PKL: Labing-Dalawa
---x
Ang student teacher nila ay isang choreographer, kapalit ng MAPEH teacher nila pagsamantala at inaasahan na dance presentation ang ipinapagawa nito sa kanila.
"Okay class, line up from smallest to tallest." Teacher Lena said and gestured them in the middle part of the classroom. Ang mga benches na naging upuan nila ay nasa sulok ng silid-aralan na nilipat nila para sa activity. "Thirty kayong lahat sa klase ko. Fifteen boys at fifteen girls. Line up now. Dito sa left ang mga boys, then right ang mga girls."
Pumila sa hilera ng mga babae si Daisy. Umingay lang ang mga ito na panay ang reklamo na sa height. May nagpupumilit na magpalit, meron namang hindi tanggap na may mas matangkad pa.
Nagkatinginan silang dalawa ni Berry, kalmado lang ang ekspresyon ng mukha nito samantalang siya ay parang maiihi pa yata. Mas mabilis man siya pang-karaniwan sa pagtakbo. Ibang usapan na pagdating sa sayaw.
Pinagpapawisan na sa kaba si Daisy dahil iba ang kutob niya roon. Hindi siya katangkaran at hindi naman siya pandak kaya nasa gitna lang siya ng linya. Nakatingin lang siya sa bulletin board sa loob ng silid-aralan, hindi tumitingin sa katabi niya.
"Tapos na Ma'am!" ani Marc, kabilang ito sa pandak category. Binilang naman ng guro nila ang bawat estudyante sa pila. "Now, face your partner."
Higit-higit ang hiningang humarap sila sa magiging partner nila sa Waltz Dance. Muntik nang atakihin sa puso si Daisy nang magsalubong ang mga mata nila ni Noah. Oo, si Noah ang partner niya.
Sa kabilang banda, kalmado pa rin ang mukha ni Raspberry nang makaharap nito si Klint. Muntik nang matapat kay Berry si Lirio kung hindi lang nagreklamo si Klint na mas matangkad ito kaysa kay Lirio. Asar man si Lirio ay pumayag na rin siya kahit na ang ka-partner niya ang tomboyish na si Apple.
Ayos na rin ang ganoong set-up kaysa makita pa si Lirio ng girlfriend niya na katambal si Berry. Wala namang kaso kay Apple dahil pansin nilang ang mga tipo nito e mga babae. Kay Berry kasi, maganda ito at tiyak na di nalalayo ang posibilidad na mainis sa kanya si Eden Sofia. Ang girlfriend ni Lirio.
Habang nakikinig sila sa brief introduction ng Waltz ay unti-unti nang nagsi-sink in kay Daisy ang nangyayari. Panay ang pagkagat niya sa kuko niya na nahalata na ni Noah. Lagi siyang nag-oobserba kay Daisy kaya alam niyang medyo kabado ito ng mga oras na iyon. Dahil ba magka-partner sila? Ni hindi nga sila nag-uusap. Baka dahil doon.
Bukas na magsisimula ang practice sila sa mga steps at parang gusto ng takasan ni Daisy ang sitwasyon. Nagkasundo ang buong section na hindi sila paghihiwalayin ng grupo. Silang lahat ang sasayaw para sa performance nila at may dalawang linggo sila para magpraktis. Hinayaan na sila ng student teacher nila sa magiging plano.
Lumapit si Daisy kay Raspberry.
"Namumutla ka." puna ni Raspberry. "Relax ka lang, Waltz lang ito. Ito ang pinakamadali sa lahat ng mga sayaw. Mahirap ang tango, salsa, foxtrot at chacha."
Napanguso si Daisy. "Alam mo na kung sino partner ko." Napatingin si Daisy sa puwesto ni Noah na nakasandal lang sa pader habang nakikipag-usap sa isang kaklase nila. "Buti pa sa 'yo, si Klint partner mo. Siya kasi 'yung tipong masarap maging tropa dahil jolly siya."
Bahagyang napasimangot si Raspberry. "Makulit siya pero napagtitiisan ko naman."
"Buti ka pa, madali lang ito sa 'yo." Magkaiba silang dalawa ni Berry. Marunong itong sumayaw samantalang siya ay marunong kumanta.
"Depende kung makikisabay ang partner ko."
"Muntik mo nang ma-partner si Lirio."
"Fortunately." she stated. Tila payapa ang ekspresyon ng mukha nito.
Napanguso siya't may naalala. "Sabagay, selosa ang gf nun e. Kahit ako, parang masama ang tingin niya sa akin lalo na kapag ginugulo ni Lirio ang buhok ko. Di naman sa ayaw ko sa kanya bilang gf. Ang sa akin lang, magkaibigan lang kami ng tao."
Tinawag na sila ng Presidente nilang Janna para i-finalize ang plano nila sa dance presentation.
Kinabukasan, simula na ng pagturo sa kanila ng dance steps at nagkakahiyaan na silang dalawa ni Noah at halos hindi na magkatinginan. Noah reluctantly held her sweaty hand while they copied the hand gestures and steps that their teacher taught them. Panay naman ang sama ng tingin ni Raspberry kay Klint dahil mahigpit ang hawak nito sa kamay niya na parang anumang oras ay tatakas siya samantalang halos hindi na magkahawak-kamay sina Lirio at Apple, dahil may konting alitan sa kanila nang makita silang magkasama ni Eden Sofia. Nagreklamo si Apple dahil mali ang assumption ng girlfriend ni Lirio.
"Sorry, pasmado talaga ako. Puwede mong bitawan kamay ko." Nakatungo lang si Daisy. Ang dibdib lang nito ang nakikita ng mga mata niya. Dahil sa sinabi niya ay humigpit ang hawak ni Noah sa kamay niya bagay na ikinasinghap niya.
"Okay lang." tugon ni Noah habang nagsasayaw silang dalawa. Humiwalay silang dalawa at nag-abutan ng kamay saka umikot ayon na rin sa dance steps. Kanina pa kinakabahan si Daisy at sana'y hindi mahalata iyon ni Noah.
Nang bigyan sila ng ten-minute break ay kanya-kanya na sila sa loob ng silid-aralan. Raspberry was drinking her water when she noticed that Lirio looked at her with his curious eyes.
Ayaw ba ni Raspberry sa kanya? Iyon ang bumabagabag sa isip ni Lirio habang pinagmamasdan niya si Raspberry na umiinom ng tubig. Napansin naman siya ni Raspberry na nakatingin siya rito at sa gulat niya ay umirap pa ito sa kanya.
Napanganga na lang si Lirio at napasinghal nang bahagya. May ginawa ba siyang mali? Bakit ang taray ng dating nito sa kanya?
Sa kabilang banda, panay pa rin ang pagkagat ni Daisy sa kuko niya at namalayan iyon ni Noah na tumalikod lang at inabot ang bag nito, napapangiti ng lihim. Kinakabahan ba ito sa kanya? May ibig sabihin ba ito roon o sadyang hindi lang ito sanay sa presensiya ng lalaki?
"Okay ka lang ba?" Muntik nang mapatalon sa gulat si Daisy nang lapitan siya ni Noah. Napatango na lamang siya at hinayaan itong tumabi sa kanya sabay sandal sa pader.
"Oo naman." Hindi pa naman bumabaliktad ang sikmura niya.
"Huwag kang mailang sa 'kin. Isipin mo na lang na babae ako o alien o kung anuman." panimula nito at medyo napahiya si Daisy doon.
Masyado ba siyang obvious? Nagnakaw ng tingin si Noah rito at bumuo sa isipan niya na nag-ooverthink na naman ito. Madali kasing mabasa sa face expressions nito ang gumugulo rito.
"Pasensiya na, hindi lang yata ako sanay. At pasensiya na rin kung natatapakan kita. Di ako ganoon kagaling magsayaw e. Weakness ko ang mga ganito." paglalahad niya rito.
"Ako rin naman. Medyo mabilis lang ako maka pick-up ng steps." anito. Sabagay, matalino ito at fast learner. Madalas itong magtaas ng kamay sa recitation na siyang hindi niya nagagawa sapagkat natatakot siyang maaaring maging mali ang sagot niya.
Pinabalik na sila ng guro nila sa kanya-kanya nilang position at sa pagkakataong iyon ay hindi na gaanong naiilang si Daisy dahil ngumingiti na ito sa kanya. Madalang lang kaya itong ngumiti sa mga tao bagay na ikinangiti na lamang niya.
Sabado. Nasa bahay siya ng Tita Emerald niya upang manghiram ng libro at dahil nagluto ito ng italian spag. Inimbitahan silang magkakapatid na pumunta roon. Isang jeep lang naman at motorsiklo ang sasakyan papunta sa bahay nito. Nagkataong naabutan niya si Lirio sa basketball court ng village.
"May sinabi ba tungkol sa 'kin 'yung si Raspberry? Ang sama ng tingin niya sa 'kin minsan. Wala naman akong ginagawang masama." Iyon ang bungad sa kanya ni Lirio matapos niyang umupo sa kahoy na ginawa ng upuan.
"Huh? Wala. Wala 'yung amor sa boys. Sa mga libro, oo. Baka kasi ayaw niya lang sa 'yo." sagot naman ni Daisy at nagkibit-balikat.
Nangunot naman ang noo ni Lirio. "Ang labo naman. Hangin nga lang ako sa kanya minsan. Hindi naman ako panget at hindi naman ako bastos. Marami ngang girls na nagkakagusto sa 'kin e."
Kulang na lang ikutan nito ng mga mata ni Daisy. "Baka ayaw niya sa 'yo dahil masyado kang feeling guwapo. Ba't mo naman iisipin 'yung trato ng kaibigan ko sa 'yo? Lagot ka kay Eden Sofia pag narinig ka ng isang 'yon. Mathre-threaten yun sa kagandahan ng kaibigan ko."
Napasinghal si Lirio at napakamot sa tainga niya. Lagi na lang nitong binibida ang pagiging maganda ni Raspberry. Oo na, tama na ito. "Ayoko lang may kaaway ako sa klase."
"Sa totoo, hindi ka naman kaaway sa paningin ng kaibigan ko. Siguro nga, ayaw lang talaga niya sa karakas mo." katwiran ni Daisy.
Kanina pa umiikot si Daisy at panay ang check niya sa hawak niyang papel kung saan doon may drawing ng map kung nasaan ang bahay ni Rowie, ang kaklase nilang nag offer na doon sila magpr-praktis sa lugar nito dahil may malawak na clearing sa likod ng bahay nito. Nagpadala na siya ng mensahe kay Lirio sa pager nito na nakarating na siya doon.
Luminga-linga siya paligid nang mapagtanto niyang may pamilyar na pigura na papasalubong sa kanya. Nang makita ito ay natigil ito sa paglalakad. Lumiwanag ang mukha ni Daisy nang makilala niya ito.
"Hay! Sa wakas. Ikaw pala 'yan, Noah. Kanina pa ako naliligaw rito." Napakamot siya sa ulo niya. "Nalito ako sa mga daan rito."
May bitbit itong plastic bag na mukhang mga tinapay ang laman. "Kakasimula pa lang namin. Ako ang inutusang bumili ng merienda natin."
Humakbang palapit rito si Daisy na may munting ngiti sa mga labi. "Medyo late ako dahil may inaasikaso pa sa bahay. Halos kompleto na ba tayo?"
Sumabay na siya sa paglalakad rito. Nasa gilid lamang sila ng daan kung saan may nakahilerang bougainvillea at iilan sa mga talulot niyon ay naglaglagan kaya napapangiti na lamang ng lihim si Daisy.
"Di pa. May iba na walang partner kaya magpi-pick up lang sila ng dance steps. Gumagawa pa kasi ng combinations ang mga kaklase natin." lahad nito. May nga kaklase silang marunong sumayaw at boluntaryo ang mga itong gumawa ng choreo nila. "Nandoon na rin si Raspberry."
Alam kasi nitong malapit siya kay Raspberry. Malapit na sila sa bahay ni Rowie nang manlaki ang mga mata ni Daisy sa mga asong pakalat-kalat sa daan. Nakatingin ito sa kanila. Sa takot niya, tumabi siya lalo kay Noah at napakapit sa braso nito. Sandaling natigilan si Noah sa ikinilos ni Daisy at bahagyang napangiti nang sumiksik ito sa braso habang nilalampasan nila ang mga aso.
"Takot ako sa mga aso. Mas gusto ko ang mga pusa. Hindi sila ganoon ka-alagain." sambit ni Daisy at nakahinga nang maluwag nang makalayo na sila sa mga aso. Nasa harap na sila ng isang bahay na sementado ang unang palapag at kahoy sa ikalawang palapag. Sa likod niyon ay isang clearing at kagubatan na sa kasunod niyon. Nandoon ang ilan sa mga kaklase nila.
"Ilagay mo 'yung bag mo sa bahay. Nasa bungad lang naman ang sala. Nandoon ang iba, inasikaso ang pancit bihon na niluluto ni Rowie para sa 'tin." Nagningning ang mga mata ni Daisy nang marinig ang pancit bihon. Isa iyon sa mga paborito niyang ulam.
Kapwa silang pumasok ng bahay at kaagad na sinamaan ng tingin ni Daisy si Lirio na malamang nabasa ang mensahe niya sa pager nito ngunit hindi nito sinunod ang pakiusap niya. Bagkus, isa ito sa mga nag-aabang ng pancit bihon. Ang takaw talaga.
Nang matapos silang kumain ay nasa damuhan na sila, tinuturuan ni Hazel ng mga magiging steps nila. Kahit paano, naengganyo siyang sumayaw dahil sa luntiang kapaligiran nila.
"Ang saya natin ah." pansin ni Noah at saka siya inikot. Marahan siya nitong sinalo. Sa tuwa niya, hindi na siya ganoon nag-focus sa magkalapit nilang katawan.
"Ang ganda kaya rito. Sana dito na tayo mag-praktis lagi. Nakakawala ng stress 'yung mga puno't damuhan." nakangiting sambit ni Daisy. Nakakahawa ang ngiti nito kaya napangiti na rin si Noah. Katulad pala niya itong nature lover.
"Oo naman." Panay ang tingin ni Daisy sa mga puno sa paligid nila nang hindi niya namalayang napatid niya ang isang maliit na bato kaya inatake siya ng kaba nang muntik na siyang matumba. Ngunit hindi natuloy dahil nakahawak sa kanya si Noah. Napasubsob pa siya rito na ikinagulat niya. "Oh, ingat ka." Inalalayan siya nito.
Tinablan ng hiya si Daisy. "Sorry. Masyado lang ako natuwa." Ang totoo, masaya si Noah na ngumingiti ito at mukhang komportable na sa kanya hindi gaya noong una.
Nag-break muna sandali at ang unang ginawa ni Daisy ay sumalampak sa damuhan at huminga nang malalim. Ano kaya ang pakiramdam kapag tumira ka sa probinsiya na presko ang hangin, maraming puno't halaman at halos walang mga gusali?
"Kung ice cream ka, matagal ka ng tunaw." May nakakalokong ngisi sa mgs labi ni Marc Necolson nang tumabi ito sa kanya sa damuhan.
"Huh? Pinagsasabi mo?" Ka-alagad ito ni Klint na parehong usyusero at tsismoso, madaming napapansin sa paligid.
Ngiting aso lang ang ibinigay nito sa kanya. "Alamin mo na lang. Wala ng thrill pag sinabi ko." makahulugang sabi nito.
Binalewala na lamang iyon ni Daisy. Pinagloloko lang ata siya ng dalawang unggoy.
Inabot sila ng gabi sa praktis at dahil may curfew ang iba ay nagsiuwian na ang mga ito kabilang na roon si Daisy na hanggang alas siete lang ng gabi. Alas sais pa lang pero ayaw niyang umabot pa sa curfew.
"Ihatid na kita sa may sakayan." ani Noah na ikinagulat niya.
"Hatid mo rin ako p're? Sabay na kami ni Daisy." Tumayo si Lirio pero hinila lang ito ni Klint paupo sa kawayang upuan at tiningnan lang ng makahulugan ni Klint. Nagtaka tuloy si Daisy sa inakto ng mga ito.
Nagkibit-balikat na lamang siya at binitbit ang maliit niyang bag. "Sige." payag niya kay Noah na sumabay na sa kanya sa paglalakad. Mukhang may plano yata ang mga boys dahil nagpaiwan ang mga ito.
"Mahilig kang pagmasdan ang mga bituin?" tanong ni Daisy nang tahakin na nila ang direksiyon papunta sa sakayan ng jeep.
"Minsan." sagot ni Noah. Ang totoo, pag wala siyang matutulugan na bahay ay nakatingin lamang siya sa langit at pagmasdan ang pagkislap ng mga bituin.
"Nahilig ako sa paghahanap ng mga constellations. Pinakapaborito ko 'yung Orion. Yung sa Greek mythology na laging may dalang palaso." kuwento ni Daisy. Hindi umimik si Noah bagkus mukhang malalim ang iniisip nito. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Lagi na lang negatibo ang tingin ng mga 'to sa kadiliman pero pag unawain mo ay may ibang kahulugan rin iyon." aniya.
Kahit di niya sabihin rito ang ipinupunto niya ay may bahagi sa isip niyang niintindihan siya ni Noah.
Isang jeep ang nakatigil sa gilid, naghihintay ng mga pasahero. "Ingat ka. Umuwi ka kaagad sa bahay ninyo." bilin nito sa kanya.
Tipid na ngumiti si Daisy at tinapik ang braso nito nang mahina. "Oo naman. Mag-iingat ako." sabi niya saka lumulan na ng jeep.
Nakatayo lang doon si Noah habang pinagmamasdan ang paglayo ng jeep, napahawak sa brasong tinapik ni Daisy. Napatingala tuloy siya sa madilim na kalangitan. Siguro nga, may ibang kahulugan ang kadiliman.
--x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top