PKL: Interlude 3
* * *
"So tell me, anong masasabi mo kay Lirio?" pang-iinterogate ni Daphne. Palibhasa, katatapos lang nilang mag-review ng lessons sa Physics. Kasunod naman niyon ang Trigo ngunit sumegway na naman si Daphne. Ayos lang naman kay Daisy, pahinga na rin nilang dalawa iyon. Baka nga, magpatulong sila kay Jenny sa Trigo.
Nandoon sila sa terasa ng bahay ng Alcueza-Evangelista. Magkasama ang dalawang pamilya. Two fathers and two daughters. The mothers were missing, but Daisy didn't ask Daphne about that, and it's better that way. The last thing she could do was to pry into their personal life.
Background nila sa baba ang kagubatan at iilang bahay di-kalayuan. Nasa uphill kasi ang malaking bahay ng mga ito. Mistula iyong kastilyo kapag nakatingala siya babang bahagi ng bundok. Kinukuyog kasi siya roon ni Daphne imbes na mag-aral sa school. Naiingayan daw kasi ang librarian kapag sa library sila.
"Hhhm, makulit siya. Attentive na kaibigan. Hinahanap niya ako pag wala ako sa school. Sabi ng iba, guwapo siya pero may ibang girls na nagsasabi na kapag tumawa siya o bigla na lang naging weird ang kilos, nasasayangan sila kasi baliw-baliwan ang lolo mo. Loko-loko kasi iyon." Natawa siya nang maalala ang isang eksena na hindi mapuknat ang mga ngiti ng batchmates niya noon nang makita si Lirio.
Itsurang mabango si Lirio noon pero bigla na lang ito nagchicken-dance sa harap ng bugnuting si Shawn at natatawang si Noah. "Nakaka-turn off raw."
Ginalaw ni Daphne ang mga daliri nito sa bilugang mesa at kunyari napaisip. "Yes, pogi siya. Pero pass, family friend namin. Guwapo rin mga pinsan niya kaso not my type."
"Kilala mo mga pinsan niya?" tanong niya.
Tumango ito at nagcheck-mark pa sa ere. "Yes, mga mayayabang ang ilan. Kung hindi man, nangangamoy pabling. May seryuso pero parang hirap lapitan sa aura. How about Clyde? Di ba nakikita mong magkasama sila?"
Clyde and Lirio liked music that's why their batchmates saw them jamming with their guitar and randomly sang in corridors. May pagkakataon ngang nasaway ang dalawa ng teachers kasi maingay raw. Sa corridor pa talaga na may nagkaklase pa.
"Si Clyde? Kay Garnet na 'yon." Pareho silang dalawa. Two musicians na himalang hindi nagkakasundo.
"Kidding. Ayos naman si Clyde. Nakikipag-apiran yan pag nakita ako na of course, di niya ginagawa kay Eden Sofia. Napuna kasi ni Eden 'yung maduduming kuko raw niya. Kawawang nilalang, na-judge sa kuko. Nagkakasundo kami sa music. Minsan na kaming nagkantahan na tatlo."
"Well, maganda naman ang boses ng dalawa. Mas malalim kay Clyde. Si Henry?"
Bakit ba lalaki pinag-uusapan nila? Trip na naman ng Daphne na ito.
"Henry? Si Aladdin at Romeo na rin ngayong year? Di ba magkasama kayo lagi noon?" tanong niya.
"Sa UN lang 'yon ano. Mukhang pagkain 'yon pag sumasama sa 'kin. So ano nga?" Kulang na lang magningning ang mga mata nito. Kapag narinig sila ng Daddy nito, tiyak na isasako nito si Daphne.
"Napapansin kong bet siya ng mga bakla. Alam mo na, tall, dark and handsome. Tapos artistahin ang dating kasi nga magaling mag-acting." Magaan ang loob ni Daisy kay Henry. Wala itong arte kagaya ni Lirio kaya nagkakasundo ang dalawa lalo na sa kalokohan.
"Si John Dale?" pagtanong nito niyon ay itinukod nito ang mga siko sa mesa. Pinagsiklop nito ang mga kamay at ipinatong roon ang panga nito. Sinasabi na nga ba, mapupunta talaga silang dalawa kay John Dale.
Natawa na lang tuloy siya. "Mabait. Wala kang maririnig na reklamo sa kanya."
"E ba't nagrereklamo siya sa 'kin?" nanghahaba ang ngusong tanong nito.
"Kinukulit mo kasi e. Saka thoughtful siyang tao. Di man halata pero tinatanong niya ako kung ayos ba ako. Seatmate ko kasi siya sa Physics. Di man kami madalas mag-usap ay nauunawaan ko. Mukha siyang may malalim na iniisip at ayoko namang mangialam kaya tahimik lang ako."
"Talaga?" Bakas ang kuryusidad sa mga mata nito. "Hay, kung bakit naman kasi nakakahalina ang dimple niya. Kahit di ngumiti, halata talaga."
"May dimple din naman si Lirio ah."
"Di ko nga type. Pareho kaming maingay. Baka sasabog ang mundo. Dito ako kay John Dale, tahimik at mabait. Sinasakyan ang trip ko."
"Di nga, close na kayo?"
"Ako nga ang gumagawa ng paraan para maging close kami. Tapang ko di ba? Di man siya magandang tingnan kasi nga babae ako, pero nasa modern times na tayo ano. Walang mangyayari kung walang gagalaw. Mukha pa naman 'yung torpe."
"Para sa 'kin, mas ayos pa ring maranasan mo ang suyuin pero nirerespeto ko ang pananaw mo."
"Kaya nagkakasundo tayo e, kahit na magkaiba ang views natin paminsan-minsan. High five." Nag-apir silang dalawa bagay na ikinahagikhik nila. Nakalimutan na ang pagtalakay sa lessons nila sa Trigo. "So what about Shawn?"
"Si Shawn?" Si Shawn na nakahanap ng katapat sa katauhan ng pinsan nitong si Jenny.
"Yeah, si Shawn Guillermo, the one and only. The SSG President." Gumalaw-galaw pa ang mga kilay nito. "Ay, wag na pala si Shawn. Baka kastiguhin ako ni Jenny. Sa kanya na pala iyon. Off-limits na si SSG boy natin."
Jenny suddenly showed up from the staircase few meters away from them, carrying a tray of food. Ang singkit nitong mga mata, na maitutulad sa Persian cat ay nakatutok sa kanila.
"I heard you two. And please, 'wag n'yong iugnay sa pangalan ko ang walangyang timawa na 'yon. Kinikilabutan ako." Maingat na inilapag ni Jenny ang tray na may dalawang tall glass na may orange juice at slices ng sandwich na mukhang ito ang gumawa. "Ganito ba kayo lagi? Topic n'yo mga boys?"
Daphne raised her finger. "Oyst! Not all the time, couz. Nagkataon lang na ito ang topic na nadatnan mo."
"Noong nakaraang araw lang e topic ninyo si John Dale ba 'yon?" Nakataas na ang kilay nito at kulang pameywangan ang pinsan nito sa patutsada ng huli.
Tumawa siya si Daphne. "Eh, eavesdropper."
Jenny crossed her arms. "Kaya hindi kayo natatapos sa pag-aaral dahil ito ang pinag-uusapan ninyo. Focus on the study task, okay? Mag-snack muna tayo. I prepared it and only to see you two, babbling about those useless boys? Go back to studying, girls."
With that, she went down the stairs.
"Tinarayan na naman tayo ng pinsan ko." Napangiti na lamang si Daisy dahil may punto naman si Jenny. Jenny just cared about Daphne's academics. "Nah, magtataka ka kung sasali 'yon sa usapan natin."
"Naiintindihan ko naman siya. Malas lang, tayong dalawa ang study buddy. Ikaw nangdi-distract e." biro niya na may bahid ng paninisi. Napainom tuloy siya ng orange juice.
"Oy, nakikisabay ka naman. So, the last man standing na tayo."
"Ha?"
"Si Noah." Muntik na siyang masamid sa iniinom na juice. Naibaba niya ang baso. Di niya alam kung bakit bigla na lang siya kinabahan sa paraan ng pagtingin ni Daphne sa kanya. Parang may napansin ang bruha. "So what's with you and Noah?"
"Hino-hotseat mo ako e," kompirma niya.
Daphne only gave her a smile, showing her complete set of white teeth. Her clef chin and apple cheeks were even emphasized. Magkaiba ang beauty ng dalawang magpinsan.
Daphne's eyes were round, while Jenny was chinky ones. Morena si Daphne. Maputi naman si Jenny, blame the Chinese genes from her mother. Jenny could be fierce and cute at the same time. Intimidating ang aura ni Jenny sa iba. May pagka-lukaret naman si Daphne. Two cousins, different physical features and different personalities.
"Shinoah Sagara," she said slowly, teasing Daisy who only just maintained her calm face and Daphne laughed about it. "Spill the beans. Naikuwento ko na ang tungkol kay John Dale. Wag mong itanggi dahil amoy na amoy kita."
Napangiwi na lamang si Daisy at napainom ulit ng orange juice.
That day, or more like almost evening. She told Daphne about the thing she hid from Berry. Unfair? Just that, Berry was not the prying type.
"Talaga? Titigan sa jeep nagsimula?"
"Balik na nga tayo sa Trigo. Mahuli pa tayo ng pinsan mo."
Pagkasabi niyon ay nakita nila si Jenny na may bitbit nang mga school materials nito.
"I don't trust you, two. I'll monitor you. I noticed that you were avoiding Trigo. Do I have to intervene for the nth time?"
Alam kasi ni Jenny na mahina silang pareho sa Trigo.
* * *
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top