parte na ng kabataan niya noon. Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Lirio nang may mapagtanto. Daisy is staying in the Berntsen's Residence!
A sly smile appeared on his lips as he turned on the engine of the car. Kinabig niya ang manibela at tinahak ang direksiyon patungo sa bahay ni Noah. The lights inside his bungalow house was still on when Lirio parked his car outside. Binusinahan niya ito para ipaalam rito na nandoon siya. He reached for the grocery bags and opened the gate of Noah's house.
Nadatnan niya ito sa sala kung saan nagkalat doon ang mga papeles nito. Ubos na ang laman ng tasa nito na sa palagay niya ay kape.
"Dude, may balita ako." panimula niya at walang habas na nilapag ang supot sa sahig. Ibinagsak niya ang sarili sa malambot na sofa at nagpakawala ng hininga na parang nabunutan ng tinik. Kahit kailan talaga, ugali talaga niyang sabihin rito ang mga nalalaman niya. Sabi pa ng iba, walang ligtas na sikreto sa kanya. Puwera lang kapag may dahilan kung bakit kailangan niyang ilihim.
"What?" iritadong sabi nito na panay na ang hilot sa sentido nito at marahas na itinabi ang hawak nitong dokumento. Marahan niya itong tinapik sa balikat.
"Maganda kapag may alak at pulutan ang balita ko." Ngumisi pa siya na ikinasama lalo ng tingin ni Noah sa kanya. Marahil iniisip nitong may masama na naman siyang balak.
Dumiretso siya sa kusina at binuksan ang freezer upang kumuha ng iilang ice cubes doon saka niya iyon isinalin sa isang bowl. Bumalik siya sa sala bitbit ang bowl na may ice cubes at baso at inilapag iyon sa mesita. Napangisi na lamang siya nang magligpit na ito ng kalat at i-file lahat ng mga papeles sa isang tabi. Noah opened a pack of assorted chips and chewed some of it. Ito na rin ang naglapag ng mga pinamili niyang alak doon. Nagbukas siya ng isang bote ng alak at nagsalin niyon sa baso.
"Next week, pupunta ako ng Palawan para bisitahin ang under construction na resort," bigay-paalam niya rito. "I was thinking of staying there for days for a short vacation. Malapit na ang anniv ni Eden." halos pabulong na ang huling sinabi niya. Inisang-lagok niya ang alak at napangiwi sa lasa niyon. Ang tagal na pala niyang hindi nakatikim ng alak simula nang dumami ang responsibilidad niya sa construction firm.
Sandali itong natigilan at napailing nang bahagya. "You need it to refresh yourself."
"Anyway, sa JY supermarket ako bumili nito," panimula niya. Kumuha siya ng potato chips sa supot at kinain iyon. "I saw her."
Nabitin sa ere ang pag-inom nito ng alak. Noah's hawk-like eyes became sharp. "Her?"
"The one and only Daisy Mako," he grimly said with a smirk. Sandaling hindi ito nakaimik, tinatantiya kung ano ang magiging reaksiyon sa sinabi niya pero may ideya si Lirio na sa loob-loob nito, may pag-asang bumangon.
"At hindi ako namamalik-mata. Pangalawang beses ko siyang nakita. Remember the resto-bar in Escario Street with a nipa cottage? She was there then saw her the second time at the foot of the road. The road we used to go to when we were teens."
"She did?" halos pabulong na nitong sambit. Hindi ito maapuhap ang mga salitang sasabihin at napailing na lang. "She's a drifter. One moment, she's there then she's not."
Bumuga siya ng hangin at sumandal sa sofa nang mapansin ang biglang pagsama ng timpla ng mukha nito.
"Marunong siyang magtago. Ni wala tayong ideya kung saan siya napadpad o kung ano na ang ginagawa niya. Mabilis rin siyang tumakbo ng mabilis kaya natatakasan niya tayo noon. Tol, si Daisy nga ang nakita ng mga mata ko. And she's not alone. Kasama niya ang kaibigan niya. 'Yung doktor." Sukat sa sinabi niya ay dire-diretso ang isang baso ng alak sa bibig nito. Halatang naapektuhan sa inanunsiyo niya.
"Why are you telling me this anyway?" pagsusungit nito. Napasinghal si Lirio at tinulak ito nang bahagya para magising naman ng konti.
"Gago ka ba? Gusto mong tumunganga lang rito? Problemahin ang kaso ng sinungaling mong kliyente at hayaang makawala na naman si Daisy? A—"
"There's no use, San Miguel," putol nito sa sasabihin pa niya at nagsalin ulit ng alak. "Ikaw na ang nagsabing magkasama sila. Taon na ang nakalipas at wala na 'yun. We parted ways."
"Buwisit. Isa kang napakalaking sinungaling," akusa niya rito, nangungunot na ang noo. Alam niyang may pakialam pa rin ang kaibigan niya.
"Nahawaan ka ba ng kliyente mo? Kilala natin si Daisy, tol. Hindi 'yun basta-basta nakakalimot at base sa nalaman ko n'ong nalasing ka, nangako ka sa kanya kahit ayaw niya. Kilala kita, seryuso ka sa mga pangako mo." Marahas siyang napabuga ulit ng singhal. Wala sa oras na napakamot siya sa ulo niya. Bakit niya ba sinasabi ito kung ganitong mahirap kombinsihin ang kaibigan niya? "By the way, she's staying in the Berntsen's Residence. I told you before, one of these days, she would go back to that house."
Saglit itong napatulala na siyang inaasahan na ni Lirio. Tinapik niya ito sa balikat. "Nasa iyo kung bibiglain mo siya doon o kung sisilip ka lang para kompirmahin ang sinabi ko."
He was putting notions on his friend's head and Lirio was a bit unsure of his actions. Wala pang kasiguraduhan kung ano ang buhay ngayon ni Daisy nang mawala ito sa buhay nila. Baka tuluyan na silang kinalimutan nito ngunit napailing na lamang siya. He discarded that thought. No way in hell. That lady is very sentimental.
"Hindi ako magpapakita sa kanya. Ayoko muna siyang guluhin," pinal na sabi ni Shinoah na ikinadismaya nang bahagya ni Lirio. Ngunit may bahagi sa kanya ang panatag kasi hindi pa ito ang tamang oras.
Sa huli, di rin nagalaw masyado ang mga alak na binili niya. Lagpas na sila sa stage na iyon ng buhay nila ni Noah. Natunaw lang ang ice cubes kalaunan dahil bumalik ulit sa inuwi nitong trabaho si Noah.
Si Lirio naman ay di na rin nag-abalang umuwi at doon na lang nanatili sa bahay ni Noah. Nakikita niya ang sarili niya kay Noah na sinusubsob ang sarili sa trabaho kaya minabuti niyang tumambay muna sa labas ng bahay nito. Naupo lang siya sa papag na pinalibutan ang punong mangga na nandoon na bago pa man lumipat si Noah sa bungalow house na iyon.
"Muna. Ayaw mo muna siyang guluhin. Ngayon ko lang naintindihan," bahaw na natawa si Lirio nang marinig niyang bumukas ang pinto. "Gusto ko siyang kausapin, lapitan, at yakapin. I bet when you're there, those were the things in your head."
"Mas mabuting ikaw ang nakakita sa kanya. Baka hindi ako nakapagpigil." Tumabi ito sa kanya sa papag. Litaw na litaw ang mga bituin sa kalangitan, tila ba pinapakalma sila ng mga ningning niyon. Tahimik na ang paligid at wala na ang mga ilaw sa ilang kabahayan. Natutulog na ang mundo subalit hindi sila.
"Who wouldn't miss her? I met Marc. He asked me about her. Wala akong maisagot dahil wala na akong alam sa kanya ngayon. She thought before that she haven't had an impact to other people. But it's not, Sagara."
"You just missed her."
"Gimingaw na sad ka niya uy. Hindi ako nag-iisa."
"Di ba may kaibigan siya? 'Yung si . . . ano nga pangalan n'on? Tunog prutas," pag-iiba nito ng usapan.
"Ha?" Nangunot ang noo niya. Inalala ang mga naging kaibigan na babae ni Daisy. Dalawang babaeng kaibigan nito ay mga maingay at kalog. At sa naalala niya, di tunog prutas pangalan ng dalawa.
"Nakalimutan mo na kaagad?" Bahagya siya nitong tinawanan. "Eh titig na titig ka sa kaibigan ni Daisy noon."
"Ha? Gago, hindi." Doon na niya naalala ang ibig sabihin nito na mas lalo nitong ikinatawa. "Bakit napunta sa akin ang usapan?"
Tumawa ulit ito na parang may alam na wala siyang alam. Wala namang silbi kung magpapaliwanag pa siya. "Piste, nagseseryuso na nga ako rito, bigla kang— hala shi— Naalala ko bigla, pinapunta tayo ni Shawn sa bayan niya this Saturday. Ipapacancel ko pa ang mga engagements ko sa mga araw na 'yon."
"Maluwag ang schedule ko sa Saturday. I can come. What time? Morning or afternoon?"
"Morning as I've remembered." Napatuwid ito ng upo.
"I'm only free in the afternoon," angal nito.
Mukhang makaka-jackpot na naman sila sa masungit na mayor.
* * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top