PKL: Labing-Lima
----x
Hindi sumali ng christmas party si Daisy ngayong third year highschool dahil nagkasakit siya ng araw na iyon at hinanap naman siya ng mga kaklase niya ngunit hindi niya sinasagot ang mga mensahe sa pager niya. Tumulong lang siya sa barbecue-han ng pamilya niya na malapit lang sa isang private hospital. Hindi naman siya nanghinayang na hindi siya nakadalo dahil natutuwa siyang makinig sa mga usapan ng customers nila.
Nang malapit na sumapit ang Pasko ay sa bahay ng Tita Emerald siya naunang nanatili. Sa bisperas na kasi hahabol ang mga magulang niya at doon na magdiriwang ng Pasko. Gusto kasi niya roon dahil maraming libro ang Tita niya, napapagitnaan ng bundok at burol, may ilog sa likod-bahay at hindi magkakalapit ang mga bahay.
Lagi siyang nakatambay sa mini-bar, nakaupo sa high stool habang nagbabasa. Pag nagsawa naman siya ay sa front porch o sa harap ng fireplace habang pinagmamasdan ang mga puno sa paligid.
Inutusan siya ng Tita Emerald niya na bumili ng isang pack ng napkin, para sa kanilang dalawa dahil sabay pala silang dinatnan. Makulimlim ang langit at mukhang nagbabadyang umulan. Nakasuot lang siya ng pambahay at nakatali ang buhok na bun malayo sa ayos ng buhok niya sa eskuwelahan na ponytail.
Nakasuot din siya ng eyeglasses na owl-like ang hugis, reading eyeglasses dahil tila sumasayaw na ang mga letra sa tuwing magbabasa siya. Mga ilang bahay muna ang madadaanan bago makarating sa malaking tindahan. Pagkatapos niyang bumili ng isang pack ng napkin ay biglang umulan.
Paunti-unti lamang iyon nang sumuong siya't sumilong sa nadadaanang bahay ngunit bahagya pa rin siyang nababasa.
"Mako!" Akala niya, nagkamali lang siya ng rinig pero nang lumingon siya sa gawi patungo sa basketball court ay nakita niyang tumatakbo papunta sa kanya si Noah. Nababasa na ito ng ulan.
Nanlamig siya't naestatwa na sa kinatatayuan niya. Nagising lamang siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at wala siyang nagawa kungdi sumilong sa lilim ng isang puno.
Basang-basa na ito pero hindi nito alintana iyon. Nang tuluyan na itong nakalapit ay tumigil ito, nakisilong din sa puno at napayuko, habol ang hininga. Nang makabawi ay bahagyang nakangiti na ito at patuloy lang sa pagtulo ang tubig galing sa basang buhok nito patungo sa buong katawan nito.
Napakurap-kurap tuloy ang mga mata ni Daisy. Parang hindi siya makapaniwalang nagkasalubong sila roon.
"Akala ko, namamalik-mata lang ako. Ikaw pala 'yan, Mako." sabi nito. Nakasuot ito puting sando at cargo shorts na fatigue.
"A-anong ginagawa mo rito?" Hindi niya naitago ang sorpresa sa boses niya. Nang malipat ang mga mata niya sa hawak niya pack ng napkin ay kaagad niya iyong itinago sa likod niya Nakakahiya. Tinanggal niya ang pagkakasuot ng eyeglasses niyang nababasa na at ginawang headband.
"Taga-rito si Lirio. Niyaya niya akong tumira muna sa kanila. Hindi mo ba alam?" Unti-unti na ring nakunot ang noo nito sa sinabi nito. Paanong sasabihin ni Lirio sa kanya e hindi na sila nagsasabay umuwi o nag-uusap ng madalas.
Muntik na niyang nang makalimutan na malapit lang sa lugar na iyon si Lirio. Tumira na naman ba ito sa Tita nito? Umatras siya para makasilong ito sa puno. Unti-unti na ring humina ang ulan. Naglikot ang mga mata ko at umiwas ng tingin nang pigain mo ang sando mo.
"Dito ka nakatira?" Kinabahan siya at may bahagi sa isip niya na ayaw niyang malaman nito kung saan siya nakatia ngayong christmas season.
"Hindi. Bakasyon lang din. Nasa bahay ako ng tita ko." simpleng sagot niya, nakatungo ang ulo at hindi makatingin rito.
Kailan ba matatapos 'tong ulan at nang makauwi na siya? Nanlaki ang mga mata niya nang lumakas ang ulan. Wala na ring silbi ang pagsilong nila dahil natitilamsikan na sila ng patak ng ulan. Maputik rin sa bahaging iyon dahil hindi pa sementado ang daan. May dumadaan ring habal-habal kaya may posibilidad na masabuyan sila ng tubig na may putik.
"Malapit lang ba ang bahay ng tita mo? Sumuong na tayo ng ulan. Mukhang tatagal pa 'to." sabi nito.
Awtomatikong napailing siya. Natigilan ito saglit hanggang sa mahagip ng mga mata nito ang hawak niyang pack ng napkin. Nag-iwasan sila ng tingin, biglang nagkahiyaan.
Sinamahan siya nitong magjintay doon nang ilang minuto. Isang mahabang katahimikan ang sumunod doon, tanging ang pagpatak ng ulan sa puno, sa bubong ng bahay ang naririnig nila. Matagal. At di na nakatiis si Daisy.
"Ikatlong araw ko naman ito e, hindi na malakas 'yung..." Nabitin sa ere ang mga salita niya dahil tinablan na siya ng hiya. Nilamon ng buhos ng ulan ang boses niya nang sumuong siya sa ulan.
Umihip ang isang malakas na hangin at nagliparan ang mga dahon mula sa mga punong nakapaligid. Animo'y may bagyo. Hindi na siya nakinig ng radyo kay di niy alam kung may bagyo ba o wala at December ngayon. Maraming pumapasok na bagyo sa bansa.
Wala nang masyadong habal-habal na dumaraan sa kalsada. Inunahan na niya itong tumakbo. Hindi niya mapigilan kung bakit may takot siyang nadarama kapag nagtagal pa sila sa lilim ng malaking puno.
"Teka, Mako! Hintay! Ang bilis mong tumakbo!"
Ang nangyari, para siyang hinabol ito kaya mas lalong bumilis ang pagtakbo niya.
"'Wag mo nga akong habulin!" sabi niya naman.
"Tumatakbo ka e!" sagot naman nito. Mukha silang mga tanga na nagtatakbo sa ilalim ng malakas na ulan.
"Mukha tayong tanga!" Natawa si Daisy at natawa na rin ito sa kakatakbo nila.
Tumigil siya't sumilong sa isang maliit na tindahan. Sumunod naman ito. Mukha na silang mga basang-sisiw. Nang matingnan niya ang cotton shorts niya, nag-alala siya na baka mabasa siya sa loob. Ilang metro lang rin naman ang layo ng bahay ng Tiyahin niya.
"Baka hinahanap ka na ni Lir."sabi niya, tinataboy ito.
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Noah. "Nauna na siyang umuwi kanina."
"Huh?" Masyadong fixed ang atensiyon niya sa tumutulong tubig mula sa bubong na sinilungan nila. Doon niya ginawi ang atensiyon niya upang hindi niya mapagtuunan na masyado silang malapit ni Noah.
"Ihatid na kita sa inyo." prisinta nito na ikinalaki ng mga mata niya.
"Wag!" Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Nagtaka, kung bakit ganun ang reaksyon niya. "Sorry, ayoko lang na may maabala akong tao. Mauna na ako sa 'yo, Noah."
Lumayas na siya roon at kumaripas ng takbo, lumiko hanggang sa natagpuan na niya ang pulang gate ng bahay ni Tita.
Nang makasilong siya sa porch ay nakita siya ng tiyahin niya na basang-basa na at yakap-yakap ang sarili.
"Para kang nakakita ng kapre, 'neng."
"Higit pa po sa kapre, Tita." nakangiwing sagot niya.
---x
Hinilot ni Noah ang sentido niya't pagod na sumandal sa monobloc habang inulit-ulit sa isip niya ang mga natutunan niya noong last semester Importante iyon sa subject niya ngayon kaya inaral niya nang mabuti. Nang mapansin niyang may mga employee na pumasok sa registrar office ay umayos siya ng upo at ibinalik ang atensiyon sa mga papeles na kailangan niya pang asikasuhin.
Panaka-naka lang ang pag-aaral niya sa gitna ng pagtatrabaho niya. May mga araw nga na gusto nang bumigay ang katawan niya sa pagod. Trabaho. Eskuwela at wala na siyang oras para sa sarili niya. Ni ang pagbantay kay Lirio ay hindi niya magawa. Ayon kay Shawn, nagkukulong lang sa bahay si Lirio at hindi lumalabas ng kuwarto nito.
Even though, Shawn and him didn't mention about it. They knew that they were affected to because of Lirio's situation now but they couldn't do anything about it but to let him. But if Lirio wants to summon them, then they'll directly go to his house but Lirio was not doing anything. Gumuguho na ang mundo ng kanyang matalik na kaibigan. Ang kaibigang malaki ang naitulong sa kanya at heto siya'y nagpakasubsob sa pag-aaral at bilang working student.
Tired, he forced himself to buy food for his friend. Natagpuan na lamang niya ang sariling nasa Golden Valley.
The place that held most of his memories with the girl he took for granted years ago. And he was too occupied to notice it and too messed up.
When he passed by a familiar small bridge and the small river below it, he felt nostalgic. Ang mga halaman at mga punong nakapaligid sa sapa ay tila yumabong pa ata ngayong moonsoon months. Sumingaw mula sa baba ang kalamigang taglay ng dumadaloy na tubig, na tinatamaan ang mga bato roon. Sagana ang tubig roon. Same bridge but different weather before.
It was when they finished their third year highschool. And for the second time around, Lirio dragged him to his Tita's house to spent his vacation there. He has no idea of Lirio's plan at first.
---x
Aware si Noah na minsan na niyang nakita si Daisy sa village na 'yon at nalaman na magkapit-bahay lang ang Tita nito at ang Tita ni Lirio.
Ngunit masyado yatang mabilis ang kilos ng tadhana dahil nakita na lamang nila ni Lirio sa Daisy sa sapa. Natigil sa pagpedal si Noah sa bisikleta at nasa likod naman niya si Lirio. Nakalublob ang mga paa sa dumadaloy na tubig. Hindi man lang umabot sa kalahati ng binti nito sapagkat summer ngayon.
It was no denying that it's Daisy with her short hair with braids on either side of her head. Her hairstyle which he noticed. Napansin ata nito na may nakatingin rito. Awtomatikong nanlaki ang mga mata nito nang makita sila. Kinawayan ito ni Lirio.
"Daze? Maliligo ka d'yan?" pagbibiro ni Lirio.
"Sa tingin mo ba, makakalangoy ako sa konti ng tubig rito? Hindi no." angal nito kay Lirio at bumaling sa kanya. Ang ganda talaga ng ngiti nito, umaaliwalas lalo ang mukha.
"Hi, Noah. Magkasama na naman kayo. Hindi na nakakagulat." anito. Sabagay, nagkita na sila noong December at napangiti na lamang siya nang maalala ang nangyari noon.
"Hello, Daisy." He's not used calling her Daisy but he started to call her in her first name.
"Gusto mong sumama? May bibilhin lang kami sa JY. Mukhang kasya pa naman tayo sa bisikleta. Dito ka sa unahan ni Noah." shameless na pagbanggit ni Lirio. Mariin siyang napakapit sa handle ng bisikleta samantalang natawa naman si Daisy. Sa hiya o sa pagiging absurd ng offer ng kaibigan niya.
"Hindi na tayo kasya d'yan. Nagtataka ako kung bakit nagkasya kayo d'yan. Maawa naman kayo sa bisikleta oh."
"Umahon ka na nga d'yan sa sapa, mukha kang tanga. Kasalanan mo kung bakit kasama ko si Noah. Ocean ang unang pinili mo."
Tigalgal si Daisy sa sinabi ni Lirio na siya ring ikinasingkit ng mga mata ni Noah. Pinagsasabi ng kulugo?
"Lir!" reklamo ni Daisy, kulang na lang magpadyak doon sa may sapa. Bago pa man may lalabas ulit sa bibig si Lirio ay hinila na niya ang likod ng sando nito kasabay ang pagtulak ng bisikleta.
"Kapag nagtagal pa tayo, baka mainip na ang Tita mo sa 'tin. Bilis. Ang dami mong pasakalye." nasabi niya at tatawa-tawa naman itong nagpatangay sa kanya.
Now, he knew why Lirio dragged him. Siraulo talaga. Ang hilig nitong mag-imbento ng kung ano-anong schemes at sila ang biktima ni Shawn.
----x
Bisperas ng Pasko. Samu't saring paputok ang nagpaingay sa paligid. Nakatambay sa terrace si Daisy, pinagmasdan ang pagkalat ng fireworks sa kalangitan at ang mga kulay niyon ay maaninag sa mukha niya.
Bumaba na siya't nakisali sa kulitan ng pamilya nila habang kumakain nang makatanggap siya ng mensahe sa pager niya.
Nasa labas ako ng bahay niyo. - Noah
Nanlaki ang mga mata niya at nabitin sa ere ang kinakain niyang isaw nang mabasa iyon. Bago pa siya ma-paranoid na makita ng pamilya niya si Noah ay nagpaalam siyang lumabas ng bahay, dala-dala ang dalawang baso na may lamang fruit salad. Hindi na siya nag-abala pang magbihis, tanging pares ng pajama shorts at blouse lang ang suot niya na may print ng daisies. Regalo ng tiyahin niya na sa tuwa niya ay isinuot niya kaagad.
May ngiti sa mga labi nito nang makalabas na siya ng gate. Ang liwanag ng buwan at ilaw mula sa isang poste ang tumanglaw sa maaliwalas nitong mukha.
"Merry Christmas and Advance Happy New Year." bati nito sa kanya at namumulsa, nahihiyang salubungin ang mga mata niya.
Awtomatiko siyang napangiti at bahagyang nahiya pa. "Merry Christmas and Advance Happy New Year din. Nagdala ako ng fruit salad. Sa 'yo itong isa." Inilahad niya rito ang baso na alanganin nitong tinanggap.
"Birthday ko ngayon." nakayukong sambit nito. Namilog ang mga mata ni Daisy.
"Oh? Happy birthday! Bakit ngayon mo lang sinabi? Nakapaghanda na sana ako ng gift para sa 'yo." Bahagya pa siyang napanguso. "Fruit salad lang tuloy natanggap mo. Tumulong ako sa paghiwa ng prutas niyan. Si Mama ang nagtimpla."
"Salamat dito." Bahagya pa nitong itinaas ang baso. Naglakad na ito patungo sa isang puno ng mangga. May wooden bench kasi roon na puwedeng pagtambayan. Huminga siya nang malalim nang tuluyan na silang makaupo roon.
"Di mo kasama ang pamilya mo ngayong Pasko?" Muntik nang kurutin ni Daisy ang sarili niyang mapagtanto niyang maselan ang paksa na iyon.
Saglit na hindi nakaimik si Noah at kumain lang ng fruit salad. Napatungo naman si Daisy at babawiin na sana ang tanong nang magsalita ito. "May iba na silang pamilya, Mako. Ang tatay ko may asawa, maging ang nanay ko. Hindi sila kailanman ikinasal. Dati silang magkasintahan."
Napamaang na lamang si Daisy at hindi alam kung ano ang sasabihin. Ang totoo, may ideya na siya roon sapagkat nagkausap sila sa karinderya ni Aling Toni ngunit kaunting detalye lang. Ang alam lang niya ay may stepmother ito.
Nakayuko lang si Noah, nakatingin sa nagtataasang damuhan sa harap nila. Tanging huni ng kuliglig at ihip ng hangin ang maririnig.
"Sorry." tanging sambit ni Daisy. "Kaya pala napapansin kong si Ate Luanne ang kumukuha ng report card mo." Si Ate Luanne ang older sister ni Lirio na kilalang amazona ayon pa kay Lirio. Nalungkot siya sa bahagi ng buhay na iyon ni Noah na nag-iisa na lamang ito, kahit na may nanay at tatay pa rin ito. Kaya naaaninag niya ang kalungkutan sa mga mata nito.
Marahan itong tumango. "Oo. Hindi ko na masyadong inisip na bunga lang ako ng isang pagkakamali at huli na upang pigilan iyon." Sa gulat ni Daisy ay napatayo na siya sa kinauupuan niya at humarap rito.
"Hindi. Kailanman hindi isang pagkakamali ang magkaroon ng anak. Ang totoo hanga ako sa 'yo dahil bagama't magulo ang estado ng pamilya ay maayos ka naman napalaki. Mabuti ang kalooban mo at masipag ka sa klase. Mali sila kung iniisip nilang bunga ka ng pagkakamali." litanya niya rito. Hindi niya akalaing may mga magulang na ganoon mag-isip. Kasalanan pa ba ng anak nito at iparamdam rito ang bagay na iyon? Kumukuyom ang mga kamao niya sa isiping iyon at namalayan na lamang niyang masyado na siyang nadala sa emosyon niya nang biglang tumawa si Noah.
Napatulala na lamang siya nang pagmasdan ang masaya nitong mukha. Hindi siya nito pinagtatawanan dahil may nakakatawa sa sinabi ngunit natuwa itong kahit papaano gumaan ang loob nito sa sinabi niya. Parang may kumurot sa puso niya.
"Salamat, Mako." malumanay nitong sabi at ngumiti. "Sapat na iyon para sumaya ako ngayong kaarawan ko."
Napakurap-kurap si Daisy at tumalikod rito. Ayaw niyang makita nitong naiiyak siya sa isiping napasaya niya ito ng konti at lungkot dahil sa pinagdadaanan nito. "Wala 'yon. Kaibigan kita. Kakampi mo ako."
Nang gabing iyon, nakatunganga lang si Daisy sa terrace, nakatingala sa maliwanag na buwan pagkatapos nilang maghiwalay ni Noah. Ayaw nitong mapuyat siya rito. Gusto lang daw siya nito makita sa birthday nito at parang mangingisay ang puso niya nang mga oras na iyon. Napahinga tuloy siya nang malalim at nanalanging sana'y ayos lang si Noah at nawa'y gabayin ito ng Diyos. 'Yon lang ang hiling niya para rito.
---x
Noah was in front of Lirio's house. He's staying in that because his Tita worked in London now. Ito na muna ang tumao roon ngunit paminsan-minsan lang. Ang bahay na pinili ng kaibigan niyang magmukmok.
---x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top