PKL: Labing-Tatlo
---x
Noah noticed the rays of the sun reflecting the sitting area of the jeepney he has been sleeping in last night. Yes, doon siya natulog dahil sarado na ang bahay nila. Nauwi lang naman siya nang ganoon katagal dahil may biglaang nangyari at hindi niya puwedeng pabayaan na lang.
Sanay na siyang matulog kung saan-saan gawa na rin na natatagalan siya sa groupworks nila sa eskuwela o di kaya'y sa trabaho niya. Bukas ay magpapaalam na siya sa hardware store. May natira pa naman siyang ipon sa mga sideline niya na pag-tutor sa mga kapit-bahay nila. Maraming nagsasabi na bagay sa kanyang magturo dahil nagagawa niyang pasimplehin ang komplikadong leksyon. Kaya lang, nauuwi lang sa wala ang suweldo niya sapagkat sinisingil siya ng madrasta niya.
Nanakit ang leeg ni Noah at minasahe ito. Sa paligid niya ay maririnig ang ingay ng makina ng mga sasakyan. Garahe kasi iyon ng mga jeep at ibang sasakyan.
"Hijo, gising ka na pala. Maglilinis muna ako ng jeep." bungad sa kanya ng matandang lalaki.
"Pasensiya na po, Mang Ploy. Late na akong umuwi kagabi at ayoko namang makaistorbo sa bahay. Natutulog na mga kapatid ko." Naupo siya't hinanap ang bag niya. Nakita naman niya sa paanan niya. Kinapitan ng alikabok ang bag niya.
"Kahit naman na hindi umuwi ng dis-oras ng gabi ay kung saan-saan ka naman natutulog. May pamilya ka namang inuuwian." Hindi alam ng mga tao ang totoo ang buong kuwento ng family history niya at di na niya kailangang magpaliwanag. Hayaan na lang na ganoon.
"Sige po, pasensiya na po talaga." paghingi ng despensa niya't nanaog na ng jeep. Minasahe niya ang braso niya at napatitig na lang sa mga jeep na naghihintay na ngayon ng mga pasahero sa barangay nilang iyon.
Naging mas lukot lalo ang suot niyang uniform at bagama't wala siyang orasan ay may ideya siya na late na siya sa klase. Nilakad na niya ang direksyon papunta sa bahay nila upang gumayak na sa klase.
---x
After work, specifically, the court hearing. Noah decided to eat in a restaurant, for a change.
Coast & Summers. He discovered the restaurant a year ago and he liked the food there so whenever he's hungry. The restaurant was his to-go restaurant.
The chairs and tables there were made of wood, varnished. May mga ornamental plants sa mga sulok at vases na may plastic flowers. Tapos na ang lunch hour kanina pa. Natagalan sa Capitol si Noah dahil matagal bago nagpakita ang nasasakdal na ikinainis niya ng lihim.
Enough with his work, nandoon siya upang mag-relax muna sandali. Mamaya, sasalubong na naman sa kanya sa opisina ang mga papeles.
Noah ordered a main course, a side dish and a drink. His usual order when he's there. Minutes later, the waiter settled his order on his table. Ang kinaroroonan niyang puwesto ay malapit lang sa maliit na man-made pond. Nasa outside area siya ng restaurant.
He was having his meal when someone sat on the vacant chair, in front of him. The guy wears his chef hat. He instantly recognized the face.
Isa ito sa mga tumutulak sa kanya noon na pinamumunuan ng unggoy na si Lirio.
"You work here." A statement. Halata naman sa suot nito. Chef's uniform and when his eyes landed on the emblem. He figured out something. "The owner."
Tinaasan lang siya nito ng kilay, hindi na nagulat sa conclusion niya. Para saan pa't naging abogado siya. He easily noticed things.
"Ilang beses ka nang pumupunta rito, not knowing the owner. Sabagay, kapag wala kang pakialam sa tao ay di mo na 'yon kilalanin. How's your girlfriend?"
Siya naman ngayon ang napataas ang kilay. Klint was asking to confirm if he has a girlfriend or not. Tsismoso pa rin ito hanggang ngayon, mausisa to a fault.
Napailing na lamang siya. "Let me eat in peace, Chef."
"Well, attorney." Ipinatong pa nito ang siko nito sa mesa. May sinenyasan naman siyang waitress na nagtaka at napasulyap sa boss nitong lumabas lang naman ng kusina.
"I want to eat in peace and your boss needs to go back to his work." Doon na sana aangal si Klint but he just raised his hand. He sported now his authoritative aura. Thanks to Shawn's influence, he could be bossy if he wants. Bumaling siya kay Klint na natatawa na lang na tumayo at hindi alam ng waitress ang gagawin sa kanilang dalawa.
"Fine. Malalaman ko rin naman kay San Miguel. Saw her at Ayala yesterday and he has a boyfriend. Still cute, your adjective to her before and perfectly fine. I bet she's happy." Klint smirked and went back to his kitchen.
What the heck is that? Mas lalo tuloy sumakit ang kanyang ulo. Napahigpit ang hawak niya sa kutsara at napatitig na lamang sa sauce na kumapit sa pork cutlets.
Sino pa ba ang tinutukoy ng walangyang Klint na 'yon? Nawalan tuloy siya ng gana sa pagkain niya at sa tingin niya'y di na 'yon masarap. Damn that Klint.
---x
"Aww." daing ni Daisy nang matusok siya ng dulo ng gel pen. Kumalat tuloy ang ink sa may bandang pulso niya. Nilagyan na lang niya iyon ng alcohol at dinampian ng tissue.
Natagalan siya sa faculty sapagkat inaasikaso pa niya ang program na gaganapin ngayong Science month. Isa siya sa mga umaasikaso niyon at tanging naiwan doon. Ang mga kasama niyang guro na umaasikaso ay pawang pamilyado at bukod-tanging sila lang ni Ian ang dalaga at binata. Kaya di maiiwasang, silang dalawa ang pinagtatambal sa isa't isa.
Gabi na siya nang matapos. Gayonpaman, safe pa rin siyang nakauwi sa kanilang bahay. Kinabukasan ay hindi siya magkandaugaga sa pag-aasikaso ng platform stage. Ang mga designs. Ang flow ng program. At mismong si Ian na ang nagpaalala sa kanya na magpahinga na muna siya sandali.
May intermission number ang nangyari dahil nga biglang may aberya ang isang contestant. At natawa na lamang si Daisy dahil may bigla siyang naalala sa intermission number na iyon.
Parehong improptu, napilitan dahil walang choice at itinuloy na lang para matapakan ang delay.
---x
Delayed ang program at nagtaka siya kung bakit umakyat ang mga ito sa stage. Sa pangunguna ni Lirio na malawak ang ngiti. Si Noah na bitbit ang isang gitara.
Binigay ni Shawn ang mic kay Lirio. Ano bang nangyayari? Parte ba sila ng programa?
"Teka, hindi ako ang kakanta. Bakit ako—Maggigitara lang ako uy, ha— Ako? Usapan natin si Noah." Lumingon si Lirio samin. Nakatapat si Lirio sa mic. Narinig tuloy ng lahat ang sinabi nito.
Nagsalita si Shawn ngunit di ko marinig, salubong ang kilay ng SSG President namin.
"Pero akala ko ba, sasayaw muna tayo. Macho dancers, di ba? " parang tangang hirit ni Lirio. Nagtawanan tuloy ang mga taong nanonood sa kanila. Natawa siya nang di maipinta ang mukha ni Noah sa hirit na iyon ni Lirio. "Di naman kami maghuhu—"
Tinakpan ni Shawn ang bibig ni Lirio sa pagkaaliw ng lahat. May kutob si Daisy na sinadya talaga ni Lirio na itapat ang pinagsasabi nito sa mic. Loko-loko talaga.
"Sorry, people. Kakanta lang talaga kami." Umalis na sa stage si Shawn pagkatapos nitong pinameywangan ang apat na lalaki. Ang bossy na naman ng aura. Natural na ang mga ito ang ipantapal ng Presidente nila dahil pawang magkakaibigan.
"So guys, magandang hapon! Alam kong masyado talagang mainit dito ngayon. Nahuhulas na yata ang mga make-up ng candidates kaya papatagalin pa muna namin—"
"Magsimula na nga kayo!" sigaw ng isa sa mga kaklase ninyo.
"Op, de Castro, maya mo na ako tahulan kapag di mo nagustuhan boses ko." singhal ni Lirio sa mikropono.
Tawanan ulit. Napa-facepalm na lang si Daisy. Hindi niya kasama roon si Berry. Nasa backstage dito.
Minsan talaga, gusto niyang itakwil 'tong si Lirio.
"Pasensiya na, mga binibini't ginoo. Itong kantang ito ay inahahandog ko sa mga magagandang—Sorry mahal kong Eden, okay para 'to sa lahat na nalampasan ang second grading! Wooh!" Loko talaga 'tong si Lirio.
Ipinasa ni Lirio ang mikropono kay Noah. Akala ng lahat, nagkasundo na ang kampo. Hindi na maipinta ang mukha ni Shawn sa gilid ng stage. Bakas ang hesitation sa mukha ni Noah at nagsalita. This time, inilayo na ni Lirio ang mikropono rito.
Nag-aargue silang dalawa sa harap nilang lahat kung sino ba sa kanila ang kakanta. Doon niya napagtanto, parehong marunong maggitara ang dalawa.
Inagaw na lang ni Noah ang microphone kay Lirio. Napipilitang hawak iyon tanda na ito ang kakanta sa harap ng mga tao. Kapwa nakaupo sa monobloc chairs ang dalawa. Si Lirio, hawak ang gitara habang si Noah ay ang mikropono. Sinimulan na niya ang intro ng kanta nang kaskasin na ni Lirio ang gitara.
Kamukha mo si Paraluman
Noong tayo ay bata pa
At ang galing galing mong sumayaw
Mapa boogie man o chacha
Ngunit ang paborito
Ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo
Pero di ako magaling sumayaw, hirit ni Daisy sa isip niya. Tila wala sa audience ang atensiyon ni Noah. Diretso lang ang mga mata nito sa kawalan na parang kumakanta itong walang audience. Parang may hinahanap ka.
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo
Daisy sing her heart out whenever she's weary and she knew why Lirio insisted Noah to sing. The song suits him. Suwabe at malamig pakinggan.
Pagkagaling sa eskuwela
Ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako
Bumaba ang mga mata ni Noah. Guarded pa rin ang mga mata nito, walang mababasa at tanging si Daisy lamang ang nakatingin roon himbis na pagtutuunan ng pansin ang paggalaw ng kamay ng mga tao roon.
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay
Dumako ang mga mata nito kay Daisy na tila ba may ibig ipahiwatig sa liriko ng kanta nito ngunit na-distract si Daisy nang bahagya itong matulak ng katabi nito.
Ayos naman 'yon kay Noah. Ang pagmasdan ang dalaga sa malayo.
---x
"Teacher Daisy, puwede ikaw na muna mag-picture sa mga bata. Punong-puno na itong pantog ko." pakiusap ng kapwa niya guro. Marahan niyang tinanggap ang camera.
"Ako na ang bahala rito, Teacher Micky." Tuwang-tuwa naman si Daisy na kuhanan ng mga litrato ang mga estudyante.
Tulong-tulong silang gurong maglipit at maglinis ng stage pagkatapos ng program. Katuwang niya si Ian sa pag-segregate ng mga basura.
"Gusto mong kumain tayo sa Daphne's Grill pagkatapos nito?" yaya nito sa kanya. She gave him a smile and a knowing look which he guessed. "Oh no, hindi. Tanggap ko na ang desisyon mo. Na-miss ko ang pagkain ni Daphne at baka na-miss mo na rin na bumisita doon."
"Sige, pagkatapos nito." payag na lamang niya. Aware naman ito na hanggang magkaibigan lang talaga silang dalawa.
"Sunduin na lang kita sa labas ng bahay ninyo?"
"Magbibisikleta ako."
"Di ka na masanay-sanay sa motorsiklo." Alam na rin nito kung bakit tinatamaan siya ng kaartehan pagdating sa motorsiklo. "Baka gabihin tayo, papalubog na ang araw. Fine. Magta-traysikel na lang tayo."
"Okay." Bahala itong mag-adjust sa kanya. Sa ayaw niyang sumakay ng motorsiklo kapag ganitong gumagabi na rito sa probinsiya. May parte pa naman na walang poste ng ilaw.
Umuwi na siya ng bahay at nagbihis ng blouse na pinaresan lamang niya ng faded jeans. Nagpaalam siya sa mga magulang niya na sa Daphne's Grill siya kakain ng hapunan kasama si Ian. Kilala na rin naman nito si Ian. Sumakay nga sila ng tricycle ni Ian at saka na niya iisipin kung paano sila makakauwing dalawa.
"Nag-uusap pa rin kayo ni Berry?" tanong nito nang makarating na sila sentro ng bayan. Nandoon ang hospital, municipal hall, palengke, mga ilang establishments at tindahan. Walang masyadong gusali doon, pawang two-storey lang ang taas.
"Oo naman. Kapag di kami busy, tatawagan niya ako o siya 'yung tatawag sa hapon. O kaya naman magka-text. Bakit?"
"I'm a bit worried since she's on her own now. She quits the corporate life."
"Pero really, okay na siya ngayon, Ian. You don't have to worry about her. She's a tough woman. Alam mo 'yan."
"Well, you are both tough."
Napangiti siya. "Masaya siya sa Foundation. Alam mo bang pinagkakatiwalaan siya doon? Kahit bago pa lamang siya. Kaya niyang mag-manage, makipaghuntahan sa mga bata, even as an accounting staff. Beauty and brains kaya 'yang kaibigan ko."
"Mas proud ka pa kay Berry kaysa sa 'kin." biro nito.
Daisy saw signage of the Thompson's business and smiled. "Malapit na pala tayo."
Tumigil na ang tricycle sa tapat ng Daphne's Grill at kanya-kanya sila ng bayad ni Ian ng bayad. She insisted, to be fair for her even though he wanted to cover it.
"Daphne!" she screamed playfully.
"Gaga! Ikaw pala 'yan Daisy!" Lumabas mula doon si Daphne na may polka-dotted apron. Sinong mag-aakalang ang maarteng Daphne na parang prinsesa noon ay titira sa payak na bayan? Not to mention, with her simple clothes.
They hugged gleefully much to her husband's delight.
"Tita!"
"Chubaboy ko!"
---x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top