PKL: Labing-Walo
----x
Kanya-kanya na ng pinagkakaabalahan ang mga kaklase ni Daisy matapos ang first periodical exam nila. Nagpl-plano ang mga itong magliwaliw kung saan habang siya'y tahimik nang naglakad sa hallway upang bumili ng pagkain sa canteen. Saka niya iisipin kung yayain ba niya si Berry sa bookstore.
"Saan ka pupunta, Daisy?" Napakurap si Daisy nang makasabayan niyang maglakad si John Dale. Kaklase nila ito at katabi niya sa Filipino time. "Di mo nakita ang announcement sa board kanina?"
Napatigil siya sa paglalakad. "Anong announcement?" Wala siyang ideya sa sinasabi nito sapagkat dinaanan lang niya ang board kaninang umaga dahil magre-review pa siya para sa gaganaping test.
"Tungkol sa study buddy. Program ng SSG na plano ni Shawn. May study buddy tayo sa batch natin at sila ang pipili kung sino. Nakapaskil na doon sa board ang magiging study buddy natin para sa school year. Graduating na kasi tayo at isa ito sa paraan para ma-maintain natin ang grades natin," paliwanag nito habang bumababa sila ng hagdan.
Nasorpresa naman siya doon. Bago pa man ito ianunsiyo, may ideya ba si Lirio at Noah sa planong ito ni Shawn? Hindi nakapagsalita si Daisy at nagmamadaling bumaba para tingnan ang board. Mangilan-ngilan na rin ang nagkukumpulan sa bulletin board ng RSD.
Sumingit siya roon at tiningnan ang mechanics ng study buddy. Nakasaad doon na buong school year ang magiging study buddy niya at every grading may prizes ang may improvement sa grades.
Magsisimula iyon sa second grading. Sabay na mag-aaral ang dalawa at kung ano man ang pagkukulang ng isa ay tuturuan ng isa. Hindi rin kailangan na magkita kayo lagi ng study buddy mo at ayos lang kung dalawang beses lang magkita sa isang linggo.
Hinanap niya ang pangalan niya sa listahan at nakita niyang ang kapares niya ay si Daphne Alcueza ng Section B. Ang transferee noong second year sila na galing sa isang prestihiyusong private school. Magkakasundo kaya sila ni Daphne? Iba ang katayuan nila sa buhay.
"Nakita ko kayong magkausap ni Daphne, John Dale. Puwedeng makisuyo?" pakiusap niya kay John Dale nang lumapit siya rito. Unti-unting kumunot ang noo nito na parang hindi nagustuhan ang narinig. "May problema ka ba kay Daphne?"
Minsan na kasi niyang nakikitang nilalapitan ito ni Daphne tuwing lunch at nakikisabay rito pero seryuso lang ang hilatsa ng mukha ni John Dale.
"Wala."
"Kung ganoon, ipakilala mo ako sa kanya," sabi na lamang niya saka ngumiti.
Nang tumingin siya ulit sa listahan para malaman kung sino ang study buddy nina Lirio at Noah.
Kara Jecille Tamayo. Ang study buddy ni Noah.
Ang first runner-up sa UN noong third year highschool sila at isa sa mga honors sa Section A? Morning session ang A at ito muna ang gumagamit sa classroom at pagpatak ng Afternoon session na siyang schedule nila sa RSD ay sila ang papalit sa classroom. Nakikita niya ang mga ito dahil naglilinis ang mga ito ng room bago sila pumasok.
Si Henry ng section G naman ang partner ni Lirio. Si Henry ang gumanap ng Aladdin sa school play nila noong third year highschool pa sila.
* * *
Kinabukasan, nakita na lang ni Daisy ang dalawa na magkasama sa canteen at tila nag-uusap nang masinsinan dahil hindi nakangiti ang mga ito. Napalaki tuloy ang kagat niya sa banana cue niya sa plant circle kasama si Raspberry.
Ang seryuso naman masyado ng dalawa. Parehong pala-aral? Sabagay, sa A galing si Kara Jecille.
"Sinong partner mo?" tanong niya kay Rapsberry na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Si Klint." Ang madaldal na seatmate pa rin nito ngayong fourth year na sila.
"Ha? Puwede pala classmate ang magiging study buddy mo?" Nakapaloob rin sa mechanics na hindi puwedeng palitan ang study buddy at mag-switch.
"Ayos na rin si Klint ano, since familiar na kayo sa isa't isa. Ako, si Daphne."
* * *
Daisy was drained and too tired after she went home from the school. Bumati sa kanya ang magulong bahay at ingay ng mga kapit-bahay niya. She was not drained because of the school works but because she maintained her smiles and laughs even though she's not really feeling well. Bahaw siyang napangiti nang matapos siyang magbihis.
No one knows that she's been going through rough times because she has this sunny disposition in school. Nakakapagod magkunwari ng buong araw na masaya ka at nakikitawa sa ibang tao kahit na sa loob-loob mo ay tila sasabog ka na. No one knows because she kept her problems to herself and all she could utter was she's fine. Isang beses lang naman ang nangyari na nag-breakdown siya sa harap ng ito at si Lirio ang nakasaksi niyon. Mabuti na lamang ay hindi na nag-usisa si Lirio. Makulit man ito ay nirerespeto pa rin nito ang boundary na meron siya.
She was cleaning the house, sweeping the floor when familiar voices arises outside. She sighed and washed her hands before going out.
"Hindi mo kami kailangang paalisin lang dahil mas kailangan mo ang makukuha mo sa puwesto namin. Maawa ka naman, Ma. Di mo ba naisip na doon kami nabubuhay?" Her father's voice almost broke, in front of her grandfather's other wife. Her step grandmother. Komplikado ang pamilya na meron ang tatay niya.
"Ngunit nakipagsundo na ako. Babayaran ko na lang kayo. Marami namang ibang puwesto na puwede n'yong rentahan," narinig niyang sabi ng step Lola niya, sa kalmadong boses.
"At ngayon tatapalan mo kami ng pera. Ilang beses n'yo na ba ipamukha sa amin ang pera na 'yan?" patuyang sagot ng kanyang ama. Nanatiling nakakapit si Daisy sa hamba ng maliit na gate nila. Hindi alam ang gagawin.
"Noel, tama na. Ina mo pa rin siya."
"Ina? Hindi ko siya tunay na ina, Feliz."
"Noel!"
Bago pa man niya marinig ang iba pang sasabihin ng mga ito ay bumalik na siya sa bahay. Mas lalong bumigat ang pakiramdam niya. Tingin niya sa sarili niya ay wala siyang silbi sapagkat lagi na lang si Dean, ang bunso niyang kapatid ang pumapagitna sa mga ito at sa edad na katorse samantalang siya'y tahimik lang sa isang tabi habang rumurolyo ang mga pangyayari sa barangay. Ni hindi maipagtanggol ang pamilya niya kahit na malinaw pa sa sikat ng araw na panganay siya.
Kinabukasan, hindi siya pumasok sa klase dahil mas kailangan siya sa bahay. May mga mensahe siyang natanggap sa pager niya. Kay Lirio at Berry. Parehong nagtatanong kung bakit um-absent siya. Bihira siyang um-absent at wala siyang balak na magpaliwanag. Kung magpapaliwanag siya ay tiyak na sasabihin rin niya ang kaguluhan na ito ng pamilya niya. She didn't cry because of how messy their family situation was knowing that her siblings were affected too. She maintained her stoic expression apart from her usual face expression in school. She was tired of smiling nowadays. There's not enough reason to smile.
Kung may kapit-bahay siya na kaklase niya, tiyak na magtataka ito kung bakit iba ang personalidad na meron siya sa eskuwelahan.
Sa bahay, minsan ay tipid ang mga ngiti niya. Hindi niya pinipilit ang sariling ngumiti at tumawa. Mas lalo siyang tahimik at kiyeme lang kung bumati sa mga kapit-bahay. Madalas, mukha siyang kalmado at hindi makabasag-pinggan.
Sa school, she disguised her worries and problems through her smiles and laughters. She didn't want to burden anyone. Masaya din naman sa school at napapangiti na siya kapag napagmasdan niya si Noah sa malayo. Fascinated lang siya na tingnan ito na seryusong nakikipag-usap kay Shawn at nakikipagkulitan kay Lirio na madalas ito ay napapasapo na lang sa noo. Daisy thought his eyes were stormy despite its blank exterior. Naalala niya tuloy ang kaganapan sa jeep.
Bakit ba niya iniisip ang lalaking iyon? Ipinagpatuloy na lang niya ang paghuhugas ng pinggan. Baka natrobol na naman ang nanay niya sa pagsundo ng tatay niya sa basketbolan.
"Si Papa talaga," naibulong niya at tinawag si Desiree upang sila na lang ang maghanda ng hapunan.
Kinabukasan, pumasok si Daisy na parang walang nangyari at ang idinahilan lang niya kay Lirio at Berry ay nasiraan siya sa tiyan. Lirio didn't say anything and believed her while Berry just looked at her, as if reading her mind. But she only sported a smile to them. Maraming nagsasabi sa kanya na maganda daw ang ngiti niya. She might be average-looking for some but if someone stares at her for too long and saw her smile, nagiging cute raw siya. That's what Marc Necolson's words, Klint's bestfriend. Bolero, kaya nakailang girlfriend na pero sincere naman ang lalaki.
"Daisy, are you really okay?" untag ni Berry. Nasa harap niya ito nakaupo, katabi ni Klint.
"Oo naman," malumanay niyang sagot.
'I'm okay but I am not that fine,' she murmured in her mind. She didn't want to get swayed by her emotions.
"Berry, tapos ka na sa buod ng kabanata pito? Puwedeng pakopya?" singit ni Klint na may himig na pagbibiro. Inirapan lang ito ni Berry.
"Magsipag ka. 'Wag kang puro kopya," mataray na pahayag nito na tinawanan lang ni Klint. Makapal talaga ang mukha nito, ni hindi tinatablan ng pagsusungit ng kaibigan niya.
"May kabanata pito na ako rito, Klint. Walo na rin. Galing kay Daisy. Hina mo naman kasi." Tiningnan siya ni Marc na parang nagpapaalam sa kanya na ipahiram kay Klint ang malaki nitong notebook. Tumango lang siya bilang pagpayag. Napabaling tuloy si Berry sa kanya.
"Okay lang talaga, Berry. Buod lang naman ng El Fili e. Tayo lang din naman ang checker," katwiran niya pa, nakangisi.
"Ano pa ba ang magagawa ko? And you two, know your limits. Don't just take advantage of other's kindness for your own sake," sermon nito sa dalawa na naghilahan lang ng notebook. Ang kulit.
"Ganda mo sana, Berry. Ang sungit mo lang. Tatanda ka talagang dalaga. May binasted ka na naman ba n'ong isang araw? Oh, wag ka namang tumingin sa 'kin nang ganyan. Gusto ko pang mabuhay," biro ulit ni Klint.
"Puro ka kalokohan. Tumahimik ka nga," mariin pero gigil na sambit ni Berry. Natahimik na sila nang pumasok na ang English teacher nila.
* * *
Nasa faculty room si Daisy, may inaasikaso nang pumasok roon si Ian. Sila na lang dalawa ang natira doon. Wala namang kaso sa kanya na mag-isa siya doon. Sadya lang makulit itong si Ian na manatili dahil baka raw multuhin siya doon sa faculty. Iyon nga lang, matalas ang pakiramdam ni Daisy na nandoon ito sa isang dahilan.
"Teacher Daisy," anito't inayos ang mga visual aids nito. "Matanong nga kita."
"Oh bakit?" Ang mga mata niya ay nasa record book niya, particular na sa mga blangkong kahon. Magbibigay na naman siya ng palugit para sa mga estudyanteng hindi nakagawa ng projects.
"Nakita kong magkasundo na sina Krizelle at Annie ngayon. Ang lakas pa ng halakhakan sa canteen. Nagkakaiwasan ang dalawang dalagita noong nakaraang araw. May ginawa ka na naman ba?" May tendency si Daisy sa mga estudyante niya na alamin ang mga personal na nangyayari sa mga ito. But she conversed with them in a private manner, especially when it concerns her advisory section.
Kibit-balikat na sumagot si Daisy, "Their friendship would go to waste if their pride overruled."
"It's not about boys?" he asked. Hindi na bago sa kanila ang mga alitan ng mga estudyante ngunit di naman ganoon kalala.
"Of course not. Ikaw talaga. Sa kanila na lang iyon, it's too personal for them, but I can assure you that it's not about boys."
"Kung ganoon nga, ano ngang ginawa mo?" he pressed and she smiled. She closed her record book and wrote something on a sticky note. Idinikit niya ang reminder sa pader na sakop ng cubicle niya.
"Inutusan ko silang magtapon ng basura. Even segregate it," walang-gatol na sagot.
Napamaang si Ian. "What?" Ang mga lalaki ang lagi nakatokang magtapon ng basura ngunit kahapon ay inutusan niya ang dalawa. Mukha mang napilitan na magkasama ang mga ito ay sinunod lamang siya ng dalawang dalagita.
Maya-maya pa'y natawa si Ian, naunawaan kung bakit ganoon ang strategy niya. "I understand know why you did it. Para may time silang mag-usap na dalawa. Maglabas ng sama ng loob or sort of."
"Yep, not everyone can handle a confrontation but sometimes it needs intervention if you'd want to patch it up. Ayoko lang makita na may nafall-out na friendship sa harap ko habang nagkaklase. I'm a bit worried on how they pretend they didn't know each other when they could face it later on. Kapag inabandona na ang issue nila, magf-fade na lang ang lahat. They're best of friends," pahayag niya. "Masyado na ba akong pakialamera sa mga students?"
"Not really. Tayo ang masasabing pangalawang magulang ng mga batang 'yan. They spent their whole day inside the school, the rest in their house with their parents. So may responsibilidad tayo na turuan at pangalagaan sila sa poder natin."
"Mismo. Kahit nakakapagod, walang tulog minsan, worth it pa rin naman lalo na kapag naalala ka ng mga estudyante at binibisita ka. It tough to be an educator, children with different upbringing and personalities. Especially na nandito tayo sa probinsiya."
"You came from Abellana, maganda ang training doon, and I know you adapted the way the teachers thought there," he supplied.
"Ikaw talaga, nabring-up mo na naman ang alma mater ko noong highschool. I'm just lucky I survived there. Alam mo namang hindi ako honor doon. Nahiya naman ako sa 'yong graduate ng Science High." Siya naman ngayon ang nagbanggit sa alma mater nito noong highschool.
"Just like you, I'm not an honor too," he grinned. "May reunion ba kayo ng batch mo?"
Doon siya natigilan. Kung bakit naman kasi nailigaw siya ni Ian sa topic na ito. Wise talaga ang mokong, para-paraan.
She shrugged her shoulders. "Kung meron man, long overdue na. I am not sure. By the way, ayos na ba ang photocopy machine ni Teacher Dianna?"
"Ikaw talaga, iniiba mo ang usapan." She smiled sheepishly and asked about the photocopy machine again.
Her mind wandered to her students who renewed their friendship. Kahit man lang sa paraan niya ay nagawa niyang magkasundo ulit ang dalawa. It's a normal thing to have some misunderstanding and conflicts when it comes to friendships, it makes the bond stronger. Nasa tao na mismo ang desisyon kung hahayaan na lang o haharapin.
For her, there was no explanation when she went to the province. No connections. Naglaho na lang siya bigla. Her friendship with Berry was renewed. Kagaya niya, mahirap din ang pinagdadaanan nito noon at blessing in disguise na rin na nawalan sila ng komunikasyon upang hilumin ang sarili niya. It's better that way for them.
* * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top