PKL: Labing-Siyam
-----x
Section 1 stayed inside the school after their classes ended for school purposes. Dalawa lang naman ang groupings nila at kailangan nilang gawin kaagad para mai-report bukas. Instead of doing it on the spot, she and her classmates wandered off for a bit. In short, procrastination na naman ang inaatupag ng buong section.
"Ang sarap ng lumpia nila. Tama lang 'yung pagkatimpla," puna ni Daisy habang ngumunguya ng lumpiang shanghai. Kasama niya si Marc at Klint sa canteen. Sinamahan lang siya ng dalawang kengkoy roon at di na siya nag-isip kung bakit nandoon ang mga ito.
Berry was working on something and maybe borrowing a book in a library for the groupings. Baka tinamad na naman ang mga groupmates nito. Masipag talaga mag-aral ang 'sang 'yon.
Napaubo si Marc matapos nitong inumin ang lemon juice nito. "Makati talaga sa lalamunan ang juice na 'to. Ito lang kasi ang samalamig dito."
"Oh, may bagong dumating. Ipikit mo na lang ang mga mata mo, Daisy." Napalingon silang dalawa ni Marc kung saan nakamasid si Klint.
Kapapasok lang ni Noah at Kara Jecille sa loob ng canteen. Pumeke ng ubo si Klint at bumaling sa kanya na patuloy lang sa pagnguya ng lumpia. Bakit? Aaminin ba niyang apektado siya sa nakikita? No way. Wala siyang karapatan doon at isa pa, wala naman siyang expectations. They're study buddies. It's normal to saw those two together.
"Kumain ka na lang, Klint. Gusto mo share na lang tayo nitong lumpia shanghai? Balance lang, may karne at gulay." Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang papalapit na sa counter ang dalawa upang bumili ng makakain.
"Subuan mo nga ako."
"Ha?"
"Pasubo naman. Di ako nakapaghugas ng kamay e," palusot pa ni Klint. Wala naman iyon kay Daisy, magkaibigan sila at kaulayaw niya lagi ang dalawa sa English time. Masyadong madaldal ang mga ito. Ayon pa kay Berry, dinaig pa ang bibig ng mga babae.
Basta na lang dinampot ni Daisy ang lumpia shanghai at iniumang kay Klint. Kinagat naman nito iyon at nagdrama pa na nasarapan.
"Mukha kang engot," ani Marc kay Klint. "Pasubo nga rin, Daisy. Baka sumarap lang dahil sa 'yo."
Mukhang pinagloloko lang siya ng dalawang ito pero ginawa niya pa rin. Parang timang lang na nagtawanan ang mga ito pagkatapos. Mga sira-ulo. Bigla na lang tumabi ang dalawa sa kanya, sa magkabilang gilid at inakbayan siya. Walang malisya sa mga ito. Ilang beses na rin naman siyang inakbayan ni Klint. Mahilig lang talaga mang-akbay si Klint at kung minsan, nabibiktima si Berry. Nakakatikim naman ng kasungitan si Klint pagkatapos. Si Marc naman, kung ituring siya ay hindi babae, parang lalaki na. Sabagay, kaya niyang makisabay sa kalokohan ng mga ito.
"Para ka naming long lost sister. Akala namin ay babaeng-babae ka. Tapos bigla-bigla, nanghahampas ka at nangungurot pa minsan," hirit ni Klint.
"Sabihin mo lang sa amin kung may nananakit sa 'yo. Ibibitin namin siya patiwarik sa flagpole. Madali naman 'yung maabot e," wika ni Marc.
"Bai, Marc. Parang alam ko na kung sino mananakit rito sa batang kapatid natin in the future."
"Ano ka, may lahing manghuhula? Sabagay, bulungan mo ako mamaya ha."
"Kung mag-usap kayo, parang wala lang ako rito ah," saway niya sa dalawa. Magaan lang ang pagkakaabay ng dalawa pero dalawa pa rin ang mga ito. Akmang aalisin niya ang mga braso nito ay biglang may lumapit sa kanila.
Pinagkrus nito ang mga kamay sa dibdib, nakatayo sa harap nila. He lopsidedly smiled. Ano na naman ba ang ginawa nito ay may mantsa ng milo ang polo nito? "Alisin n'yo 'yang mga braso ninyong dalawa. Ako ang original rito."
Di natinag ang dalawa kay Lirio bagkus ay lalong bumigat ang pagkaakbay ng dalawa. Nakita niyang kinindatan ni Klint si Lirio.
"Kami na ang bahala rito, bai." May kung anong nahagip ang mga mata ni Lirio. She couldn't turn her head because of the two guys, almost sandwiching her between them.
Nagtaka siya nang ngumiti nang pagkatamis-tamis si Lirio. Kulang na lang manginig siya sa pagbabago nito. Lirio pat her head. "Gusto mong bilhan pa kita ng pagkain, Daze? May masarap na banana cue sa labas. Bagong hain pa. Galing kami ni Sofia d'on. Hay, ang cute-cute mo talaga."
Bigla na lang nitong kinurot ang pisngi niya, kurot na halos naipon na ang laman niya sa kamay nito. Masakit kaya napadaing siya.
"Kayong tatlo, ang we-weird n'yo ha! Kumakain lang naman ako nang matiwasay rito!" reklamo niya.
Noah saw it entirely. Napahigpit ang hawak niya sa librong ipinahiram ni Kara Jecille sa kanya. He was waiting in front of the counter when he saw how the three idiots messed with Daisy.
He even saw Lirio's eyes landed on his and gave him a chaste smile. There was a playful glint in Lirio's eyes. Maaaring na-gets kaagad nito ang ikinikilos ng dalawa. Ang tatlong tukmol na ito, inaasar talaga siya. They were telling him that he couldn't have that close proximity with Daisy unlike them. How could he? Nilakasan na nga niya ang loob niyang makausap ito noong nandoon sila kay Aling Toni. Nang-iinggit lang talaga ang tatlong tukmol dahil naispatan siyang nandoon. Naiinggit ba siya?
No. Hindi. He made his decision already. It's better that way. Maybe. Bakit ba matalas ang pakiramdam ng mga kabaro niya? 'Wag sana siya pangunahan at mabuko pa siya nang tuluyan.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero isa lang ang masasabi ko, kung anuman ang desisyon mo. Panindigan mo na lang." Nagulat na lamang siya nang sumulpot bigla si John Dale.
Minsan na silang magkita ni John Dale sapagkat pareho lang naman sila ng barangay na tinitirhan. Nagkagulatan pa nga silang dalawa doon. Nakita nito ang estado ng pamumuhay niya at nakita rin niya ang estado nito. They just kept it to themselves.
Dumako ang mga mata ni John Dale sa papalapit na si Kara Jecille. Katatapos lang nitong mamili ng bibilhin nito roon. Nang makalapit si Kara Jecille ay siya namang alis ni John Dale.
May alam si John Dale na hindi alam ng tatlong tukmol. Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Noah?" Napakurap siya't napabaling kay Kara Jecille. May hawak itong camote chips na binili nito roon.
"Tara, alis na tayo rito." Bago pa man ito makapagsalita ay lumabas na siya ng canteen.
* * *
Lahat ng estudyante ni Sir Romulo ay kailangang mag-participate sa volleyball game na iyon at ang kalaban lang naman nila ay ang Section A na tinuturuan din nito.
Tirik na tirik ang araw at nakaharap lang naman sila sa araw kaya nasisilaw sila at minsan hindi nakikita ang atake ng kabilang grupo. Ayaw talaga ni Daisy na sasalubungin ang bola. Kagrupo din niya roon si Raspberry na nakahanda ang mga kamay nito, di tulad niya na kabado kung masasalo ba niya ang bola. Namumula na rin ang mga kamay niya dahil doon. Halos hindi nga siya gumagalaw sa puwesto niya nang mag-rally na ang magkabilang team.
Pinalo ni Raspberry ang bola at masyadong malakas ang puwersa niyon kaya halos umabot ito sa dulo na pinalo naman ni Jecille. Nanlaki ang mga mata ni Daisy nang makitang pabulusok na papalapit sa kanya ang bola.
"Daisy!" Hindi na niya alam kung sino ang tumawag sa pangalan niya. Masyadong mabilis iyon at nangamba siya na di niya magawang mapalo iyon.
Nagulat na lamang ang lahat nang biglang tumakbo patungo sa kanila si Noah at humarang sa harap niya. Nanlaki ang mga mata niya nang saluin ng likod nito ang bola hanggang sa tumalbog iyon sa lupa.
Nagkatinginan silang dalawa ni Noah at tinatanong ng mga mata nito kung ayos lang ba siya. Bigla siyang nanghina at nanginig sa takot kaya napaupo siya't kinapa ang dibdib niya. Malakas ang tibok ng puso niya, sa ginawa ni Noah o sa mangyayari sanang pagtama ng bola sa kanya. Dinaluhan siya ng mga kaklase niya.
"What the hell, sinadya mo 'yon, Jecille!" Napabaling ang lahat kay Jenny na sininghalan si Jecille na bumalot sa mukha ang ang inis sa paratang ni Jenny.
Ilang beses na siyang hinatak ni Daphne sa bahay ng mga ito kaya kilala na rin siya ni Jenny na akala niya ay mataray ngunit mabait ito depende sa sitwasyon. Hindi lang talaga ito showy at strict ito sa ilang bagay. Naiintimidate ang mga ka-batchmates nila rito sa leadership skills at uptight aura nito. She has a strong personality.
"I'm not! Hindi ko 'yon sinasadya! Papunta sa kanya ang bola na dapat saluhin niya!" katwiran naman ni Kara Jecille.
Bago pa man niya marinig ang away ng mga ito na pinagitnaan na ng mga kaklase nila at kaklase ng mga ito ay iginiya siya ni John Dale sa isang bench para makasilong muna. Iniumang nito ang isang bote ng tubig na kaagad naman niyang tinungga.
"Okay ka na?" tanong nito at tumango siya bilang sagot rito. Napahiga siya sa bench nang makaramdam siya ng hilo sa sobrang init.
Nitong mga nakaraang araw, usap-usapan na sa batch nila ang pagiging malapit sa isa't isa nina Noah at Jecille hanggang sa nalaman na lang nila na nagkakamabutihan daw ang mga ito at mukhang magkasintahan ang turingan. Doon niya napagtanto na malalim na pala ang nararamdaman niya para kay Noah, hindi isang simpleng crush lang pagka't may pinong kumukurot sa puso niya kapag masaya ang dalawa na magkasama.
Nanlalabo na ang paningin ni Daisy, samu't saring kulay ang bumalong sa mga mata niya hanggang sa nilamon na siya ng kadiliman. Ang huling narinig na lamang niya ay ang pagtawag ng mga kaklase niya sa apelyido niya.
* * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top