PKL: Labing-Apat

---x

Daisy knows she's unstable now and she felt suffocating in her room. She quit college a year ago and still at lost now. She has been medicating for months yet it took her days to get better. Ngayon, inabutan na siya ng umaga, hindi natutulog at kung saan-saan naglalakbay ang isip niya. Hindi pa nagigising ang mga tao sa bahay nang umalis si Daisy at tanging dala lamang ay ang kanyang pitaka.

Wala siyang eksaktong destinasyon. Gusto lang niyang lumakbay kung saan. Sumakay siya ng jeep at bumaba sa isang lugar kung saan napapaligiran ito ng mga puno't halaman. Sa bahaging elevated na lugar ng siyudad kung saan napapalibutan rin ng bundok.

Noong mga unang araw ng medication niya ay parang mababaliw siya sa mga boses na naririnig niya. She's aware that it weren't real but it affected her somehow. Her self-esteem and her sanity. She's even more anxious when she walk through that part of the hospital, hearing voices from nowhere. She had a mental fatigue and a depression that needs to be cured. It was due to pressure she felt in college.

Part of her, hindi niya kinaya ang pagbabago. She was culture shock and didn't even have friends to talk to cause she was all alone in that university despite the fact that her former classmates in highschool were there.

She's going downhill and she didn't know what to do until she cried for everything that screwed up. Mental visions came and it haunted her every night that left her sleep-deprived.

Nang magsawa siyang pagmasdan ang siyudad mula sa itaas ay sumakay na siya ng jeep pabalik at napadpad siya sa isang Cafè. Pumuwesto siya sa outdoor table doon. Hinayaan lang siya ng mga crew sa Cafè.

Nakatitig lang siya sa baba kung saan umaandar ang mga sasakyan. Nakapaligid sa Cafe ang mga gusali, hotel, office buildings at di-kalayuan ay ang Ayala mall.

Napansin siya ng mga crew doon at nagulat na lamang siya nang lapitan siya ng isang lalaking crew na may bitbit na isang malamig na kape.

"It's on the house. Kanina pa kita napapansin. Huwag kang mag-alala, hahayaan ka lang namin dito. Mukha kasing malalim ang iniisip mo." anito. Napatango siya rito at tipid na ngumiti.

"Salamat." Tumango ito at bumalik na sa loob ng Cafè. Napatitig na lang si Daisy sa papalayong likod nito. Nalipat ang mga mata niya sa kape.

It was at that moment when she think of doing something to divert her restlessness and loneliness. She wants to work. A diversion.

---x

Daisy

Hindi makita ni Daisy kung nasaan si Lirio kaya napabuntong-hininga na lamang siya't pumunta sa canteen kung saan alam niyang nandoon si Shinoah.

"Nakita mo ba si Lirio?" tanong niya rito kaya umangat ang ulo nito sa kanya. Binabasa nito ang isa sa mga reviewer nila. Nalalapit na kasi ang second periodical test nila at panay aral na ang ibang kaklase nila. Mahaba ang vacant time nila ng mga oras na iyon dahil hinayaan lang sila ng mga guro nilang mag-review.

Umiling si Noah. "Hindi. Baka kasama niya si Eden Sofia." sagot nito na nagkibit-balikat lang. Napanguso na lamang si Daisy at umupo sa katapat nitong upuan.

"Akala ko ba, kokopyahin pa niya 'yung notes ko." Pinagkrus ni Daisy ang mga kamay niya. Naniningkit pa ang mga mata niya, konti na lang masasapak na niya si Lirio. Ang notebook kasing iyon ay mga notes niya kung saan doon niya nilalagay ang importanteng details ng lessons sa lahat ng subject nila.

"Maya, baka bumalik iyon rito." bigay-paalam nito. Napabaling tuloy si Daisy rito.

"Ang lalaking talagang 'yon, di natatakot na bumagsak ang grades. Minsan, iniisip ko kung paano kayo nagkasundo." Doon napagtanto ni Daisy na siya ang unang lumapit rito. Nahiya tuloy siya sa approach niya rito at tungkol pa sa pagiging tamad ni Lirio.

"Oh andiyan na pala siya." Napalingon silang dalawa sa kakapasok lamang na Lirio kasama ang girlfriend nito. Unti-unting nawala ang liwanag sa mukha ni Daisy. Kahit girlfriend ito ng bestfriend niya ay kailanma'y hindi siya naging malapit kay Eden Sofia. Kung wala lang ang girlfriend nito, malamang binatukan na niya ito sa inis.

May ibang nagsasabing ang taray tingnan ni Raspberry kaya't di masyadong lumalapit ang mga lalaki rito. Pero kay Daisy, si Eden Sofia ang mukhang mataray at medyo cold ang aura. Medyo natatakot siya rito at hinuha niya, kung makakasama niya ito nang ilang oras ay hindi pa rin sila magiging malapit ni Eden Sofia.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Lirio sa kanilang dalawa nang makarating sa table nila. Humiwalay si Eden Sofia at tumungo sa table kung saan nandoon ang mga kaklase nito.

Bago pa man ito magsalita ay inunahan na niya ito sabay lahad ng palad niya. "Nasaan na ang mga notes ko? Kakabisaduhin ko pa ang mga impormasyon doon. Natapos mo nang kopyahin?"

Nagkamot lang ito sa likod ng tainga nito. "Di pa." Napasapo na lang sa noo si Daisy.

"Oh siya, tapusin mo nang kopyahin." giit ni Daisy at nagmartsa na palayo. Sinundan lang ito ng tingin ni Lirio at Noah.

"Meron ba siya?" Nang bumaling siya kay Noah ay mataman lang siya nitong tiningnan. "Bakit? May ginawa ba akong mali?"

"Tapusin mo na ang pagkopya ng notes niya, Lirio. Hindi ka makakatakas sa 'kin hangga't di mo 'yan natapos." istrikto pahayag ni Noah. Napakamot na lang si Lirio sa ulo niya. Nagmukha tuloy itong si Shawn sa paningin niya.

---x

Panay ang pag-abot ni Daisy sa isang libro na nasa itaas na parte ng shelf. Naabot niya isang libro ngunit nahulog lamang ito sa ulo niya bagay na ikinadaing niya. May mga estudyante tuloy na napalingon sa puwesto niya dahil lumikha iyon ng ingay.

Hindi niya namalayang may umabot sa librong kukunin niya sana. "Nagpatulong ka sana." Kilala niya ang boses niyon kaya napabaling siya kay Noah para lang masorpresa sa pagiging malapit nito. Napaatras tuloy siya nang wala sa oras. Pinulot nito ang nahulog na libro saka nilagay ulit sa dati nitong posisyon.

"Ba't bumansot ako ngayon?" bulong ni Daisy sa sarili na narinig naman ni Noah.

"Tumangkad lang ako." mahina ang boses na sagot ni Noah kaya nang tumingala si Daisy sa kanya ay binigyan lang niya ito ng isang simpleng ngiti. Napaiwas tuloy ng tingin si Daisy at napatikhim.

"Uhm, thanks." sabi niya sabay tanggap sa librong kinuha nito para sa kanya. Noon na napapansin ni Daisy na tambayan rin nito ang library ngunit malayo ang book choices nila. Siya, fiction, ito textbooks at academic materials. "Sige, basa muna ako."

Tumango lang ito at bumalik na sila sa kanya-kanyang puwesto.

Sumulyap si Noah kay Daisy na nasa libro na ang buong atensiyon. Isang beses nang hayaan sila ng MAPEH teacher nila sa may oval track at field, nakita niyang nagbabasa sa lilim ng puno si Daisy. Tutok na tutok ito at tila wala na sa totoong mundo. Nang matapos na ang klase nila, nagulat na lamang siya nang makitang nakasandal na ito sa katawan ng puno, nakapikit ang mga mata habang ang libro ay nakabukas at nakapatong sa maroon skirt nito. Natulog na ito sa kababasa.

Gustuhin man niyang gisingin ito ay hindi na lang niya ginawa dahil himbing na himbing ito sa pagtulog. Isa pa, vacant naman nila sa susunod na subject. Ang ginawa niya ay nanatili lang sa grandstand habang nagbabasa ng Public Speaking book, binabantayan ito sa malayo. Nataranta pa ito nang magising nang mapansing wala na ang mga kaklase nila at hindi siya nito nakita. Nagmamadali pa itong umalis ng sports center na nasa loob mismo ng eskuwelahan nila.

Kung mabubuking siya nito sa pag-oobserba niya rito ay tiyak na matatakot ito sa kanya pero wala naman siyang ginagawang masama. Gusto lang niyang bantayan ito sa malayo.

----x

"Nakakahalata na ako ah. Bakit lapit ka ng lapit sa 'kin?" takang tanong ni Daisy kay Calvin. Kaklase niya ito sa training center kung saan nag-aaral siya ng Food and Beverages. Iyon ang naging desisyon niya, ang sumalang sa technical vocational curriculum upang makapagtrabaho. Resort niya sa pagiging out-of-school youth. A good start for picking up the shattered pieces she earned during her low moments.

"I don't know. I have this notion na kailangan kitang protektahan." Itinaas pa nito ang mga kamay bilang pagsuko. Nasa harap lang silang dalawa sa isang gusali na malapad na dalawa ang palapag. Sa second floor ay ang training center nila, sa baba naman ay ang palengke. Umarko tuloy ang kilay niya sa sinabi nito.

Kumibot-kibot ang mga labi niya. Ang plano niya ay makapagtapos sa four month training roon at makapagtrabaho sa isang restau o café. Wala sa isip niyang magkaroon ng isang kaibigan sa durasyon ng training. Apat na buwan lang naman kasi. Inaabot nga ng taon bago maging kaibigan ang turing niya sa mga ito.

"Di mo ako kailangang protektahan." sabi na lamang niya at tinalikuran ito.

"Kumain muna tayo. Di ka pa nakakapag-hapunan." pigil nito sa kanya. Bakit ba ang kulit nito?

"Sa bahay na ako kakain." sagot niya.

Namilog lang ang mga mata nito. "Alas otso na, Daisy. Magkaka-ulcer ka niyan. Kaya ba nakikita kitang bumibili lang ng biscuits at baked chips. Hapunan mo na 'yon?" eksaherado nitong sambit.

"Oo." walang-gatol niyang sagot. Wala na siyang choice kundi prangkahin ito. Wala siyang sinasabihan tungkol sa maintenance niya sa gamot at sa mental health niya. Sinundan pa rin siya nito hanggang sa pagtawid niya sa maliit na kalsada upang tahakin ang isang convenience store.

"Daisy naman. Wala akong motibo sa 'yo. It's just that may naramdaman akong kakaiba sa 'yo. Pakiramdam ko, kagaya kita na may pinagdadaanan. Before, tumigil ako sa college dahil nagkasakit ang nanay ko. Pero hindi lang iyon ang dahilan, na-pressure ako. I deal with my depression alone. There, depression. I think you're in that state." Namilog ang mga mata ni Daisy nang marinig ito at marahas na napalingon rito. May bumusinang motorsiklo kaya hinila siya sa gilid ni Calvin.

"Paano mo nalaman? Di ko naman kinuwento sa 'yo. Feeling close ka lang." Lumayo siya rito at pinagkrus ang mga kamay niya. Nanliit pa ang mga mata niya. Nameywang lang si Calvin.

"Tama ako, di ba?" sabi nito. "Psychology major ako sa college. Alam ko ang symptoms ng depression dahil napagdaanan ko na rin 'yan."

Daisy's eyebrows furrowed. "Hinihintay mo ba akong mag open up sa 'yo?"

Calvin crossed his arms too and looked intently at her. "Look, nasa iyo kung i-open up mo sa 'kin. Obvious na may trust issues ka. Hindi kita pipilitin pero sumabay ka na sa 'kin kumain. Hindi kita titigilan hangga't di kita nakikitang kumain."

Napabuntong-hininga na lamang si Daisy tanda ng pagsuko. Masyado itong makulit. Parang di ito matanda sa kanya ng tatlong taon. "Oo na. Sige na, kakain na ako."

Sa mga sumunod na araw, dumikit na naman ito sa kanya kaysa sa isang kaklase nilang babae na hula niya ay nagugustuhan nito. Sila na tuloy dalawa ang tampulan ng tukso at binabalewala na lamang niya dahil hindi naman totoo. Wala namang pakialam doon si Calvin dahil inamin na nito sa kanya na para siya nitong long lost sister. Wala kasi itong kapatid na babae. Kaya umaandar ang pagiging overprotective. Ang lagay, nagka-instant Kuya siya sa training center.

"Alam mo ba kung ano ang isa pa sa mga dahilan kung bakit lumapit ako sa iyo?" panimula nito nang kumain sila sa isang barbecue-han sa downtown. Nabitin sa ere ang pagpapak niya sa isaw.

"Bakit?" nakataas ang kilay niyang tanong. Iisipin ng mga tao na nakakakita sa kanila ay may namamagitan sa kanila. Nakaalalay kasi si Cali sa kanya, nakahawak ito sa braso niya o di kaya'y nakaakbay sa kanya. Masyado itong matangkad kaya pinatr-tripan siya nitong ipatong ang braso nito sa ulo niya.

"Dahil playgirl pala 'yung si Yanna. May boyfriend na pala siya at may isang fling. Alam ng baklang si Joel dahil kapit-bahay niya lang." pagkukuwento nito. Pinukol tulot niya ito ng barbecue stick na wala nang laman.

"Loko ka! Kaya pala. Muntik ka na palang mabiktima. Mas bata pa 'yon sa 'kin ah." komento niya't uminom ng tubig. "Bakit mo ba 'yon natipuhan? Dahil ba maganda?"

Iningusan lang siya nito at akmang babatukan pero iniatras lang niya ang ulo niya at natawa. Nagkunwari itong nainsulto. "Attracted lang ako sa mga mata niya, okay?" giit nito. "Nang malaman ko na ganoon siya. Dumikit-dikit ako sa 'yo kasi magkalapit lang ang edad ninyo at wala ka namang reklamo. Tahimik ka lang sa isang tabi at magkaibang-magkaiba kayong dalawa. Akala ko nga, hindi ka nagsasalita."

Pabirong umirap lang siya sa hangin. "Silent type ako at di ako yung tipong unang lumalapit."

Pagkatapos nilang kumain ay inihatid na siya nito sa sakayan bago ito umuwi. Habang lulan ng jeep, nakatingin lang sa bintana at dinama ang hangin ng siyudad ay napapangiti na lamang si Daisy sa isiping may bago siyang kaibigan.

Mula nang umalis siya sa university ay nawalan na siya ng contact sa mga kakilala niya noong highschool maging sa college dahil ayaw niyang malaman ng mga itong may mental illness siya at hindi mabuti ang pakiramdam niya. She was still medicating and recovering.

---x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top